Ikatatlumpo't Pitong Kabanata

Ikatatlumpo't Pitong Kabanata: Pagkakaiba


Hindi nawala sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Nang maisarado ko ang pinto, dumiretso agad ako sa may luggage at padabog na tinapon sa shelf ang damit na ito.

Fuck. Hindi ko rin maalis sa utak ang mga nahuli kong panakaw na pagbaba ng mga mata ni Novales sa katawa ko kanina. Napapikit ako at biglang inisip kung ano kaya ang naglalaro sa isipan niya. Pero agad ko ring pinagsisihan. Siguro iniisip niya lang na sinadya kong isuot ang damit niyang dahil makakasama ko siya.

And hell I would not do that!

Sunod-sunod agad ang pagputok ng mura sa isip ko.

Sa dinami-rami pa talaga ng pagkakataon, talagang ngayon ko pa masusuot na kasama ko siya? It could be more acceptable if I worn this while I was in my privacy. May utak ba 'to at naamoy niyang makakasama ko ang may ari niya? Damn, damn, damn!

Pero sa gitna ng pagmumura, umangat ang ulo ko para tingnan ang shelf.

Nakaluhod na ako, kumukuha na ng pamalit sa naka-kalat ko lang na luggage.

Somehow, it took me so many years to know that his shirt is still with me. No hints of wears or anything. Para bang inalagaan ko iyon ng mabuti pero ang totoo ay hindi naman.

Hindi ko na tinagalan ang pagmumuni roon. Tumayo ako at kinuha ang damit para ibalik sa luggage at itago sa bulsa nito. Doon ko 'yon nilagay sa madali kong makita para maalala ko na kailangan ko 'tong ma-isauli sa kaniya.

At ang nangyari ang sinisisi ko kung bakit hindi ako agad nakatulog ng gabing iyon. PAti ang mga sinabi niya tungkol sa kaniyang Papa at sa Papa ko ay nakilahok din. At siguro rin, nakatulugan ko na lang iyon nang hindi namamalayan. Pero nabulabog ako kinaumagahan nang biglang maramdaman ang pag-v-vibrate sa ilalim ng unan ko.

Sa una ay hindi ko muna pinansin. I know it's my phone. Kaya hindi ako nabahala. Kung sakaling sa negosyo man, na alam kong imposible, hindi iyon masyadong importante dahil sa email ko pinapadala kung sakaling may ganoon man. At alam ng mga empleyado ko na naka-leave ako ng ilang araw kaya kung anuman ito ay hindi iyon importante.

Pero naulit muli ang pag-vibrate kaya napabangon ang ulo ko at hindi nakatiis.

"Uh, hmm?" I said, never minding who called. Kalahati ng utak ko ay tulog kaya wala na rin sa pakealam ko ang boses.

Maaga pa naman nang mahagip ang bintana.

"Hey, good morning. Uh, nasa labas ako. I have our breakfast."

Kumunot ang noo ko. His voice immediately recognized my brain. Kaya kahit inaantok pa, pinilit kong buksan ang mga mata. My body is still half sleeping. And just to make sure, kinuha ko sa pagkakalapat ang cellphone. And I almost fainted when I saw the caller.

"N-Noval?! W-what are you doing there?" Nataranta agad ako. Parang may sumabog din na bomba sa katawan ko dahil buhay na buhay agad ang aking dugo.

I immediately lifted my head.

Narinig kong sumagot si Novales pero nasa gitna ako ng pagkakataranta kaya hindi ko naintindihan ang anumang sinabi niya. Ang aga-aga, nabulabog ako!

"T-teka lang," hindi ko napigilan at pinatay ang linya sabay tingin sa pinto palabas ng kuwarto o sa sariling banyo.

Should I open the door for him? Or must I fix myself first? Hindi ko alam! Sumasabay pa na hindi ko alam ano ang gagawin ngayong nandito siya at wala akong alam na pupunta siya.

Bumaba ang tingin ko sa phone nang tumunog iyon para sa isang text. Nakita kong galing 'yon sa bagong numero ni Novales na na-i-save ko na noon.

Novales:

I'm sorry. Did I wake you? Just take your time please. I can wait.

Sa huli, inuna kong ayusin ang sarili. Mabilisan lang kaya agad akong natapos.

Nang makalabas ay sunod ko namang nakita ang mga kalat sa sahig. I just kick some of it to the side of the bed. At maging ang gown na humahalo ay walang awa ko na ring tinadyak.

I'll take care of them later.

Kaya nang makuntento, saka na ako dumiretso sa pinto palabas ng kuwarto at tumuloy sa main door.

"N-Noval! H-hindi mo sinabing pupunta ka," bati ko pagbukas ng pinto. Agad ding naasiwa nang makita ang kaniyang porma.

He's resting his body through his bicepts on my door jamb.

Inaayos ko ang buhok at nahuli ko siyang napatingin doon pagharap sa akin.

"I thought you received my message?"

My mouth opened.

Ramdam ko rin ang bahagyang paglaki ng mga mata.

