Ikatatlumpo't Tatlong Kabanata
Ikatatlumpo't Tatlong Kabanata: Tears
I'm dead sure that the both of us were intimidated against each other. Bumubulusok ang pakiramdam ko habang nasa loob kami sa elevator. Pero napawi rin nang pagbaling ng ulo ko, kunwari ay tinitingnan ang gumagalaw numero sa may bandang kanan niya, I immediately doubted my thoughts,
The way his long legs stood his body, my gaze climbed to see his front stomach up to his chest protruding from inside his dress shirt. Nahagip ko rin ang nipis ng kaniyang labi. Wait. I'm the only one who's getting the feeling, huh?
Gusto ko agad pabulaan ang naisip. I pushing my chest up and lifted my chin. I must be the one confident between us! I also did thinned the lines of my eyes in a fractional measurement, thinking I'm doing it with class. Bahagya ko ring pinanguso ang labi pero nang makita ang sarili sa repleksyon, napansin ko ang case na sumisira sa disposisyon ko.
Great! Why did I brought this handleless case?
Hinawakan ko nalang ang ulo nito sa pamamagitan ng pag-ipit gamit ang gilid ng hintuturo at ng hinlalaki. Only to realize that it was a stupid stunt. Dahil nabasag ang binubuo kong tindig nang dumulas iyon sa pagitan ng dalawa kong daliri.
My eyes immediately found Novales's when I turned to see him.
"I'm sorry," sabi ko agad at yumuko para damputin iyon. Hindi sinasadya ng mata na masuyod muli ang mahaba niyang binti. His round thighs are fitted perfectly on his black pants.
"Are you alright?" tanong niya, bahagya pang nakababa ang katawan nang mag-angat ako ng tingin.
Tumayo agad ako.
"I'm fine," paalam ko, hindi muling binalik ang mata sa kaniya.
I'm thankful nothing got thrown away. Dahil sobra na siguro kung mangyari pa ang bagay na iyon. Once is enough. Twice could be acceptable.
Sunod-sunod na tango ang ginawad ko. Nakapikit ang pa ang mga mata, masking my stupidity by raising my two brows. Umayos din agad ako sa pagtayo at panakaw na sinilip kung nasaang floor na kami. Ilang palapag na lang naman.
"Thank you," sabi ko sa matigas na boses, tinatago ang hiya habang yakap na ang case. Pinanatili ko ang mata sa pintuan.
Sandali siyang natahimik.
I could see his reflection telling me that his attention got diverted towards me.
Gusto ko sanang bumaling at magsalita pero bumukas ang pintuan ng elevator para sa mga bagong panauhin. I stepped to my left when two men entered. May mga babae ring humabol kaya agad din kaming napuno sa loob. All of them seemed to be like one of those college students. I maneuvered my eyes and saw Novales at the other end. His eyes were pasted on me. Pinutol ko agad ang tingin ko sa pamamagitan ng paglingon sa direksyon ng pintuan.
I couldn't concentrate that whole morning. Binigay ko lang ang mga dokumento ko sa kanila noong gawin ko na ang proseso. They also provided me the details but everything was a blur. Naging okupado kasi ang utak ko dahil sa tagpo. Iniisip ko, papaano kapag palagi ang pagkikita namin sa elevator? Would our scene be always that way?
Alam kong may gusto akong klaruhin sa kaniya at siguro, magagawa ko ang bagay na iyon kapag kumportable akong kaharap siya. Hindi itong ganito.
"Alam mo ba hanggang kailan 'yong mga attorney ng firm n'yo rito sa Maynila?"
Pasado ala-una ako nakabalik sa unit. Sa labas na rin ako nag-lunch at nagdala lang ng pagkain para sa kaibigan kong buntis. I was just done changing to my comfortable clothes, kalalabas ko lang galing sa pinahiram niyang kuwarto, kumakain sa kusina si Nelsa nang itanong ko iyon.
"Si Attorney Argales ba?" narinig ko siya.
Sa pangalang binanggit, hindi ako lumingon. Wala na ring balak sagutin kaya pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa isang bean bag chair habang nakaangat ang dalawang siko dahil sa tinataling buhok.
