Ikatatlumpong Kabanata
Ikatatlumpong Kabanata: Drive
Noong una, akala ko pa sa likod ko ang kaniyang tingin. But there's nothing behind me except for a wall. Na alam kong imposibleng iyon ang pagkaabalahan niya. Kaya nang malaman ko iyon, para akong nakakita ng multo.
Then I thought, why do I have to be nervious? Kung tutuosin, siya nga dapat ang hindi kumportable sa aming dalawa!
Pero nabalik ang atensyon ko sa kaharap. Napansin yata ni Johnrey ang biglang pagkabahala ko dahil nagtanong siya kung ayos lang ako.
I tried to smile.
"Wala lang. I just remembered something," palusot ko. Pero sumunod parin ang tingin nang bumaling siya sa kanilang lamesa.
My eyes immediately settled to where Novales is seated. Pero 'di gaya kanina, nasa baso na ang direksyon ng kaniyang mga mata. And the way he looked at it was familiar. Kita ko sa mga mata nito ang pagiging seryoso, na para bang may palaisipan doon na hindi niya masagot. Like he can't think of anything else or something.
Pero mabilis akong nakabawi dahil agad humarap si Johnrey sa akin.
I showed him my smile as if nothing happened.
"Maingay talaga ang aming lamesa. You'd get used with them once you start to get along. Mababait naman sila." natawa pa siya.
Hindi ako sumagot at pinanatili lang ang ngiti sa kaniya.
Now that he's told me that, I suddenly wanted to be free. And as much as I'd like him to be shooed away, my heart is pure to not to be rude at him. That's why he stayed while Nelsa's still busy with their customers. Ang ginawa ko lang siguro sa mga minutong iyon ay ang buksan ang cellphone para magbrowse ng mga walang kuwentang bagay. I even tried reading unrelated articles of anyone who's getting my attention.
Lumipas din ang oras na hindi ko muling binabalik ang tingin kay Novales.
Tuloy-tuloy iyon hanggang dumating si Nelsa. And I wasn't being rude to Johnrey dahil maging siya ay naging abala sa kaniya.
"Hi? Pasensya na talaga, Vien. Buong akala ko, makakaligtas ako ngayong gabi." Si Nelsa.
Nakaangako sa kaniya ng tingin.
"Well, I guess I need to be back in our table?" si Johnrey naman
Hindi bumaba ang atensyon ko.
Nelsa was the one who nodded and thanked him before he left. Hindi na ako nag-abala pero nang maka-upo na ang kaibigan, agad nasaktan ang braso ko dahil sa sunod-sunod nitong paghila.
"Huy! Anong pinag-usapan n'yo?! Ang tagal, a! Shet!"
Umirap agad ako.
Her eyes were like in big 'O'.
"Sige na! Kuwentuhan mo ako-"
"Wala kaming pinag-usapan. 'Tsaka, hinaan mo nga boses mo. Nakakahiya." My eyes tried to look around while I said that. Wala namang may nakatingin.
"Kayo na?"
Mas lalong dumiin ang pagkunot ng noo ko.
"Shems, boyfriend mo na?!"
Umiling agad ako. Ano ba ang mga pinagsasasabi nito? Lahat ng mga paratang niya ay agad kong pinapabulaan.
Thankfully, when Nelsa's dinner was served, her questions toned down. Mabuti na lang dahil talagang mapipilitan akong takutin siyang uuwi ako. Though I knew I wouldn't really do it but I could if she continued. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa phone habang hinihintay na matapos siya.
Hindi ko na rin binalik ang tingin sa lamesa nina Novales. Para ring magnet itong mga mata ko ngunit napapaalalahanan ko ang sarili.
When Nelsa was done with her meal, we also had our drink on the table. Kontrolado ko lang ang pag-inom ko. I am not the type to drink a lot, pero kung sasadyain, puwede akong uminom ng higit pa. But tonight is isn't the right time.
"Magpopoweder muna ako. Susunod ako sa 'yo sa labas." paalam ko kay Nelsa, pareho na kaming nakatayo sa aming mga puwesto.
Tumango siya at giniya pa sa akin ang direksyon ng comfort room.
Nakuha ko agad iyon. There were signs too to guide me properly.
Maaga pa naman ang gabi. Pero nagdesisyon na akong umuwi dahil gusto kong makatulog ng maaga. Wala naman akong gagawin bukas bukod sa trabaho pero dahil weekend, 'di ko kailangang gumising ng maaga.
Sullivan Trading will be open by eight. I am not the one who has the keys and I could really own my time if I wanted to but for tomorrow, I wanna spend a little too late. Halfday lang naman ang trabaho.
