Ikatatlumpo't Anim na Kabanata
Ikatatlumpo't Anim na Kabanata: Letters
Nagpaubaya ako nang alalayan ako ng emcee palabas ng lamesa. Sumama ako papunta sa harap. Until later on, I was surrounded by other women wearing long dresses. Ang puting gown ko lang ang tumitingkad sa lahat.
"Ano raw ang gagawin natin?" I whispered to someone who I had eye contact with. Nahihiya parin ako.
"Susunod lang ako sa kanila e," she smiled after.
Lito ako sa gagawin pero pinaalalahanan ko ang sarili na makisama.
Napatingin ako sa lamesa nina Nelsa nang makita kong pinapatayo na siya. Hindi rin sinasadya ng mata na mahagip ang isang grupo ng mga kalalakihan sa kabilang banda. And all of them were screaming with joy while ours are being shaded by an unfamiliar tension. Inalis ko agad ang tingin sa kanila nang makita si Orly na nakikisama. Diniretso ko ang mata ko sa palapit na ngayong kaibigan. Nahuli ko rin ang bouquet niyang ginamit kanina na inabot sa kaniya.
"Sasaluhin daw natin ang bulaklak," lingon sa akin ng babae kanina.
Nanatili ang tingin ko sa kaibigan. Pinanlakihan niya agad ako ng mata. Nahulog agad ang balikat ko dahil I knew she'll be unfair. At hindi na ako nagtaka nang walang kahirap-hirap na napunta sa akin ang bouquet na hinagis ng walang hiyang bruhilda.
She even acted surprised when she saw my hands.
"Yey! Sabi ko na nga ba! Para sa 'yo talaga 'yang bulaklak na 'yan! Ikaw na ang sunod na ikakasal sa akin!"
Binalingan ko ang mga kasama kong bigo.
"You threw this unfairly!" giit ko.
"Anong 'unfairly' ka d'yan? Sa 'yo nahagis, o! Sa 'yo!"
"Okay, tapos na rin ang mga ladies- and, oh! What a surprise!" Nabawi ang atensyon namin ng kaibigan nang magsalita ang palapit din sa aming emcee. Natagpuan kong nasa bulaklak na hawak ko nakatuon ang direksyon ng kaniyang tingin. "Our bridesmaid got the key to the next game!"
Pareho kaming lumapit ni Nelsa sa kaniya. Ganoon din si Orly, ang asawa ngayon ni Nelsa, at ang lalaking hindi ko inaasahan na sumusunod sa likod niya.
Umupo si Nelsa sa upuan nang tukuyin 'yon ng emcee.
Ako naman ay tumabi kay Novales, na nakababa ang ilang butones ng damit niya at ang sleeve ay naka-tupi hanggang ibabaw ng siko. Binilinan kami ng emcee na panoorin ang gagawin ng dalawa.
"Kukunin ng ating groom ang garter na nasa ilalim ng ating bride. He can be seductive or anything he'd like to do. Tapos kukunin niya iyon pailalim, at pagkatapos ay ibibigay sa ating gentleman." Sabi ng emcee, tinutukoy si Novales. Saglit pa itong napatingin sa amin. "Then our gentleman will give this to his pair, our gorgeous bridesmaid. At siyempre, hindi lang simpleng bigay ang gagawin."
Umikot ito para tingnan kaming dalawa.
"You'll have to slide the garter up to her thigh. Bawal gamitin ang kamay."
Agad lumaki ang mata ko.
Pinandilatan kami ng emcee.
Malinaw rin yata ang sinabi sa mga tao kaya lumakas ang hiyawan nila. Lalo pa ng mga lalaki.
Napatingin ako sa kaibigan an tuwang-tuwa.
I haven't attended wedding receptions. Naisip ko na maybe this too is part of Nelsa's filthy gestures? May mga ganitong laro ba talaga dapat?
Puwede ko namang ayawan 'to kaso espesyal na araw ng kaibigan. Ayaw kong maging kill joy sa kaniya kaya kakainin ko lang muna ngayon ang hiya.
Pero kinabahan ako lalo nang maalala na wala akong stockings na pinambalot ko sa binti. Malaki ang gown, almost identical sa bride. At dahil mainit ang ilalim, hindi na ako nagdagdag ng pabigat sa binti. At mababa lang din ang tights na suot ko. I was confident I'll go to my hotel room early. Kaya hindi na ako nag-abala.