"Vien!" narinig ko sa kaniya. "Pero alam mo, hindi ako sigurado. Baka, yata? Alam mo na, kasama siguro sila ni Papa. I just heard that they're on a case or something. Bakit-teka, wait!"
Nagbingi-bingihan ako. And she probably knew I wasn't going to answer.
Paupo na ako sa bean bag nang makita ko si Nelsa na nakatayo na sa dibisyon ng living at kusina. At dinala pa talaga ang plato ng kinakain niya.
"Don't tell me nagkita kayo kanina?"
"Come on. Alam mo na siguro ang sagot diyan," umirap ako at tuluyang hiniga ang likod.
"Totoo?!" Nahuli ko ang paglaki ng kaniyang mata.
Umirap ulit ako.
"Vien! Ang kailangan diyan siguro, mag-usap na kayo! That's destiny, woman!" Sinusundan ko siya ng tingin habang binaba niya sa katabing coffee table ang dala. Agad niya rin akong hinarap nang mabitawan ito. "Pero ang tanong, baka may girlfriend na 'yong tao?"
"Mayroon na." sagot ko agad.
Agad nagbago ang paraan ng titig niya. I stayed and watched her. Pero kalaunan, nahulong din ang gilid ng kaniyang mga labi at sinabayan pa niya ito ng pag-angat ng dalawang kilay. "Sa bagay nga naman. Men can't pleasure themselves alone. Kailangan may..."
My eyes norrowed at her then fell to see her fingers gesturing something I immediately recognized as vulgar.
"Ang bastos mo!" sigaw ko.
"Napaka-virgin naman nito!" tawa niya.
At tuwang-tuwa pa siya!
I tried to grab my slippers, which I just borrowed from her, when she pressed the tip of her forefinger to her thumb, again, imitating a hole, as her other one tries to tresspass in! And I know it's meant something! Sa paraan din ng pagtawa niya!
Sinapit namin ang hapon ng araw na iyon na puro pag-iilag lang ang ginagawa ni Nelsa nang subukin kong ipaalala ang natatanging problema niya. She kept on denying whenever I initiate her to message Orly or to at least try to contact him. Dalawang araw siguro ang lumipas kasabay ng pabalik-balik ko sa BGC nang mapilit ko siya.
We were having our dinner.
Bumili lang kami ng pagkain sa labas dahil parehong hindi pa gaanong marunong magluto. Nelsa was having her cravings when I handed my palm open. Nasa kaniya ang mga tingin ko kaya kita ko ang pagbaba ng mata niya.
"Oh? Ano 'yan?" tanong niya bago binalik sa akin ang tingin.
"Give me your phone," kasunod ng pagkasabi ko noon ay ang pagkunot ng kaniyang noo. "Dali na! Ako na kakausap kay Orly,"
"H-huh? Para saan?"
Irap ang sinagot ko sa kaniya saka dinampot ang kaniyang phone na nasa sabi lang ng kaniyang plato.
I had messaged his other half regarding this talk between them. Hindi ko lang sinabi ang tungkol sa dinadalang tao ng kaibigan pero alam niya nang may balak si Nelsa na kausapin siya. Kaya hindi na rin magiging kahirap kung ako ang gagawa ng unang motibo sa kanilang dalawa nang damputin ko ang cellphone niya.
I headed towards her contacts and rumaged myself into searching Orly's name, that I found easily.
"Corny ng baby, a," tukso ko naman.
One swipe to the right, the phone instantly dialed the number. Agad ding sinagot ng nasa kabilang linya ang tawag. I didn't dare mind wherever he is. Sinabi ko lang kung sino ako at ang pakay ko saka binigay sa gulong-gulo na ngayong kaibigan.
"Mag-usap muna kayo sa phone. Lalabas lang ako. Magpapahangin," sabi ko at walang pagdadawalang-isip na tumayo, dire-diretso ang hakbang patungo sa pinto.
