Ikapitong Kabanata

Ikapitong Kabanata: Search


My head woke up and became aware of what I've just become. Sa loob ng sasakyan, napatahimik ako dahil sa sinabi sa akin ni Adon. Hindi na rin niya dinagdagan ang kaniyang panunukso. Malapit na rin kami sa eskuwelahan. Nauna akong bumaba sa kaniya nang tumigil na kami ng tuluyan. I saw his head moved towards me but I got out from the car seat immediately.

Hindi na rin ako lumingon nang marinig ko ang pagbagsak ng pintuan niya.

Outside the gate, I can see students already. Tuloy-tuloy ang pagpasok. Adon might think I realized something. Ayaw ko nang abalahin pa ang iniisip niya. My legs continued walking in brisks until I passed their classroom. Wala na yata akong lingon-lingon hanggang sa tuluyan ko nang narating ang aming room.

"Kamusta? Nakapag-assignment ka na ba?" Si Jaya nang nakapasok na ako ng classroom.

Pagbaba ko ng bag, umangat agad ang tingin ko sa may pinto bago tinungo ang atensyon sa kaibigan. Tumango ako sa kaniya. Beside her was Daphne. My eyes caught her immediately before I could walk for my seat as I entered.

"May humahabol ba sa 'yo?"

Umiling agad ako pagkatapos ay pinagalaw ang mata nang may pumasok sa pintuan na kaklase. Akala ko susundan ako ng pinsan. Parang tinusok ang puso ko sa biglaang kaba.

"Kasama mo si Adonnis?"

"Hmm?" Bumaling ako sa dalawa. Nahuli ko kung paano pinandilatan ni Jaya si Daphne dahil sa tanong. Sumilay ang ngiti ko. "Kanina, papunta kami rito. Sinundo niya ako sa mansyon,"

"Sa inyo? 'Di ba parang sagabal?"

I shrugged. Iyon din kasi ang iniisip ko kanina. But mine's with a hidden agenda.

Pero ngayong napansin ni Adonnis, parang nahahabag akong ituloy. And that's the reason why I couldn't concentrate during the whole first two subjects in the morning. Dahil habang nagtuturo sa harapan ang aming guro, may mga ulap na agad haharang sa daluyan ng isip ko. Paulit-ulit ang pagbabalik tanaw ko sa mga nakaraang araw kung may kakaiba ba akong kinikilos sa harap ng pinsan. Alam ko naman sa sarili ko na medyo lumalala ang kuryusidad ko kay Novales. At kung mayroon mang kung ano na pumapagitan doon, awtomatiko ang isip sa pagpapaalala. But for Adon to realize that there's something going on seems off. Pero baka hindi lang din siya sanay.

Everyone has their chance to be free. Mine is like this, where I wanted to discover things I didn't know before.

Puro discussions lang ang nangyari buong dalawang subjects na iyon. Hindi rin halata ang paglipad ng isip ko dahil parang magnet naman ang mga mata na sumusunod sa mga guro. Lalo na tuwing lumilipat ng puwesto para magsulat sa blackboard. Jaya beside me was jotting down. Kaya napanatag akong hiramin nalang mamaya ang kaniyang notes.

"Itong yema nalang sa 'yo Vien,"

After the bell rang for recess, Jaya, Daphne, and I headed immediately to the canteen. Sa isang stall kami na hindi marami ang estudyangteng nagtungo. We gave our money to Daphne. She'll be the one who's picking our snacks. Nasa likod niya lang kaming dalwa ni Jaya.

"Sige," sagot ko kay Daphne nang pinili niya ang isang candy.

"Sino ba hinahanap mo? Kanina ka pa hindi mapakali. Napapatingin din tuloy ako," parang kuryente ang hintuturo ni Jaya sa braso ko nang kalabitin niya ako. Binalingan ko siya.

"Tinitingnan ko lang kung lumabas ba sa room nila si Adon at... ang b-barkada niya,"

Balisa ang mata ko kanina palabas pa lang kaming tatlo. Kung hindi nasa bukana, sa classroom naman nina Adon ang tingin ko. Their room was just across the canteen facility. And one room away from the gate. Ngunit dahil hindi ko sila nakita, hanggang tuluyan kaming nakapasok, hindi mapakali ang aking mga mata. They weren't even seated on the table where we had our lunch the other day.