"Don't worry. If you feel uncomfortable, I won't push it too much," nahalata siguro ni Novales ang nararamdaman ko.
Tumango ako nang hindi inaangat ang tingin sa kaniya.
The music started.
We were silent the whole time when Nelsa and Orly were doing their part. Dumagdag din sa kaba ko nang mapanood kung papaano sumasabay si Orly sa ritmo ng tugtog. At hindi ko alam bakit habang sinasayaw nito ang katawan sa asawa, iniisip ko si Novales kung gagawin niya kaya 'pag kami na.
Fuck! At hindi ko lubos maisip ang mararamdaman!
Though Novales seemed to be the type to not to do this, imagining him rubbing his body to me, as his eyes watching me intently... feels...
Umakyat ang init ko sa pisngi.
Natapos agad ang dalawa at nakuha ni Orly ang garter ng walang kahirap hirap. Saka ko naman naramdaman ang kamay ni Novales sa likod ko.
"Come here!" tawag sa amin ng emcee.
Nagpaubaya ako, kabado.
Everyone cheered loudly. Maging ang hiyawan ng mga kaibigan ni Novales ay lumakas.
Bigla ko tuloy naalala ang kasa niyang babae kanina. Hindi ko napansin kung sumali rin ba siya sa ganito. Probably she did? Hoping that Novales and she will be the lucky pair. Pero hindi ko alam bakit may tumabang sa loob ng tiyan ko nang maisip ang mga ipapagawa sa kanila.
"Umupo ka," si Nelsa nang salubungin kami.
"K-kailangan ba talaga 'to?"
Tinawanan lang ako bago nilubayan. Naiwan kami ni Novales at ang emcee.
"Okay, ilagay mo muna ang garter sa binti niya,"
Naka-upo na ako sa upuan.
Sumunod si Novales sa sinabi niya.
Kasunod naman ang muling paglakas ng hiyawan lalo na noong nabuhay ang tugtog ng kadalasang tema ng mga ganito.
And hell as I watched Novales's eyes, they were filled with darkness. Noong una, akala ko naninimbang lang siya. Pero kalaunan, alam kong ayaw niya ang pinapagawa sa kaniya. Naikagat ko ang labi, trying to feel the particles of intimacy. Pero habang lumuluhod siya, nararamdaman ko ang kiliti dahil sa ginagawa niya. Kahit na alam kong labag iyon sa kalooban niya.
Palihim kong tinulungan si Novales na maangat ng mabilis ang garter. Kasabay rin ng pag-angat nito ay nararamdaman ko rin ang dulo ng kaniyang ilong na umuukit ng sariling linya paakyat sa binti ko.
They tickled my sanity. Dumadagdag na nararamdaman ko ang init ng kaniyang bawat paghinga at ang talim ng maliliit na balbas ng may baba niya. Shit.
Tumigil siya nang nasa ibabaw ng tuhod ko ang garter.
His dark eyes got mine immediately.
Tumango ako para sabihing ayos lang 'yon at puwede na kaming tumigil.
I stood up.
The emcee declared for more pero humakbang na ako patungo sa mesa. I then decided to leave the convention. Nakawala ako sa dagat ng mga nagsasaya. I had to leave not because of what Novales did, or because of that shameful game, but because of my heartbeat's rhythm. Naging marahan lang naman ang pag-alis ko, hindi nag mukhang bastos, pero 'di lang ako nakapag-paalam sa kaibigan.
Naglalakad ako nang maisip ang nangyari. Bumulusok din ang mga pinipigilan kong nararamdaman. Hindi ko dapat winawarak ang dingding laban sa kaniya pero bakit wala na iyon nang gawin ni Novales ang kailangan niyang gawin kanina.
And for damn's sake, I was fucking pleasured by how his warm breathing rubs on my skin! Sumasabay pa sa sensasyon ang kaniyang balahibo sa baba na kumikiliti tuwing tumatama sa balat ko!
Lumiko ako, didiretso na sa pintuan ng kuwarto. Malapit lang iyon mula sa convention area. Ilang sandali, nasa tapat na ako ng pinto nang biglang mapalingon dahil sa aninong nahagip.