Mabilis lang akong nag powder. Tiningnan ko lang din ang sarili sa salamin pagkatapos ay agad nang lumabas.
Saglit ko ring hinanap si Novales nang mapadaan sa lamesa nila pero wala akong nakita. I haven't actually seen him even before I stood up. Si Johnrey lang ang kumaway nang makita ko siya at aamba pa sanang tumayo pero winagayway ko agad ang mga daliri.
Nang marating ko ang parking, dumiretso agad ako sa maliit na Vios ni Nelsa. It was parked two cars away from the hotel their bar was built with. Nakapasok din agad ako.
"Grabe, gusto mo ulit tayo?" si Nelsa, binubuhay ang makina.
"Ang dami ninyong customer."
"Alam mo na. Pumutok yata ang balita na may mga bachelor na pupunta sa bar kaya dumami. Usually talaga, people would come by at around ten or eleven. Basta mga ganiyang oras. Kaya tingnan mo mamaya, mas dadagdag pa 'yan,"
Pababa na kami palabas ng parking nang huminto muli ang sasakyan dahil sa isang nasa harapan namin. Bumusina pa ito pero tinugunan lang ng ni Nelsa ng ganoon. Kaya sa huli, the ash white SUV, or something like that, in front made its way before us. Patuloy lang din kami sa pag-uusap habang nasa biyahe. At dahil gabi na, mabilis naming narating ang tapat ng building ko.
"Ugh! Lasing sana tayo ngayon!" Natatawa si Nelsa habang pinapatay ang sasakyan nang nasa tapat na kami ng building ko.
Natawa rin ako at binalingan siya.
Kung tayong dalawa lang siguro, puwede pa.
Mabilis akong nagpaalam at agad bumaba. Bababa rin sana siya pero pinigilan ko dahil bibiyahe pa siya pauwi. Isa pa, diretso sa pagtulog agad ang gagawin ko ngayon. I suddenly wanted to sleep now after calling this a night.
"Ulit tayo, a?" sigaw ni Nelsa, nakababa ang salamin ng bintana kung saan ako lumabas.
I gave her an approved thumb before pointing at her front. May sasakyan pala sa likod. We probably occupied the road.
"I-text mo 'ko kung nakauwi kana!" dagdag ko pa saka tuluyan nang umikot para umakyat.
I even heard her beeping before finally leaving.
Nakatulog din ako agad ng gabing iyon. Wala na ring Novales na bumagabag sa aking pati noong nasundan ang mga araw ko sa trabaho.
The only thing that's really bothering me now is Johnrey constantly messaging me. Minsan tumatawag pa. Sinasadya ko nalang na hindi sagutin dahil wala naman kaming mapag-uusapan. And I know he wanted to score. Dahil napag-usapan namin iyon ni Nelsa nang buhayin ko muli ang topic tungkol doon isang araw nang maisipan naming mag-lunch out.
Nasa isang lamesa kami malapit sa sulok sa loob ng isa sa mga popular na restaurant ng Tacloban. Served on our table were some of their famous grilled seafood. At ngayon, pinag-uusapan namin ang tungkol kay Johnrey habang kumakain.
"Narinig kong diamond breaker lang talaga siya," si Nelsa matapos kong ikuwento ang mga kadalasang pagtawag ni Johnrey.
Kumunot ang noo ko. 'Di nakuha ang sinabi.
"Diamond breaker..." she pointed.
Tinigil ko ang paghihiwa ng squid para mag-angat ng ulo sa kaniya.
Ngumuso si Nelsa sa akin. Then I realized her lips were pointing at my body, from my breast, down to what's in between my thighs. Nakatago sa ilalim ng lamesa ang kalahati ng katawan ko kaya tumatalon ang ulo niya para maituro ang talagang tinutukoy. At kung hindi pa sasabay ang kamay nitong may hawak pang natinidor, hindi ko makukuha ang sinasabi niya..
My eyes widened from that actualization.
Being a Sullivan, and being one who's been under the shadows of men, I grew up not openly aware about reality. Nabadbaran lang siguro ang utak ko nang magkolehiyo, which was a positive aspect of being a woman for me. Dahil kung mananatiling blangko ang isip ko ng ganoong bagay, mabilis akong mauuto ng sinumang lalaking pipiliin ko.
And that's why Novales and I got everything this way. Dahil masyado akong walang alam at mabilis nagpapaniwala sa mga sinasabi nila.
