Ikalawang Kabanata

Ikalawang Kabanata: Costiniano


I don't know why my insides felt a little satisfied after hearing his name. The feeling of knowing a little part of him was a satisfaction. That after all those days of being curious about him, finally, I got something already.

Hindi nagsalita si Novales sa harapan ko. I remained watching him glaring the guy on the other side of the road. Sumabog agad ang tawa ng kasama niya. Iyon ang dahilan kung bakit nilingon ko ito.

"Gago ka! Sino 'yang kasama mo?" Umaalog ang boses nito dahil sa pagtawa.

I did not react.

His friend was tall, too. But unlike him, he doesn't possess the body of an Achilles. Nahagip ko ang malaking sako sa tabi nito na inaalalayan para hindi tuluyang matumba. Lumalabas sa bunganga nito ang mga sanga ng kahoy na maaaring napulot nila sa gubat. And then I saw the tall grass behind him being parted. Doon sila siguro lumabas.

Maybe they're now heading somewhere. Iuuwi siguro ang mga nakuhang kahoy. Pero natigil lang dahil bigla nilang nakita ako.

Naramdaman ko ang pagbalik ng atensyon sa akin ni Novalis. Iyon ang dahilan kung bakit bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"Nangangahoy pala kayo..." I said with hesitation.

His eyes were now sharply digging inside me. Parang may puwersa ring humahamon doon

"Ako nga pala si Jaivien... uhh, J-Jaivien Sullivan..." inangat ko ang kamay ko.

Narinig ko agad ang mahabang 'oh' ng kasama niya. But I shrugged the thought and held out my hand more to ease the tension.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko dahil sa ginawa. I watched him observed it. Gusto ko sanang matawa dahil parang hindi siya sanay na nag-aabot ako ng kamay. Maybe they aren't used to it here in the forest. Pero napagtanto kong baka hindi maganda ang ibig sabihin nito sa kanila.

Binawi ko nalang ang kamay ko at mabilis na nag-isip ng panibagong gagawin.

"A-ano..." I pointed at myself. "Ako si Jaivien Sullivan. Noong nakaraan, uhh, nagkita tayo,"

Nagtagpo sa ginta ang kaniyang mga kilay.

Nag-iwas ako ng tingin at pinagbutihan pa ang pag-iisip.

I assumed he cannot understand me properly. Ganoon siguro ang mga kagaya nila. They are outlaws, and maybe outlaws weren't privileged enough to go to school. But the way he looked at me made me realized what I'm doing is wrong.

"Get out." He said.

My eyes widened.

Narinig kong may sinabi ang kasama niya pero hindi ko pinansin iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" dagdag niya.

My heart then paced rapidly. Bigla kong napahiya ang sarili ko.

"Bakit ka nandito?" ulit niya.

His voice wasn't enticing. They were... full of warning. There's even an invisible rage from him binding us apart from each other.

Tuluyan na akong nalamon ng kaba. Ang ngiti ko kanina ay tabig na ang disposisyon. I even felt it trembled. Pero hindi ako nagpahalata kahit na alam kong nagsusumigaw na ito sa panginginig pa lang ng panga.

"M-may hinahanap lang akong h-halaman."

"Walang mga halaman dito. Get out."

Bumaling ako sa kasama niya. He's watching us. At naka-krus na pala ang mga braso nito. Kinagat ko agad ang labi ko. Pagkatapos ay binalik ang tingin kay Novales. The fear in my smile remained evident.

He stepped closer. I moved backwards.

Ngayon ko lang din mas napagtanto kung gaano ka nakakatakot ang itsura niya.

"Noval! Hayaan mo na lang d'yan!"

But Novales couldn't mind him.

Ako rin ay parang wala nang narinig.

Nanatili ang tingin sa kaniya. Inaabangan kung ano ang susunod niyang gagawim. His slow steps continued and every foot he move, they are shouting warning. At alam kong dapat ay mangamba na ako dahil sumisigaw na rin ang kasama niya sa kabilang parte nitong malubak na kalsada.

Matatalim ang ginagawad niyang tingin pero kinakaya ko itong titigan. Pero sa pagkakaton na ito, sumuko na ang ngiti ko. Nakaawang na ito at tuluyan nang nakain ng takot.

Pero halos mahulog ang dalawang mata ko sa sunod niyang ginawa.

