Ikatatlumpo't Limang Kabanata

Ikatatlumpo't Limang Kabanta: Ceremony


Naiyakap ko sa dibdib ang cellphone. Ramdam ko nang lumapat ang kamay ko sa dibdib ang lakas ng tibok ng puso.

No. Novales is probably drunk. And it's very evident in his wobbly voice. Pero bakit siya maglalasing? And why would he call me? Naisip ko muli ang numero niya. Bago iyon. At naalala ko na wala siyang numero sa akin. Ako ang lang ang mayroon ng numero niya. Where did he get my number?

Mabuti na lang, nang matapos akong maligo, wala pa ring may kumakatok sa kuwarto na kasambahay. Matapos ang pag-uusap namin ni Papa, siguro, alam niyang hindi ako tatanggap ng anumang alok sa kaniya.

Tuluyan ko nang inangat ang buong katawan sa ibabaw ng kama. I covered half of my body with my comforter and was about to close my eyes when I saw my phone.

Kanina habang naliligo ay nanatili sa utak ko ang mga katanungan. I've seen Novales drink with his friends recently. And I know he's that responsible and would never put himself to that state. Kung anuman ang nag-udyok sa kaniyang uminom ng ganoon ay hindi ko na alam.

At kung sana ay hindi siya tumawag, makakatulog ako ng maayos ngayon. Pero dahil yata sa nangyari sa amin ni Papa, maaga akong nagising at naghanda para bumalik sa trabaho.

"Aling Julia, pakisabi na lang kay Papa na umalis na ako," sabi ko nang makasalubong ko ang ginang noong pababa na ako ng hagdan.

Madilim pa sa labas. At kitang-kita ko rin sa ayos niyang naka-duster na hindi pa siya nakakapaghanda para sa umaga.

"Vien, kung anuman ang nasabi ng ni Veril kagabi, ipagpaumanhim mo na lang iyon," salubong sa akin ng ginang.

Nagtagal lang ang titigan naming dalawa.

I don't wanna put something about her claim.

"Aalis na po ako," paalam ko lang at tuluyang nang hinakbang ang mga paa pababa ng hagdan.

Sa sandaling tagpo namin ni Aling Julia, nawala sa utak ko ang mga sinabi ni Novales kagabi. At dahil madilim pa ang umaga, mabilis akong nakarating sa condo. Agad din akong bumaba nang tuluyan ko nang na-park ang sasakyan. Umakyat din ako pagkatapos.

Masyado pa namang maaga para sa mga gagawin ko ngayong araw. Habang nasa kusina, bukod sa pag-save ko sa numero ni Novales nang maalala ulit iyon, nalibang ko ang sarili sa pag-b-browse sa social media. I never changed my social accounts. They're still the same account I had when I made it while with Daphne and Jaya.

And like how I usually do, I opened my account without glimpsing at my notifications. Tumitingin-tingin lang ako sa pinapakita ng feed. At nang siguro ay nasa kalagitnaan na ng pag-s-scroll, nahuli ko ang isang post na may mga lalaki naka-corporate sa larawan. Not that I was tempted by them. I'd tend to skip if only I didn't see Novales among them.

Napakunot ang noo ko. Umayos din ang likod ko sa pagkakaupo.

I examined the background of the photo and it seemed like they're in a party or something. Naalala ko ang nangyari kagabi. At napansin ko rin na kabilang pala sa grupo si Johnrey.

I clicked a picture. Ang mga kamay nila ay naka-akbay sa bawat isa ang una kong napuna. Napaisip ako. Are these his group of friends? Where was this taken? And based on their closeness, I thought that maybe this was a reunion or something.

Binalik ko sa dati ang screen. Nakita ko rin na si Johnrey pala ang nag-upload nito. At kagabi lang. I also noticed that the likes of the post are minimal. Pero kahit na, I clicked to see those people. Na napagtanto kong hindi ko mga kilala ang naroon. Probably his acquaintances? Maybe he got carried away from this event.

Hindi pa nakuntento, pumunta pa ako sa mga comments ng post para basahin ang iilang naroon. There was nothing important really. Inisip ko lang na baka nag-comment din si Novales doon pero isang tao lang at may reply ni Johnrey.

Sebastian Realino: Nakakapag-party parin kayo haha

Johnrey Go Hernandez: Sakto lang mate. Every after closed cases at deals na successful.