"Sila ba? May practice yata ang mga grade ten,"

"Practice? Saan?"

"Para sa intrams. Sila yata ang representative players ng kanilang batch. Na-announce na rin ng ating class president ang tungkol sa intramurals. Kaya sigurado na nilang wala na tayong panalo. Wala kapa no'n,"

"May ganiyan pa pala," my head was moving up and down while thinking about what she just said.

"Siguro. Usap-usapan nga na nilulubos nila ang kanilang pag-eensayo para raw manalo. Iyon ang nabasa ko sa group chat nitong- at oo nga pala!" biglang umangat ang kaniyang braso. Mabilis ding umangat sa akin ang kaniyang tingin. "May group chat pala kami! Hindi ka pala kasali roon!"

Sumunod ang tingn ko nang may dinukot ang kaniyang kamay sa bulsa ng kaniyang palda. It's her phone

"Teka," dagdag niya.

Naghintay ako. Nakaharap na rin sa amin si Daphne. Mabilis ang mga daliri ni Jaya sa pagpindot nang mabuksan niya ang cellphone.

"I-a-add kita,"

"Saan?"

Pinutol ni Jaya ang kaniyang atensyon sa kaniyang cellphone. Umangat ang tingin niya. Her eyes were questioning something I don't actually know. Bumaba ang tingin ko sa screen ng cellphone niya. I don't know what's in there but something's loading up. Binalik ko ang tingin sa kaniya.

"Sa facebook," si Daphne nang nakita ang kung anong kinakalikot ng kaibigan sa cellphone niya.

"W-wala pa ako niyan,"

"Facebook?!"

Tumango ako kay Jaya. I've heard of facebook already. Mayroon din siguro si Kuya niyan. Pero kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na gumawa rin ng ganoon.

Daphne stepped forward to face me. Tumingin ako sa kaniya pero bumalik din agad sa katabi niya. Both their eyes were speaking with disbelief from what I've just said. May kudlit pa sa pagitan ng mga kilay ni Daphne.

"Patingin nga ng cellphone mo," inilahad ni Jaya ang palad niya.

Hindi naman ako nag-alangan na ibigay sa kaniya ang cellphone ko. We walked few steps away from the stall to give way for other students. Sa may malapit na lamesa kami tumigil. Binaba niya roon ang kaniyang phone. Tumabi kami pareho Daphne sa kaniya.

Pinanood ko ang pagkalikot niya sa cellphone ko. May ginawaga siya roon. Palipat lipat din ang tingin niya sa phone niya at sa akin.

"Gagawan kita," aniya, nag-angat sa akin ng tingin.

Tumango ako at pinanood ang kaniyang daliring mabilis na kinakalikot ang screen ng phone. Daphne and I watched her do that. Medyo natagalan lang kami dahil mahina ang internet. Pero bago natapos ang oras ng recess, binalik ni Jaya ang cellphone nang may account na ako.

I had no profile picture at the mean time. Nakapag-send na rin ng friend request para kina Jaya at daphne sa kanilang account. Si Jaya ang unang nakapag-accept. Na-i-add niya na rin ako sa groupchat ng buong klase. Iyon din siguro ang dahilan bakit nabuhay ito. There were even some who welcomed me. Nasa classroom na kaming tatlo noong kaya naging katawa-tawa iyon sa buong klase.

"Dumada-moves 'yan!" Sigaw ng isang lalaki kong kaklase dahil may lalaking kakaiba ang kaniyang paraan ng pagbati. Nakatingin pa ako noon sa screen. The profile picture was familiar.

Pag-angat ko ng tingin, tinuturo sa direksyon namin ng malaking lalaki ang katabi nito na hindi naman makatingin sa akin. Nanlaki ang mata ko. He's looking awkward while similing to everyone. Nang dumapo ang tingin niya, umangat ang gilid ng labi ko.

