Simula
Simula
Through these years, people still expect gemstones to shine proudly on the King's crown. That every time the ruler wears it, these stones should demand attention, even if the gold holding each is covered by dust.
Like the sun, touching and burning our skin, drying each of our very lands, and evaporating the waters in our rivers. The scorning is always the one seen. How about the warmth every time in our cold days? The beautiful mornings we see? And, the day we go on for the living?
When above is already surrounding you, someone will pull you over your dreams. That's the truth. Everyone can pull you from your dream.
Tumigil ako noon sa pagbabasa at napatingin sa bintana dahil sa ingay sa labas ng mansyon. The loud bang from its motor, nakuha ko agad iyon na may isang habal habal na paparating. O baka nakapasok na nga ng gate. Hinayaan ko muna iyon ngunit ilang sandaling pakikinig, napagtanto kong hindi pamilyar ang tunog na iyon sa nakagawiang motor na kadalasang bumibisita rito kay papa.
Hindi ko napigilan ang sarili at tumayo para silipin ito sa bintana.
I was the young girl who's been protected by a king, my father and two of its knights, my two older brothers. We're not from a royal blood, no. That's just how I described them from years of being overprotective, to the point where I feel like I am being caged already.
Pero ngayong wala rito ang dalawa kong kapatid, medyo nagkaroon ako ng malimitan na kalayaan. I was not very close to them because of our gap. Sobrang layo ng agwat ko nasundan ko.
The banging from its motor stopped. I had to use my toes to properly level eyes from the tall still of my window. Nang nakakuha na ng magandang suporta, nakita ko ang isang matandang lalaking kabababa lang sa motor. I had to think twice whether the old man is working for my father or not. Babalik na sana ako pero nahagip ko ang ama na nakasuot ng bota. A cowboy cap is on his head.
Nanatili ako.
Curiosity enveloped my thinking.
My room is at the second floor of our mansion. Medyo malayo ang distansya nila sa bintana ko. But somehow, the silence of the calm trees allowed their voices to travel freely.
Matagal ko nang inaasam na makalabas at makipaglaro muli sa labas ng malaking mansyon namin dito. Halos lahat ng ari-ariang nakikita ay nakakasawa na. At dahil nag-iisang babae, halos wala akong makausap bukod sa mga yaya at kasambahay rito.
"Kamusta na, Mang Boy?" maliit ang boses ni papa dahil sa distansya, pero sapat pa rin para marinig ko ng maayos.
"Maayos na po ang kabayo ni Senyorito Lhanz, Senyor."
Nanlaki agad ang mata ko nang marinig ang pangalan ni Kuya. Something poked me, and that's excitement. Dahil alam kong aalis si Papa. At alam ko ring may nangyari sa kabayo ni Kuya. Iyon ang sadya ng matanda kay Papa.
"Hindi pa naman uuwi rito ang anak ko. Aalis ako ngayon para bisitahin 'yon. Maraming salamat, Mang Boy,"
Agad na akong lumayo sa bintana para mahabol agad ang papa. My eagerness to go outside made everyone shocked. Wala naman talaga akong kilala sa labas ng mansyon bukod sa iilang batang pinapayagan ni papa na bumisita rito. Pero hindi talaga ako interesado sa kanila dahil gusto ko lang makalaya at makita ang iba't ibang tanawin ng lugar dito.
Leyte was never actually a place for people who grew up with wide cities. Pero dahil dito na ako lumaki, sa bayan mismo ng Hulatan, payak at simple lang ang mga mamayan. But I was not sure if we, the Sullivan family, were the only rich family in this province. I haven't got the chance to discover everyone yet. At masyado pa akong bata para alamin ang mga bagay bagay na ganoon.
"Oh, Jaivien?! Mag-iingat ka namang bata ka!" nagulat din si Aling Julia, isa sa yaya ko, nang makasalubong ko siya sa sala.
"Sasama po ako kay papa!" Wala sa sariling paalam ko sa kaniya.
"Sa 'yong papa?!"
Hindi na ako nag-abala ulit na lingunin siya at tinakbo ko na ang kahabaan ng sala. Tumigil lang ako noong batiin na ako ng teresa. The wide green lawn welcomed my eyes but I did not appreciate them because I was overwhelmed of something. At nang tuluyan nang nakababa, kumalma na ako at maingat ang bawat apak sa bermuda. The sharp leaves allowed my soft barefoot to feel its tingles.
