Ikalabing Walong Kabanata

Ikalabing Walong Kabanata: Ipapakita


"Where is Novales? Why is his phone with you?" I said, raising my voice to her.

Walang sinabi sa akin si Novales na may gagawin siya ngayon o may kung sinong babaeng pupuntahan siya ngayon. Pero mabilis ang isip ko sa pag-iisip na may hindi magandang nangyayari ngayon.

Next thing I heard where rasps and muffled voices. Probably because the phone was being covered under a cloth or some sort. Kabado ako pero pinakinggan ko iyon hanggang sa may boses sa kabilang linya akong nakilala.

"Novales?" tawag ko agad. "Where are you? A-are you alright?"

"Liza, ibalik mo na 'yan," naging klaro ang boses niya. Halos pasigaw rin iyon pero malayo ang pinaggagalingan ng boses niya. Muli ring natabunan ng panibagong kaskas ang linya.

Mas lalong lumakas ang kaba ko. May nagpupuyos ding galit na namumutawi sa dibdib ko. I mentally concluded that maybe he's referring to the girl I saw from before. From when I joined my butt into their supposed outing with their friends. At nakita ko siyang may parang pinapakiusapang babae.

Nagpatuloy ako sa pakikinig hanggang sa muli kong narinig ang babae sa kabilang linya.

"Isa kang malanding bata! Ang landi mo! Bata ka pa, malandi ka na! Gumising ka!" She shouted, almost waking up the insecurities I've been hiding. Kasunod doon ay ang pagkamatay ng linya.

Hindi ko agad natanggang ang pagkakalapat ng cellphone ko sa tainga dahil sa pagkakatulala sa kawalan. The time's still early for a night. Maliwanag pa rin ang buong kuwarto ko dahil sa mga bukas na ilaw. Pero parang hinahawakan ng dilim dahil sa insecurities ko sa sarili. And I don't know if I should get along with this or not.

Dahil totoo naman siyang bata pa nga ako. Even Novales reminded me that. That's why we agreed for us to stay with our mutual understanding. Pero ano nga ba ang magiging katibayan doon?

It was almost hard for me to sleep that night. I've been receiving Novales's messages, too, but my insides were already devoured. Kinabukasan ko na binasa ang mga mensahe niya.

Novales:

Vien, I'm sorry from whatever she said to you. Hindi ko alam na dinala siya ni Mama kanina sa bahay kaya inanyayahan ko siyang mag-usap kami ng maayos sa labas. We had a fight and my phone fell. Hindi ko napansin agad pero nang hanapin ko, naabutan ko siyang nasa labas pa na kausap ka niya.

Novales:

Tinawagan ka ba niya? Tatawag ako. Umuwi na siya ngayon.

The message was quite long but my morning energy helped me comprehend everything. Nagtaka lang ako dahil bakit hindi sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap ng maayos habang nasa paaralan. But I realized I haven't seen the woman since then in the campus.

Hinatid ako ni Papa kina Adonnis alas otso ng umaga. Dahil sa nabuhay kong insecurities kagabi, may kaunting pagbabago akong ginawa sa paraan ng pananamit ko. It's unnoticeable since the changes I did were only minimal. Or maybe nothing has changed at all. Wala naman akong puwedeng magaya.

I only wore myself a tight jeens and a wiggly strapped laced top.

Kadalasang nagsusuot ako ng ganito tuwing may lakad o kung aalis kami papuntang lungsod ni Papa. And I am aware that what I'm wearing is an outlier from where Adonnis and I will be going. Para na rin hindi masyadong halata na may alam ako sa pupuntahan mamaya. Not unless if Novales told him I knew their whereabout today.

"Aalis ako ngayon," bungad niya sa akin pagkaalis ng sasakyan ni Papa at noong nakapasok na ako sa gate nila.

His motorbike is already prepared on their green yard.

Nakatalikod si Adonnis nang sabihin niya iyon sa akin, siguro pabalik na sa loob ng mansyon nila. Bumuntot naman ako.

"Saan ka pupunta?" Kunwari ay wala akong alam.

Hindi ko rin sinabi kay Novales na sasama ako ngayon. My plan to tell him last night wasn't successful. Kung siguro walang may nangyari kagabi, maybe he'll anticipate me for today. Nagbigay rin naman ako ng mensahe sa kaniya kanina pero wala akong nabanggit ng kahit ano tungkol dito. Our last conversation only went this way.