"Hayaan mo na 'yan," si Jaya, naramdaman ko ang paggalaw ng siko niyang nasa ibabaw ng arm rest ko.

Medyo natagalan ang aming guro kaya nadagdagan ang tuksuhan sa klase. Naiwala ko naman ang atensyon sa kanila noong magsimula na akong magsulat ng notes.

I only had the chance to look for a better profile picture for my facebook account at the gym. Adon didn't look for me after the bell. I don't know why I was a bit thankful for that. Hindi na rin ako lumingon sa canteen noong mapadaan kami. Wala namang ingay noong napadaan kami kaya inisip ko nalang na baka abala pa rin sila sa kanilang practice. Maybe they're that too competitive.

Kaya sa gym ay pinagsabay ko ang pagkain at ang pagghahanap ng picture. I was using my right hand for my spoon, and the other one for my phone. Sapat lang ang lebel ng paa ko sa hinagdanang upuan kaya hindi nahirapan ang dalawang binti ko para alalayan ang lunch box. Ginagawa ko iyon habang tahimik ang dalawa na kumakain sa tabi ko.

"Okay na ba ito?"

Inagaw ko ang atensyon ng dalawa para ipakita ang cellphone. Isang larawan namin ni Kuya Lhanz ang nasa screen noong umuwi siya last year dito noong birthday niya. Magkatabi kami sa larawan. Kinuha iyon sa tapat lang ng mansyon kaya kita sa likod namin ang malaking terasa. I was wearing a pink soft dress while my Kuya was on his striped shirt. Pero naka-zoom lang sa akin kaya hindi kita ang kapatid ko. Pinapakita ko na rin na ganoon para malaman na iyon ang parte kung saan ako lang ang kita ang gagamitin.

Sabay na lumingon ang dalawa. Jaya was beside me so she was the one who grabbed my phone to see it clearly. She immediately zoomed in the image.

"Ika-crop ko lang siya," sabi ko agad para makuha niya ang ibig sabihin ko.

"Puwede naman. Maganda."

"Patingin nga, Jay," kinuha ni Daphne ang cellphone ko sa kaniya.

"Iyon na ang gagamitin ko."

"Ayos na rin. Wala ka bang solo? O, kahit selfie mo man lang. Medyo informal kasi ang ganito."

"Oo nga," si Daphne nang ilahad niya pabalik sa akin ang cellphone.

Inabot ko ito. "Para roon lang naman. Ayos na siguro ito,"

"Sabagay. Ito kasing si Jaya, nagpapapansin. Kaya ayan, ang ganda ganda ng larawang ginamit."

Agad na dumapo ang apat na daliri ni Jaya sa may braso ni Daphne para sa isang tampal. Lumaki ang mata ko dahil muntik pang mahulog ang container na ginamit na lalagyang pangbaon dahil sinubukang umilag ni Daphne rito.

"Isa pa."

"Hindi na. Nagbibiran lang naman tayo rito. Pero i-try mo, Vien," Daphne said, putting back the attentions at me.

I only smiled.

Pero hindi ko ginawa ang gusto nila. Bago kami bumalik sa klase, pinalitan ko ng picture na pinakita ko sa kanila ang larawan. It doesn't matter anymore who will I be able to meet on that social media. Hindi rin naman ako ganoon ka interesado roon.

Sa hapon noong natapos na ang klase, nang mapadaan kami sa rooms ng mga higher year, nahagip ko sa loob ng isang classroom si Adon. Nasa armchair pa siya nakaupo pero nasa likod na nito ang bag. Kaya lang mmay ginagawa pa siya.

"Nasa classroom pa pala si Adon," paalam ko sa dalawa.

Nakuha nila agad ang ibig kong sabihin kaya silang dalawa nalang ang nagpatuloy palabas ng gate.

Bumalik ang tingin ko sa pinsan. Walang tao sa room na iyon maliban lang sa kaniya at sa dalawa pang babaeng mukhang cleaners ng araw. Adon was writing something when I decided to cross the distance from the other side of the open field. He didn't see me when I started walking towards their classroom.