Papa was still talking to the man. I even heard him mentoring the old man about something.
"Sige, Mang Boy. Salamat sa pagbalita. Pupunta agad ako ngayon," said my father.
I was already looking to the eyes of the old man whose directed towards me. Siya ang unang nakapansin sa akin bago tuluyang tumalikod si papa para tingnan kung sino ang tinitingnan niya. Tumalikod naman ang lalaki matapos tumango para magpaalam na.
Nanlalaki naman ang papa pagharap niya. Nahuli ko pang nahulog ang mata niya sa wala kong salpot na paa.
"Aalis po kayo, pa?" My sweet voice shrunk; shy that it might reach the already leaving old man's ears.
My father's eyes stayed.
I played my fingers behind me, praying that he'll allow me this time to be with him. Naka-ilang beses na akong sumubok dito pero kadalasan, umaayaw siya at napagsasabihan na marumi ang rancho na pinupuntahan niya. But his words encouraged me more to pursue seeing it. Every time his excuses were like that, curiosity always finds ways to get me.
Papa exhaled disappointingly. Alam na niya kung ano ang sadya ko sa kaniya kaya hindi ko na kailangan pang magsalita.
"Vien, hindi ka puwedeng sumama. Hindi pa puwede ang mga katulad mo roon. You know you don't want to associate with people like them. Marumi at amoy hayop din ang rancho. It's better if you just stay here."
Umiiling na ako hindi pa man siya tapos sa sinasabi niya. I didn't know how his words meant back then.
"Ayos lang iyon, pa." I smiled sweetly.
Maybe, from all the caging they wanted for me, I have become innocent how the outside world looks like. Or at least how they felt like. Masyadong marangya ang tingin ng pamilya ko sa sarili. That I wanted myself to step down, and feel the people striving in the ground. At siguro dahil sa mga pagpipigil nila sa akin ay ang nag-udyok na itulak ang sarili roon. I don't know why my father envisioned that.
Kaya sobrang tuwa ko isang araw noong sinubok ko ang sariling sumama sa kaniya at napapayag ko siya. Ilang buwan din yata 'yon. Dahil na rin siguro sa ilang beses kong pangungumbinsi, napapayag ko na ang papa.
I can still remember how I was so mesmerized after seeing people work in our big ranch. Medyo may kalayuan ang rancho namin sa mismong mansion dahil katabi ng rancho ay ang isang bangin, marahil ay daanan ng ilog. We were almost in the mountains, a steep one, I couldn't see the waters because of the healthy trees. Takot pa akong lumusong para silipin ang tubig na naririnig ko sa malayo. Baka mahulog pa ako at hindi ko na alam ano ang mangyayari sa akin. I don't even know how to swim.
"Anong ginagawa mo riyan?" A rogue hard voice of a man behind me made me jump.
Napalingon agad ako sa takot na baka itulak ako. But my eyes widened after seeing him, a tall young man, without upper clothes, standing behind me, eyes were strong and giving warning. Medyo sunog ang balat niya pero bumabagay lang iyon sa itsura niya. May mga tuyo ring putik sa kamay niya at ang maong nitong shorts na hindi maganda ang mga punit sa dulo ay may marka rin ng dumi.
"I-I was just checking po the cliff," I said sounding a bit terrified because of how his looks were warning me.
Napatingin pa ako sa baba ng bangin pero halos hindi ko na makayanan iyon.
I don't know this guy. But based from his looks, and the way he dressed himself, paniguradong isa ito sa mga trabahador ni papa. My father's men were excavating the other side of the ranch, where some trees were being transferred. At siguro, itong lalaking ito ay may sinadya lang dito kaya natagpuan niya ako.
Tumango-tango agad ako sa kaniya para ipaalam na hindi ko itutuloy ang balak kong tingnan ang tubig sa ilalim nitong bangin. At hindi rin ako makatingin sa kaniya. Lalo na noong magsimula na akong lumakad palapit sa kaniya, pabalik na sana ng rancho.
It was my first time seeing a young man whose eyes was without respect, with no sense of delicate, when looking towards me. Sanay akong puro may pag-iingat ang tingin ng bawat taong nakapaligid sa akin. Inisip ko nalang na baka hindi ako kilala nito kaya naintindihan ko ang iginawad niya.