Novales:

Good morning. How's your sleep?

That was his reply after I sent him my good morning message. I almost forgot he wakes up earlier than the sun that his reply was abrupt. Iisipin ko sanang hinintay niya akong magtext habang nakahiga siya sa kaniyang kama.

Ako:

Kakagising ko lang. I slept early. I'm sorry.

Novales:

Nasa sakahan ako ngayon. Puwede akong tumawag?

Ako:

Unahin mo lang muna yan. Maghahanda na rin ako.

Novales:

Ayos lang. Tapos na kami. Nakaupo nalang ako ngayon sa lilim ng kubo. Pero take your time. I'll call whenever you're available. Take care.

Nadagdagan pa ang aming pag-uusap pero nang maging abala na ako para sa paghahanda para umalis, nagpaalam na ako sa kaniya. Pinaalala rin niya ang gagawin niya ngayong araw. Wala rin siyang ini-extra-hang trabaho ngayon kaya malaya ang araw niya maliban lang sa gagawin nila ng barkada niya.

The eagerness in me enveloped again when my doubt started swifting after Novales explained everything. Naliligo na ako nang napagtantong susurpresahin ko nalang siya ngayon.

Hindi ako sinagot ni Adonnis nang sumubukin ko muling magtanong sa kaniya. Pareho na kami ngayong nasa loob ng kanilang mansyon. I stopped walking the moment I approached their living room. Pinanood ko lang siyang umakyat sa kanilang hagdanan bago ako nagdesisyong maupo at hintayin siya sa kanilang couch.

My hand is gripping my phone. Alam ko namang hindi siya magtatagal sa taas dahil may lakad sila kaya desidido akong hintayin siya.

I waited while texting with Novales.

Kanina pa sila nakauwi galing sa kanilang sakahan. Ngayon, kakatapos niya lang ihanda ang dadalhing pamingwit. He knew I know where they will be going. But besided that, he did not added anything.

Ako:

Nandito ako kina Adonnis.

Iyon ang huling reply ko sa kaniya dahil nakita ko si Adonnis na patakbong bumababa sa hagdan.

Tumayo agad ako. My smile was already welcoming to him.

"Where's Mama?" tanong niya.

"Hindi ko siya napansin kanina."

Lumingon siya sa may kusina bago muling bumaling sa akin. Humahakbang na rin ako palapit sa kaniya.

"Mag-isa lang ako rito habang nasa taas ka. At, uhh, sasama ako sa inyo,"

Mabilis ang pagkunot ng kaniyang noo. Nakababa na rin siya at mahina na ang mga hakbang pero ang kaniyang tingin, nagtatakang nakadirekta sa akin. My smile never faded. I knew he couldn't resist me that's why I was optimistic when going here.

Tuloy din ang mga mga paa ko sa paglapit sa kaniya. The gap from my outfit to his maong shorts and dark blue cut-out shirt has huge difference.

"Alam kong aalis kayo kaya ako pumunta rito," dumiin ang pagkunot ng kaniyang noo sa sinabi ko. "Gusto ko ring sumama sa inyo."

"Binawalan na ako ni Kuya na pasamahan ka sa mga lakad ko. He told me what he has told you and I know alam mo ang tinutukoy ko, Vien,"

"Sinabi ko naman kay Ragnar na ayos na kay Papa ang kung ano mang mayroon sa mga Argales at... kay Papa."

"Vien, kahit na. Ayoko paring magalit si Tito Veril. At baka masali pa si Mama sa mga pinaggagagawa... mo..." his tone faded while saying the last two words. Naglalakad na kami pareho palabas ng bukana pero dahil napahinto siya, tumigil din ako.

"May namamagitan ba sa inyo ni Novales?" Kita kong may humahalo na sa kaniyang mata.

My eyes almost visibly widened from his reaction. Binawi ko lang sa pamamagitan ng pagkunot ng noo.

"Anong sinasabi mo?" dipensa ko agad pero talagang naapektuhan na ako sa tanong.

As much as I wanted to express the depth of how I like Novales, dahil sa mga sinasabi at pambabanta ng mga pinsan ko, gusto ko parin itong itago. Kahit papaano ay alam kong hindi nga malayong mangyari ang mga palagay nila sa ginagawa kong ito.