My eyes followed his hand leveling his shoulder. I knew immediately what he was about to do from how it was crumpled properly forming a fist. Hindi na nakagalaw ang binti ko sa takot.

"Gago! Babae pa rin 'yan! Huwag mo 'yang sasaktan!" biglang pumagitna sa amin ang kasama niya.

My eyes and mouth were still widened when his friend turned his head to see me.

"Paiyak na," dagdag nito.

"Kailangan may matutunan siyang leksyon."

Tinikom ko ang mga labi ko at diretso ang pagdiin ng ngipin sa ilalim na labi. Bumubukol din ang kung anong humaharang sa lalamunan ko na halos pumipigil sa paghinga ko. And if his friend wouldn't notice, hindi ko mapagtatanto na may naiipon na palang luha sa mga mata ko.

Don't you dare cry in front of them, Jaivien. I thought to myself. But I got scared! Kung hindi lang mabilis na nakatakbo ang lalaki sa kabilang kalsada para awatin ang Novales na ito, marahil natamaan niya na ang mukha ko!

Pinigilan ko ang sariling mapakurap dahil paniguradong magiging butil ang mga luha ko sa mata.

"Umalis ka na." I heard Novales mumbled.

Pero hindi pa rin ako makapaniwa. At hindi rin ako makagalaw.

"Umalis ka na." his friend then said to me. "Hayaan mo na lang 'tong kasama ko,"

Inangat ko ang ulo para tingnan ang kalangitan. Isang pitik nalang, mahuhulog na ang ano mang nagsisi-udyukan sa aking mga mata. Ayaw kong makita nila ang aking mga luha. But the blue clear sky couldn't help me. Neither did the tall trees.

"Hindi ako naiiyak..." bulong ko. Para lang sana sa akin iyon ngunit sanay yata akong pinapaalala ito ng mag-isa sa kuwarto.

"Bata."

The mock on Novales's voice made me look at him. Then my eyes fell to see his hand that's still formed in fist. Pero hindi na ito nakaangat ngayon. Though the veins behind it, through his arm, were still pleading violence.

My eyes furrowed.

"Shut up."

He hissed, mocking me again.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi na ako nag-alangan na ipakita ang namumuo ko nang inis dahil sa panunuya niya. But his smirk told me I wasn't a challenge.

"Alam kong nag-iilusyon ka lang sa sinabi mo sa akin! Dati! Isa kang bandido at ninanakaw niyo lang ang mga hayop namin para lang may sarili kayong makain! Mga magnanakaw! It's not me who should leave away from here! That's you! You and your... family!"

I stopped when I saw the shift of his smirk. The mocking was gone and replaced by another rage.

Doon, muli akong nakaramdam ng takot. My furrowed brows rose because of my own burning guilt. Huli na nang napagtantong sobra yata ang mga nasabi ko sa kaniya. And from that point, he's controlling his anger. Nakita kong mas dumiin ang pagkuyom niya sa kaniyang kamao. At sa pagkakataong din iyon, hindi ko alam kung aatras ba ako o hihintayin ang sunod na sasabihin ng kaibigan niya.

Pero wala akong nagawa.

I watched him turned into madness.

"S-sorry," kinagat ko ang ibabang labi ko.

And the fool side of me stepped closer.

Galit na galit ang kaniyang mga mata pero heto ako't hindi alam ang gagawin. Ayos lang na takutin niya ako. Ayos lang na paalisin niya ako rito. I don't care. Hindi naman talaga ako taga rito at wala akong alam kung ano ang mayroon dito. But to hurt someone I don't know is like killing my own self by my guilt. I could not withstand that.

Nangangamba pa rin ako pero inabot ko ang kamao niya.

"Sullivan, umalis ka na lang..." ang kaibigan niyang pumipigil sa braso niya.

"I don't really mean what I said... I-I was just... I-Ikaw kasi," sabi ko, hindi alam kung saan titingin. Pero sa huli, nasa mga kamao nito ang atensyon ko.

"Umalis ka nalang sabi, e," ang kaibigan niya ulit.

I wanted so much to know what's going on inside him. I wanted to see his soul. His true emotion. Pero ngayon, natatabunan lang ito ng puot ngayon.

Novales did not move.

"Novales," I whispered.

