Ikasampung Kabanata

Ikasampung Kabanata: Nagulat


Binaba ko agad ang tingin ko sa lamesa. Nagkunwari akong guni-guni ko lang ang nakita at inisip na wala lang talaga iyon. Wala namang may nakapansin. Naririnig ko lang sa likod ko ang pinsan kong pinapakiusapan ang kaniyang kasintahan. At sa gilid din ng mata ko ay nakikita ko na ganoon pa rin ang puwesto ni Novales at ng babaeng kausap niya.

The table was settled with variety of food on top. The dishes were simple. Isang plato ng pancit, lumpia, fried chicken and some smooth bears. May paper plate din na nasa tapat ko at disposable cups sa tabi nito.

"LQ na naman ba?" I heard Heracleo.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Nasa mahabang upuan na sa banda ko ito nakaupo. Pumapagitan sa amin ang mga bag ng mga kasama. Naalala ko ang akin na hindi ko pa pala binababa. But then my eyes went to see Ritchard who's now standing behind the head of the table. Siguro ay pumalit sa kaniya si Heracleo nang lumipat sila ng puwesto.

Nasundan ng halakhak ang sinabi ng nasa banda ko.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Hindi sina Ritchard ang tinutukoy nito kaya sinudnan ko ang linya ng tinitingnan niya. Novales was smirking at Heracleo. And I had to smile to make myself look unaffected. Lalo na dahil napatingin siya sa akin pagkatapos.

Mabilis kong binaba sa plato ang tingin ko.

"Come on guys, mamaya na nga 'yang mga harutan diyan. 'Tsaka, 'di pa ba tayo kakain?"

Muling umangat ang tingin ko kay Heracleo.

I had to initiate something so I pulled the plates.

"Dito na tayo," sabi ko sa lahat.

Inikot ko ang tingin sa paligid ng hindi tumitingin ang mata kay Novales. The laughter because of what the guy beside me said stopped to look at me. Una kong binigyan si Heracleo na inagaw agad ang hinila kong plato.

"Oh, Vien, mabuti ka pa marunong makisama,"

"Anong oras na rin naman." Si Adon sa likod ko. Binigyan ko rin siya pati si Jane na nagpakulong na pala sa mga yakap ng pinsan.

"Mabuti pa nga kumain na tayo. May isang aalis din kasi agad." Adon added.

Ako ang nagbigay sa kanilang lahat ng paper plate. Good thing that Heracleo gave the plate he first took from me to the people on the other side of this table. Nakaramdam na rin kasi ako ng pagkailang matapos kong makitang nakita ako ni Novales na nakatingin sa kanilang dalawa ng girlfriend niya.

I did not do the first move. Wala akong ideya kung ano ang uunahin kaya minabuti kong hintayin muna silang mauna. Never in my entire life have I ever joined feasts such as this. Informal ito para sa akin lalo pa dahil walang tutulong sa pagkuha ng pagkain ko.

Pinapanood ko muna kung ano ang kanilang kinukuha. Saka lang ako pumulot nang mapagtantong hindi naman pala kailangan masyadong maayos ang pagkuha.

Gamit ang plastic spoon na nakalagay sa mga pagkain, isa-isa akong kumuha. Hindi ko rin dinamihan dahil ayaw kong may masayang akong pagkain. Nakakahiya.

"Vien, ito, ayaw mo?"

Kumukuha na ako ng pancit. I was a bit struggling with the noodles. Hindi proper ang disposable spoon para makakuha ako ng maayos. Iyon lang din ang nakalaaan para sa putahe pero masyadong tuon sa ibang pagkain ang mata ko kaya hindi ko nakuha papano sila nakakuha ng noodles ng maayos.

Tiningnan ko ang lumpiang inangat niya.

"Sige, Adon," sabi ko agad at hinawi ang plato para tanggapin iyon.

I got content immediately with a scoop of rice, a piece of chicken, and two pieces of lumpia that Adon handed to me. Umupo agad ako sa kahoy na upuan at binaba sa tapat ang plato. Bumalik na sa kaniya kaniya ang usapan. Tahimik naman ako.