"Teka," biglang sinabi niya, at doon ko na napagtanto ang pagdududa sa kaniya. "Panay ang tanong ni Noval tungkol sa iyo. The night during Mama's birth...'' then his eyes widened. It was only for slip seconds because it got covered immediately with darkness when his brows furrowed.

"Ang gago rin talaga nitong si Novales!"

Hindi ko inaasahan ang pagsipa niya sa sahig.

At dahil determinado akong sumama sa kaniya, mabibilis ang mga lakad ko kanina. Kaya noong kunin niya ang braso ko para hilain palabas ay kinailangan niyang humakbang upang maabot ako ng tuluyan. Nagpatianod agad ako kasama niya. Kinain din agad ng kaba dahil noong utusan niya akong umangkas sa likod ng motor niya, ramdam ko ang dilim sa kaniyang pagsasalita. Wala rin akong masabi dahil nauunahan na ako ng sariling kaba.

We were along the road, heading to where the Daguitan river is, when my regrets started screaming. Hindi ko rin malugod ang ganda ng kagubatan. Masyado na akong nakain ng nararamdaman.

Isang liko para sa panibagong tanawin, tuloy tuloy ang takbo namin. Hanggang sa naririnig ko na ang lagaslas ng tubig sa malayo. It only took us a few more minutes to see the bright light coming from a massive body of water.

Nakita ko rin agad ang kaniyang mga kaibigang lalaki. At saka ko lang din napansin na nasa ibabaw kami ng isang bangin. We stopped the moment the bike reached them.

"Nasaan si Noval?" iyon agad ang narinig kong bati ni Adon sa kanila.

"Adon, please," sabi ko, inabot agad ang braso niya. Nauna rin akong bumaba mula sa likod niya.

"Wala pa. Anong problema?" I heard someone, not sure if it was Richard or Joshua because my full attention was towards my cousin. Nakatalikod din ako kaya hindi ko nakita ang nagsalita.

"You should stop this, Vien," tugon sa akin ni Adon.

Nagmamakaawa ang mata ko habang pinagmamasdan ang galit niyang mga tingin. His hands were also crumpled to fists. At ramdam ko ang tension niya roon ng hawakan ko iyon.

"Yow, anong problema? Bakit? May ginawa ba si Novales?" It was Heracleo.

"Mauna nalang kayo sa baba. Susunod kami ni Jaivien. I'll just talk to a damn person coming."

Nanatili ako sa kinatatayuan. Hindi ko rin magawang tingnan ang mga kaibigan niya dahil nahihiyang pinangangalandakan ni Adon ang kung ano mang mayroon ngayon dito.

Two among the boys laughed at it.

"Doon kami dadaan. Nawala na dito ang ginawa nating hagdanan." sabi muli ng isa sa kaibigan niya.

Hindi ko nilingon ang pag-alis ng mga nasa likod. I only knew where they went through my cousin's eyes, boredly watching them go. At noong tuluyan na silang nawala, sinubukan ko muling kumbinsihin si Adonnis na huwag nang kumprontahin si Novales. I kept on assuring him I'll be the one to compromise but his head was too clouded to even listen.

Dumuble agad ang kaba sa puso ko nang marinig ko ang maingay na motor na papalapit. Diretso agad ang baling ko kung saan kami dumaan kanina. Nakita ko agad si Novales sa motor niya.

"Adon," saway ko nang tumayo ang pinsan. Bumaba siya sa pagkakaangkas sa motor. Nasa parating din ang atensyon niya.

Binalik ko ang tingin kay Novales. His eyes were drawn immediately to me. Nag-iwas lang ako ng tingin dahil sa pinsan. Pakiramdam ko kasing hinihintay niya lang si Novales na tuluyang makababa sa motor niya.

And when Novales stepped out, my grip got its hold immediately to stop Adonnis.

"Adonnis, please," hinila ko siya para pigilang masaktan si Noval. And I saw how Novales's confused eyes widened for my sudden reaction.

"'Don, anong mayro'n?"

"Gago ka rin, Noval, e, 'no?!" biglang bulyaw ni Adon.

Mabilis akong tumakbo para pumagitna sa dalawa at huwag matuloy si Adonnis sa anumang gagawin niya. I've never seen him this mad before. Naiintindihan ko ang reaksyon niya pero ayaw kong makasakit siya ng pisikal sa kapwa. Naramdaman ko rin agad ang kamay ni Novales sa likod ko.