Lumipas ang ilang linggo, naging maayos ang takbo ng mga araw ko sa Sullivan Trading. Si Nelsa ay naging abala rin. Nasabi rin niyang luluwas siya pa Maynila kaya magiging tahimik muli ang mga araw ko. And to keep myself away from that light, I had to rearrange my schedule.
Kaya nang lumuwas na si Nelsa, binibisita ko na ang renovation sa dating building ng Sullivan Trading kahit nasa south part iyon ng Tacloban. Malapit lang din iyon sa isang mall kaya tuwing naabutan ng dilim, doon nalang ako nag-d-dinner. It became convenient eventually dahil may taxi rin sa labas. Hindi mahirap lalo kung inaabutan ako ng gabi.
At dahil ilang beses ko na ring hindi naaabutan ang kapatid sa bawat pagbisita ko sa site, naisipan kong i-dial ang numero niya, nasa loob ako ng unit pababa ng hagdan isang gabi.
"Vien..." napatingin ako sa screen nang marinig ang pagtawag niya.
I turned the speaker on.
Dumiretso agad ako sa kitchen nang makababa ng hagdan.
"Kuya, kailan ka pupunta sa dating building ng ST? Sabi ng mga nasa construction, ilang linggo ka nang wala. Nasa Maynila ka?"
I layed the phone on top of an island counter. Naririnig ko naman ang kapatid kaya sinimulan kong kuhanin ang mga kakailanganin kong gamit sa pagluluto habang nagsasalita siya.
"I am. Bakit ka pumupunta roon? Is there any problem?" sabi niya nang nasa kalagitnaan ako sa pag-abot ng iilang panghalo.
Lumingon ako kung saan ko nilagay ang phone.
"Wala naman. Gusto ko lang tingnan kung ano na ang nangyayari. And Nelsa's in Manila. Wala akong ginagawa kaya naisipan kong pumunta nalang doon. Akala ko nasa Leyte ka pa."
"May inaasikaso lang ako. Babalik din ako agad. Hopefully with someone,"
Hindi na rin humaba ang aming pag-uusap. I told him I was preparing for dinner and he, too, has to do some errands. Kaya matapos ang kaunting kamustahan, naging abala na rin ako sa paggawa ng muffin. And the muffin I'm gonna be doing is from an already mixed one product. 'Di pa rin ako ganoon kagaling magluto. Bukod kasi sa labas, kadalasan, canned goods at ibang easy-to-do food ang mga binibili ko sa sarili.
At ngayon ko lang din nalaman na marami pa palang kulang ang utensils na mayroon ako.
So when afternoon came the next day, it has been pinned already in my head.
Inaayos ko na ang dadalhing shoulder bag nang bumukas ang pintuan ng maliit kong opisina. Si Ate Corry lang pala.
"Ate, magtatagal ba kayo mamaya?"
"Hmm? Bakit, hija? Aalis ka ng maaga?"
Nahuli ko ang pagbaba ng kaniyang tingin sa lamesa.
Tumango ako at bahagyang inangat ang bag para ipakita ang ginagawa kong paghahanda. "Mauuna muna ako sa 'yo, Ate Cory. Bibisita rin ako ng site pagkatapos didiretso rin sa department store."
Gumalaw ang kaniyang ibabang labi 'tsaka tumango.
"O, sige. Wala ka bang ibibilin ngayon?"
"Wala naman po. Pakisabi na lang din na baka hindi na rin ako makabalik pa dito. Pakisabi nalang po sa iba."
"Sige, sige. Mag-ingat ka."
May kinuha lang sa loob si Ate Cory saka muling lumabas.
Ate Cory is already in her mid-forties or something. Dahil matagal na rin siya na naging katiwala, dati pa noong si Papa pa ang nag-aasikaso nitong Sullivan Trading, parang agad ding magaan ang loob ko sa kaniya. Siguro na rin dahil sa gaan niyang makitungo. Which she could probably pass as an Aling Julia for me.
Dumating ako ng site saktong mag-aalas kuwarto trenta. Mabilis lang ako roon at agad pumasok sa mall, maghanap na ng mga karagdagang gamit. Pero mukhang magtatagal pa yata ako rito dahil agad akong nalibang nang may makita akong mga magagandang damit na puwede kong masuot.
I looked at the time and thought that it's still early. Mabilis lang naman ito.
"Yes, Ma'am, bagay po 'yan!"
"I think this is fine," pinakita ko ang iilang mga casual dress na mga nakuha. I even gathered some simple shirts with it.
"You can try po that red bikini. It will probably look good on you, Ma'am. Lalo na dahil makurba ang katawan ninyo,"
Napaangat ako ng tingin sa tinutukoy ng sales agent.