"Vien, you okay?"
Namilog ang mata ko paglingon nang makita si Novales na sumunod pala sa akin.
"B-bakit ka nandito?" Sa mga naisip, hindi ko napagtanto kung tama ba ang natanong ko. Damn this.
"I'm sorry about that." aniya, nakalapit na.
Umiling agad ako. "A-ayos lang, Noval. Parte kasi ng laro, kaya ayos lang,"
"I thought I offended you. Dapat tumanggi ako."
"No. I mean," huli na nang marinig ang nasabi.
Vien, nagpapakatanga ka.
"I-I mean, we had to do our part. Parang mali kasi na, uhm, 'di tayo susunod sa rules ng laro. Mas nakakahiya kasi 'pag tumanggi," My eyes played tag from his. Hindi ko alam bakit parang may nasabi akong makasalanan. And I can feel his eyes watching me. At dahil sa kaniya, nawala sa isip ko ang tunay kong sadya.
"N-Noval, uhm, papasok na ako sa kuwarto ko. I-I have to change my clothes,"
Nahuli ko ang pagbaba niya sa suot kong gown.
"Babalik ka ba?" dagdag ko.
Gumalaw ang ulo niya, umiling nang hindi inaalis ang tingin.
"I want to talk to you. Go change. I'll wait outside your door."
Bigla kong naisip ang kuwarto ko. Pero agad kong binawi dahil sa mga naisip ko kanina. I am in a deluxe room. May compartments ang bawat bahagi ng kuwarto. Naisip kong papasukin siya pero dahil yata sa mga naisip, hindi ko maiwasang lagyan iyon ng malisya.
"Go,"
"Uh, sa loob ka nalang maghintay. May sariling kuwarto naman ang bedroom. You can wait there while I'll do my things."
Pagbukas ko ng pinto, una akong pumasok bago si Novales. Lumingon agad ako sa kaniya. Ang kaniyang mga mata ay agad nasa paligid. I don't know if his room is like mine but he has money and I know he can now afford this.
Tinuro ko agad ang couch, huli na nang mapuna ang mga kalat.
"Sorry. I really don't clean much. Magbibihis lang ako."
Dumiretso na ako sa kuwarto. Agad kong ni-lock ang pinto, nangamba ulit dahil sa pangyayari na unti-unting nabubuhay muli sa isipan.
What the hell, Vien?! Really?! Mag-iisip ka ng kung ano sa inyong dalawa?
Pinilig ko ang ulo at siniksik ang dapat kong gagawin. At sa kadahilanan din siguro na alam kong narito si Novales sa loob, nagmamadali akong nagtanggang ng suot. Thankfully, hindi ko na kinailangan ng tulong para matanggal ang gown. Nang pang-ilalim na ang natira, agad kong kinuha ang mga damit na nasa luggage pa. I was panicking so I had no time to check for proper clothes.
Isang skinny jeans at pulang damit ang nakuha ko. Huli na ring nang mapagtanto na malaki ang damit sa akin.
Natataranta akong napatingin sa pinto at sa mga damit na nakakalat na ngayon sa kama nang muli na namang may napagtanto. What the hell? Bakit ko pa kailangang mag-ayos? Mag-uusap lang naman kami. And that's it.
Kaya sa ganoong pag-iisip ako nakuntento. I tucked the long shirt and checked my face for smudges. Hinayaan ko lang din ang natural na pag-alon ng kulot kong buhok. Nang makitang ayos na, naisip ko nang lumabas. Bahala na. Mag-uusap lang naman kami.
Naabutan ko si Novales sa kusina pagbukas ko ng pinto. He's observing everything. Pero lumingon siya nang nasa labas na ako.
"I haven't used any utensils there. Kung gusto mong... dito na lang, I don't know if it's okay for you. May wine naman sa cupboard."
Nanatili ang pagkakatitig niya sa akin.
Parang pinagpawisana ko kaya kinuha ko ang buhok at tinabi sa balikat.
"Uh, p-pero if you'd like us to go outside, I'm fine, too," dagdag ko sabay talikod para isuot na ang sapatos.
The outfit I am wearing isn't far from how he's semi-formally dressed from the reception.
