Ikalabing Tatlong Kabanata
Ikalabing Tatlong Kabanata: Warmth
My eyes dodged away from Aling Julia's sight just to not to let her see what my eyes were actually feeling. Batid kong malakas din ang pangkutob ng ginang. I don't want her to have any opinion of me being like this.
Tuluyan kong pinasok sa bulsa ang cellphone.
I showed her my smile. Widely. Alam kong mas ipagtataka niya iyon kaya sinabayan ko na ang pagbaba para mas lalong hindi siya magtaka.
"Nariyan na po ba si papa?" tanong ko, nililihis ang napuna ng ginang.
The side of her lips jerked. "Hindi pa pero sabi ni Emir kanina habang nagdidigilig ako, lumagpas daw papuntang kabilang baranggay. Mukhang may titingnan din yata roon."
Tuluyan na akong nakababa. Tagumpay din yata ang ginawa ko dahil nagtuloy-tuloy ang ginang sa pagpapaliwanag niya tungkol sa marahil ay ginagawa ngayon ng papa.
Dumiretso ako sa kusina. Sumabay sa akin si Aling Julia para iparinig pa rin ang eksplenasyon niya. My head was sliced between listening to her and composing another reply to Novales. Sa isip-isip lang ako dahil baka mas lalong ipagtaka ng ginang dahil palagi akong atentibo sa kung ano mang mga sinasabi niya noon pa.
"Bibisita raw siya sa Tacloban sa susunod na araw. May ipapadala rin yata para sa mga kapatid mo."
Umiinom ako sa baso na binigay ng kasambahay nang lingunin siya.
"Sa pasko pa rin ba sina Kuya uuwi?" tanong ko pagkatapos malunok ang tubig.
Agad kinuha sa akin ng kasambahay ang baso. Nagpatuloy ang ginang sa mga sinasabi. Lumipat patungo sa mga kapatid ko ang kaniyang panibagong kuwento. And as her tales go on, a sudden miss for them waved inside me. Matagal ko na rin silang hindi nakikita. Bukod sa mga tawag, halos abala na ang oras nila.
Nakawala lang ako kay Aling Julia noong dumating ang sasakyan ni Papa. Siya ang unang dumalo para magmando sa mga kasambahay sa labas kaya dinukot ko agad ang cellphone mula sa bulsa.
Ako:
Kaninong habal habal ang sinakyan mo?
Ako:
Mag-isa ka lang bang nagtatrabo para sa pamilya mo?
I sent those two questions to him with skill. Sa takot na rin na hindi maabutan, mabilis ang galaw ng mga daliri ko. Hindi na rin ako naghintay ng reply at agad kong binaba ito para dumalo rin sa labas.
The house helps were already surrounding my father to help him from the things I can see both on his arms. Mga halamang gulay iyon pero ang isa ay nasa lumang paper bag.
Ngumiti agad ako para bumati. I felt my phone vibrate. But I did not let my attention get there.
"Pumunta ka raw po sa kabilang baranggay?" sumama ako sa Papa papasok ng mansyon.
He's wiping his hands on the sides of his pants. Maputik din ang kaniyang suot na bota nang mahagip ko.
"May tinulungan lang ako. Ayan nga't medyo makapal ang putik sa daan. May mga nagbigay din ng gulay para sa mansyon."
"Pumunta rin ba kayo ng rancho?"
"Sa rancho? Bakit? May problema ba? Hindi ako nakapunta. Nasa syudad din ako kanina."
My mouth stopped there.
Pinanood ko ang pagpagpag ni Papa ng bota niya sa sementadong daanan paakyat sa bukana ng mansyon. Leaving his foot marks behind. At mabuti nalang ay hindi na muling nagtanong nang dumiretso na kami. Nag-aagaw na rin ang kalangitan ng dilim kaya naririnig ko rin si Aling Julia sa pagpapahanda ng siguro'y hapunan.
Hindi na ako sumunod kay matapos niyang ibigay sa isang tauhan ang marumi niyang bota. Tumuloy ako sa loob para masilip ang bagong reply sa akin ni Novales.
Inikot ko pa ang tingin sa paligid bago tuluyang binuhay ito.
Novales:
May gagawin pa ako. Hindi mo pa pala nasasabi sa akin ang tungkol sa Papa mo. Mag-usap nalang tayo mamaya.
Novales:
I'll text you after this.