Sebastian Realino: Nice one! Sabagay. Big time palagi. Lalo na 'yang si Mr. Argales natin.

Hanggang doon lang.

Binaba ko ang phone at inisip na baka nga, dahil dito, nadala si Novales sa inom. And I don't know why I doubted him being an attorney. He should be responsible or something. Pero baka nga walang ganoon. At saka, palagi ko nga siyang nakikita na nakakapag-party kagaya ng iba. And if I didn't know, I'd probably think of him so far from what he has become now.

Iniwan ko na ang phone at inabala na ang sarili sa mga gagawin.

The sun has already arisen.

Nagsikap din akong magluto ng sariling ulam. Na kahit papaano, naging maayos naman ang kinalabasan ng sunny side up egg kong bahagyang sunog ang mga gilid. But still, it was fine to eat. Ito rin ang dahilan bakit gusto kong manirahan mag-isa.

"Ate, may mga bagong stock po ba na dumating?" tanong ko kay Ate Cory.

"Nasa bodega na sina Jordan. Sila na ang nag-aasikaso."

Tumango ako at binaba ang tingin sa screen ng laptop kung saan naroon ang binabasang e-mail tungkol doon. Almost all the departments from the Sullivan Trading are temporarily in one room now. Nasa katabing kuwarto ko lang sila pero sa susunod na linggo, magiging malawak na ulit ang workspace.

Maluwag na rin ang magiging sarili kong opisina.

That day was a bit busy. Siguro dahil kinukuha na ang iilang electronic system na gagawing fixture sa permanenteng building ng ST. At dahil doon, medyo natatagalan kami sa pag-ooperate ng mga customers dahil pisikal na sinusulat ang mga order ng iilang empleyado ko.

"Ah, sige lang, may isang computer pa naman na gumagana," sabi ko nang ilahad sa akin ng isa kong trabahante ang computer na ginagamit niya.

Halata sa kaniyang mukha ang pagkabahala.

I smiled before shaking my head to give way.

"Ayos lang. Hindi naman masyadong marami ito," sabi ko sa kaniya.

I know I stood out from my uniformed personnel. Medyo corporate ang polong suot ko ngayon. Ako lang din ang naka-skirt sa kanilang lahat.

Isang kamay na may harawak na ballpen at ang isa naman na dinidiin ang palad sa papel, yumuko ako para markahan ang mga nasa listahang may available sa stock. Mabilis lang kaya uamngat agad ako pero imbes sa tinanggap kong customer dumiretso ang mata, sa isang naka-puting poloshirt at pantalong lalaki napunta ito.

"N-Novales, a-anong ginagagawa mo rito?" I was shocked.

Huli ko na ring napansin ang paraan ng pagtatanong.

He's lining up in a queue to the counter next to mine. Hindi ako natataranta kapag may mga customer kaming hindi agad nadadaluhan pero ngayong siya ang nasa pila, pabaling-baling agad ang ulo ko para humanap ng bakanteng empleyado.

"Uh, s-sandali lang," natataranta kong paalam.

Lumabas ako ng counter.

Kung hindi may kausap na customer sa telepono, may pisikal na customer namang kaharap ang nasa area ko.

Bumaling ako kay Novales. He's standing there patiently. Nawala na rin sa utak ko itong listahan na nasa kamay ko. Shit. Bakit ako kinakabahan. Walang nagawa, bumalik ako sa teller.

"Novales, sandali lang. M-medyo kulang kami ng equipment ngayon." sabi ko sa kaniya at ibinaba ang atensyon sa listahan kong tapos ko na palang markahan.

"Ayos lang. Sila lang muna. Sa may upuan lang muna ako." narinig ko siya.

Bumangon ang ulo ko para balingan siya. Tumango nang makita ang maliit naming waiting space na tinuturo niya.

"Ako nalang ang pupunta sa 'yo roon para kunin ang order mo. Uh, may listahan kang dala?"

Umiling siya.

"S-sige. Pasensya na. Pupunta nalang ako sa 'yo," sabi ko.

Pagkatalikod niya, tinuloy ko ang pag-p-proseso sa hawak kong customer. At habang ginagawa ko iyon, naalala kong puwede naman ang ibang impleyado ko ang papuntahin ko para ma-assist siya. Why would I present myself? Dala na rin siguro iyon ng pagkakabalisa.