"Sa labas na lang?" humarap ako sa kaniya.
Nahuli kong nakatingin siya sa suot ko. Hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan.
Kinagat ko ang labi.
"Ayos lang ba?"
"You're perfect." he smiled.
Naramdaman ko agad ang pag-akyat ng init sa mukha. He's making me uneasy. Pero kalaunan, nawala iyon noong nasa elevator na kami. Iniisip ko na rin na didiretso kami sa isang restaurant. At dahil busog pa naman ako, siguro iinom lang ako ng wine.
Pumasok kami sa kaniyang ash white Ford Territory. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto. Sa biyahe naman ay pareho kaming tahimik. Minsan, napapatingin ako sa kaniya tuwing napapansing lumilingon siya.
At kapag nahuhuli ko naman, babaling siya sa harap pagkatapos aangat ang gilid ng mga labi. Bawat naabutan ng redl light, ginagawa niya iyon.
Hindi ko na napigilang magtanong noong bumaba na kami sa isang Mediterranean Restaurant. Muli niya akong pinagbuksan.
"Is there something wrong?" salubong ko sa kaniya pagbukas niya ng pinto.
His smile immediately showed.
Wait. Is he thinking about tonight? Kung sabagay, parang date na rin namin ito. But of course, I have to keep myself lowkey.
"If you're thinking about us, don't get yourself to that level. This isn't a date if that's what you're smiling about," sabi ko, pagkatapos ay lumagpas na sa kaniya.
We only talked about what happened earlier. Siya ang unang nagbukas ng topic. At akala ko may kung ano pang pag-uusapan pero 'yon lang siguro ang kinabahala niya.
Marami pa sana akong idadagdag pero hindi ko mapigilang mapansin ang pagsilip ng kaniyang dimple dahil sa pinipigilang ngiti. Umaangat pa ang kaniyang kilay sabay tingin sa baso ng iniinom para siguro itago iyon.
"Noval, I know this probably means something to you. Kung iniisip mo na pumayag ako na sumama, hindi ibig sabihin noon na gusto na rin kita." I said, brushing my true feelings away.
Pero nanlaki ang mata ko nang sumilay ang ngiti niya, ibang-iba sa inaasahan ko na dapat makita. Idinirekta niya sa aking ang mga mata, nanghahamon. "Really? You don't like me?"
Para akong na-estatwa.
"W-what do you mean?" pagpapatuloy ko sa pagkukunwari. "Novales, I maybe liked you when we were still younger but everything will change as time will pass by. At sana alam mo 'yon,"
Napasinghal siya. "Talaga, Vien?"
At ngayon, nahawa ang kaniyang ngiti sa panghahamon ng mga mata niya.
Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko.
Damn you, Novales.
Pero nagmatigas ako.
I raised a brow, masking myself with sarcasm. "Well? Ano sa tingin mo?"
Biglang nilapit ni Novales ang kaniyang mukha. Nagulat ako kaya namilog agad ang mga mata ko. Inakala ko rin na may maglalapat na mga balat. But he held his distance, enough for me to feel his warm damn breath. Lalo pa nang magsalita siya.
"Kung gano'n, sino ang gusto mo? Sabihin mo. Because I know you have nothing except for me."
Parang halimuyak sa ilong ko ang hininga niya. And I couldn't bare the scream of my heart so I had to hide it through closing my eyes.
Hindi rin ako nakapagsalita sa takot na baka may masabi akong ikakalala ng sitwasyon naming dalawa.
I tried controlling my emotions. Ilang malalalim na paghinga ang ginawa ko bago minulat ang mga mata.
I saw Novales watching me intently. Nakatingin siya sa mga labi ko pero nang minulat ko ang mata ko, umakyat agad ito.
Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo. Gusto kong malaman niya ang mga binubuo kong plano. But I don't know if he'll understand fractions of them since I know he too is busier than I am.
Mula sa masiglang mukha, nagseryoso ang kaniyang mga mata, marahil ay naramdaman ang bigat ng dinadamdam.
Humugot muli ako ng malalim na paghinga.