"Anong ginagawa mo rito?" narinig kong muling tanong nito, nalampasan ko na siya.
Kinabahan agad ako. I was never blessed with good communication skills. Dahil iyon sa masyadong pagpoprotekta ng ama ko sa akin, at ng mga Kuya ko. Kaya halos tuwing may nakakalaro ako, para akong may sariling mundo kahit na panay ang salita para kausapin ako ng kalaro ko.
Hindi ako luminong sa kaniya nang sumagot ako sa kaniya.
"May tinitingnan lang ako sa baba..."
"Tinitingnan?" his voice was hinting something.
Hindi naman ganoon kakapal ang gubat sa kinaroroonan namin ngayon. Maliban lang sa bangin pero masyadong matahip iyon.
Tumango ako, hindi pa rin humaharap sa kaniya. That's when I heard his un-heartily chuckle.
"Umalis ka na nga rito!" Taboy naman nito.
Hindi ko inaasahan iyon kaya napaharap ako sa kaniya. There I saw the anger etched on his eyes. Like a true devil, winged man, ready to prey its predator. Pero hindi ko alam bakit hindi ako natakot doon. At may kung ano pang nag-udyok sa akin na lapitan siya at paamuhin ang galit nitong mukha.
I was very innocent of things that like of the stories I've had watched, like a princess lost in the dark forest, founding a beautiful beast, can calm when a palm reach its soul.
Pero nagulat ako nang alisin ng lalaki ang panga nito nang subukan kong hawakan siya. Mas lumalim din ang diin nito sa kaniyang mukha.
"Jaivien! Sino 'yang kasama mo?" I heard Aling Julia's voice nearing. Pinasama ito ni Papa para mabantayan ako rito pero noong nagsiesta sila ng kakilala niya sa rancho, nagkaroon ako ng pagkakataong maging malaya.
The man's voice flew immediately to the old woman probably near behind me. Hindi parin nagbabago ang galit nitong ekspresyon.
"Ano ka bang bata ka! Kung saan ka nagpupupunta!" naririnig ko na ang pagkawasak ng mga tuyong dahon habang papalapit siya.
"Umalis ka rito dahil amin ang ari-ariang ito." Sabi ng lalaki sa akin bago ito tuluyang umalis.
What he said was a question. Pinanood ko ang pagkawala niya sa mga puno papunta kung saan bago ako tuluyang nahanap ni Aling Julia. Her hand immediately grabbed my arm and pulled me away from where we were.
Hindi ko maintindihan ang sinabi niya dahil ang alam ko ay lupain namin ang puwesto kung saan kami nagtagpo. At iyon din ang sinabi sa akin ni papa noong tanungin ko siya dahil hindi mawala-wala sa utak ko ang huling sinabi nito.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko. You should just stay here, anak. Delikado para sa iyo ang rancho. Marahil, kung sino man ang nakausap mo, isa iyon sa mga bandido. They are our enemies. Sila ang pumapatay sa mga hayop natin doon."
"P-pero he claimed that it's theirs, papa." I said, remembering the young man's words.
My father's eyes only looked at me with wariness. Parehong nakaangat ang kaniyang dalawang kilay. Nasa hapag kami ngayon kumakain ng dinner at tungkol doon agad ang binuksan kong usapan sa kaniya.
"Maiintindihan mo rin balang araw," he only said.
Nakaakyat na ako sa kuwarto at paghiga ko sa kama, inalala ko ulit ang mukha ng lalaki. Gusto kong pagbalik ko roon sa rancho, kahit pilitin muling ayawan ni papa, gagawan ko parin ng paraan. I will try to reach out to him. Na baka nga nagkakamali lang siya. Dahil sigurado ako na totoo ang mga salita sa akin ni papa.
Nakatingin ako sa dingding at binabalikan ang naganap kanina. At kahit na mabilis lang ang naging tagpo namin, I could still recall his face. Maybe because I focused on him too much one time. Iyong dadamain ko sana ang panga niya. I tried retracing his lines in my imagination. From the way his nose was pointing, to the way his eyes was similar of a hawk's. And the sweats and dirt he had on his body. He's a good looking man. Or maybe more than a good looking man?
Kinagat ko ang labi ko nang muli kong inalala ang kaniyang itsura.
Oh my...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top