Hell, his presence reminded me about him drunk calling me last night. Naaalala niya kaya iyon? O iyon kaya ang sadya niya ngayon?

"Ma'am, ako na lang po ba ang mag-aasikaso kay sir?"

Kakalagay ko lang sa pending inputs ang listahan ko. Bumaling ako sa lalaking empleyado ko. Napatingin din ako sa mga counter na paubos na rin ang mga tao. It's almost lunch time. Mamaya ulit siguro dadagsa ang mga customers.

Binalik ko ang tingin sa tumawag sa akin.

"Ayos lang. Ako na. Patapos naman ako rito."

"Ako na lang po niyan, Ma'am," presinta niya.

"Thank you," sabi ko.

Umatras ako para ibigay sa kaniya ang puwesto.

"Mukhang manliligaw n'yo po, Ma'am Vien, a. Kanina ko pa po napapansin na sunod lang nang sunod ang tingin sa 'yo. Kanina pa noong dumating siya," hagikhik niya.

Napapikit-pikit ang mga talukap ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo ko, kunwari'y hindi alam ang kaniyang sinasabi.

"Marami nga naman po Ma'am ang nagkakagusto sa 'yo. Halos lahat ng customer 'pag lumalabas ka, naaagaw ninyo ang atensyon nila. Kagaya ni sir kanina... pero mukhang magkakilala kayo. Ang guwapo niya, Ma'am Vien, a. Jackpot kayo sa isa't isa." Natawa siya sa huling sinabi niya.

Iyon siguro ang dahilan ng kabang dumagdag sa puso ko.

Pagkasarado ko ng pinto para tuluyang mapuntahan si Novales, ramdam ko ang biglaang pagiging conscious ko sa sarili. His damn hawk-like piercing eyes were focused on me. At mukhang inoobserbahan niya bawat lakad ko.

Bakit ko ba pinakinggan ang mga sinabi ng empleyado ko kanina. Ganito tuloy ang resulta.

Umupo ako sa isang bakanteng couch, malapit sa kaniya. I also brought brochures of our stocks. Dalawa iyon dahil ang isa ay ang bagong franchise na aking nakuha.

"Marami-rami pala mga customers ninyo." Narinig ko sa kaniya.

I also don't know if he's hinting about something else.

Hindi ako makatingin dahil sa mga naaalalang salita ng trabahante ko kanina.

Inayos ko sa harapan niya ang brochure na dinala.

"Nililipat na kasi sa dating building ang mga system at computers na ginagamit dito. Hindi naman usually nagiging ganito ka-hectic. Ngayon lang dahil doon."

"Are you managing this business alone?"

Gumalaw ang mata ko papunta sa kaniya.

"Uh, oo, ako lang,"

"Mali ang pag-c-construct mo sa ganitong plano. You should be transferring things proficiently. Dapat ginawa mo ito kung day-ff o hindi ginagamit."

"Uhm, ayos lang naman ang ganoon, Novales. Medyo na-timing nga lang ngayon na marami ang mga dumating na customers."

"Do you constantly do the things that you were doing earlier?"

"Minsan lang... kapag kailangan,"

"Tss."

Nag-iwas siya ng tingin at bumaling sa kabilang banda. He moved his jaw, evident for me to see them. Ayaw kong isipin na pinapakita niya iyon para malaman ko na nairita ko siya sa mga nasabi ko.

Bumaba ang tingin ko sa brochure na nasa harap.

Inabot ko ng nasa ibabaw.

"Uhm, y-you can choose your order here, Noval," sabi ko, halos mapipi sa hindi malamang kadahilanan.

I even moved it for him to pick it up.

Umangat ang tingin ko nang hindi niya iyon kinuha.

Nahuli kong nakatingin siya sa mga taong naglalakad-lakad sa paligid. Napatingin tuloy ako.

"Dito rin ba naghihintay si Johnrey?"

Nasa mga tao pa ang tingin ko nang marinig ko siya.

I wasn't fast enough to pick that up so it took me a bit of time to glance back. Nasa akin ang kaniyang seryosong mata pagbaling ko. Medyo tumagal pa ang titigan namin.

