Ikalimang Kabanata

Ikalimang Kabanata: Hindi Bandido si Novales

Naging maayos ang takbo ng buong araw ko sa paaralan. And within the day, I have become more and more comfortable with my seatmate. And I think she knows how I was struggling to fit in everything they do. Alam ko ring binibigyan ako ng special treatment ng mga guro rito. I am aware by how they sudden their voice modulation change.

Ayaw ko ng ganoon kaya palagi akong napapayuko sa hiya. Lalo na dahil ang ibang classmates ko ay nililingunan ako.

"A-ah, puwede bang... sumabay ako sa inyo sa lunch bukas?" Sabi ko kay Jaya noong natapos ang ikatlong subject namin sa hapon.

Nakalabas na ang mga studyante. Nakita kong hindi niya pa nililigpit ang mga gamit niya. Mukhang palabas din ito ng classroom. Tinagalan ko lang ang pag-aayos ng gamit ko para makasabay ako sa kaniya at sa kaibigan niya.

Lumingon siya sa akin. "Sige lang," pagkatapos ay bumaba ang kaniyang tingin. Napatingin din ako sa mga gamit ko.

"Sasabay na lang ako sa inyo," sagot ko agad hindi niya pa man nasasatinig ang tanong.

I tried to see why they aren't preparing for home yet. One of my guy classmates was gripping a soft broom already. I mentally concluded what they will be doing.

"Maglilinis pa kami ng room..."

Tumatango na ako.

"'Di ba kayo magsasabay ng... pinsan mo?"

Bumaling ang tingin ko kay Jaya.

"May laro daw silang basketball ngayon. Diyan lang daw sa plaza," my hand raised to point outside where the supposed plaza was according to how I remember Heracleo directed it.

Katabi nitong national high school ay gym na pinapagitnaan ng paaralan na ito at ng municipal hall ng bayan. Kaunting lakad pagkalagpas ng municipal hall ay plaza. May basketball court doon kung saan naglalaro sina Adonnis ngayon.

Everything is compact here. Sa labas lang ng paaralang ito ay kalsada. Na ang patungong kanan paglabas ng gate ay barangay kung saan ang mansyon naming mga Sullivan. I haven't had the chance to roam the whole proper yet but I know that this school is scoped under Hulatan proper. Ilang liko naman sa kaliwang daan ang patungong Bonifacio galing dito.

"Ah, oo nga pala. Well, sige, d'yan ka lang muna kung hihintayin mo kami,"

The classroom isn't wide enough to take everyone's time for the whole cleaning. Kagaya ng ginagawa ng ilang kasambahay sa mansyon, nagwawalis, nagpupunas, at nag-aayos lang. Pero rito, mga armchairs ang inaayos. I initiated arranging them which they hesitated to allow. I had to assure them a couple of times until they let me. Mabigat nga lang pero nakayanan ko naman.

Puwede naman akong maghintay sa labas at manood hanggang matapos ang laro. Pero alam kong naroon si Novales. At tuwing nakikita ko siya, kakaiba ang nararamdaman ko. My mind conceived that maybe it's because from the way he looks at me. Kaya bumabalik din sa isipan ang huling tagpo naming dalawa noon sa kalsada.

Patapos na ang lahat sa ginagawa nang lumapit sa akin si Jaya. Nakasunod sa likod niya ang isa ring babae na marahil ay si Daphne. "Hindi ka nalang dapat tumulong. Mapagalitan pa kami ni Ma'am Jonah,"

Pailing iling agad ako. "Ayos lang. Nakakahiya nga. Ako itong walang ginagawa,"

"Hayaan mo na. Sanay naman kami rito,"

Daphne smiled when my eyes flew to her.

Kaming tatlo nalang ang natitira rito. Ang iba ay nakapag-paalam na kanina pa.

Kinuha ko na ang bag. Jaya followed behind me. Si Daphne naman ay nasa likod na nito ang backpack niya.

"Magpinsan pala talaga kayo ni Adonnis, ano?" tanong nito.

