Ikasiyam na Kabanata

Ikasiyam na Kabanata: Napansin


Mabilis akong natapos sa pagkain. Hindi naman nagtaka si Papa na maaga akong nag-ayos. Maybe he got used to me being so excited every time I get the chance to go out. At habang kumakain kasabay niya, nagtanong lang ako kung anong oras kami aalis.

"May gagawin ba kayo ng pinsan mo?" tanong niya.

Umiling ako. Pumasok din sa isip ko kung may gagawin ba ngayon si Adon. Puwes, mayroon. Mamaya. Kung papayag siya sa gusto kong gagawin namin. My thoughts wandered about Novales. Will he be in their house? I hope so.

Kaya noong inakyat na ako ng kasambahay para tawagin upang umalis, agad akong bumaba. My phone still has no reply from him yet. But I took it with me as we traveled the distance to the Costiniano. Sa labas ng gate pa lang, hindi pa tuluyan nakakababa, nakita ko agad ang pinsan na nag-aayos ng kaniyang motorbike.

Nagpaalam na ako kay Papa bago tuluyang bumaba.

Agad napalingon si Adon pagbaling ko, sinasarado ang pinto. He stopped what he's doing and his hands rested immediately on his hips. At sa paraan ng paggawan niya ng tingin sa akin, alam ko na alam agad niya ang sadya ko.

Hindi na lumabas si papa at umalis agad. Tumuloy naman ako sa gate nila. Adon was already waiting for me to come to him. I smiled proudly when our distance shrumk.

"Himalang pumunta ka rito ngayong Linggo," bungad niya agad.

Kanina pa palapit nakangiti ang mga labi ko.

"May gagawin ka mamaya?" My eyes were on his bike. Mukhang sinadya niya ring ilabas ito ayon sa nakita kong marka ng dinaanan ng gulong sa bermuda.

"May lakad kami. Bawal kang sumama."

"A-alis kayo? Nino?"

His eyes tore when I rose mine to meet them. He did answer. Lumingon ako sa mansyon nila. Pero wala roon si Tita Olivia. Binalik ko ang tingin kay Adon.

"Magpapasama ako sa 'yo kina Novales."

"Huh?!" Mabilis ang pagkunot ng noo niya. Marahas din siyang lumingon sa akin. "Ano ang gagawin mo sa kanila? At hindi ako sasama sa 'yo. Kasama din namin si Novales sa lakad namin mamaya."

"Saan kayo pupunta?" Gigiit pa sana ako pero napagtanto ko ang sinabi niya.

"Bawal kang sumama."

"Malayo ba ang pupuntahan ninyo? Sasama ako sa iyo."

He looks uninterested now. Muli niya nang binalik ang kanina niyang pinutol na ginagawa. Mas lalo naman akong lumapit sa tabi ng motor niya. My hands are behind me, pinching against each other. Hindi muna ako nagsalita at nanati sandali para panoorin siya. Ngunit mukhang kuha yata ni Adon ang susunod kong gagawin kaya bigla siyang nagsalita.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Sumunod agad ang tingin ko sa mata niya.

"Hindi kita isasama sa barkada ko. Mapapagalitan ako ni Tito Veril."

"Hindi magagalit si Papa, Adon."

Pinutol niya ulit ang tingin sa akin. Binalik niya ang kaniyang tingin sa motorbike. Wala namang planong lumiban ang determinasyon kong sumama.

"Totoo." Giit ko. "Pumapayag na si Papa na umalis ako. At... tungkol sa kuwento mo noong unang gabi, alam kong wala na sa isip niya ang mga Argales. Matagal na rin ang nangyaring 'yon, Adon. Kaya kung malalaman niya na naroon si Novales, he won't mind it. Promise."

"Hindi. Iuuwi kita sa inyo. Ano naman ang mapapala mo kay Novales kung sakaling makasama mo siya?" His eyes then flew back to me. The irritation is already shown.

PInigilan ko ang sariling magsalita sa takot na baka madagdagan ang iritasyon niya. I was also taken aback. But I knew to myself I would get that chance sooner. Kaya noong lumabas si Tita Olivia nang malaman niyang nasa labas ako, sumama muna ako sa kaniya. My eyes were vigilant wherever will my cousin go.

Nasa may ginagawa sa likod ng mansyon na kami nang mapansin ni Tita ang pabalik-balik kong tingin kay Adon.

Natawa siya kaya bumalik ang atensyon ko sa kaniya. Tita was wearing herself a pink silky nightdress. Nakatali ang itim nitong buhok ng pataas pero may mga kaunting tumatakas na lumalaylay sa likod ng kaniyang tainga. But her looks seems like it doesn't matter anyway.

"May lakad ngayon si Adon, hija. Mabuti pinayagan kang pumunta." Natatawa niyang hayag.

