23

Peter Laxamana
04:40 AM

Marian:
Anong ginagawa niyo sa labas

Peter:
Nagbibike kami te

Marian:
Alas kwatro ng madaling araw?!

Peter:
Nagkakape na nga sila Papa dito

Magkakape din kami!

Si Kuya Allen nangunguna

Marian:
Mukang papakilala mo si Jacob
sa kanilang lahat ah

Peter:
Natutuwa nga dahil hindi nalang daw si Yohan lagi kong kasama

Pinapatanong nga ni Papa kung gising ka na daw, ano sasabihin ko?

Marian:
Nag-aaral ako

Peter:
Wala ngang pasok

Ano inaaral mo te?

Ganda ng panahon. Diba gustong gusto mo tignan yung bangka bago umalis? Aalis na sila

Marian:
Ayoko ngayon kayo nalang

Peter:
Babalik kami dito mamaya
maliligo sa dagat

Sama ka?

Marian:
May trabaho ako

Peter:
Wala ka kayang trabaho
ngayong araw

Marian:
Ayoko maligo

Peter:
Kadiri

Marian:
SA DAGAT

AYOKO SA DAGAT

Peter:
Ayaw mo sa dagat? Eh kung walang dagat baka ikakamatay mo ate

Marian:
Ayoko lang maligo sa dagat
ngayong araw

Peter:
Intayin na daw pala namin magliwanag habang nag-aagahan

Si Mama bibili ng pandesal

Marian:
Alam ko, naririnig ko kayo

Peter:
Labas ka na ate, sige na

Toasted yung pandesal, nirequest
ko kay mama

Marian:
May ginagawa ako

Peter:
Bakit ako dati kapag nag-aaral ako tapos may ginagawa kayo, sinasabi mo lumabas ako kasi minsan lang naman mangyari

Ikaw din te labas na, tsaka bakasyon naman

Marian:
Oo na

Peter:
Ayan ganyan dapat!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top