Jaya nodded beside me. Nag-angat lang ako ng tingin noong nasukbit ko na papunta sa likod ang bag.

Tumango ulit ako sa tanong nito. "Mukhang kilala sila rito sa campus,"

"Oo. Athletic kasi 'tsaka guwapo. Parang heartthrob ang dating. Pero totoo naman kasi,"

After Jaya said that, the faces of my cousin's friends flashed, including Novales's. And I found my new friends' words accurate. My head mentally nodded to the thought. They are somehow right. But a certain person remained my curiosity.

"Hindi naman sa ano sa pinsan ko... pero..." huli na ako ng maisipan kong hindi ko na dapat itinatanong ito.

Nakalabas na kaming tatlo ng classroom. We closed the door without locking them. Naroon pa sa loob ang mga gamit ni Ma'am Jonah, na adviser pala ng section namin. Parehong napalingon sa akin ang dalawa dahil sa salitang hindi ko natuloy.

Kinagat ko ang nasa ilalim kong labi.

"Bakit?" Jaya probed.

Lumagpas ang tingin ko kay Daphne na parehong nang-uusisa ang tingin.

Sa huli, umiling ako. Naisip kong dapat ay sarilinin ko lang itong mga katanungan ko tungkol sa kaniya. Baka ano pa ang isipin nila kung ilabas ko ang mga naiisip ko.

I know Novales is good looking. Dark piercing eyes, on point nose, perfect thing lips, and toned lean body, he could even qualify for passing to become a good model. And while thinking about that, something was being poked inside me.

Hindi ko inintindi iyon dahil baka isa na naman iyon sa mga kuryusidad ko sa buhay niya. Na hanggang ngayon ay wala pa ring akong nalalaman.

Nakauwi na ang mga naging bagong kaibigan ko. All of them were living in the proper. Nagpasya akong magpaiwan sa isa sa mga benches ng mapadaan kami sa plaza. Nakita ko naman agad na naglalaro pa nga sila.

There were students in uniform watching the game. Mukhang kanina pa sila naglalaro dahil na rin sa pawis na nakikita ko sa pinsan ko. I stayed for a while on the bench until people started to dismantle.

There's a monument of Rizal behind the tall basketball ring. Lumipat na ako roon habang tintinginan ang nagkukumpol na ngayong mga naglalaro kanina. The game was over. Hindi ko alam kung ano ang naging ganap ng laro bakit ganoon karami ang nanonood na mga tao. Nanatili nalang muna ako sa may monument.

"Ihahatid ko pa ang pinsan ko. Sabay ka nalang sa amin. Diyan lang kami sa may Cuya-e,"

My neck stretched to see my cousin.

Kasama niya si Novales at pareho silang pawisan. Palapit na rin silang dalawa sa direksyon ko.

Galing sa damuhan, agad na umangat patungo sa mga mata ko ang tingin ni Novales. Hindi ko alam bakit kinabahan ako nang dumiretso ang tingin nito. Bigla rin akong napatayo.

Our eyes got intertwined for more than seconds until I turned to where Adonnis's car was parked. Sa may tabi lang ito ng Municipal Hall. Naroon din sa gilid nakaabang ang driver nilang naghatid din sa amin kanina.

Hindi ko na sila hinintay pa at bumaba na ako sa monumentong pinaghintayan ko. Dumiretso ako sa sasakyan sa likod na pintuan. Alam kong sa puwesto ko parin kanina ako uupo kaya sa likod na pinto agad ako nagtungo.

"Senyorita, sasama ba sila sa paghatid sa inyo?"

"P-po?" Nagulat pa ako dahil sa kaba.

Bumaling ako sa likod. Mabagal ang mga lakad nila. Nagsasalita ang pinsan ko pero ang mga mata naman ni Novales ay nakasunod pala sa akin.

Binalik ko agad ang tingin sa driver at umiling. "Hindi po ako sigurado, Kuya. B-baka siguro po. Hintaying nalang natin si Adon. Sa loob lang po muna ako." At tuluyan na akong umakyat pagkabukas ng pinto.