Hirap ang mga labi kong ipakita ang ngiti. "Sasama ako kina Adon ngayon, Tita."

Agad namilog ang mga mata nito.

"Really?"

"Saan po sila pupunta?"

"Nagpaalam siya kagabi na aalis sila para maligo sa dagat. Hindi ko natanong kung saan silang dagat. Talaga bang sasama ka sa kanila?"

Muli kong binalik ang tingin ko sa likod ko kung nasaan si Adon. Nasa tabi pa rin niya ang motorbike pero ang atensyon na nito ngayon ay nasa kaniyang cellphone. Mukhang may katext siya roon base na rin sa nakikita ko sa paraan ng galaw ng kaniyang daliri.

Lumingon ulit ako kay Tita na tiningnan din pala ang anak niya.

Tumango ako. "Para na rin po makapagliwaliw. I've met Adon's friends in school po. Mukahng mababait naman silang lahat. They've accompanied me already rin, Tita."

"Well, you must tell Adon that you'll be joining them. Bago magtanghalian siguro ang alis nila." Sa akin na ulit ang atensyon ni Tita Olivia. "Hindi ka ba nagdala ng damit?"

I bit my lower lip. "Ayaw ni Adon na sumama ako,"

Tita Olivia's concerned tone earlier got my track to do this. Hindi ako nabigla noong kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. I know she'll side with me and help me go wherever his son's whereabouts. At noong kinausap niya nga si Adon, hindi na ito nakahindi. I was listening to Tita's rants while Adon lowered his attention from his phone.

Sa loob ko ay tuwang-tuwa dahil mas napaboran muli ang pinlano ko kanina.

"Magmomotor ka lang ba?" Tanong ko matapos akong bigyan ng gamit ni Tita.

It was her old clothes she packed. I have no plans on dipping myself in the water. But I took it with me just in case.

Hindi maayos ang itsura ng mukha ni Adon. Hindi pa kami umaalis. Hinihintay pa niya ang iilang kasama na kukuha sa mga nilutong pagkain ng mga kasambahy nila. At nasa may bermuda kami noong itanong ko iyon.

Lahat ng pagkain ay nasa ibabaw na ng lamesang sinadyang itayo ngayon para lang may malagyan habang naghihintay sa mga kaibigan niya.

"Oo." Sagot niya, hindi inangat ang tingin sa akin dahil sa katext sa cellphone.

Napasilip ako sa screen ng cellphone niya. Nakita niya ako kaya hindi ko natanaw ng tuluyan nang inilag niya sa kabilang direksyon.

Nag-angat ako ng tingin sa paligid. There were no sign from any of their vehicles being prepared for the departure. Itong motorbike niya lang. His motorbike got the bulky model. Maangas din ang katawan. Kung iisipin, kasya rin kung sakaling may sasakay pa bukod sa akin.

"Uhm, si Novales... sa 'yo ba sasakay?" Pagsasatinig ko sa naisip.

"May hiniram na siyang habal-habal. Ikaw na ang sasakay sa likod ng bike ko."

Tumango lang ulit ako at hindi na nagsalita. Iyon siguro ang kanina niya pa pinagkakaabalahan dahil hindi talaga inaasahan ang pagdating ko. Biglang maiiba ang usapan ng kanilang nagawang plano dahil sa pagsama ko. But few minutes later, two men came over to get the prepared food. The curly hair of Heracleo was already familiar. Si Joshua, na isa sa mga kaibigan ni Adonnis ang kasama niyang iyon. May natanaw pa akong isa sa labas ng gate na hindi na bumaba. Iyon siguro ang nagda-drive dahil hindi ito bumaba sa habal-habal niyang motor.

Bumati ang dalawnag kaibigan ni Adon sa akin. Kinausap din sila ni Adon pero hindi lang nagtagal at umalis din ang tatlo agad. Ilang sandali pa, inanyayahan na ako ni Adon noong sumampa na siya sa motorbike niya. And without any helmet, we left their mansion. Agad na lumiko ang motor sa direksyon papuntang proper.

Pinaka-unang pagkakataon ko itong makasakay ng ganitong klaseng motor. My hands are gripping tightly on to Adon's shirt. Sumasabog sa likod ko ang kulot kong buhok pero takot akong mahulog kaya hinahayaan ko lang iyon.

My eyes were not comfortably enjoying the beautiful view. Hindi masyadong mabilis ang paandar ni Adon pero may mga pagkakataong napupuwing ako ng sariling buhok. That's why, along the journey, I wasn't able to memorize our way. Maayos ko lang na naimulat ang mata noong lumiko na kami sa para sa isang mas makipot na daan.

One side of the road, where our ride's running on, was cemented. Wala na ring mga sasakyang sa paligin kundi ang maaliwalas na mga taniman at iilang kakahuyan sa malayo.

