Ikalabing Pitong Kabanta
Ikalabing Pitong Kabanta: Daguitan River
Hindi ako makabawi ng tingin.
His right cheek shifted upwards, revealing to me the dent I didn't know he had on that side of his lips. Pero kahit na nagpapakita ang dimple niya, his eyes were as if they're from a predator who found its prey. He's watching me intently!
Hinuhuli niya siguro ang susunod na reaksyon ko. Hindi ko rin alam paano ko napilit ang sarili kong hindi magpaapekto.
"Vien," bulong niya, saka naman ako nag-iwas ng tingin.
Next thing I heard was the crushing of the pebbles. Sandaling gumalaw ang mata ko para makita siya. He neared. But still I can feel his eyes digging intently at me.
"Dahil ba kay Mama?"
Umiling ako. Pero narinig ko ang mahinang halakhak niya. Kumunot ang noo ko saka nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Totoo?" Nakangisi ang mga labi niya.
Mas lalong dumiin ang pagkunot ng noo ko bago nag-iwas muli ng tingin. "Walang may kinalaman ang sino man, Noval. I already told you. 'Tsaka kung ano mang iniisip mo, hindi 'yan totoo,"
"Talaga? Why do you have to look away while saying that then?"
Lumuwag ang pagitan ng mga talukap ko. Bigla rin akong natigilan bago ilang sandaling nakabawi. And I heard his laughter escaping through his nose.
Bigla akong humarap sa kaniya.
Agad namang bumagsak ang kaniyang mga kilay para pantayan ang seryoso kong mukha. But his smile couldn't cooperate. Naroon pa rin iyon habang pinapanood akong naka-angat ang tingin sa kaniya.
"Sabihin mo," he said, his smile now released from being controlled.
May kung ano agad sa lalamunan kong bumara kaya nang umawang ang bibig ko ay walang kahit isang salita ang lumabas. He came here without any sign of warning! I was caught off guard!
Lumalim pa lalo ang kaniyang pagyuko. Pero dahil masyado siyang matangkad, nanatili parin ang pagitan namin.
Muli kong binalik ang tingin sa kabilang kalsada. Kinailangan ko pang umatras dahil lumapit siya kaya humaharang siya sa paningin ko. I know I am already defeated. May palagay akong ikapapahamak ko pa lalo kung dipensahan ko pa ang sarili ko.
Marahil kung alam kong magkikita kami, I could have at least prepared some weapon. Not like this, so defenseless.
Nagkaroon kaming dalawa ng katahimikan. Even without my eyes moving, I know he's still intently eyeing me. His stares were like daggers, even without putting any attention, you'll immediately know his eyes are onto you.
Nanatili ang tingin ko sa kabilang kalsada. Pinapahupa rin ang kung anong mayroon sa aming dalawa ngayon. We're in front of our municipality gym, and between us, I am the one who's nervous.
Saka lang siguro naging maayso ang paghinga ko nang gumalaw siya para tabihan ako.
Moments like this should be perfect for Adonnis to interrupt. But I guess he couldn't do that for now.
"Hihintayin mo pa ba si Adonnis?" basag niya sa katahimikan.
Napansin kong bumaba ang kaniyang tingin para hintayin ang sagot ko. Tumango lang ako sa kaniya at agad binalewala kung ano man ang magiging reaksyon niya.
It was the stilted moment of my entire life. Mabuti na lang talaga na ang ilang mga estudyante ay naka-uwi na. O kung hindi man, nasa may terminal ng mga habal habal naghihintay.
What Novales did could be a scene! Lalo pa dahil kilala siya ng mga estudyante sa paaralang ito. They are like an alpha or something in this school. At ayaw kong maging laman ng mga usap-usapan lalo na kung tungkol lang naman doon.
Ilang minutong katahimikan pa bago ako nagdesisyong mag-angat ng tingin sa kaniya. Kanina pa kami rito at mukhang wala siyang balak umalis sa tabi ko. I had to at least remind him at least about something. Pero alam ko ang pinakadahilan niya bakit siya hindi pa umaalis dito.