"Ah, sige po, Senyorita," narinig ko pang sagot ng mama.

Agad kong sinarado ang pinto.

The windows of their SUVs were tinted. I felt relieved that it was. My confidence to look at Novales finally came back. Sa likod ng tinted na bintana, malaya kong pinagmasdan ang dalawang lalaking parating. Pero magsisinungaling akong kasama ang pintuan sa pinagtutuonan ng atensyon ko.

Novales's toned upper body was carved accurately on his white tee shirt. And I know it was because of his sweat soaking. Magandang tingnan iyon sa kaniya dahil matangkad siya. Dagdagan pa ang kulay ng kaniyang balat. At may mga manonood pa nga na sinusundan sila ng tingin ngunit parang hindi nila ito napapansin.

Patuloy ang pagsunod ng tingin ko hanggang sa tuluyan nang lumiit ang distansya. Novales eyes were now directed to the driver. My cousin was still talking something. Parang nakikinig si Novales sa kaniya kahit na ang mga mata nito ay nasa ibang bagay.

Pamilyar na ako sa sasakyang ito. Alam kong tinted ang bintana nito. Pero nakaramdam pa rin ako ng pagkagulat nang lumipat ang tingin ni Novales sa bintana ko. Hindi ako nagmumura pero parang may narinig akong lumabas sa utak ko.

His eyes felt like he really is watching me.

Nadagdagan ang kaba ko.

Tinted naman itong salamin nila, ah? I had to think twice until I remembered it properly. Tinted talaga itong bintana nina Adonnis.

Dahil ramadam ko na ang pagkabisto, binawi ko na ang tingin ko. Kahit hindi na rin kailangan, inayos ko parin ang bag ko. Muli kong inangat ang tingin sa kanila pagkatapos. I had revisited my memory of the car being tinted.

My cousin was still explaining something. Kahit na halata sa itsura ni Novales na hindi na ito interesado sa sinasabi nito.

I waited until the door click and it opened.

Noong una ay wala akong reaksyon dahil alam ko nang sasakay na sila. Pero matapos ang dalawang bagsak ng pintuan sa harapan, saka ko lang napagtanto na tatabi sa akin si Novales.

My eyes were wide open when I looked to see him. He had opened the door on my side. Ngayon, nakatayo siya sa tapat ko at naghihintay na umusog ako para siya naman ay makapasok. Sa mga sandaling iyon, hindi ko rin alam kung alam ba niyang dito na ako nakaupo.

Nahagip ko si Adon na umikot sa kaniyang upuan. "Vien, umusog ka nalang,"

Ilang sigundo siguro ang dumaan bago ako napakurap at natauhan. Gumalaw agad ang baiwang ko para bigyan siya ng upuan.

"S-sorry,"

Novales was looking at me. He did not utter any word. He did not even contemplate when he sat down beside me after giving him his space. Agad niya ring sinarado ang pinto pagkaupo.

"Kina Tito Veril muna tayo, Kuya," Adonnis declared in front.

Pirmi ang tingin ko. Kung hindi ko lang siguro nahihigpitan ang pagyakap sa backpack ko, iisipin kong naging estatwa na ako rito. My body remained stilled after the mention of my father. Even when the car moved to accelerate, I kept my pace that way.

Marami ang bumabati sa isipan kong mga nararamdaman. Hindi naman nagsasalita si Novales sa tabi ko. Pero dahil tahimik ang loob, pati paghinga niya ay parang naririnig ko. I even pressed my chin to my right shoulder to check whether the space between us shortened. Mabilis lang dahil ramdam ko parin ang ilang.

"Dumiretso rin tayo sa mga Argales pagkatapos, may papakiusapan lang ako," dagdag ni Adonnis sa harap.

Deep inward chuckles from the guy beside me escaped. It was light in the air yet hard when it reached my ears. I don't have to think anymore who's my cousin is pertaining. Dahil nagsalita agad ang katabi ko.

"Hindi na kailangan Adon. May gagawin talaga ako sa Sabado. Hindi ako makakasama."

