Ikatatlumpo't Dalawang Kabanata
Ikatatlumpo't Dalawang Kabanata: Sin
Ilang mga segundo yata ang hindi ko nabilang bago ako tuluyang natauhan. Two flinches, my eyes immediately tore away from Novales's elbow, ayaw matingnan kung saan nanatili ang kamay ng babae. Hell, why did I come here unprepared?! At dahil nabigla ako, 'di ko tuloy alam saan titingin. Naging kabado pa dahil nahalata siguro nila ang bahagi ng aking pagkakabalisa.
Isang mura ang lumabas sa utak ko.
Ilang kurot siguro ang nagawa ko bago ko naibalik ang sarili. And when I got myself back, nagdesisyon na akong humakbang.
The sun is throwing daggers. Even when I am shielding myself with an umbrella, damang-dama ko paring lumalagpas ito para lang pasuin ako. And Novales and his girlfriend doesn't seem to matter. They're still standing, didn't even dare to move even when I was already nearing them. They just continued watching me, not minding the damn burning heat.
Pero agad napaayos ang babae pagkalapit ko.
"Uh, Ma'am? I'm sorry to ask. Pero for legal queries po ba?" nahalata ko agad ang pag-aalala sa mukha ng babae. "W-wala kasing-"
"Nasa Maynila pa ang kaibigan mo," si Novales na pinutol agad ang girlfriend niya. And he said that under his monotone.
I'm not sure if it's because of what happened at the mall. Pero ilang buwan na ang lumipas.
My eyes didn't mean to climb down when I realized that they were in their denim. Mabilis lang naman dahil ayaw kong magbigay ng impresyon. Lalo na sa kasintahan niya.
"May gagawin kayo?"
Saglit na nahulog ang tingin ko sa babae.
Agad ding umangat para kay Novales.
"Gusto ko sanang makipag-usap. Sa 'yo, Noval. But... uhm, I guess you're heading for something? Pero it's okay. I know this is very sudden," pinatianod ko pa ang boses ko dahil sa tipid na halakhak.
Bumaba ang tingin ni Novales sa kaniyang kasama. Nahuli kong napatingin din sa kaniya ang babae. And that's when I realized something again.
Sunod-sunod agad ang pag-iling ng ulo ko, nanlalaki pa ang mga mata para pabulaan ang anumang pumasok sa isip ng babae. My laugh tried to even protrude to make everything lighter.
"No, no, no!" tumatalbog pa ang buhok sa pag-iling ko. "I mean... t-tungkol lang 'to sa isang pangyayari sa nakaraan. Walang malisya! Novales and I were close friends! Uh, we're close friends back then."
Hindi ko napansin na nakaangat pala ang isang palad ko. I don't know if I was about to hold her to console or I don't know. It's an awkward approach. Kaya agad kong tiniklop ito at tinago sa likod. It would be so awkward if I did that with both hands. Mabuti nalang payong ang hawak ng isang kamay ko.
I smiled forgetting about that.
Nakatingin na sa akin si Novales nang ibaling ko sa kaniya ang mukha.
Wala siyang salita o kahit anong reaksyon.
"A-are you heading for a lunch date?" masaya akong nagtanong.
Para sana iyon sa babae pero nakalimutan kong ibaling ang ulo sa kaniya. My eyes remained at Novales whose eyes got deepened. I even saw his brows flinching despite his eyes directed towards me, feeding me the tension.
Wala ulit sagot na lumabas sa kanilang dalawa.
Nagmukha tuloy akong atribida. Sa likod ng utak ko ay ang pangangalap ng mga salita na hindi makakasira sa dalawa. At para rin akong timang dahil ako lang dito ang nagsasalita sa aming tatlo.
Aawang na sana ang bibig ko sa panibagong salita nang maunahan ako ni Novales.
May inabot din siyang card na 'di ko mapapansin kung wala siyang binanggit.
"We have to do something important. Call me through this card. Let's go?"