"Adon, please stop it. I'll compromise everything. A-alam kong bawal at naiintindihan ko ang pagpoprotekta mo. Please. Just please, calm down." Hindi ko napigilan ang boses sa pagkagaralgal.

Hindi gumalaw ang mga matang nagpupuyos ni Adonnis sa akin. They were locked towards his target. And good thing that Novales behind got his cool.

Ilang sandaling katahimikan bago ko siya narinig na nagsalita. Nanatili ako sa pagitan ng dalawa para panatilihin si Adon sa kaniyang distansya.

"Matagal na akong may planong sabihin sa 'yo 'to. I don't know how Jaivien and I got into this... pero Adon, kilala mo ako, I can endure sacrifices. And that includes you. Kahit magkaibigan tayo."

Parang may sariling pag-iisip ang mga kamay kong mabilis nahanap ang braso ni Novales sa likod ko. I pressed them tightly. Nakita ko kasi kung papaano dumilim ang tingin sa kaniya ng pinsan.

"Sinabihan na kita noon pa. At gago ka dahil alam mo na ang nangyari noon."

"Alam ko. Alam din 'to ni-"

"Kasama ako sa mapapahamak, Noval!"

Walang salitang dinugtong ang lalaking nasa likod ko. Then the rushes of the river came to hug the silence. Saka lang ako nagkaroon ng pagkakataong mahalina sa ganda ng tanawin sa baba. Hindi ko kita ang kabuohan pero sa mga batong sumisilip mula rito, buhay na buhay na ang malusog na ilog.

I mentally took note how engraving Daguitan river's scenery was.

Walang basag ulong nangyari sa pagitan ng dalawa. Mabuti nalang bumalik ang grupo para imbitahan kaming sumunod na sa kanila kaya nalipat doon ang buong atensyon.

Pinasunod ako ni Novales sa kaniya. I followed, leaving my cousin behind with his anger. Kalaunan din naman ay naging civil na rin si Adonnis. Pero tuwing napapatingin ako sa kaniya, ramdam ko parin ang tensyong pinapakita niya para kay Novales. Lalo pa dahil hindi na ako binitawan ni Noval.

Nakababa kami ng bangin sa pamamagitan ng isang kurbadang pasulong sa unahan. May kalayuan lang sa pinagparkingan ng grupo.

Nasa likod ko si Novales nang batiin kami ng malinaw at malapad na ilog pagkababa. I thought that the river was already breathtaking. Until I traced back the area where the boys parked their motorbikes.

The igneous rocks elevating the whole land were as profound as the rock formation painting we have in our mansion. Doon ko agad nakumpara ang natanaw ko. It's depthed properly with black and grey, circulating through until it touches the river bed, now a bit empty with water.

"Don't mind Adonnis. I'll talk to him about us later." sabi sa akin ni Novales, kababagsak niya lang sa mga tuyong dayon ng niyog.

I was shocked seeing how huge they were. At hindi lang isa ang kaniyang dala. Hindi ko nakita papaano niya ito nadala rito pero sinarili ko ang pagkamangha. Maybe I'm still not used to see him do this kind of things. Kailangan kong sanayin ang sariling makita siyang ganito; alam na alam ang mga gawaing bukid. And I knew the leaves were heavy that gathering them without anybody's help is a talent.

Sabagay. I've seen his body. Maybe he got his muscles developed that way.

Nag-angat ako ng tingin kay Noval pagkatapos. Tinitingnan niya ang mga kaibigan niyang nasa gilid ng mabatong ilog. Kahit malakas ang lagaslas ng tubig, abot dito sa inuupuan kong nakalatag na banig ang lakas ng tawanan nila.

"Hindi ka ba tutulong sa kanila?" Tanong ko. "Ayos lang naman ako rito. Ako nalang ang mag-aayos sa,"

Bumaba ang atensyon ni Noval.

The boys are collecting crabs. It will be for later. Mag-iinuman din daw kasi sila.

Seryoso ang kaniyang mukha bago yumuko para itayo ang mga dahon.