I saw how his brows flinched to the upper bridge of his straight nose when I looked up to see his face. His hand, as my palm touched it felt calloused. Gusto kong gapusin ito gamit ang palad ko pero maliit ang kamay ko. They even looked delicate from his just by glancing at it.

"Umalis na tayo rito," deklara agad ni Novales.

"P-pasensya na,"

Halos abutin ulit ang kamay niya nang nakawala ito sa hawak ko.

They got away from me. He cannot even look at me when my eyes followed them as they cross to the other side. Pinanood ko silang magtulungan para buhatin ang sako ng kahoy bago ako nagkaroon ng panibagong desisyon. Nasa balikat nang ni Novales ang malaking sako ng mga kahoy. Patakbo akong lumapit sa kanila.

His friend was the one who saw me. He was looking at me but my eyes were on Novales's back.

"Bumalik ka na sa inyo." Saway pa nito.

Hindi nakatingin sa akin ang lalaking tinitingnan ko nang magsalita ang kaibigan niya. His other hand that's supporting the mouth of the sack is blocking his view to me.

"Saan kayo pupunta?" Tumigil na sa likod nila.

Novales turned to see me. Nag-iwas agad ako ng tingin at binalingan ang kaibigan niya. I knew immediately that his brows furrowed at me.

"Umuwi kana sa inyo. Wala kaming oras sa 'yo." His friend.

"Nangangahoy pala kayo..." bumalik ang tingin ko sa sako. I made my voice careful not to sound offensive.

"Bumalik kana sa inyo." Si Novales.

Hindi ako tumingin sa kaniya.

"Puwede ba akong sumama sa inyo?"

"Hindi puwede." Si Novales ulit.

This time, I had to glance at him. His glares welcomed me. Pero ang kung ano ang naipakita niya kanina ay wala na.

"Sasama ako..."

"Tara na," tukoy niya sa kasama niya. They turned their backs on me.

"Sasama ako." I said with finality.

Humakbang din ako kasabay ng paglakad nila. Pero nakaka-ilang lakad palang, tumigil agad sila. Nagulat din ako nang biglang binagsak ni Novales ang sakong dala niya. Some of the brunches they've gathered jumped out from the sack. Marahas ding humarap ito na mas lalong ikinagulat ko.

"Kung ayaw mong saktan ka namin, bumalik kana sa palasyo ninyo. Masyado kanang nakaka-abala."

"Noval, pabayaan mo nalang."

"Hindi mo alam ano ang magagawa naming mga taga rito sa iyo."

"Gusto ko lang malaman kung ano ang gagawin ninyo—"

"Nasabi mo na nga, 'di ba?!"

"I only wanted to know—"

"Alis."

"Pero—"

"Alis. O baka hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko? Go the hell out of here!"

Matapos niyang sabihin sa harapan ko iyon ay hindi na ako nagpumilit. I know I have offended him. I judged them based from how little I know about them. Kahit na tumatama na ng direkto sa kinatatayuan ko ang araw, nanatili pa rin ako. I waited until the distance got them. Nang nawala na sila sa tinitingnan kong dulo ng kalsada, saka na ako tumalikod at bumalik.

No one knew I reached that far from our ranch when I got back. Nalusutan ko rin ang mga katanungan nila at pinaalam na may nakita akong ibang mga magandang halaman pa. Hindi naman sila nagtaka lalo na si Aling Julia nang wala akong dala pagbalik namin sa mansyon.

Si Papa muli ang sumundo sa amin. My silence was consistent until we got home. At nag-aabang muli ang mga mata ko sa labas ng bintana sa pagbabaka sakaling makita ko ulit siya. I had to at least apologize to him from I've said. Wala naman talaga akong alam. Dapat ay hindi ko iyon sinabi sa kaniya. Hindi kami magkakilala.

"Aalis po ba ulit kayo?" Tanong ko kay papa.

It took him two days again to get dressed like how he usually does for the ranches. Nasa hapag na siya at ako naman ay kabababa lang ng engrandeng hagdan. Pagkakita ko palang sa suot niya, agad kong naalala si Novales. My insulting words I didn't know would come out flashed too in my head.

Hindi ko ugaling magsalita ng mga ganoon sa kapwa. Pero dahil yata napuno ako ay hindi ko napigilan ang sarili.

Umiling si papa habang palapit ako sa mahabang dining table.

All the house helps were cleaning.