Ganoon kabilis silang nawala sa harapan ko. Medyo natulala pa ako at nanatali ng ilang segundo bago ako muling nagising sa katotohanan. Tinawag din ako ng guard para patuluyin sa building.
Hawak ang papel na binigay ni Novales, bumalik ako sa sasakyan ko nang walang imik at dama pa rin ang lahid ng nangyari. Pagkaupo ko rin napagtanto ang reaksyon at mga nasabi ko para sa dalawa.
"Ugh! Ang bobo mo, Vien! Ang tanga-tanga mo!" tinampal-tampal ko ang manibela.
Dammit! I looked like a jealous woman!
Hindi pa ako nakontento sa pagtampal sa manibela at tinapon ko pa ang payong na nasa ibabaw ng hita ko patungo sa likod ng sasakyan na para bang maiibsan nito ang inis sa sarili. That's what you get for doing indecisive things! Ikaw ang mukhang apektado sa inyo!
And I hated that I was the one who looked so affected! Mas kontento ako na naghahabol siya noong nasa tapat kami ng mall. But there was no one watching! Unfair! Dahil 'yong sa akin, kasama niya ang girlfriend niya! And my reaction was worse! Ugh!
Nasa higaan na ako nang muling napamulat matapos ang ilang subok na pagtulog nang sumapit ang dilim ng Sabadong iyon. My thoughts kept on recalling what happened. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit masyado akong apektado roon.
My room was dimmed. A night-light beside my comfort room door was lit. Kaya nang tumunog ang cellphone, agad dumirekta ang atensyon ko sa bedside table sa pag-ilaw ng screen.
Kalahating ng katawan ko ay umangat para lang maabot iyon. And I immediately swiped the screen when I saw Nelsa's name calling.
"Nelsa? Gabi na, a?" gising na gising ang boses ko, iyon agad ang sinabi ko hindi pa man nalalapit sa tainga ang phone.
I thought it's gonna be one of our 'usual talks'. Hindi ko lang inaasahan ngayon dahil gabi pero mabuti na rin siguro para mawala ang kung ano mang mga iniisip ko. But but right when I felt the heat of my screen to my ears, hearing her sobs woke my attention.
"Nelsa? Anong nangyari? W-what's the drama?" Napatayo ang likod ko sa pagkakaupo. Naikunot rin ang noo kasabay ng pagbalot ng sariling kaba.
I tried to laugh thinking that this is probably one of her other jokes.
"Vien..." her voice cracked.
Nadagdagan ang kabang nabuhay sa akin.
"Nelsa? Nasaan ka? Ayos ka lang ba? "
Hindi siya agad nagsalita. Her sobs continued propelling.
"Nelsa, 'di magandang biro 'to! W-what happened? Tell me," dagdag ko.
Naihilamos ko na ang kamay sa pagkabahala.
This time, I am convinced that she really is crying over something.
Napatingin din ako sa pinto na para bang nandoon ang mga magagandang ideyang puwede kong sabihin sa kaniya. This woman. I know she's not the type to cry over something. Kaya alam kong hindi ito ngayon biro. Sa tagal siguro ng pag-iisip, sa huli, ang mga nasabi ko lang ang mga pang-aalo para lang pagaanin ang kaniyang nararamdaman.
"V-Vien... I-I'm pregnant," her voice cracked again because of her cry.
Naglaho agad ang mga salitang sasabihin ko pa.
My jaw, too, literally dropped before I was able to perceive her words.
Buong gabing iyon, tuluyan ngang nawala sa utak ko ang nangyari sa akin kanina. I had to attend to my friend. I have to at least give her something that would comfort her. That night, I told her to rest first and I'll call her the next morning. Na agad ko ring tinupad. Since it was Sunday, my time is free. Kaya sa kaniya ko inilaan ang oras ko buong araw.
"Who's the father?" 'di ko na napigilan ang sarili habang naka-video call kami.