Bumaba din naman agad ang kaniyang tingin.
Tinuro ko ang kaniyang motor. Nanatili lang ang tingin niya sa akin.
"Hindi mo pa ba susunduin ang kapatid mo?" sabi ko dahil iyon ang naalala.
Pinanood ko ang pag-angat niya sa kaniyang braso. Sinilip niya lang ang oras sa relo pagkatapos ay binalik agad sa akin ang kaniyang tingin.
"Naka-uwi na 'yon," walang interes niyang sagot.
"Mag-isa? A-Anong sasabihin niya 'pag nakauwi siya? At, uhm," wala sa sariling pinasadahan ng tingin ang buong katawan niya. "Anong oras ka uuwi?"
Hindi siya sumagot. Lumalim lang ang tingin niya sa akin.
I had to cross my arms to control something inside me. Medyo nababahala na rin dahil baka maabutan siya ni Adonnis rito. Pero bumaba lang ang tingin niya dahil sa ginawa kong iyon pagkatapos ay napangiti bago umakyat muli ang mata sa aking mukha.
"Novales, hindi alam ni Adon na... ganito tayo," nag-iwas ako ng tingin.
"Sagutin mo muna ako."
Umiling ako. Pinipilit pa rin ang sariling huwag umamin na tama nga siya. I was kinda jealous about what her Mama said.
"Mamaya nalang tayo mag-usap." sabi ko.
"Sagutin mo ako, Vien,"
Kumunot ang noo ko at nag-angat ulit ng ulo para makita siya. He's still looking at me and bit shocked. Umawang agad ang bibig ko. "I told you, I was only busy last Saturday. At medyo, ano... nawalan din ng gana magcellphone."
Nagkaroon kami ng ilang sigundong titigan. His gaze strode down my face and stopped. Pagkatapos ay umakyat muli pabalik sa aking mata. I knew where he looked at. Kinagat ko ang ibabang labi at bumaling muli sa harapan.
"I'll text you later," sabi ko para hindi na siya magtagal.
"Reply to me."
I am not actually sure whether I was true to my words or not. Pagkaalis niya ay ilang sandali namang pagdating ni Adonnis. Puro paliwanag siya na mahirap ang test nila kaya siya natagalan. At habang pareho naming hinihintay ang kanilang sasakyan, bukambibig niya pa rin iyon.
My ears couldn't listen to his rants becuase my thoughts were occupied. Masyado kong iniisip ang napagtanto ni Novales. Kaya noong noong nasa mansyon na ako, diretso agad ako sa kuwarto para tingnan ang cellphone ko.
I received a message from him. Hindi lang ako nagreply kanina dahil kasama ko pa ang pinsan. Pero ngayong mag-isa na ako, ang bagay na iyon agad ang inuna ko.
Novales:
Nasa bahay na ako. Nakauwi kana?
Ilang minuto lang iyon noong tuluyan na siyang nakaalis kanina. Maybe he replied right after leaning his motor at the tree I saw in front of their house. Iyon agad ang nasa isip ko.
Binuhay ko agad ang keyboard.
Ako:
Kadarating ko lang sa mansyon.
Nagbihis agad ako pagkatapos kong mapindot ang send. Tinabi ko agad ang cellphone sa bag sa ibabaw ng kama bago tuluyang dumuretso sa sariling banyo para makapagbihis.
Ginawa ko iyon habang nag-iisip tungkol sa nangyari kanina. What if I told him he's right? At saka, do he really have a girlfriend? Hindi ako sigurado pero nitong mga makaraang araw, hindi ko naman siya napapansing may kasama. Even Adon and the girlfriend he introduced to me, I don't see them often together.
Marihil kagaya ng sinabi ni Adon sa akin na sinesekreto lang niya muna ang tungkol doon.
Should I ask Novales instead? Pero baka isipin niyang nagtataong ako dahil tama nga ang hinala niya.
Dumating ang gabi. Nagpaalam siya kaninang may gagawin siya matapos kong makapagbihis kaya nawala ko saglit ang pag-iisip sa kaniya. Nalibang din kasi ako noong kinuwento ni Aling Julia ang tungkol sa bagong negosyo ni Kuya sa Maynila.