"Kain ka na,"

Tumango agad ako.

"Tumawag ang Kuya mo kanina. I will be heading to the horses,"

"Sa nilipatan po ba iyon?" I asked as settled myself on the seat beside him, the first seat from the head chair.

Mabilis na dumalo sa akin ang kasambahay para itulak sa akin ang plato. Sandali ko lang binalingan ito. Diretso agad ang atensyon ko sa sasabihin ni papa.

"Uh-huh," tumango siya. "Pero pupunta muna ako sandali sa Tita Olivia mo. Gusto mong sumama?"

My face immediately lightened.

Since then, my cousins were the one who usually visits here. Ngayong tinatanong sa akin ito ni Papa, parang nagkakaroon na siya ng tiwala. He does not usually allow me to go with him. Especially on his trips. Not until recently. At siguro, sa bawat pagsama ko sa kaniya, nakikitaan niya ako ng disiplina.

"Isasama ba natin si Aling Julia?"

And right after I have said it, my eyes traced our surrounding. Hindi ko nakita ang ginang. Baka nasa labas.

"If you want, she can. Pero sa Tita Olivia mo lang kayo—"

"Huwag na lang po. Hindi ako maglalabas-labas sa kanila."

Papa smiled when my eyes went back to him.

"Puwede ka lang muna sumama sa pinsan mo. Sabado ngayon at wala silang pasok."

That's when I got my excitement that morning. Kagaya noong nakaraang dalawang araw, ang plano ko sanang gawin para sa araw namang ito ay ang manatili na lang ulit sa mansyon. Magbabasa rin ng ilang modules at gumawa ng mga natitirang gawain. I would always want myself to gain a lot of free time whenever I can. Sunod-sunod ang dalawang araw na iyon na hindi nakapunta ang teacher ko pero nagpaalam naman ito kung ano ang kailangan kong mga dapat gawin at aralin.

My grade level is only seven; nevertheless, my teachers would take the opportunity about my advancement in academics.

Pagkababa ng sasakyan pagdating namin sa labas ng mansyon ng mga Costiniano, tinanaw ko agad ang modernong mansyon sa malayo. The green Bermuda grass was surrounding the mansion just like how ours do. Pero dahil nasa liblib pa ng kagubatan ito, pinapalibutan ng kapunuan ang bermudang pumapalibot.

And on our way here, there was an ark with a Costiniano name on it. The ark leading the road to the mansion was exclusively for the family. Ilang beses ko nang nakita ang arkong iyon noong pumupunta kami sa rancho pero hindi ko kailanman naisip na sa mga pinsan ko iyon. I thought it was another barangay of Hulatan. Considering how powerful the name is, too, here. I wonder whether papa would do the same.

"Nasa itaas po si Senyora, Senyor," lumapit sa amin ang isang kasambahay.

Nakapasok na kami sa main gate at agad kaming pinansin ng mga karamihan. My eyes were wandering around. Nasa tabi ko lang si papa.

"Salamat." Si papa sa kasambahay na lumapit.

"Maglilibot lang po ako roon," paalam ko agad.

Bumaling sa akin si Papa. Pero hindi na ako nakatingin sa kaniya dahil lumakad na ako nang nakita ang pinsan sa may kaliwang bermuda. Adonnis is cleaning his expensive motorbike. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita. Pero agad naman niya akong napansin nang tumagilid siya para abutin ang hose na nakita ko sa tabi. His hands were soaked with bubbles.

"Adon! Naglilinis ka pala! May lakad ka mamaya?"

His face was serious when he first glanced towards me. Napatingin pa siya sa motor niya bago muling binalik sa akin. Umiling siya pagkatapos.

"Nilinis ko lang. Nandito rin si Tito? 'Buti pinayagan ka niyang maggala."

"Oo. Nitong nakaraan lang. Wala ka naman daw pasok kaya pumayag siya."

"Maayos kung ganoon. Kaso may group work kami ngayon. I can't be with you at all times."

"Talaga? Dito lang?"

"Oo. You can join us, if you'd want to. I know for sure they'll be glad to know you."

Adonnis is older than me by three years. Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ay tumatango na ako. My smile even widened.

"Sige! Mamaya pa naman ako susunduin. Anong oras ang group work ninyo?"

"Mamaya pa. Don't worry. I know you'll like them."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top