Nakikita ko sa kaniyang background na nasa unit niya siya. It's still morning. And her face is naked from the cosmetics she would always wear.
Sumubo ako ng isang scoop ng yogurt nang hindi inaalis ang mata sa screen.
"We... I mean..." pinanood ko ang pagkagat niya ng kaniyang labi. Nag-iwas din siya ng tingin. "I had sex with Orly,"
"Y-you mean... Orly?! Orly Baltazar?" gulat na gulat kong tanong.
Gumalaw ang kaniyang mata para silipin ako sa kaniyang screen. Muli ang pagkagat niya ng labi, saka tango, sinasagot ang tanong ko. "Uh-hmm,"
"Oh, my!" Hindi ko napigilan ang ngiti. Muntik ko pang mahilamos ang ginagamit na scoop para lang hindi niya makita ang mga labi kong nakakurba na ngayon.
Sumimangot si Nelsa.
Mas lalong lumapad ang pinakita kong ngiti sa kaniya.
"How was it?" 'di ko na nakontrol ang paglabas ng halakhak.
I have no idea whatever's going between them. I have no clue about everything. Pero parang natuwa ako sa kaibigan nang malaman ko iyon sa kaniya. For the past years, I can't remember if she introduced me to her boyfriend, or if ever she had one before. And knowing that a noble Orly Baltazar bared her a blessing, if ever both has emotional attachments or some sorts, Nelsa's future will change. In a positive direction. Based from my perspective.
Buong hapon, hindi matapos-tapos ang mga tanong ko kung anong mayroon sa kanilang dalawa. Turned out, they already had this red string connected between them without me knowing. Hindi niya masabi sa akin dahil nahihiya raw siya dahil ako ang tinutukso nito noon sa kaniya.
Iyon din naman ang nasa isip ko pero 'di ko pinahalata at tumatango habang nakikinig sa kaniya.
Pagkakataon lang siguro ang kulang. Pero ngayong kinuwento niya kung papaano nagsimula, nakuha ko agad ang mga dahilan niya.
"Ano ang plano ninyong dalawa?"
Mag-aalas dos na, nasa bingit pa rin kami ng pinag-uusapan.
"Hindi ko pa nasasabi sa kaniya..."
"Well, tell him," wala sa sarili kong tugon.
Nasa sala ako ngayon. Nakabukas na rin ang TV ko habang nasa ibabaw naman ng lamesa ang phone. Nakadirekta lang ito sa akin para makita niya ang ginagagawa ko.
My eyes fell when I heard nothing from her. Nakatuon pa rin naman ang kaniyang camera sa kaniyang mukha pero ang mga mata ay nasa iba ang atensyon.
Nelsa's still in her room, based from the sheets she's laying on. Her unproportion shoulders are still the same. Isang kamay pa rin ang nakahawak sa kaniyang cellphone.
Tinawag ko ang pangalan niya.
"Nag-away kami last week. Hindi ko pa siya kinakausap ngayon." sagot niya agad.
My thoughts drastically got diverted towards my friend. Na pinapasalamatan ko naman dahil ayaw kong inaaalala na nagmukha akong kawawa noong huling tagpo namin ni Novales ngayon. And the coming weeks made me forget about the card he gave me.
Nasa Romualdez Airport na ako para sana ipakita ang identification card ko nang mabunot ko rin ang card niya na roon ko pala itinago pagkatanggap nito.
Napako pa ang tingin ko roon para basahin ang mga nakasulat.
'Atty. Novales Alexander Legaspi Argales.'
At sa ilalim noon ay ang kaniyang numero. May nakalagay ring firm na pinag-t-trabahuan niya na nasa ilalim naman ng numero.
Is this his private contact? Or does he have any secretary with him?
Naisip ko ang babaeng nakasama niya. Sekretarya kaya niya iyon? Probably not. Imposible namang magkaroon siya ng ganoon. Our corporate attorney does have one but I guess working in a firm will be different. I don't care, anyway. Bahala siya sa buhay niya.