The bikini is too daring. Kahit ngayong nasa manikin pa lang ito, alam ko nang hindi ko iyon kayang maisuot. But then I remembered Nelsa. She loves things that's evocating. Lalo na kung pagpapakita ng balat.
I sucked my lower lip before finally agreeing.
"Uhh, 'yong small size lang," sabi ko
Mabilis na inasikaso ng nag-assist sa akin ng mga bibilhin. I took a couple of thousands from my wallet then proceeded to the second floor where I am supposed to go.
Doon din nakaain ang oras ko nang hindi ko man lang napapansin. Maraming mga muwebles ang umakit sa aking mata. Kung hindi ko lang maaalalang nasa condominium lang ako, 'di ko na alam ano ang gagawin ko. And I don't even have with me a car to bring everything at one.
Nasa mga accessories na ako nang mahagip ng aking tingin si Novales sa may counter. He's in his corporate dressshirt and black pants. Nagbabayad siguro ng mga binili kaya naroon.
Babalik na sana ng tingin ko sa stall kung saan may hinahanap ako when my eyes noticed his Saint Laurent wallet! Muntikang mang umawang ang labi ko sa nakita!
I know the brand! And I know the worth of that wallet!
Papa and my brothers have that!
"Ma'am? I-dedeliver nalang daw po ang iba. Ang stock na napili ninyo ay on delivery palang kasi."
Bigla akong natauhan nang dumating ang lalaking nag-aassist sa akin. Wala sa sarili akong tumango. Gulat parin sa nakita.
"Uh, Ma'am," tawag muli ng lalaki.
Naagaw ulit ang atensyon ko. Bumaling ako sa kaniya na ngayon ko lang napansing lumayo pala siya sa akin.
"Uh, ano kasi, Ma'am, kailangan po naming kunin ang address ninyo. Puwede po kayong sumunod para mailagay po namin ang delivery address ng items."
"G-ganoon, ba? S-sorry,"
"Sa counter nalang po tayo Ma'am," saad niya.
Nanlaki ang mata ko sabay baling sa counter kung nasaan si Novales. And I'm suprised he isn't done with whatever he's up to there. Halata pa ang mga cashier na naroon na nakikipagharutan lang sa kaniya.
Bumaba ang tingin ko sa lalaki na roon patungo ngayon.
Tadhana. Marunong makipaglaro ang tadhana.
Isang baling galing sa lalaking nag-aassist, humakbang na ako para sumunod. And those were the steps I took that seemed so heavy. Kung puwede lang hindi ako sumunod, 'di ako magpapatianod.
"Ayos lang, sir. Wala naman pong nakapila rito sa counter." narinig kong sabi ng isang babae sa cashier.
Diretso lang ang tingin ko sa lalaking nagpapatulong na ngayon sa isa pang babae na nasa loob din ng counter. The girl was looking at a folder while the one who's assisting me is guiding her.
Tuluyan na akong nakalapit ng counter. Naramdaman ko pang nahinto si Novales sa pakikipag-usap dahil sa pagdating ko.
But I kept my chin up as if I was unacquainted with anyone. Lalong-lalo na... sa kaniya. I even moved my eyes to take a glance. Ginawa ko iyon habang pinapakita ang mapanghusgang mga mata, sinusuyod siya mula ulo hanggang paa.
Antipatiko.
Pero agad kong binawi ang tingin nang bahagya siyang lumingon sa akin. At mukhang babatiin pa yata ako ng gago! Or if that's his intention! Parang bakal na tumigas ang leeg ko.
'Di ako lilingon kahit tawagin pa ang pangalan ko.
"Uh, sir, ang galing n'yo po talaga. Na-achieve ninyo sa ganyan ka batang edad ang pagiging abogado, 'no?" narinig ko.
Ang mga mata ko na ay nasa lalaking tumutulong sa akin. Nasa dulo na ito ng stall ng cashier at dahil kinakausap ng cashier si Novales, kailangan ko siyang lagpasan para makalapit sa lalaki.
At dahil may gusto akong ipalaganap, ang paghakbang ko palapit ay may kudlit ng yabang. I bent my palm, laces of the paper bags at the fingers, blending into the stunt I am portraying.
"Ma'am, heto po ang kailangan ninyong ma-fill-up-an,"
Nakalagpas na ako.
Kinuha ko agad ang papel na ini-abot sa akin.
Sa isip ko ay nakatingin si Novales sa akin.