He's in his plain maroon shirt and khaki pants. I know it's still early in the morning. Seven or more probably. At nang tingnan ko si Novales noong pinapasok ko siya. mukhang nakaligo na. And I can smell his aftershave or whatsoever. Or maybe it could just be his perfume. I don't know.

Pero aaminin kong naging sagana sa pang-amoy ko iyon.

Tinitingnan na ni Novales ang buong paligid nang mapansin ko ang lumalaylay sa kaniyang kanang kamay. Kapansin pansin iyon dahil iyon lang ang hindi natatangi sa pisikal na dating niya. At wow, huh? Talagang big time kana ngayon, huh?

Novales didn't know I noticed his pink paper bag. Nasa unahan ko siya and I'd like to tease him about it but I didn't.

Malinis naman ang paligid kaya panatag ako. The surroundings from yesterday remained untouched. May kaunting kalat lang na naayos ko and everything was back.

"I'll put this on the table. I'll prepare our food," lumingon siya.

Nagulat pa ako sa ginawa niya.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang lumalaylay sa kamay niya.

"Lulutuin mo pa ba 'yan?"

Nahulog din ang tingin niya. "Hindi na."

"Oh, okay,"

"But you can do your morning routine while I'm preparing this."

"M-may lakad ba tayo?"

"Do you want to?"

Umiling agad ako, nanlalaki ang mga mata, hiyang-hiya no'ng mapagtanto ang tanok ko sa kaniya.

My deluxe room could suffice enough guests to accommodate. Pero kung siya ang nandito kasama ko, dining pa lang, parang sapat na sa pandalawahan ito. So I guess this room could only fit petite people like me.

Noong simulan na niya ang paghahanda, tinuro ko ang kuwarto para makaligo na rin ako. Though we are not going somewhere. But knowing that he's here... kinda made me a bit anxious of myself. Kaya lahat ng ginawa ko ay mabilisan sa takot na baka mabagot si Novales paghihintay. At wala rin naman akong ginagawa sa umaga. I also don't have any routines to follow so I only took my time cleaning myself.

I know it's weird that suddenly after last night's talk, he showed himself in front of my door. Napapaisip din ako kung bakit siya narito. Saan niya nakuha ang tapang na pumunta rito.

Dahil kaya sa suot kong shirt niya? And speaking of, isasauli ko ito ngayon sa kaniya.

At saka, bakit ko ba pinayagang pumasok siya sa loob ng hotel room ko?

Maybe because I wasn't fully consious earlier.

Iyon nga siguro.

"Uh, I'll just dry my hair," nakasilip ang ulo ko sa pintuan ng kuwarto, natagpuan ko si Novales na nakatingin sa kaniyang phone, nakaupo siya sa isa sa mga upuan ng dining table.

Nakadamit na ako.

Nahuli kong dumiretso ang kaniyang tingin sa tuwalyang nakapulupot sa ulo ko pagbaling niya.

Bahagyang angat ng ulo, bumalik muli ako sa kuwarto.

The thing that's pinned in my mind as I blow-dried my hair was his shirt. Kaya nang matapos ay nasa kamay ko iyon, dala, at handa nang ibigay sa kaniya.

Hindi rin niya naman iyon napansin pagka-upo ko.

"Uhm, s-sorry. I forgot that I have this with me. Matagal ko na pala 'tong natatago. I really forgot about this. And... uh, I guess last night was a reminder. Hindi ko napansin na naisama pala ng kasambahay namin noong lumipat ako sa condo ko sa Tacloban. Last nightwasn't my intention to wear it."

Nasa maliit hapag na kami pareho.

Pagka-upo ko, iyon agad ang sinabi ko.

Novales withdrew his eyes to see his old shirt. Kumakain na siya. Magkaharap kami at nasa tabi iyon ng plato ko at tinulak ko para ibigay sa kaniya. Tinitigan niya iyon sandali bago binalik sa akin ang tingin. Halata agad ang pagkunot ng kaniyang noo. Nahimigan ko rin ang pagtatanong doon.

"I mean, ibibigay ko talaga sa 'yo 'yan noon," dagdag ko. "Ngayon ko na lang din ibibigay sa 'yo since.... you're here,"

Para akong batang nakagawa ng kasalanan habang nagpapaliwanag sa kaniya. I can't even fathom the involuntary shaking of my voice. Dahil yata nakikita kong hindi nababahiran ng pagbabago ang kaniyang mata.

Ayaw ko rin sanang balikan ang parte ng alaala kong iyon pero mukhang hindi kontento si Novales sa ginagawang paliwanag ko.

"Noval," I paused because I suddenly have to breath. Sinusubukan ko ring tumabasan ang kaniyang tingin. "I-I mean, I hope you remember back when... the two of us, at the gym,"

"You now own that," sabi niya at binaba sa pagkain ang atensyon. "I'm giving it to you. 'Tsaka, maliit na sa 'kin iyan. You can have it. It looks perfect on you." dagdag niya nang mapansin siguro na hindi ako nakapag-react.

Nagkatitigan pa kami ng inangat niya muli ang ulo.

He smirked.