I am not the type to fund myself on going outside especially to places where I feel that I could be stranger. Bago ko napagtagpi-tagpi ang ganito, naplano ko na ang gagawin kong pagbaba mamaya para manatili lang muna sa bar nitong building na ito. I also got curious about it and realized I really haven't gotten myself into this alone. Kaya nang malaman ko iyon, tumatak agad sa isip ko ang gagawin ko.
The elevator openend and I found myself lurking at the labels directing me towards the bar I was referring. Nang marating ang dulo ay naging madali na iyon sundin. Diretso nalang ang lalakarin. At nang marating, pinakita ko lang ang residence card ni Nelsa at nakapasok agad ako sa loob.
And just how I envisioned it in my head, the groove got me a bit off the vibe. Pero agad ko ring binura ang nararamdamang iyon. Hindi naman ako iinom at pansamantala lang dito kaya tuloy parin ang mga hakbang ko.
Ako:
Nasa baba lang ako. Huwag kang mag-alala sakin.
Pinindot ko ang send bago umupo sa isa sa mga high-chair ng counter.
"Alcohol, Ma'am?" umangat agad ang atensyon ko dahil sa isang bar tender.
Nahihiya, umiling ako, pagkatapos ay ngumiti. "Makiki-upo lang muna,"
"Ganoon ba?" he smiled. "Bago lang?"
"Dito? Uh, oo. Actually, my friend's the one who owns a space here. Nakikisabit lang ako,"
Lumapad ang ngiti niya pagkatapos ay minuwestra ang bagong dating na babae. Tumango agad ako.
The guy was nice to me. He even handed me a lemon juice even without me ordering for it. Tumango lang siya at pinakita muli ang basong kaniya nang hinahalo. I accepted the kindess. At kahit papaano, sa pamamagitan ng panonood ko sa ginagawa niya, nalibang naman ako. And I even thought that the whole time I'm here, will be just me watching him. Pero nagkamali yata ako.
"Vien, you're alone?" isang pamilyar na boses agad ang nahimigan ko sa likod kaya napabaling ako.
It's Johnrey, without his corporate suite. Naalala ko agad ang mga attorney sa firm nina Nelsa. And I immediately assumed that he, too, like Novales, probably rents a space in this building. O baka nasa iisang kuwarto silang mga attorney, if that's even possible.
Binawi ko ang pagkakagulat sa pamamagitan ng pag-angat ng baso ng sariling iniinom.
"May hinihintay lang ako rito," sagot ko agad.
Pinapanood ako ni Johnrey nang idiin niya ang magkabilang siko sa ibabaw ng counter, putting his weight on it.
"I thought you're alone. Kaya sinamahan kita rito. Matagal-tagal na rin kasi tayong hindi nakakapag-usap. You're not the type to reply on messages, huh?"
Lumagpas ang tingin ko sa likod niya para tingnan kung saan siya galing. Madali ko lang ding nahanap ang kanilang lamesa dahil nakita ko agad ang mga mata ni Novales sa amin. And together with them are his colleages. Hindi ko pa pamilyar ang iba pero napunta ang mata ko sa babaeng katabi ni Novales.
"We were able to finalize and close a case here. Kaya heto kami."
Naibalik ko ang tingin ko kay Johnrey.
Nasa lamesa na nila ang kaniyang mata. Pero mabilis lang nang maramdaman siguro na nasa kaniya ang tingin ko.
"Sino pala ang hinihintay mo?"
"Ah, ano lang, si Nelsa lang. Aakyat din kasi ako agad,"
Johnrey moved closer.
Agad akong nakaramdam ng pagkailang.
Praying he'd be able to get the hint, hinarap ko muli ang counter at pasimpleng sumipsip ng juice. I know his gestures probably has nothing malice aligned to it, but my friend's words about him stayed in my head. Bawat kibot ng kamay niya, nabibigyan ko ng malisya.
He continued initiating topics that eventually dies. Puro tango lang ang ambag ko dahil ako mismo ay ayaw kumausap sa kaniya.
"You wanna try a drink?"
Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
Nahuli kong nakatingin siya sa baso ko.