Kumurap-kurap ako na para bang lumabo ang tingin nang subukan kong basahin ang papel. I tried hard to comprehend the sentences. At sa huli, tumang ako na para bang naintindihan iyon kahit ang totoo ay wala.
"Ito lang po ba?" sabi ko, saglit na inangat ang tingin sa lalaki pero nahulog agad sa mga papeles.
"Yes, po, Ma'am. Kailangan n'yo lang pong ma-indicate ng maayos. Kami na rin po ang bahala sa lahat."
Tumango ulit ako at tinuro gamit ang kamay na may hawak na paper bag para masulat na ng maayos ang mga kailangang impormasyon. Nasa isip ko pa rin na nakatingin sa akin si Novales kaya muntik pa akong magkamali.
At gusto ko ring magmura dahil habang ginagawa ko iyon, naaamoy ko ang mamahaling pabango ng lalaking kanina pa pinagnanasaan ng mga babae rito. Gusto kong magmura hindi lang sa kaniya, kun'di na rin sa sarili.
"I'm done," sabi ko, pahirapan pa ako sa pagtapos.
"Maraming salamat po, Ma'am Sullivan,"
"No worries. Maraming salamat din sa pag-aassist." at sa unang pagkakataon, binalingan ko si Novales na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis.
Ano ba ang ginagawa nito rito? Wala naman akong nakikitang may kailangan siya. Don't tell me ako ang sadya niya? Because if so, he'd have to kneel with roses full of thorns.
Muling tinawag ang atensyon ko ng lalaki para sa huling mga sasabihin. Tumatango ako sa mga sinasabi nito.
At nang matapos, nagdesisyon akong dito na mag-dinner.
Gusto ko tuloy matawa.
I hope I was able to entail something. Kung may kapangyarihan lang siguro akong malaman kung ano ang nasa isip niya, mas nakakatuwa oa. Sana pala tinarayan ko siya nang alam kong naka-direkta ang tingin niya para mas lalo niyang madama na ayaw ko sa presensya niya.
And... he became arrogant!
Talagang ipagmamayabang pa niya ang mamahaling gamit niya! Department store! Para lang sa isang department store! And for sure, that woman didn't get it. Normal people won't know things that're so expensive!
Halos paubos na ako sa kinakain ko sa isang Italian Restaurant ng mall nang mapansin ang mga iniisip. Literal na natigilan ako sa kinakain nang mapuna ko iyon.
"Ma'am, water po?" tanong ng isang waitress.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka umiling.
Why would I backstab him that way? At bakit parang sobrang apektado ko yata sa kaniya? E wala naman siyang ginagawa.
Our past has been buried now.
Agad akong lumabas ng mall nang maubos ko ang meal. It was only a light one. Pahirapan pa nga ako sa pagnguya sa mga iniisip ko kanina.
Pero nasa boardwalk palang ako ng mall, napansin ko na na wala nang taxing nakaparada sa tapat ng annex. But I overlay my doubt until there's actually nothing in their usual parking spot.
Nasa tapat na ako ng annex, na kadalasang pina-parkingan ng mga taxi cabs, pero mukhang abala yata lahat ngayon.
Tanggap ko nang hindi ako makakapag-taxi ngayong gabi. At handa na ring bumalik sa tapat ng lagusan ng mall nang pag-ikot ko, si Novales agad ang nakita ng mga mata ko.
My eyes instantly drew circles after seeing him.
Gaya ko, nasa labas na rin siya ng mall pero siya, mukhang palapit yata sa SUV mukha ring mamahalin. Nakatapat doon streetling ng mall kaya kita ko ang ash gray nitong kulay.
Bumalik ang tingin ko kay Novales na natigilan na sa paglalakad. At sa paraan ng pagkaka-anggulo ng kaniyang ulo, mukhang hinihintay niya akong tumuloy sa gagawin ko.
I thought he had gotten home! At hindi ako ngayon handa na makita niya!
Nasa mga daliri ko pa ang mga paperbag nang i-angat ko ito para lang dumausdos patungong braso.
"Vien, ihahatid na kita," narinig kong sinabi niya.
Hindi pa rin ako humahakbang.
Nakita kong gumalaw ang kaniyang binti kaya hinintay ko muna iyon. Nang tumigil siya sa tapat ng SUV na tinutukoy ko, lumingon siya sa akin, and this time, the lights allowed me to see his now chiseled face and his bulkier figure.
Wala siyang ginawa nang makita niya akong nakatitig sa kaniya. Ako rin ay hindi nakagalaw, wala ring alam sa susunod na gagawin.
"I'll drive you home. In your condo. Ihahatid lang kita." ulit niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top