Wala rin si Novales kaya kampante akong magpakita sa kaniya.

My shadow blocked the light to where he's seated, his gaze immediately rose at me.

"Vien! May sinusulat lang ako," biglang bungad niya.

Nahagip ko ang dalawang babae sa likod na napalingon sa direksyon ko. I was standing outside their front door. May pintuan pa sa kabilang dulo ngunit sarado na iyon noong nakita ko kanina.

"Sa labas na lang ba ako?" umangat ang kamay ko para ituro ang direksyon ng gate.

"Sandali lang. Matatapos na naman 'to." paliwanag niya.

Tumango ako at binigyan ang sarili na tingnan ang loob ng kanilang room. Their room seems like a new built classroom. Maganda ang paraan ng pagkaka-kurba ng kanilang blackboard sa harapan at ang kanilang upuan ay gawa naman sa plastic. Ibang iba sa amin na gawa sa kahoy at ang iba ay sira-sira pa. And I noticed that each grade level's rooms were grouped on an area. Sa likod ng mabuhay ay ang freshmen at dito naman sa mga seniors. Sa tapat ng seniors, kung hindi ako nagkakamali base sa narinig ko ay ang sophomores at sa tapat naman ng building namin ay ang juniors. The buildings were compounded dependently.

And then I remembered Novales. Humarap ako pabalik sa upuan ng patayo ko nang pinsan. Sasabay kaya sa amin si Novales?

Mabilis namang natapos ang pinsan. Mabilis din kaming nakalabas. Nakita ko rin agad ang kanilang sasakyan noong nasa gate na kami pero walang Novales akong nahahagip. Baka nasa loob na?

"Huwag kang mag-alala. Hindi sasabay ngayon si Noval," narinig ko ang pinsan ko sa likod. Sabay naming nilalakad ang distansya papunta sa sasakyan nila.

I did not speak. Even when we were already inside the car, my silence continued. And it stayed until we arrived in front of our gate.

Bumaling lang ako kay Adon para magpasalamat. Pagkatapos ay nagpaalam na.

Iyon siguro ang napansin kong pagbabago sa araw na iyon. Dahil siguro sa naging reaksyon ko kaninang umaga, medyo nagkakaroon na ako ng pagkakailang.

Dumating si Papa matapos kong makapagbihis. Dahil maaga akong naka-uwi sa kaniya, medyo nagulat siya noong nasa library niya ako. I only smiled when I met his eyes and continued what I was doing. Naghahanda na rin ako para sa assignment ko. Bumalik din agad ako sa kuwarto nang hindi mahanap ang librong tinitingnan ko.

Umupo ako sa tapat ng lamesang ginagamit ko.

I was about to open my notes when my phone vibrated for a notification. I picked it up immediately from the table and opened it to see what's on my screen. Someone created a group. I clicked on it and revealed me that Jaya made a group chat.

Noong una hindi ko alam ano ang gagawin. I tried to direct myself where the group members were. But after few trials and discovery, I was able to lead myself properly. The members were just the three of us; Jaya, Daphne, and me.

I clicked on the 'write message' box at the bottom. I typed in a message and sent it successfully.

Jaivien Sullivan: Hi!

Hindi ko napansin ang sarili nang mapangiti nang mabasa ang una kong mensahe. Pero mukhang ang paggawa lang talaga ng group chat na iyon ang sadya ng kaibigan dahil walang reply akong natanggap matapos kong masend iyon.

But I stayed and waited for my friends to reply. Ngunit ilang sandali ang lumipas, wala pa ring may pinagbago sa huling mensaheng napadala ko. Kaya ini-exit ko muna ang conversation box na iyon.

Pero nang maalala ang account kong ito, isang ideya agad lumiwanag sa isipan ko. May facebook din kaya si Novales? Tuluyan akong lumabas sa messaging app na iyon. Pagkalabas, I clicked it on an icon immediately and after few seconds of loading, I disregarded the new notifications there to tap to the search icon on top.

Kumurap kurap agad ako sa pagdadalawang isip. Pero sa huli, kagat labi akong nagtipa ng pangalan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top