"Ayos na ako rito," I smiled, my face showing kindness despite the feeling caged inside my head.
"Sige na. Just try something else,"
"Rey, tawag ka nila,"
Hindi ko napansin na may taong dumating. Nakatuon kay Johnrey ang aking mata. Pero nang marinig ko ang boses ng nagsalita, tumalon ito para makita ang isang Novales na kanina'y nahagip ko lang sa upuan nila kanina. Dumiretso rin ang tingin nito sa akin.
"I'll be back," paalam ni Johnrey bago tumalikod.
Novales took his space when he left. Wala sa sariling napako sa kaniya ang tingin ko. And when he leaned settling his elbows on top of the counter, doon ko lang nabawi ang sarili.
"I've been seeing you to places like this. Do you like it?" narinig ko sa kaniya.
I thought at first that he's talking to somebody else.
His attention was at the busy bar tender.
Pero nang mapagtanto iyon, umawang ang aking labi ko. At segundo pa siguro ang umabot bago tuluyang makalabas ng mga salitang nasa salita.
"Not really," sagot ko.
Diretso ang pagkahulog ng kaniyang atensyon sa akin. Half of his body is leaning at the counter top and weight being supported by his elbows. The way he moved his head, LED lights from the furniture behind the counter traced a beautiful silhouette of his half face. Angling his tall nose and tough jawline accurately. Maging ang dimple niya sa kanan ay nagpapakita lalo pa nang bahagyang gumalaw ang labi niya.
Isang malalim na tikhim, nagising muli ako.
Hinarap niya muli ang counter.
Doon ko lang din napagtanto na nabaling kung saan ang mga mata ko.
"S-sorry." I moved my face. "It's just that... it's been-"
"So long? I know."
Naitutop ko muli ang mga labi ko.
Lumingon siya para muling tingnan ako.
"Naalala ko, 'di ba may kailangan ka sa 'kin? I thought you were going to message me."
My eyes immediately widened.
"Ah! Oo! I'm sorry!" I panicked. Agad din akong nag-isip ng palusot. "A-Ano lang, medyo nawala rin sa isip ko ang tungkol doon.Nagkaroon kasi ng mga problema sa trabaho. I-I run a business back in the province."
Tumango siya.
Sakato naman ang pagdating ng bar tender para tanungin kung ano ang order niya. Doon ako huminga at inikot ang tingin sa paligid. May kaniya-kaniyang counter pala bawat gilid ng bar dito. The reason why there's only one employee per counter. Mayroon naman akong nakikitang mga waiters na kumukuha ng order ng mga nasa lamesa.
Sandali rin akong tumingin sa lamesa nina Novales and before I could notice something, bumalik na ang atensyon ng katabi.
"I'm sorry about that. Anyways, ngayong narito na tayo, puwede mong sabihin ngayon,"
"I-I think this place isn't the perfect place for the talk I wanted with you,"
"Important?"
Diretso agad ang kagat ko sa ibabang labi.
"Kind... of..."
Umayos ng tayo si Novales. I watched him glance to his wrist watch then turn to see his people. Naputol ang titig ko sa kaniya nang bumaling siya pabalik sa akin.
"We can go to a near restaurant. Maaga pa naman. I know a place."
"Here you go sir," sumingit ang isang kamay para iabot ang i-n-order nitong inumin.
Pinanood ko ang pagtanggap niya doon. Isang lagok, bumalik agad ang kaniyang atensyon sa akin. Hindi ko rin napansin na nanatili pala sa mata ang pagdadalawang isip dahil nakita ko ang pag-iba ng reaksyon niya.
I must be mistaken but the hope in his eyes fell.
"'Di lang tayo magtatagal. If it's important, then I have to hear them," dagdag nito.
Agad pagdiin ng ngipin ko sa pang-ibabang labi. Before I could answer, he added another words.
"O baka sa susunod na araw na lang-"
"Puwede tayo ngayon. I mean..." I trailed. Damn my voice sounded regretful!
"I have my car parked in the basement."