Sana pala talaga hindi na ako sumama. My thoughts told me I'd be able to talk with Novales. I could, but... I think I wouldn't. At siguro mamaya, habang magsasaya ang lahat sa dagat, dito na lang muna ako magbabantay sa mga gamit nila. At least I'd be able to provide them help with their things.

"Kuha ka pa ng pagkain, Vien. Marami pa, o,"

My thoughts drifted away when Heracleo stood beside me. Diretso rin ang angat ng tingin ko sa kaniya.

"Ayos lang," umiling ako agad.

Patapos na rin ako sa kinakain. At lahat pala sila nang tingnan ko ay ganoon din.

Heracleo laughed. "Huwag ka ng mahiya. Malaki naman ang inambag ni Adon para sa pagkain. Ayos lang."

"N-nag-ambagan pala kayo?" Bumaling ako kay Adonnis. Hindi siya nakatingin sa akin.

Ngayong sinabi ni Heralceo iyon, mas lalo akong nagsisisi kung bakit pa ako sumama sa kanila. This is their outing. And I should not be here with them. Dapat pala talaga hindi na ako sumama at nanatili na lang sa bahay nila. At least there, I can roam ago to some parts of Bonifacio where I haven't been yet. May mga tauhan naman sina Adon doon na puwede kong kasama.

I stayed, not letting Heracleo's encouragement get me.

Nagkaroon muli ng panibagong pag-uusap ang lahat at ako ay tinapos na ang kinakain.

Maging si Adon sa kaliwa ko ay tapos na. Pati si Heracleo at ang iba pang mga babae. Hindi ko na tiningnan si Novales dahil nasa tapat siya sa kabilang banda. At kahit na hindi ako tumingin sa kaniya, nakikita ko sa bawat paglagpas ng tingin ko ang ginagawa niya.

"Dito ka lang ba?" Tanong sa akin ni Joann, ang girlfriend ni Ritchard.

Matapos ang lunch, nagdesisyon ang ibang titingin muna sa dagat. Pinal na ang desisyon kong hindi na makikisama sa kanila.

My head moved to see her. I was cleaning the table with some food particles. My lips rose only about a fraction. Her eyes were worried from what I was doing.

"Dito lang muna ako. Ako na lang muna ang magbabantay ng mga gamit ninyo."

"May payong ako. Tara na?"

"Hindi na. Ayos lang." Sunod sunod ang iling ko.

"Sure ka? Baka mabagot ka. Maliligo na rin 'yong iba, e."

Tumango ako. Agad naman niya akong nilubayan kaya nagkaroon muli ako ng kalayaang mapag-isa.

Everyone's plates were piled up on the side. Si Novales ang gumawa noon. At dahil nabahiran na ang sariling interes ko sa kaniya, ilang na ako sa kaniya ngayon. At mas tinagalan ko rin ang pag-ubos ng kinakain ko para hindi ako magkaroon ng interaksyon sa kaniya. Timing lang siguro na may nag-aya kaninang tumingin sa dagat.

Nilagay ko ang mga nasayang na kanin sa ibabaw ng platong pinagkainan ko. For the least, I know how to clean the table. Tiningnan ko ang buong ibabaw ng lamesa. Ang mga pagkain ay tinakpan ko na. Malinis na rin ito.

Nag-angat ulit ako ng tingin sa mga taong papunta na sa dagat. All their backs were towards me. The beach isn't seen from here because of the long bermuda grass. I think this part of the shore is also elevated. But the horizon kissing the sky could be seen clearly on the east. Hindi rin maulap kaya maganda ang tanawin sa bughaw na kalangitan.

Binalik ko ang atensyon sa ginagawa at pinatong ko na ang plato ko sa kanila para sabay-sabay ko na itong itapon. Kaya lang, dahil yata sa dami, hindi balanse ang pagkakasalansan. Dumausdos ang dalawa pababa ng mesa. Napatili ako. Natapon din ang mga tira-tira.