"Isang beses lang naman,"

Hindi ako nagsalita. Parang pinipigil ko rin ang sarili sa paghinga. Iyon siguro ang kanina pa niya pakiusap sa kaniya. Hindi ako nagsalita.

My arms were pasted tightly on my bag. Mahigpit ang yakap ko rito para hindi ko matamaan ang kahit saang parte ng katawan ni Novales. Kahit na malayo naman talaga. Dipensa ko nalang ang pagiging kumportable nito sa loob ng sasakyang ito.

My silence continued 'til we reached the distance from our mansyon. Nakikinig lang ako sa dalawa. At dahil hindi naman ganoon kalayo ang paaralan sa mansyon, hindi ko napakinggan ang buong pangungumbinsi ni Adon. Basta ayaw lang ni Novales na sumama sa magaganap na outing nilang magkakaibigan. May mga gagawin daw siya na hindi ko na nalaman dahil huminto na ang sasakyan.

I wanted to know more but I don't want to prolong the day just for that.

Ilang araw na ang nagdaan simula noong una kaming magkita nitong si Novales. At sa bawat pagkakataong nakakatagpo ko siya, palaging nadadagdagan ang mga katanungan ko tungkol sa kaniya. Pero iba ngayong araw. Malapit pala siya kay Adon.

Kaya matapos ang dinner namin, nanghingi ako kay papa ng numero sa library sa itaas para makatawag sa mansyon nina Tita Olivia.

"Para saan ito, hija? Gabi na. Importante ba 'yan?"

"Basta papa... may kakausapin lang ako."

Papa had no other choice but to give me the contact.

Dapat sana ay kay Adon nalang pero ayaw kong may makuha si papa kung para saan ang pakay ko.

Three rings when the call was immediately answered by an unfamiliar woman voice.

"Good evening po... puwede po kay Adonnis?" I stopped to think what word should come next. "Uhm, this is Jaivien... from the Sullivan po," dagdag ko agad.

"Ah, hala! Senyorita! Opo! Opo! T-teka lang po," then her muffled voice shouted Adonnis's name. Ilang sandali, muli itong nagsalita. "Heto na po Senyorita,"

"Hello? Vien?" the voice deeped. Boses na ni Adonnis iyon.

"Adon!"

"Oh? Bakit napatawag ka? May problema ba? May nakalimutan ka ba sa sasakyan?"

"Wala naman... a-ano kasi... tungkol lang kay Novales..." my teeth were fast enough to press my lower lip tightly.

Biglang napa halakhak si Adon sa kabilang linya. Nahiya agad ako sa naging reaksyon niya.

Nasa labas ako ngayon ng mansyon, sa may terasa sa harap, kung saan hindi ako makikita ni papa sa mga bintana. My voice was even controlled not to spread loudly to my surrounding.

"May itatanong lang ako tungkol sa kaniya. Mali ang iniisip mo." Giit ko pa.

Bigla namang tumahimik ang cellphone mula sa halakhak niya. The resounding silence made me continue my thoughts that's formulating now.

"Ang tungkol sa sinabi sa akin nina papa. Tungkol sa mga bandido..." I paused to think again for another accurate word. Ramdam kong sumeryoso si Adon. "Palagi ko kasing nakikita si Novales sa Bonifacio..."

"Hindi bandido si Novales, Vien,"

Pinigilan ko agad ang sarili na dumugtong sa kaniyang sinabi.

At least from that, I finally had the point to end. Muling dinagdagan ng pinsan ang kaniyang sinabi. His words were unexpected for my part because I haven't known anything of it.

"Galit ang papa mo sa mga Argales, sa mga magulang ni Noval. Hindi ko alam kung nakuwento na ba sa iyo ang tungkol dito. Basta sinisisi ni Tito Varel ang mga magulang ni Noval sa pagkawala ng mama mo. He had to put them to slavery and acquired something that shouldn't be. Hindi ko alam ang buong kuwento, pero ayaw ni Novales na pag-usapan ang tungkol doon. And I respected him for that."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top