Kabado ako at hindi ko napagtanto ang sarili habang nasa loob ako ng kaniyang Ford Territory. Hindi rin ako makapagsalita habang nag-d-drive siya dahil bumubulusok sa utak ko lahat ng mga alaala namin noong mga bata pa lamang kami.
Hell I wasn't expecting him to be successful like this before, that I see our future as him 'only' as a good father to our children. It never actually came to my head to see him driving for me. In his own car.
And I know I'm a bit too much right now. His girlfriend lucky to have him, huh.
Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Novales habang nasa kasagsagan kami ng biyahe. Hindi pa kami gaanong nakakalayo. Pero sa utak ko, sobrang tagal ng magiging biyaheng ito. I even felt tiny while being seated on his passenger's seat.
"Nasa kabilang block lang," aniya, nakatingin ako sa kalsada pero nakita ng gilid ng mata kong nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon.
Tumango lang ako.
Kahit ang paglunok ng sariling laway, nahirapan ako sa takot na baka marinig niya iyon.
The car turned and I saw the restaurant he's talking. I'm not familiar with it's architetural designs. Papasok pa lang ng parking, nakikita ko na sa loob ang mga taong kumakain. Maybe it's an Italian resto or something. Nawala rin agad ang mga iniisip ko nang nakapili na kami ng lugar.
Pagkapatay ng makina, muli kong naramdaman ang paglingon sa akin ni Novales. Tumugon rin ako.
And I was too late to realize the loose shirt and a maong short pants I'm wearing. Kumpara sa kaniya, mas pormal ang suot nitong dark pants at grey polo shirt kaysa sa akin.
"T-teka lang, nakakahiya ang suot ko,"
Galing sa aking mukha, bumaba ang tingin niya sa tinutukoy ko.
Nasa mga sleeves agad ang isang kamay ko para tupiin paangat ang lupi. Unconcsiouly, inuna ko ang kanan bago ang kaliwa.
"Maganda ka naman sa ayos mo."
"M-mauna ka na. Susunod ako." sabi ko at tinuon na ang atensyon sa ginagawa.
"Hihintayin na lang kita. Puwede rin kitang tulungan, kung gusto mo? I-I can fold your... sleeves,"
Hindi ko siya pinansin at lumipat sa kabilang siko naman. Nasa panghuling tupi na ako nang mapansin ko ang kamay ni Novales na umuurong-sulong, nag-aalinlangan sa kung anong nasa isip niya. Bumangon ang ulo ko para tingnan siya.
"A-are you okay?" siya.
"May salamin ka ba?"
I know I am pale and could be paler depending from the light. Umiling si Novales sa akin. Inayos ko naman ang pagkakatali ng buhok para lang makontento sa ayon ko.
Nang wala nang may nakitang mali, kagat ang ibabang labing humarap ako kay Novales.
"Ayos na ba?"
Pinanood ko ang muling pagkahulog ng tingin niya. And I don't know, but his peircing eyes flashed something. Pero inisip kong guni-guni ko lang iyon. Pagbalik ng tingin niya, hindi siya agad nakapagsalita.
Tumagal din ang titig niya akin. At ako rin ay parang nadala sa paraan ng titig niya.
"You're stunning, Vien," his low toned voice cracked because of his whisper.
Parang nahalina ako roon pero agad ring natauhan nang may nakita akong dumaan sa likod niya. Ako agad ang naunang nagyayang bumaba sa kaniya. Binuksan ko agad ang pintuan at pagkaapak ng paa sa simentadong parking ng lugar, patago kong hinawakan ang dibdib sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko.
No. Kaba lang 'to.
Pero may isang bagay rin akong napagtanto. We both left without his girlfriend. He hasn't even asked permission from her. And knowing him from before, hindi iyon gagawin ni Novales sa babaeng makakarelasyon niya. Or if that's what I believe so.
Sa loob ng restaurant, tinago ko ang nararamdaman. Pilit kong pinapaalala na kinakabahan lang ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakausap ko siya ng masinsinan. Ng ganito katagal.
Novales was the one who ordered.
May wine sa gilid namin at may bread na siguro'y una nilang course para sa ganito.