"Akin 'yan. Pero whatever's mine could be yours, too, Vien,"

"D-don't say that,"

"Why?" he chuckled.

Naikagat ko ang ibabang labi.

Hindi ko alam kung ito ba ang paraan niya para ligawan ako o kung ano, pero kung 'yong una kong naisip ay tama, I guess he's striking on point.

Nahuli kong bumaba ang kaniyang tingin sa labi ko.

Ilang sandali akong nawalan ng lakas ng loob para magsalita.

And I know Novales knew he got me there. Pero sinubukan ko pa ring pihitin ang manibela ng kung anong nabubuo sa aming dalawa. And I had to keep on reminding myself what I said last night.

Pasalamat na lang siguro ako dahil may tumawag sa telepono niya kaya nawala sa akin ang atensyon niya. Nagkaroon din ako ng pagkakataong galawin ang mamahaling pagkain na dala niya.

"We can use them, if we want to," naririnig ko siya.

Pinagsasabay niya rin ang pagkain at ang pagsagot sa kausap niya. Paminsan-minsan din ay nahuhuli ko siyang napapatingin sa akin. Ako lang din ang unang bumabawi sa tingin. Ako rin ang naunang natapos sa pagkain.

At dahil kaming dalawa lang dito, at siya ang naghatid ng pagkain ko, I have to be kind enough to offer to wash the dishes. Kahit papaano ay marunong akong gawin iyon.

Nanatili ako sa pagkakaupo habang si Novales ay nakatuon na ang sarili sa pag-ubos ng nasa kaniyang plato.

"May breakfast pala rito." wala sa sarili kong nasabi nang mapansin ulit ang plastic ware na laman noong pink na paper bag na dala niya. "I thought they only do lunch meals and buffets,"

"Gumagawa rin sila ng ganiyan."

Tumango ako pagkatapos ay muling sinuyod ang paligid, iniiwasan na mahuli ang mga mata ng kaharap. Iniisip kong muli akong malulunod doon kapag nagkataong mahagip ko iyon.

There was another silence between us.

Ramdan kong nakatitig lang sa akin si Novales.

At hindi ko alam bakit hindi naman ako makatayo sa kina-uupuan ko.

At ilang sandali pa, narinig ko siyang nagsalita.

"Kailan ang balik mo sa Leyte?"

Napatingin na ako sa kaniya dahil nahimigal ko ulit ang seryoso sa boses niya. I was at first weightful whether to answer but in the end, I did.

"Maybe after a week from now? Or probably earlier than that,"

Numipis ang linya ng labi niya.

"I can't join you because of work."

"H-hindi mo naman kailangang samahan ako. And besides, you're not obliged to join me. M-mas importante dapat ang..."

"I'll quit my job anyway."

Parang pang ilang beses na nang muling lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"You don't have to do that, Novales. You're enjoying your job. At-at, I know you earn a lot now. But-"

"I really do earn a lot now."

"Then you don't have to quit your job."

Kitang-kita ko ang pagtiim ng gilid ng kaniyang mga mata, para bang inaaral ang sinabi ko sa kaniya.

Nanatili naman ako sa sariling posisyon, hinihintay ang reaksyon niya.

"Noval, if you're courting me," panliliit agad ang naramdaman ko nang sabihin iyon. Wala naman siyang reakyson kaya nanatili ang lakas loob kong magpatuloy. "You don't have to do this kind of thing. I-I understand that you have obligations. Hindi na tayo bata. And... I have mine, too."

Silence came.

Hindi ko alam ano ang mararamdaman nang manatili sa akin ang titig niya. At habang tumatagal, nahahanapan ko ng kamalian ang nasabi.

Wala siyang binanggit na liligawan niya ako. I don't want to assume. Kaya ngayon, hindi ko alam kung tama ba na iyon ang tingin ko sa aming dalawa. Idagdag pa na malakas ang tibok ng aking puso.

"This might sound crazy but I want to be with you. Matagal ko 'tong hinintay. Ayokong may palagpasin na pagkakataon ngayong alam kong mayroon akong lugar para sa 'yo."

He trailed. Sinadya niya siguro para tingnan ang reaksyon ko.

Kagat ko naman ang labi ko dahil sa lakas ng tibok ng aking puso.

"Vien, nahirapan akong mabuo itong inaapakan ko. Mayaman ka at pobre lang ako."

"Wealth is incomparable-"

"Sa 'yo. Dahil sa akin malaking baitang iyon."

Hindi ako nakapagsalita.

Gusto kong aminin na may tama nga naman siya. Malaki ang pagkakaiba namin pero kahit hindi ko tinitingnan ang estadong iyon, iba pa rin kapag sa kaniya.

Parang may nabunot na pako sa damdamin ko nang kunin niya na ang platong pinagkainan ko at ang kaniya. Siya na ang nagprisentang hugasin ang pinagkainan namin. At habang hinagawa niya iyon, nanatili ako sa dining para panoorin ang malapad niyang likod habang nakatapat siya sa sink ng hotel room ko.

Malalim din ang iniisip ko habang ang mata ko ay nakatuon sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top