Muli, hindi ko na naman napaalalahanan ang sarili sa paglabas ng mga ngiti. I don't even get why myself was smiling for just a simple message!
Pinagsawalang bahala ko nalang ang sariling dahilan. Tuloy ang gabi kasama ang Papa at ang iilan pang kasama sa bahay na umaalalay sa tabi namin. We had the dinner. After us will be their turn. Ayaw nilang sumasabay sa amin dahil amo raw kami. At dahil nakasanayan ko na rin kaya hindi ko nalang pinapansin.
Siguro palagi na lang din ang pag-akyat ko ng kuwarto tuwing matatapos ang hapunan. Aling Julia won't notice me. She's busy helping everyone clean. Si Papa naman ay nakita kong lumabas para siguro tingnan ang sasakyan.
Pag-akyat ko ay tinabi ko ang cellphone sa mga papel noong simulan ko nang mag-aral. Hindi ako nakapagpigil na magpaalam kay Novales na tapos na kaming kumain at nasa kuwarto na ako. Maaring hindi pa siya tapos sa kaniyang ginagawa kaya hindi siya sumagot nang mag-text ako. But it only took him almost thirty minutes.
Biglang tumunog ang cellphone ko bandang eight eleven, nagsusulat ako sa papel, sinusubukang isaulo ang iilang enumeration ng isang subject. I knew immediately that it was his because I changed my settings to have a specific notification ring for his texts.
Tinigil ko sandali ang ginagawa para basahin ang reply niya.
Novales:
Hi
It was his only message.
Napa-isip ako sandali kung para sa akin ba iyon. Pero nag-reply ako na agad naman niyang nireplyan.
Novales:
Nag-aaral ka?
Ako:
May minememorize lang. Ikaw? Kamusta 'yong ginawa mo kanina?
Novales:
Inayos ko lang ng gulong ng motor ni Papa.
Our conversation stretched again that night.
Marami kaming napag-usapan. At halos tuwing nagrereply siya, interesado ako parati. Especially because he replies whenever I reply. Hanggang dinala ko na ang sarili sa kama, patuloy pa rin kami sa pag-uusap.
Novales:
It's late.
Napatingin ako sa oras ng cellphone. It's nearly twelve. Nasabi niyang nag-aaral siya. Ako rin, pero ngayon, tumigil na.
Ako:
Inaantok na nga ako.
I replied even when I wasn't telling the truth.
And within our secret messages for each other, I started rationalizing myself one day after hearing my friends talking something less interesting for me. Bakante ang hapon namin noong dumating ang Lunes, ilang araw na ang lumipas matapos kong malaman na ako ang representative ng batch.
Patuloy pa rin ang pag-usap namin sa text ni Novales. Hindi lang din isang beses naulit ang halos mag hating gabi naming kuwentuhan.
Ako:
Tinatapos ko lang ang sinusulat. Ganoon ako mag-aral. Sinusulat sa scratch paper ang mga natutunan.
Novales:
Memorizing?
Ako:
Hindi. Minsan na lang. Mas madali sa recitation ang ganito.
Hindi lang din isang beses pinaalala niya na hindi pa namin napapag-usapan ang sadya ng lahat ng kung anong ugat nitong ginagawa namin. And as he constantly remind me about it, I started thinking that maybe it's his way to open another conversation for us. Na hinahayaan ko dahil gusto ko rin naman.
It feels like we have come up to a mutual zone. Na kahit sa gitna ng aming usapan, tuwing bumubulong sa sarili ko ang ideyang iyon, mas pumapangibabaw ang pagpayag ng saril na hayaan na lang muna iyon. Because we suddenly have the ground for our own joy. Na hindi ko maipagkakaila dahil maging ako ay aminado na ganadong-ganado tuwing may nalalaman akong bago kay Novales. We were sharing personal information about each other through bits on our conversations. And it keeps on going on every night we have the chance.
Kaya ngayon, dahil medyo abala na ang lahat sa pagpapractice dahil sa nalalapit na intramurals, may mga gurong pumayag na ilaan na lang sa paghahanda ang oras ng kanilang klase.
Two from our teachers allowed us to use their class time on that afternoon.
Nasa mga upuan sa likod lang kami katabi ng teacher's table. Our batch president, together with the vice, who's from the other section, were planning about the costume for me. Pinatalikod lang namin ang mga upuan para bumuo ng bilog. At dahil kasama ako para magbigay sana ng ideya, sumama sa likod ko sina Jaya at Daphne na wala halos ginagawa.