Hindi rin ako makatingin sa kasama nang bumalik siya sa harapan ko.
"Kamusta na ang Papa mo?"
Gumalaw ang mata ko sa kaniya dahil sa sinabi niya.
His body is leaning comfortably at the sides of the table. Nasa magkabilang gilid din ang siko niya, ibang iba sa akin na parehong nasa ilalim dahil sa pagkakasalikop ng mga kamay.
Hindi ko inaasahan na iyon ang unang itatanong niya sa akin ngayon. For so long, I've hated him and his family about what happened. And to hear him asking me without fear or anything, nakakagulat sa akin iyon.
Tumagal ang paninimbang ng titig ko sa kaniya. That he leveled by also giving me his eyes without anything in them.
"I hated you and your family for a very long time, Noval," bulong ko nang may tapang na tinititigan siya.
The words came unrehearsed and got me sliced immediately.
Gumalaw ang ulo niya para sa marahang pagtango.
"Sinisisi ko kayo sa nangyari kay Papa noon," dagdag ko 'tsaka pinaraya muli ang katahimikan.
My agitations are starting inside me while he's in front of me, calm and very controlled. Kung tutuosin, kapag hinayaan ko ang sarili ko, posible akong makagawa rito ng eskandalo.
Dapat pala mas pinaghandaan ko ang mga sasabihin tungkol dito. Para kapag aatake ako ng sasabihin sa kaniya, walang balang may babalik sa puso ko.
Hinayaan ko ang pagdating ng isang waiter para ilapag ang kung anu mang i-n-order ni Novales para sa aming dalawa. Wala na akong pakealam dahil nagapos ang puso ko sa alaala ko noon. Kaya pag-alis ng waiter, hindi ko napigilan ang sarili.
"Novales, you fucking fooled me! You driven me to get the desires you wanted! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko noon dahil alam mo kung gaano ako kapatay na patay sa 'yo, gago ka!" Diin na diin ang mga ngipin ko para ipakita sa kaniya ang puwersang bumabalot bawat pinakawalan kong salita. My eyes were even protruding.
Doon ko na nakita ang pag-iiba ng kalmado niyang mukha.
"Vien, you got everything wrong-"
Marahas akong humugot ng paghinga.
"Ano? Tell me! Because I fucking need to know, Noval." Tumigil ako para tingnan ang buong katawan niya. Isang sarkasmong ngiti ang lumabas sa aking labi nang may naalala. "Kaya ka ba nag-attorney dahil gusto mong labanan ang kasong puwede naming isampa laban sa pamilya mo?"
"Vein, I told you... you... got the whole thing wrong,"
"Why? Dahil hindi ko maintindihan!"
"Gusto kaming patayin ng mga tauhan ninyo noon pa man. Gusto nilang kitilan ng buhay si Papa. At ako. Ako mismo, nasaksihan ko kung kaninong kamay iyon galing. Dahil ako mismo ay hindi ko inaasahan na kaya mismong gawin ng Papa mo ang karumaldumal na krimeng iyon. Kinailangan lang naming protektahan ang sarili namin."
Hindi pa siya natatapos, nanlalaki na ang mga mata ko sa gulat.
"Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kanila dahil pati si Papa, hindi niya sinasabi ang dahilan ng galit nito sa amin."
"B-but why didn't you tell me?"
Nahulog ang mga mata niya sa lamesa.
"Sinira ni Papa ang tanging cellphone ko. Binalaan niya rin ako tungkol sa mangyayari."
"B-but..." hindi ko natuloy ang sasabihin dahil may bukol na nabuo sa lalamunan ko. Causing my voice to shiver.
Nahimigan din yata niya dahilan ng pag-angat ng tingin niya.
"Everything was different for us back then," aniya.
Unti-unti ang pagkahulog ng mga luha ko dahil sa mga katanungan ko noon na ngayon ay nagkaroon ng kaunting kaliwanagan. The questions I had when Novales pushed me away, just to save his family. And I kept on pulling him back to danger.
Novales's right arm reached for my face. I closed my eyes when I felt his thumb rubbing away the tears on my face.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top