"Ma'am, nandito na po. You can proceed nalang po sa kabilang lane,"
Nabaling agad ang ulo ko sa teller na inilalahad na pala sa akin ang mga dokumentong ipinakita ko. I immediately took them and proceeded.
Pa-Maynila ang lipad ko ngayon para i-p-proseso ang kinukuha kong franchise ng isang international livestock brand ng feeds. Puwede ko namang imando sa iba pero naisipan ko ang pagbisita kay Nelsa kaya pinaunlakan ko na. Kasama na rin siyempre ang pagkikita nila ni Orly dahil ang bruha, hindi kaya nang walang makakasama. As if she hasn't gone through enough in their relationship.
Pumayag lang ako dahil wala naman akong ibang gagawin.
Paglapag ng eroplano, kinuha ko agad ang phone para ipaalam kay Nelsa na nandito na ako. No replies came. I just shrug it off and hook my things with me. Isang bag lang naman. Dito na lang siguro bibili ng mga damit kung sakaling magtatagal pa ako rito.
"Sasakay na ako ng taxi papunta sa unit mo," sabi ko nang tumawag siya, nasa labas na ako ng airport.
"I slept! I'm sorry! Bumisita rin kasi si Papa sa akin para sa isang trip,"
A cab came. Nang tumigil sa harap ko, pumasok agad ako nang hindi pinuputol ang usapan.
Sa kaniya ako titira sa buong pananatili ko rito. Alam kong hindi ako ganoon ka maalam sa pag-b-biyahe lalo na sa ganitong malalayo. But I kept myself positive. Marunong naman akong bumasa kaya may kumpiyansa ako sa sariling hindi ako mawawala.
Sinabi sa akin ni Nelsa ang pangalan ng lugar na tinutuluyan niya. I directed the cab its address.
This isn't the first time I had my travel for Manila. Kaya lang, kasama ko sina Papa o sina Kuya kaya palaging may sasakyan na nakaabang hindi pa man nakakalapag ang airport.
I just took the risk this time and told Kuya Lhanz I have to do this my way. And knowing him, pumayag din siya.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang magandang building. Sumilip muna ako sa bintana bago naisip na lumabas.
"Take the change nalang po, Kuya," sabi ko after handling him a thousand bill.
Bumaba agad ako. Malaki ang building. Matayog din. Pagtuloy ko, people behind the reception stall greeted me. I only smiled to them and someone even tried to assist me. Kung hindi ko lang agad nakita si Nelsa pagbukas ng elevator sa tabi nila, papaunlakan ko ang tulong niya.
Sabay kaming pumasok.
Sumunod ang mata ko nang pindutin ng daliri niya ang sixteenth number, hudyat na roon ang palapag namin. We were silent at first. Ilang palapag siguro ang nalagpasan nang may punahin siya.
"Buti hindi ka magtatagal," aniya, nakita ko agad sa repleksyon na nasa bag ko ang direksyon ng mga mata niya.
Pareho kaming nakaharap sa pintuan ng elevator.
"Mag-s-shopping ako rito, incase kailanganin ko. Pero sapat na ang iilan dito. I also brough something for you. Kaso lang, preggy kana,"
Kumunot ang noo niya. Sa repleksyon ako nakatingin. Kahit noong balingan niya ako, 'di ko parin binawi.
"Ano na naman 'yan?" kumunot ang kaniyang noo.
Ngumisi ako. Bumaling na ring para mas makaharap siya.
"Bikini lang. Nabili ko noon," sagot ko.
"Kailan mo naman naisipang bumili ng ganiyan? At sa akin? Talaga lang?" she said, eyes doubting me.
"Para sa akin talaga sana. Alam mo naman hindi ako nagsusuot na ganoon. But I'll try if you won't want it. Hindi lang talaga ako sanay na nagpapakita ako ng balat. Pero tingnan natin mamaya."