Nasa desk na ako noong silipin ko ang cellphone.
Novales:
Puwede ba akong tumawag?
And just an instant, his name revealed on my screen for a call. Wala akong pag-aatubiling iyon.
"Hello," my soft voice echoed everywhere in my silent room.
Mga huni ng gangis ang bumungad sa akin bago ko narinig ang malalim niyang boses para sa isang 'hello' sa kabilang linya. And there was something with the way he said that which made my rough for a light goose bumps. Diretso rin ang kagat ko sa labi para pigilan ang ano mang naramdaman.
"Hindi lang ako mapakali rito." Said his baritone voice from the other line. "I only want to clarify you. Wala akong girlfriend. Kahit sabihin mong hindi 'yan ang laman ng isip mo, gusto ko paring ipaliwanag sa 'yo. Hindi ko alam bakit 'yon ang sinabi ni Mama."
The palpitation of my heard rose after getting what he's telliong. Halos mamilog din ang labi ko pero nakatukod ang aking kamay para suportahan ang ilalim ng panga galing sa pagbabasa ko kanina.
'Di ko rin maintindihan ang sarili ko bakit may tuwang namumutawi sa damdamin ko.
Muling nabuhay ang mga insektong bumati sa akin kanina nang tumigil siya sa pagsasalita.
"N-novales..." I struggled.
Aminado akong wala akong interes kanina nang sagutin ko ang tawag niya. I even planned on letting him hear the papers while I'm studying. Pero ngayong iyon ang binungad niya sa akin ay bigla akong nalunod dito. At kagaya kanina, pinipilit ko lang agn sariling hindi magpahalata.
I bit my lower lip. Wala akong maidugtong.
Sunod kong narinig ay ang pagtawa niya. It was a bit off, at siguro, sa sandaling pagtahimik niya, napagtanto siguro ang sinabi. I couldn't imagine him being awkward like this but here he is!
"Pasensya na," dagdag niya.
Dumiin ang pagkagat ko sa mga labi. Gusto kong hayaan siya sa sinasabi niya kaya pinipigilan ko ang sariling lumikha ng tili. Masyado ring pigil ang aking paghinga para lang mas higpitan ang sarili.
Nadugtungan muli ang linya ng panibagong katahimikan.
I don't know what to say! And even when I don't want to be certain from what he just said, I'm hinting that it's his confession for me. Wala naman akong karanasan sa boyfriend-boyfriend, kaya hindi ko matiyak kung tama ba ako. Pero sa mga sinabi niya, iyon ang nararamdaman ko.
"Uhh," I cleared my throat, still a bit struggling but unlike earlier, I am a little composed now. Determined too to move whatever this is forward.
"Hmm?" sabi niya.
"Does this mean..." tinitingnan ko ang mga papel sa harapan habang bumubuo ng mga sasabihin. "We're together now?" sinadya kong hinaan ang dalawang huling salita dahil nahihiya ako na iyon nasa isip ko.
"Anong ibig mong sabihin?" nahimigan ko sa tinig niyang naguluhan siya.
Naalarma agad ako. "I mean... us, together,"
Muling bumalit ang katahimikan sa amin pareho. The kirking sound from his background was the only tune we had until I heard him breath heavily.
"Let's stay from what we are right now, Vien. I'm sorry. Masyado ka pang bata para sa ganito. And I still have to prove more for you. Baka rin ano ang isipin ng 'yong Papa." sabi niya matapos ang mahigit isang minutong katahimikan.
His voice was serious. It almost devoured me from its rhythm.
"But we'll have to keep everything mutual."
Napaisip ako sa kaniyang huling sinabi.
"Mag-usap tayo bukas. Tayong dalawa."
"Hindi ba may trabaho ka?" bigla akong nagising mula sa malalim na pag-iisip.
"I can have time by noon. Magkita nalang tayo sa public library."