"Oh my..." agad akong umupo.

"Anong nangyari?" Isang pamilyar na boses ang agad kong narinig.

Nakapulot na ang isang kamay ko ng buto bago nag-angat ng ulo. And my eyes widened abruptly when I saw Novales was the one jogging. At malapit na siya ng naabutan ako. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Nagmamadali kong tinuloy ko ang ginagawa.

Mabilis akong nadapuan ni Novales.

"Bakit nahulog?"

Hindi ako nag-angat ng tingin. Nakikita ko siya sa pamamagitan ng gilid ng aking mga mata. At nakita ko rin ang pagbaba niya.

"Nahulog ko," sagot ko, saglit na napatingin nang nakitang tumulong siya. Nag-iwas din ng agad itong napalingon. "Hindi ko sinasadya,"

"Ako na,"

"A-ayos lang. K-kaunti lang naman,"

I saw him picking up the two paper plates. The tips of my thumb and index were helping each other from picking up the rice particles. Nilahad niya sa akin ang kinuha niya. Tumigil ako para tingnan iyon. Kumunot ang noo ko.

"Ilagay mo na riyan," sabi niya nang nakuhang hindi ko naintindihan ang ginawa niya.

"Ayos lang, Noval. Itatapon ko rin kasi ang mga ito sa basurahan." Umangat ang tingin ko para makita ang kaniyang mata. Nakatingin na siya sa akin.

His lips pursed, pointing the plates waiting at my front.

"Tinutulungan na kita." dagdag niya.

Wala akong nagawa. At dahil din sa tindi ng pagkawalan ng ginhawa, sinunod ko ang kagustuhan niya. Agad siyang tumayo nang ilagay ko ang mga napulot sa ibabaw ng plato. Gamit ang isang bakanteng kamay, mabilis niyang naabot ang platong naiwan sa ibabaw ng lamesa.

Tumayo na rin ako.

"Wala akong nakitang basurahan kanina. Nasaan?" Nasa akin ulit ang atensyon niya.

Bigla akong nabalisa at napatingin sa paligid. Wala rin akong nakitang basurahan kanina. Dumiresto ang tingin ko sa may kubo sa kaliwa niya. There were cottages near us but they're all empty from people.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakabaling siya sa direksyong tiningnan ko. Hinintay kong lumingon siya pabalik bago magsalita.

"Uhm, sandali ka lang ba? Pupunta lang ako roon para magtanog," umangat ang kamay ko para ituro ang entrance kanina. Nakatingin ako kay Novales. Sumunod ang tingin niya sa tinuro ng daliri ko.

"Ako na lang ang pupunta."

Umiling agad ako, lumalaki ang mata.

"Huwag na, Noval. H-hindi ba nasa dagat na sila? A-ako na lang."

His brows forrowed. Mabilis na lumipat ang tingin niya.

Umurong naman agad ang dila ko.

Eyes of this mighty eagle are drawning me again. Kinailangan ko pang kumurap ng ilang beses para mapanati ang pukos ng utak.

"Sinabi ni Adon na gusto mo akong kausapin. Ano ang kailangan mo?"

Noong una, gustong gusto ko na kausapin siya. And this scenario will be the perfect timing. Pero dahil sa nalaman, nag-alsa balutan yata lahat ng mga nararamdaman ko kaninang umaga.

My mouth dopped after he said that.

Kita ko na mas lalong tumiim ang piksi sa mga mata niya.

Hindi ko nabilang kung ilang beses ang pag-iling ko bago tuluyang nakapagsalita. I was caught off guard. I thought Adonnis would never want me to be with Noval. Pero heto siya't pinapunta niya pa rito itong kaibigan niyang ito.

"Binibiro ko lang 'yon kanina si Adon. Hindi niya kasi ako pinapasama."

"'Yong message mo? Kaya rin ako pumunta,"

Muling lumuwang ang pagitan sa mga talukap ng dalawa kong mata.