Nelsa's eyes lit up. Her smile also widened. "Sige, sige! Picture-an narin kita! Tas i-s-send natin sa mga boys para makita nila katawan mo! You know... ou're still single, 'di ba?"
The elevator door opened. It actually opened while Nelsa was still on the verge of speaking her third sentence. Ayos lang sana at walang malisya pero pagbaling ko, nagulat ako nang si Novales ang unang nakita kong tao. He's in his plain white shirt. Agad-agad napawi ang kurba sa labi ko mula sa pinag-uusapan. And my eyes literally widened seeing him.
"Attorney! Naku! Pasensya na!" Si Nelsa na umarteng nakaabala. She even pushed me towards where Novales was standing. Ako rin ang umilag nang muntik ko nang matamaan ang katawan.
"Naku! Pasensya na talaga! Alam mo naman kaming mga girls..." dagdag niya, natatawa pa.
Hindi nawala ang tingin ni Novales sa akin. Ramdam ko kaya hindi ako makaangat ng tingin sa kaniya. Gusto ko ring kurutin si Nelsa dahil sa pinaggagagawa. Mamaya lang 'tong babaeng 'to!
Novales, in my peripheral, moved to enter. Dahil nasa tapat niya ako, umilag ako para padaanin siya pero hindi ko inaasahan na sa parehong direksyon ang aming gagalawan. I felt my forearm dug into his abdominal muscles when I tried escaping from what we had just done.
"Sorry-" sabay pa naming bigkas.
Hinawakan niya pa ako sa balikat.
Umatras ako at hinila si Nelsa. Sa pagkakataong ito, hindi siya gumalaw kaya nakalabas kaming dalawa. And luckily we were on the right floor, dahil kung hindi, panibagong elevator na naman ang hihintayin namin. Knowing the height of this establishment.
"Magkakilala ba kayo? Matagal ang titig niya sa 'yo, huy! Grabe!" si Nelsa habang patuloy ako sa paghila sa kaniya.
Her room was at the sixteenth floor.
Sa lobby pa lang, pinaghalong cream at orange ang kulay ng bawat paligid. May mga engrandeng ukit din lalo na ang mga muwebles. At maging noong nasa tamang palapag na kami, habang hinihila ko siya, nakikita kong sumusunod pa rin ang ukit ng disenyo.
Tumigil ako nang hinila ako ni Nelsa. Nagpatianod na rin ako dahil sinabi niyang nasa pintuan ng kuwarto niya na kami.
"Magkakilala ba kayo ni Attorney Agrales?" si Nelsa parin, nakapasok na kami sa kuwarto niya.
Hindi pa rin ako nagsasalita.
"Grabe, ang guwapo niyang tumingin sa 'yo, huh! Did you tried hitting him on?"
"Pagod ako. Magpapahinga muna ako sa kuwarto mo." sabi ko, hindi binabalingan siya. Pumipili pa ako kung saan ang tamang pinto. Tinuro naman agad Nelsa ang isa na nasa gitna kaya binuksan ko agad iyon.
Ramdam kong sumunod ang kaibigan sa akin.
"Nandito rin ang iilang mga nasa firm namin dahil sa isang kaso. Huy, ano? Magkakilala kayo ni Attorney Argales, 'no?"
Nakaupo na ako sa ibabaw ng kaniyang kama. Nakaharap na siya sa akin.
Umirap ako nang nahuli ko ang mapagbiro niyang tingin.
"May past?" hula niya.
Para parin akong walang naririnig. Yumuko ako para tanggalin ang suot na sapatos. Nang matapos sa dalawa, inakyat ko na ang paa at hinila ang sarili patungo sa may headboard ng kaniyang kama. Nelsa remained standing, pinapanood ako habang ginagawa ko iyon. Naririnig ko rin ang mga tili at panunukso niya.