"I don't know if this is a game for you but if you think it is, please include your consciousness. Love must not be playes with pure emotions, Noval. Dahil simula pa noon, alam na nating hindi puwedeng magkaroon ng ugnayan sa pagitan nating dalawa. Unless we do something for it." sabi ko, hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"I know what you're thinking and I know you're planning something. Probably the same as I am consoling everything. Vien, kung iniisip mong lalapit ako sa 'yo ng walang iniisip na plano, then you're wrong."
Naikagat ko ang labi.
"Sinusubukan kong kausapin ang ama ko. Gusto ko rin sanang kausapin ang Papa mo pero ayaw kong maging ligalig ang mga desisyon. That's why I wanted to ask you. Pero nawawala minsan sa isip ko dahil... I still love you. I still fucking love you that my heart overpowers me everytime I see you."
"P-pero-"
"I have already asked Papa to console whatever he and your father had before. Ayaw lang magsalita niya kaya ang 'yong ama ang nakikita kong sagot doon."
"W-what do you mean?"
Inalala ko lahat ng mga katiting na mayroon sa utak ko na tumutugpo sa mga nakaraan. I don't know anything. Or maybe I forgot because issues before are meaningless for me at a young age.
Nag-iwas ng tingin sa akin si Novales.
Pinanood ko ang magandang pagkaka-anggulo ng mukha niya.
Ilang sandali, bumaling siya sa akin.
"Hindi dapat ako ang kakausap nito sa 'yo. Kung gusto ko, aanyayahan ko si Mama sa susunod na makausap ka. She's a bit worried about what happened."
Umawang ang bibig ko pero agad ding nakabawi. "K-kamusta na pala siya?"
"She's doing fine. Nasa Leyte na rin sila ngayon."
"Ang kapatid mo?" tanong ko nang maaalala si Emir.
Napansin ko ang paglalim ng kaniyang mga mata. Para bang sinasabi nitong hindi niya nagustuhan magtatanong ako tungkol sa kaniya. But in the end he answered me.
Mahigit isang oras yata ang tinagal namin ni Novales sa restaurant na iyon. Inihatid niya ulit ako sa hotel paakyat ng kuwarto. I don't know but after that talked, I felt light towards him. Hindi ko pa naman inaamin ang nararamdaman ko sa kaniya. Pero saglit ko ring inalala ang mga nasabi bago napagtantong nasabi ko nga sa kaniya iyon indirectly.
But I did not tell him directly, so it should be my egde.
Sandali akong nagpahinga sa couch pagdating sa room ng hotel. Umalis agad si Novales nang maihatid ako dahil nasa ibang building pala sila nag-r-rent.
Muling kong binalikan ang bawat sulok ng kuwarto kong pinuntahan ni Novales. Naka-upo ako sa couch at parang baliw na nangingiti habang iniisip ang pag-uusisa niya sa mga gamit na nandito. The butterflies in my stomach were joyed.
Bago matulog, dumiretso ako sa banyo para muling magpalit ng damit. I had to freshen myself up, too. Mabilis lang naman ako pero hindi agad nakalabas nang may mapansin ang mata suot kong damit kanina. Nasa banyo pa rin ako.
'ARGALES' was the white letters printed on the shirt I was wearing earlier.
Nagpapatuyo na ako noon ng sarili nang mapansin iyon sa pulang t-shirt na sinuot ko. Itinabi ko ito kanina malapit sa sink nang maghubad ako. Ngayon ko lang napansin na may apelyido niya ang sinuot kong damit.
Napapikit ako nang maisip ang bawat ngisi ni Novales. Ito marahil ang dahilan kaya ganoon kalapad ang ngiti niya. At hindi niya man lang ako tinanong!
Inalala ko pa kung bakit mayroon ako nito. Because I don't remember myself asking a shirt from him. Or any incident.
"What the-" agad kong nahinto ang pagtatampal ng towel sa balat nang may maalala.
I now remember! What the hell? Supposedly, this shirt was to be returned to him! Noon! Naalala kong kinuha ko ito noong maulang hapon sa gym sa Hulatan. When I tried to give him a present. And I remember that this was soaking wet when he forgot it! That I had to keep this to have myself a reasonable reason to see him!
Shit.
At ngayong naalala ko iyon, malakas ang kabog ng puso ko.
Kinuha ko agad ang damit at binuksan na ang banyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top