I was seated properly, back straightened up, and my legges pressed towards each other. Siya naman ay maluwag ang pagitan sa dalawang binti. He's seated at the rectangular couch while I was on the small couch dedicated for solo seaters.

Sa paraan ng pagkakaawang ng dalawng binti niya, mukhang inaangkin niya iyon ng buong-buo. Imagine him blessed for having long limbs.

"Did he invite you to go with him for lunch?" mababa, pero klaro ang dinig ko roon.

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Dito rin ba siya naghihintay kapag inaaya ka niyang lumabas?" dagdag niya, pero mas mahina na ngayon at ramdam ko ang kaniyang pagiging seryoso.

Pero hindi ko nasuklian iyon dahil umangat ang gilid ng dalawang labi ko nang makuha ang kaniyang ibig sabihin. Agad ko ring naikagat ang labi pero hindi nagpapigil ang pag-angat ng magkabilang pisngi.

Nahuli ko agad ang kaguluhan sa kaniyang mga mata.

His brows are creased towards each other.

Humugot ako ng hinga at inayos muli ang sarili.

"Anong ibig mong sabihin? Sino nagsabi sa 'yo niyan? I don't date men."

Naabutan ko muli ang pagbago ng itsura niya. The crease lightened a bit but the seriousness in his eyes remained. Or maybe because they have been etched that way since then.

"And, uhm, was that the reason why you came here?"

Nanatili ang kaniyang mata sa akin.

Hindi ko alam papaano ko nakakayanang tingnan siya ng ganoon katagal.

"Kailan ang balik ninyo sa dati n'yong building?"

"Next week pa." sagot ko.

Tumango siya at ngayon pa lang binalingan ang brochure na nilapag ko sa harap. He picked one up. Pinanood ko siyang seryosong tinitingnan ang mga produktong naroon. Ilang minuto yata akong nakaupo sa upuang 'yon. At hindi ko rin alam kung sinasadya niya bang bagalan ang paghahanap ng bibilhin niya dahil kung talagang may bibilhin siya, alam niya na ang produktong kukunin, hindi pa man nakakarating dito.

But I stayed patiently.

Medyo naaamoy ko rin kasi ang ganda ng halimuyak ng mamahaling pabango niya.

"You called me last night. Do you remember?"

'Di ko napigilan ang sariling magtanong.

Novales continued observing the pages. Pero gumalaw saglit ang mata niya para tingnan ako.

"Y-you were drunk..." dagdag ko.

"Sorry... and... I know what I said," binaba niya ang pagkakangat sa brochure. "'Di ko maalala lahat pero alam ko ang nasabi ko sa 'yo,"

Tumango ako at pilit hindi binigyan ng malisya ang nasabi niya.

I hope there was no woman who joined you.

Pero imbes na iyon ang sabihin, tinuro ko ang nakikita kong pahina ng brochure. "'Yan na ba ang kukunin mo?" I said, pointing to a specific product.

Nararamdaman kong hindi bumaba ang tingin niya roon.

Biglang may bukol na nabuo sa lalamunan ko.

"It's been years, Vien. And I hope you know why I came here."

Nagkaroon ng kaunting katahimikan. O ako lang yata ang nabingi sa aming dalawa.

Marahil kung wala akong ideya sa nakaraan, nagdiwang ako ngayon sa harap niya. Oo, masaya ang puso ko sa nalaman. Pero bago ko payagan na magpaubaya sa nararamdaman, gusto ko sanang ayusin ang gusot na mayroon ngayon sa pagitan ng aming pamilya. I want to make sure that nothing will hinder us once we pursue our future while being together.

Pero dala na rin siguro ng kalituhan na bumabalot sa damdamin ko, hindi ako nakasagot. Because I don't want to reject his feelings. And I also don't want him to know yet that I still have feelings for him.

Kaya imbes na pansinin ang kaniyang mga salita, tinuro ko muli ang brochure na nasa kaniyang kamay. "Novales, we'll be having our cut-off by twelve."

Hindi na siya nagmatigas at binigay sa akin ang produktong kaniyang kailangan. I scribbled it mentally in my head. Tumayo na ako at nagpaalam para tuluyan siyang iwan.

Dumiretso ako sa may computer malapit sa pintuan ng opisina ko. May nag-iinput ng orders doon kaya binigay ko na sa kaniya ang binigay sa akin ni Novales at matamlay na pumasok sa opisina.