Gumalaw ang mata ko sa unaahan namin nang may napansin. There he was. In an old motorcycle. Walang kawala sa paningin ko si Novales habang minamaneho ang lumang habal-habal. And the back of Novales's creamed shirt was dancing along the forces of the wind.

Isang busina mula kay Adon, pansin agad ang paghina ng pagmamaneho ni Novales sa motor niya. Mabilis na pumantay ang motorsiklo ni Adon sa kaniya. And my eyes were fast to drift to see his reaction. At noong napansin niyang nasa likod ako ni Adon, nakita kong mabilis na lumihis ang tingin nito sa pinsan ko. Natatawa si Adon habang may sinasabi sa kaniya.

"Akala ko kanina ka pa umalis sa inyo!" Si Adon sa malakas na boses.

I lowered my head to avoid the wind to crush through my eyes. I did that while tilting my head so my gaze would not leave at Novales. He's my only view; him maneuvering an old motorcycle, trying to converse with my cousin along the way. Nakita kong napangiti ito nang narinig ang sinabi ng pinsan.

"Naroon na sina Ritchard! Sumunod agad ako!" Then his lips pointed towards the direction in front.

My eyes followed and saw the blue skies at the center of this small road. And there was a tiny blue point in its central. It's acknowledging us that we're near to our destination. May nakikita na rin akong kahoy na mukhang ginawang gate sa bandang malayo.

Nagpapatuloy ang dalawa sa mahinang patakbo. Ang tingin ko ay hindi na nakabalik kay Novales dahil namangha na ako sa nakikita.

When the shade from trees covered us, the wooden gate I saw earlier was already near. Tuluyan nang tumigil sina Adon. Saka ko lang din naibalik ang tingin ko kay Novales. I caught him removing himself from the vehicle. Ang mahaba nitong biyas ay madaling nilakbayan ang motorsiklo. I then moved myself off Adon's bike.

"Naroon na yata ang tatlo," si Adon kay Novales. Nasa malapit lang ako nito habang inaakay niya ang motorsiklo papasok.

Outside the wooden gate, I knew immediately that this is a resort. Puno ng kakahuyan ang paligid. Pero sa lagkit pa lang ng ihip ng hangin na tumatama sa balat ko, at sa ingay ng mga hampas ng dagat sa malayo na maririnig, hindi ito maipagkakamali.

Sumunod ako kay Adon sa pag-alalay niya sa motorbike. Sa tabi ng isang maliit na parang tanggapan niya hinatid ito. It's a free soiled space were motors can be parked. May mga talahib hindi kalayuan. Ang isa sa mga nakagaraheng motor ay nakilala ko agad. Isa iyon sa mga ginamit nina Heracleo.

"Sandali lang ako rito," si Novales. Patuloy sila sa pag-usap ni Adon. Where I, on the other hand, was looking at him secretly.

He's comfortable right now. Hindi siya iyong mabagsik kagaya noong natagpuan ko siya sa Bonifacio. His peircing eyes became natural now for me.

Nabasa niya kaya ang mga mensahe ko sa kaniya?

"Hindi ka rin maliligo?"

"Maliligo ako."

Pabalik na kami sa harapan ng tanggapan. The cemented road continued there. Saka ko lang napansin ang kabuohang mga establisyemento. Lahat ng iyon ay puro gawa sa simpleng kahoy na binubongan lang simpleng pawid. Mukha itong bahay kubo pero nalagyan na ibang artikulo. The roofs were netted, too, which added a look to the nipa houses. Some were painted in bright colors but mostly were naturally designed. At maging ang tanggapan ay ganoon din pala. Medyo maliit lang ito kumpara sa ilang nakapaligid.

Nakita ko rin agad sa may dakong unahan ang mga cottage. Isa na nasa mas malapit sa sementadong kalsada ay may mga tao. I immediately saw Heracleo's face facing towards us. Siya lang ang kapansin-pansin ang pagkakulot ng buhok kaya nakilala koa agad ang kaniyang itsura. And there were women with them, too.

Hindi muna kami tumuloy dahil may logbook kaming pinirmahan. Adon ang Novales were still conversing about something that matters in our school. Hindi ko masundan dahil abala ang mata ko sa paligid.

Noong matapos ay tuloy tuloy na kami sa paglalakad papunta sa cottage nila. Pinapagitnaan namin ni Novales si Adon dahil patuloy pa sila sa pag-uusap.

"Wala pa rin. Magkakaroon ng panibagong sesyon ang mga Maderal. Wala pa ang mga taga-pamahala. Hindi pa ako sigurado, Adon. Baka ang papa mo muna." Si Novales iyon.

"Wala bang ibang mapag tatrabahuan ang papa mo?"