Dahil usap-usapan din ang isang kaklase naming may manliligaw, iyon ang napagtuonan ng dalawa. And because of their topic, kahit pilitin ko ang sariling mag-focus sa pagpaplano, hindi mapigilan ng tainga kong marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Ganyan kasi 'yan talaga. Palihim na lang kasi ngayon ang mga ligaw-ligaw."
"Online nga lang sila nagkakilala niyan, e."
Daphne's last words almost hit me.
Nag-i-elaborate sa harap ko ang aming presidente kung anong disenyo ang gagawin. Bahagya kong nilapit ang ulo sa kaniya para mawala sa isip ang sinabi ng kaibigan sa likod.
But I was already devoured by my guilt. Lalo na dahil paulit-ulit na kumukudlit sa dila ni Daphne ang mga kataga.
"Mas mabuti pa rin kaya na personal kayong magkakilala. Kaysa online na malay mo may tinatago palang kung ano sa likod ng mga chat ninyo."
Jaya laughed.
I tried to concentrate more on what our batch president was saying. Kahit na ang totoo, litaw na litaw na ang utak ko.
"Mas maganda pa rin ang mga lumang tape. Ididikit na lang sa damit."
Tumango ako at tumingin sa papel na ginuhitan ng magiging itsura ng susuotin ko.
I tried examining it but my mind has already drifted to the thought of Novales and I. Wala naman sigurong ganoon siya. At hindi naman namin tinatago ang kung ano mang mga napag-uusapan namin. We were only talking nonsensical things! And why would I even be bothered?
At saka, bakit ko ba kinukumpara ang sarili sa mga sinasabi ni Daphne.
Pero simula rin noong unang nagkataon na umabot ng halos hating gabi ang kuwentuhan namin, hindi na sumakay si Novales sa sasakyan nina Adon kinabukasan.
"Hindi na ba natin hihintayin si Novales?" tanong ko noon kay Adon pagkapasok niya sa unahan.
"Ah, si Noval? Gumagamit na ng motor. Sa papa niya."
Siyempre, natanong ko iyon sa kaniya kaya nalaman ko rin ang dahilan.
Novales:
Inutusan na ako ni Papa na sunduin ang nakababatang kapatid. Lakwatsero. Para na rin hindi nakakahiya kina Adon.
Hindi ko na inalam ang buong detalye.
Matapos ang ilang araw ng pagpalano para sa costume ko, napagdesisyunan namin na sa mansyon gawin ang pagbubuo ng disenyo.
At kahit papaano, nalagpasan ko ang mga narinig mula kay Daphne. Hinayaan ko nalang iyong lumabas sa kabilang tainga ko.
"Magpatulong na lang tayo sa mga kasambahay para rito,"
"Puwede?"
Tumango ako kay Mae.
Tuwing hapon lang namin nagagawa ang pag-aayos sa suot. Tumigil na kami ngayon sa ginagawa dahil madilim na ang paligid. Naihanda na rin ni Papa ang sasakyan para maihatid ang mga kaklase.
"Oo. Ako na lang ang magsasabi sa kanila."
Everyone who were part of the committee were here. Malaki pa ang kailangang tapusin pero madali na lang ang pagpapaliwanag ko nito para sa mga kasambahay.
I also kept on updating Novales what I was doing. Parang naging ganoon na rin iyon sa aming dalawa dahil maging siya, nagpapaalam na kung may gagawin siya.
Ako:
Pauwi na ngayon ang mga kaklaso ko.
Not all of them helped. Most were only complimenting us for how we live. Hindi ko nga lang masyadong iniisip dahil bukod sa pagtulong kina Mae, balisa rin ako dahil nagkaka-text kami ni Novales.
Kahit na nakapag-paalam na ako sa kaniya, hindi ko matiin na reply-an siya. And as we cultivate our comfort within each other, something has gotten me. Para bang kailangan ay sa akin lang ang atensyon niya. That if stopped replying to him, my mind would overthink something.
Novales:
Marami ba kayong gumagawa?
Inangat ko agad ang cellphone. Tuluyan nang naka-alis sina Papa at ang mga kaklase. Nililinis na ng mga kasambahay ang mga kalat namin sa terasa.
I typed in my reply for Novales.
Ako:
Medyo. Hihintayin ko lang na bumalik si Papa. Mag dinner na kami pagkatapos. Tapos kana sa ginagawa mo?