Damn, why is this so hard?

Kung kailan isinusubo na sa 'yo ng tadhana ang 'yong gusto, saka naman may hahadlang kapag susunggaban mo. That's why you must be knowledgeable. Because maybe it's a trick. I know I'm academically smart, yet, I feel like I'm emotionally distorted. If it's properly termed that way.

Sa takot na baka naroon pa si Novales sa labas, nang dumating ang lunch, nagpa-deliver ako ng sarili kong pagkain. I let Ate Cory choose my meal. Siya rin kasi ang nag-oorder ng tanghalian ko.

Natapos ang araw nang hindi ko na nakita si Novales. But he came to our store the next day to order another sack of dog food.

"Sinusulit tayo ngayon, a," si Ate Cory na kahapon pa napansin ang mataimtim na naging pag-uusap namin ni Novales.

Isang empleyado na ang pinapunta ko sa kaniya ngayon.

"Hindi naman po," sabi ko at pinagpatuloy ang pag-iinput ng order ng na-aattendan kong customer.

Saglit akong tumingin kay Novales at nahuling nasa akin ang kaniyang seryosong tingin. Nanlamig tuloy ako dahil parang nabasa niyang iniiwasan ko siya ngayon.

Sa sumunod na araw, bumalik muli siya para kumuha ng panibagong sako ng dog food. I know these go for donations. Na kagabi ko lang nalaman nang magtaka ako kaya nangalap ako sa social media ng impormasyon. At kagaya kahapon, hindi ako ang tumanggap ng order niya.

Nagtuloy-tuloy iyon hanggang nakalipat na kami ng tuluyan sa building. Nakikita ko rin kasi sa system ang pangalan niya. Pero hindi na naging ganoon kadalas. Maybe because he knew I won't be coming downstairs anymore.

Natapos ang holiday na hindi binabalik ni Papa ang huling argumento namin. Matapos kasi noon ay sa unit ako nanatili ng ilang gabi at bumalik lang nang tawag ng dalawang kapatid dahil sa nangyari.

Nang dumating ang araw ng kasal ng kaibigan, buong akala ko ay hindi magiging masyadong engrande iyon. Why did I forget that she's a daughter of a well renowned law firm in the Philippines.

The wedding ceremony was solemn. At noong ihatid na kami sa hotel para sa reception, sa isang lamesa ako malapit sa kanila nakaupo.

Kanina pa rin ako hindi kumportable. Bukod sa gown na suot, ang mga mata ko ay parang magnet na bumabalik kay Novales na may kasamang babae sa event. At tuwing nakikita kong nag-uusap sila ng babaeng iyon ay parang kumukulo ang dugo ko lalo pa tuwing hinahampas nito ang braso niya. Damn.

I was commanded to sit near the bride, ayon sa order ng organized. At 'tang ina dahil katabi ng lamesa ko ay ang lamesa nila. And they were five or six seated on the table. Hindi ko na mabilang ng maayos dahil ayaw kong magtagal ang tingin sa lamesa nila.

While the dinner was served, an emcee called everyone's attention.

"Every single ladies and gentlemen seated in this convention, we're requesting you to stand up for a moment. Ito ay part ng ceremony kapag may bagong kasal..." sabi nito kasabay ng paliwanag na idinagdag.

Halos maluwa ang mata ko sa narinig.

Diretso ang lingon ko kay Nelsa.

In her artistically woven wedding dress, she smiled widely at me. Binuhos niya pa ang silk nitong gloves para imuwestra sa akin na tumayo.

"Tumayo ka na!" nabasa ko sa paraan ng paggalaw ng kaniyang bibig.

Natatamaan ng ilaw ang kaniyang puting-puti na silk na gloves kaya agaw pansin iyon kapag inaangat niya para patayuin ako. At dahil nasa harap kami, napansin iyon ng emcee.

"O, boys, tumayo na kayo!" tumili siya, palapit sa akin. "Single pala ang ating gorgeous bridesmaid!"

Hiyang-hiya akong tanggihan nang nakalapit sa akin ang emcee at pinatayo ako. Nang makasunod, he then asked me to look at the tables behind me. Hiyang-hiya akong sumunod at nakita ang mga iilang bisita na nag-p-participate para rito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top