"Hindi pa sigurado."

Matindi ang sikat ng araw. Pero hindi namin alintana iyon. At nagkukunwari nalang ako ngayong abala pa rin ako sa mga tanawin. Hindi ko pinapahalata na nakikinig ako habang naglalakad kami palapit sa mga kaibigan nila. I have no idea what the two were discussing.

Hindi na nasundan ni Adon ang kanilang pinag-uusapan. Lalo na dahil narating na namin ang cottage.

"Inayos na nina Joann ang pagkain." Salubong sa amin ni Heracleo. Nakasilong na kami.

My eyes tried to still be busy looking around. Ang tinutukoy siguro nitong Joann ay ang isa sa mga babaeng kasama nila. I only directed my attention to them when I felt Adon held my forearm.

"Sumama itong pinsan ko," panimula niya. "Guys, this is Jaivien. Dito lang siguro siya."

Hindi ko inaasahan ang piglaang pagpapakilala niya. My smile was unprepared. Bahagya ko lang naigalaw ang labi pagkatapos ay dumiretso ang tingin kay Novales. Nakatingin siya sa akin. Pero noong nagtama ang aming mata, nag-iwas agad siya.

"Hala! Jaivien?!" My head turned when one from the women spoke. She's standing on a monoblock chair. "Ang ganda pala ng pangalan mo!Marami ang gustong makakilala sa 'yo na mga classmates ko. Unang araw pa lang, kapansin pansin kana sa campus. Pinsan ka pala ni Adonnis."

May hawak itong isang ribbon na umaalon dahil sa hangin mula sa dagat sa malapit. Nakalingon siya sa amin at mukhang tinigil lang ang ginagawa para ibigay lang ang kaniyang atensyon. Her eyes were smiling too while saying that. Nanatili naman ang disposisyon ng labi ko. Hindi makapantay sa ngiti niya dahil pa rin sa ilang.

Kumay ang kaniyang kamay para sabihan akong lumapit sa kaniya.

"Dito ka lang muna sa amin."

Hindi agad ako gumalaw.

Bumaling ako sa katabi kong pinsan. Nahagip ng tingin ko si Novales na tinitingnan ang mga pagkaing nakahanda sa malaking mesa na gawa sa matigas na kahoy. Lumapit lang ako sa babae ng masigurong ayos lang kay Adon na tumuloy ako. Pero nasa ibang bagay ang atensyon niya.

Walang pagdadalawang-isip akong dumaan sa gilid ng mesa.

Kasama ako, sampu kaming nandidito. At mukhang ang mga babae ay mga kaibigan nina Adon... o baka higit pa roon. Dahil ang isa, noong dumaan ako palapit sa kabilang dulo, nahuli kong nakayakap sa baiwang ng isang lalaki. Iyong Ritchard siguro ang pangalan ng lalaki dahil ang apat ay nakilala ko na.

"Hayaan mo na sila. Ganiyang lang talaga 'yang dalawa." pag-agaw sa atensyon ko ng tumawag sa akin nang mapansin siguro ang pagtagal ng tingin ko roon.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sinubukang i-abot ang dulo ng ribbon na nagsasayaw sa hangin.

"Mag-jowa sila. Huwag ka nang magtaka." dagdag niya. A thumbtack was on the tips of her fingers. Pinanood ko ang pagtusok niya sa ribbon para madikit ito sa kawayan ng cottage. Isang diin niya lang, maayos na sumayaw sa ibabaw ang ribbon.

Bumaba ang tingin niya sa akin. "Ako si Jane."

"Ah! Jane! I-I'm Jaivien,"

Tumalon siya pababa mula sa upuan. Humarap agad siya sa akin. Hindi nawala ang kaniyang palakaibigang ngiti. Tumango siya pagkatapos.

"Girlfriend ako ng pinsan mo." dagdag ulit niya.

"Hindi alam ni Vien na may girlfriend ako," mabilis ang kamay ni Adon sa kaniya.

I don't know where my eyes should look. Ang kamay ng pinsan ko ay nasa tagiliran ni Jane, na pilit namang tinatanggal nito. Naikagat ko ang labi. Mabilis din na umangat baba ang ulo ko.

"Nakakahiya," narinig kong bulong ni Jane.

"No." Sumilay na ang ngiti ko. Sunod-sunod na rin ang pagtango ko. "I know Adon will have a girlfriend." dagdag ko pa.

Tumalikod ako para humarap na sa lamesa pero nakita ko naman si Novales na may kausap ring babae sa puwesto niya kanina. His right hand was resting on the woman's forearm. At alam kong lumaki ang mata ko sa bigla kong nakita. Nahuli ko pang gumalaw sa direksyon ko ang mata ni Novales. Tila napansin yata ang pagkagulat sa mata ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top