Novales:
Kakatapos lang. Inutusan ko na si Emir na tawagin sina Mama. Kakain na rin kami.
Emirs is his younger brother. He's a year younger than me, according to him.
Hindi naman nagtagal si Papa dahil halos ang karamihan sa mga kaklase ko ay sa proper lang ng Hulatan nakatira. Patago kong inangat ang cellphone para muling magpaalam kay Novales na magdidinner na kami.
Friday that week and we were all busy for the preparation. It wasn't an exaggeration. Almost every classroom in the campus was noisily practicing. May isang linggo pa naman ngunit mukhang ganoon siguro kahigpit ang kumpetensya. Naririnig namin ang iba't ibang house cheers habang sinusuyod namin ang corridor.
And it's still lunch time.
Pero halos mahulog ang mata ko nang makita si Novales nang nasa malapit na kami ng canteen. Kalalabas niya lang. Kahit na marami ang naglalakad sa corridor, dumiretso ang tingin niya sa grupo namin. Sa akin. At batid kong hindi iyon napansin ng dalawa kong kasama dahil tuksuhan agad ang ginawa nila nang sumunod sa likod ni Novales ang pinsan. Hanggang tuluyan nang nagsilabasan ang grupo nila.
Parang isang pugad ng mga bubuyog na binato ang ulirat ko. Nagkakalat sila kaya hindi ko alam ano ang gagawin. I was strucked! And I don't know what to react!
"Oh, Adon, nandito pala si Vien," I heard Heracleo.
Hindi umalis ang mata ko kay Novales. Ganoon din siya sa akin.
And seeing his face, stoic and emotionless, it feels like he isn't the guy I have been talking. We were so close with our exchanges in our texts, yet, here we are, awkward between each other.
Simple niyang hinawi ang ulo para tingnan si Adon na diretso na pala ang lakad papunta sa akin.
Tumingin din ako sa pinsan. Pero muling lumihis sa kaniya ang mata bago tuluyang tinuon ang atensyon sa lumapit.
"Sa'n kayo galing?" Tiningnan niya ng mabilis ang mga kasama ko. "Nagperya kayo?"
"Sa gym lang kami. Naglunch." sagot ko agad.
"Wala yatang pasok. Aalis kami mamaya, Vien. Sasama ka ba?"
"Huwag na Adon," biglang nagsalita si Novales sa likod niya.
Napa 'Oh' ang tatlong lalaking kasama nito sa likod. Napabaling si Adon sa kaniya. Ako rin ay napatingin. Both my friends remained standing beside me.
"May gagawin pa yata sila. Hindi naman tayo magtatagal sa kabilang bayan. 'Tsaka, bata pa 'yang pinsan mo. Bawal pa. Puro tayo mga lalaki."
Novales's eyes glanced at me. It was fast. Bumalik din agad kay Adon ang tingin nito.
"Sabagay nga naman. Mapagalitan pa ni Tito, lagot na." Bumalik ang tingin sa akin ni Adonnis. "Magtext ka nalang mamaya kung uuwi kana. Kung wala pa kami, pasundo ka nalang sa sasakyan namin. Dito lang 'yon maghihintay."
"'Di tayo magtatagal, Adon." si Novales.
"Kung sakali lang naman."
Alam ni Novales na itutuloy namin ang pag-aayos sa isusuot ko. Hindi niya siguro tuluyang siniwalat ang kaniyang alam dahil magtataka nga naman si Adonnis. At maging mga kaibigan ko ay hindi maiintindihan iyon. Mahihirapan din akong magpaliwanag.
Sa classroom, naramdaman ko agad ang pag-vibrate ng cellphone. Nasa bulsa ng palda ko lang ito.
Tinigil ko ang pagdidikit ng mga sinira naming optical disk sa shorts para kunin ang cellphone. Pangalan ni Novales ang sumalubong sa akin. Pinindot ko ito para mabasa ang mensahe niya.
Novales:
Basketball lang kami sa kabilang bayan.
Nakuha ko agad iyon.
Ako:
Okay
After sending that, I realized that my heart was being hugged by his warmth. Nakakabaliw mang aminin pero kinilig ako nang magpaalam siyang aalis sila. Kagat ko ang ibabang labi para hindi kumawala ang ngiti. Pero may mga taksil paring lumilihis sa gilid ng mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top