"I-I thought... I thought it wasn't your active account. Hindi ka rin kasi nagreply."

I don't curse but hell I knew I lost during that battle. Alam kong huling-huli na ako sa akto. And I can see that Novales is that keen, too. Bago natapos ang araw na iyon ay tanggap ko nang wala na dapat akong makuha mula sa kaniya. I had to stop everything.

Why did I even care grasping information about him, anyway? Halatang-halata naman na ayaw niya rin sa akin. But the point I forgot came back to me before our departure. Wala na noon si Novales dahil maaga siyang umalis. Bagot na bagot din ako noon sa pagbabantay habang ang lahat ay nagsasaya sa tubig.

"Huwag kang magsasabi muna na may girlfriend ako kahit kanino." bulong sa akin ni Adonnis bago tuluyang makababa.

Pinilit kong huwag muna akong ihatid sa mansyon. Nasa tapat kami ng kanilang gate ng bumulong siya noon.

Tuloy-tuloy ang lakad ko palapit sa kanilang mansyon. My hand was holding my phone with bravery kicking and alive to message Novales. Nawawala ang tapang ko tuwing nasa harap ko siya. Pero ngayong malayo siya, disidido ulit ako.

Jaivien: I forgot to tell you regarding the issue our family had back then. I hope this stops your burden. Gusto ko lang sanang ipaalam na wala na ang anumang nararamdaman para sa pamilya mo si Papa. He got over it already. Pruweba na ang pagpayag niya sa aking gumala.

That was my message for him and now that I'm back at home, still, I kept on visiting the chatbox.

Hindi pa siya nag-oonline dahil yata walang signal sa kanila. Habang tinitinginan ko rin ang mensahe ko, sumusubok muli ang tapang kong dagdagan ang sasabihin sa kaniya.

Nakahiga ako sa kama at hinahayaan ko ang maalon na pagkakulotng aking buhok sa mahulog sa may paanan habang nag-iisip ng sasabihin. Isang oras na ang lumipas ng dinner namin. May pasok ako bukas at kailangan ay hindi ako magpuyat ngunit nandito pa rin ako, gising nag-iisip pa rin ng sasabihin.

I couldn't type my message when his account suddenly becomes online. Nakita ko rin ang hudyat na nabasa niya ang mensahe ko. It took him lest than a minute to respond. When his icon echoed he's typing, parang pinipigilan agad ang paghinga ko. At hindi lang isang beses siyang nagreply.

Novales: Iyan bang ba ang sadya mo talaga?

Novales: Wala kang alam.

Wala ako sa sariling napangiti nang biglang lumabas ang mensaheng pindala niya. I read the message by his tone. Malamig ang paraan ng kaniyang pagsasalita. Galit. But the smile creeping my face just couldn't be stopped.

I opened the keyboard and started typing. Nakangiti ang mga labi ko.

Jaivien: Who told you I don't know anything?

The question was on purpose. I've heard Daphne suggesting this to Jaya and I must try myself for its effectivity.

And he replied again!

Novales: I know you don't know anything.

Jaivien: I know your parents were blamed because of what happened.

Then the conversation got qeued. Hindi ako umalis sa chatbox kaya kita kong hindi niya pa iyon nasi-seen. And he's still online.

Binuhay ko ulit ang keyboard ng phone para magtipa. Sinend ko agad ito sa kaniya.

Jaivien: Basta iyon ang gusto kong sabihin pala sa iyo kanina. Sana, kung hindi ka busy bukas, mas mapapaliwanag ko pa iyon.

The last sentence I delivered was only half meant. Alam ko sa sarili kong wala naman akong dapat ipaliwanag sa kaniya. At alam ko namang hindi papayag si Novales.

I exited the conversation to clean myself. I have to get ready for bed now. Pero pagbalik ko ng kama matapos kong magbihis ay nagulat ako sa reply niya.

Novales: Mag-usap tayo bukas. Lunch break. Puwede pagkatapos ng klase. Sasabay ako kay Adon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top