"Hindi ba maganda ang inyong break-up? Cheating? Vien! Magkuwento ka! Nagcheat ba siya? Ano ba naman 'to,"
"Unahin mo muna ang problema mo bago 'yong akin." bulong ko, siniksik ang dalawang palad sa ilalim ng napiling unan na hihigaan ko. I made my body laid sideways. Narinig ko naman ang mga apak ni Nelsa papunta sa likod ko.
"Aha! Was he the reason why you ask something from me?"
Umirap ulit ako sa kaniya nang hilahin niya ang balikat ko para maharap siya.
"Tama ako, 'no?"
In the end, I had no other choice but to let her know. Mula sa simula. Siguro, may iilang detalye lang akong hindi sinama.
"Tingnan mo! Tingnan mo 'to!"
May nahagip akong larawan na nasa kaniyang screen. Hindi ko nakita ng maayos dahil inuna niya muna ang sarili niyang tingnan iyon.
"Si Attorney, oh! Yummy niya rito, huh,"
Inikot niya ang kaniyang phone. Isang larawan ni Novales ang bumungad sa akin.
"He strived hard to achieve what he has now. Humingi pala siya ng tulong kaya nakapag-aral sa mas magandang eskuwelahan sa Cebu." kuwento niya pero sa larawan ang atensyon ko.
On the picture was Novales and an old man. Novales is in his toga while the old man is in his business attire, holding his graduation cap. Halata na ang tanggad ni Novales sa matanda.
"Doon sila siguro pumunta matapos ang trahedya. Sa tingin mo, ginawa ba nila iyon sa inyo?" si Nelsa ulit, binalik na sa sarili ang phone.
Hindi ako nakasagot. Maging ako ay gusto ko ring malaman iyon. I really doubted them doing that. Pero kung hindi ko malalaman ang naikuwento ng kapitbahay nila, siguro, papaniwalaan ko parina ng ganoon.
Kinabukasan, alerto agad ako sa mga gagawin. Alam ni Nelsa ang una kong gagawin kaya hindi ko inaasahan na ipapahanda niya ang kanilang driver dito para lang maihatid-sundo ako.
The tower we're situated in is at Makati. Sa BGC pa ang pupuntahan ko. Which made me realize that having ours, too, could give me at least convenience. Pero sa ngayon, ayos lang siguro ito. May cook na nagluto para sa amin. Matapos ng breakfast, nag-ayos muli ako saka na dumiretso.
Hindi pa man nararating ang elevator, isang pinto, apat na layo mula sa unit ni Nelsa, ang bumukas. Si Novales, nakapang-opisina, ang naroon at mga mata agad namin ang nagtagpo.
My walk slowed down.
Sinarado niya ang pinto.
Naisip kong walang silbi kung pauunahin ko siya dahil maging siya yata ay iyon ang iniisip para sa akin. So my strodes continued with its phase.
Pagpasok ko sa elevator, si Novales naman ang sumunod.
Punong-puno ng pagmumura ang utak ko.
Oo nga pala! Kaparehong palapag pala namin siya!
When the door closed, the awkwardness in me intensified.
Pareho kaming nakatingin sa harap. Hindi ko rin tinitingnan ang repleksyon niya sa takot na mayroon muli akong mapuna.
To be honest, his complexion got lighter now compared from when he was still striving in our little hometown. His strong pointed nose, lips, and piercing eyes, they're still the same as before. Kahit na binabaling ko sa ibang direksyon ang tingin, still, they demand attention. Especially now that he got bulkier. At halatang-halata iyon ngayon na katabi ko siya dahil bumabakat sa suot niyang dress shirt ang kung anumang tinatago niya sa likod nito.
Hindi ko napigilan ang sarili.
Panakaw na gumalaw ang mata ko para makita ang repleksyon niya. For me, it's a sin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko that I risked it. My heart probably would be wrecked. Dagdagan pa na humahalimuyak ang tangina niyang pabango.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top