18

Allen Suarez
12:00 AM

Marian:
Kung saan saan mo dinadala kapatid ko, kung sino sino tuloy nakikilala

Allen:
Nagddrive lang naman ako

Tsaka si Peter nagdadala kay Jacob kung saan saan

Nakarating nga sa may palaisdaan, sa may bangka din

Layo ng nilakad namin

Marian:
KAPAG YAN ALLEN NAKITA NILA PAPA IKAW MANANAGOT

Allen:
Ay hulaan mo kung sino nakasalubong namin sa may papasok sa dagat

Marian:
Sino?

Allen:
Tanong mo kay Jacob

Maayos naman siya kausap

Malakas pakilala ni Peter eh, sabi ba
naman tropa niya daw

Palibhasa nalibre na ni Jacob

Marian:
Allen, hindi yan taga dito

Pinapasok mo pa talaga sa isdaan eh mukang hindi yan naapak sa putik

Allen:
Muka namang wala siyang pakealam sa inaapakan niya

Yung literal ha

Marian:
Kahit na

Kilala pangalan nila sa malalawak na industriya. Kahit i-search mo apelyido nyan makikita mo na agad kung anong kaya nila eh

Allen:
Kung makapagsalita ka parang hindi ka nakaka-anggat din sa buhay ah

Hoy Marian check your privilege, baka masyado mong binababa sarili mo

Marian:
Sakto lang kami, may kaya

Eh sila nasa linyahan yung mga filthy rich na tao, o baka nga sila yon eh

Allen:
Ewan sayo

Anong magagawa nung tao kung ganon siya kayaman na may generational wealth? Maayos naman siya kasama, hindi naman nangmamata ng iba.

Marian:
Hindi pa rin mapapagkatiwalaan agad

Allen:
Baka naman yung issue nasayo na, hindi na dahil sa kanya

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top