"Mamaya na. Ako na mag-aayos nito,"

Somehow, my trip there didn't bore me. Kahit mag-isa lang akong babae, sinasamahan ako ni Novales. Minsan, pinipilit kong tumulong siya sa mga kaibigan niya sa mga ginagawa. Ayaw niya lang na mag-isa ako kaya kung hindi ako tatayo para makisali, mananatili kaming dalawa sa sarili naming mundo.

Even with my little glances towards Adonnis, the way he glares towards me, warning me from whatever I've done, evaporates easily whenever Novales comforts me.

Hapon kami nakauwi. I stayed myself under the shelter while the

boys constanty threw themselves to the water. Ala-una nila sinimulan ang inuman. Nasa likod na namin ang araw kaya may kaunting lilim na sa puwesto namin dahil sa bangin.

Though everyone had fun, still, Novales would accompany me, kahit hindi naman kailangan. Palagi ko siyang pinapakiusapan na sumali sa kasiyahan ng mga kaibigan niya. Wala naman siyang kailangang gawin. Hindi rin naman ako kailangang protektahan niya.

"We don't get along this much. Dito lang muna ako. Hayaan na lang muna natin sila." Paliwanag niya, nagpaiwan kaming dalawa dahil muling maliligo ang iba. And I'm letting him play my fingers while we watch his group enjoying the water.

Magkatabi kaming magkaupo. His legs were parted open while mine stayed close with each other. Tanggal na rin ang sapatos ko noon dahil nagtampisaw kanina. Basa rin ang kaniyang shorts pero ang kaniyang damit na iniwan kanina ay tuyo pa rin at suot niya ngayon.

It's like another kind of date for us. Kahit hindi pa kami, the way we acted upon each other has already leveled up.

Dumating ang semestral break. Katapusan ng linggo ng buwang Oktubre, nagpaalam si Papa na aalis siya para pumunta ng Maynila. I also heard him planning something that includes 'huge' and 'project' intended for the Hulatan. Tumatak sa isip ko dahil nabangging ang Daguitan na bumuhay sa interes ko. At galing palang kami roon nitong mga nakaraan.

"Lhanz and I will be back before November. I told Olivia about you. Alam naman ni Julia ang gagawin niya. Pero kung sakali lang. Kailangan kong umlais. Importane ang aasikasuhin ko." pagpapaliwanag ni Papa isang gabi bago ang alis niya. We were having our dinner in the dining.

Tumango ako bago uminom ng tubig.

The truth was, he forgot that my school had this kind of semestral break. Nauunawaan ko naman dahil lumaki akong home-schooled at walang ganoon noon. I wasn't very open to him about my whereabouts

Adonnis became civil to me. Nagkaroon ng lamat ang pagiging malapit namin matapos ang araw namin sa ilog. But I can feel that he's only stopping himself because of what might happen. Pumipigil sa kaniya ang nangyari sa nakaraan ng mga Argales at Papa. That's what I think of.

"Noval," tawag ko sa kaniya. Palalim na ang gabi, hindi pa kami tapos sa nakaugalian naming pag-uusap bago matulog.

Kaninang umaga umalis si Papa. I only stayed inside our mansion. Abala rin si Novales sa pinagpapart time niya kaya hindi ako puwedeng pumunta sa kanila. At alam ni Novales na nakaalis na ang aking ama.

"Matutulog kana? Just don't end the call." Sabi niya.

"Hindi pa," bahagya akong napahakhak. "Ano lang... bukas, pupunta akong rancho..."

My voice stretched on my last sentence, hinting him something I will be doing. Pero nabigo lang dahil dumiin ang boses niya.

"Mag-isa? Wala kang kasama?" his voice thundered.

"Hindi, ano, uhm, mayroon..." I struggled. Dumiin din ang yakap ko sa unan. I paused to compose myself again. "I'd like to go out with you..." almost whispering my words.

Hindi siya agad nagsalita. Pero naririnig ko ang kaniyang bawat hinga. Tahimik din sa kaniyang linya dahil nasabi niya kaninang nasa loob siya ng kanilang bahay. But he had to stay in their couch because of our consecutive talks.

One long breath, he finally said something.

Marahil nag-isip muna bago nagsalita.

"Alright." he said. I thought it was already his response but he added, "Pero huwag muna bukas. Huwebes, bakante ako. Magpapaalam ako kay Adonnis sa 'yo. And I'll ask him if I can fetch you from your mansion. Sana pumayag ang gago dahil may ipapakita ako sa 'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top