Hindi ko na tinuloy ang pag-aaral matapos akong kausapin ni Novales. Wala na rin namang silbi kung susubukin ko pa dahil alam kong wala na akong maiintindihan kahit anong impormasyon. Tumatak lang sa utak ko ang aming napagkasunduan na gagawin kinabukasan.
Ako:
Tumigil na ako sa pag-aaral. Hanggang doon na lang muna ako ngayon.
Paalam ko iyon kay Novales nang inihiniga ko na ang sarili sa kama. He knew I was studying. I told him that when he asked me what I was doing, the reason why he had to end our call halfway in our conversation. Pumayag din ako pero dahil malaki ang naging epekto ng napag-usapan namin, hindi na ako nakapag-focus ng subukan kong ibalik ang gana kanina.
He replied immediately after the message got sent successfully.
Novales:
Tawag ako, Ayos lang?
Ako:
Oo.
I swiped to answer him after the screen revealed his name again. Maging siya pala ay hindi rin nakapag-concentrate sa inaaral niya nang mag-usap na kami. We just had a little bit of intimate talks until my energy flushed away from my body. Kinabukasan ko lang naalalang magkatawag pa pala kami ni Novales nang nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.
The first thing my eyes saw the moment it opened were my fingers gripping the phone still beside me.
Maliwanag na rin sa labas ang araw kaya nagmadali na akong maligo pagkabangon. Nagliliwaliw rin ang isip habang pinapaliguan ko ang sarili sa banyo hanggang natapos at nakapagbihis na. Inisip ko ang mga puwedeng idahilan mamaya sa mga kaibigan.
Novales and I agreed to meet lunchtime today. And since I am always with my friends, I had to make a reasonable alibi to let their doubts away. Or at least for Jaya to understand why I am not gonna be having my lunch with them today.
Kaya pagpasok ko sa classroom ng umagang iyon, hindi na ako nakapaghintay na sabihin sa kaniya ang nasa isip.
"'Di ako makakasabay sa lunch natin mamaya," inunahan ko na.
Pareho kaming naka-upo sa aming mga armchairs.
"May lakad kayo ni Adon?" Abala siya sa kung ano mang hinahanap niya sa loob ng kaniyang bag. Hindi siya nakatingin sa akin.
"Hindi. May pupuntahan kasi ako diyan lang sa public library."
"Public library?" Sinilip niya ako. Nakita ko na halos magdikit na ang kaniyang magkabilang kilay. "Dito? May public library ba sa campus?"
"Sa may plaza." I pointed.
Lumiwanag agad ang kaniyang ekspresyon at binalik na ang atensyon sa ginagawa. I continued myself from explaining why I couldn't join them. Sinabi ko lang na may pinapahanap lang si Papa na reference para sa isang negosyo. Wala naman siyang sinabi pang iba kaya naging panatag na ako.
Novales was already at the table where we usually seat when I came. Mag-isa lang akong dumating. Binaba ko agad ang payong na ginamit at nakita na may mga tao pala sa loob maliban lang sa amin.
Portion of them were like me, in our school uniform. May dalawang napabaling sa pinto pagpasok ko. Diretso na ang atensyon ko sa lalaking sadya.
The library allows people to eat inside. I don't know if they follow any protocols but the librarian doesn't mind it.
May pagkain na sa tapat ni Novales nang binaba ko ang bag sa tabi niya. He wasn't looking at me so he didn't know I was already behind him. Kaya gitla ang naging reaksyon niya nang balingan niya ako.
He's holding his phone where I saw my name on top of its screen.
"Pasensya na. Nasa loob ang bag ko," sabi ko sa mahinang boses sa kaniya.
Tumango siya at minuwastrang umupo na ako. Inusog pa niya ang upuan para magdikit kami. Hindi na ako umangal dahil iyon ang kadalasang ginagawa niya noong pumupuslit ako para makapagkita kami rito.
"Hindi ko pa alam kung anong ulam ang kinakain mo. Pinili ko nalang itong pritong manok,"
"Ayos lang. May dala rin akong pagkain para sa atin."
Tinulungan niya akong ilabas ang lunch box ko. Binuksan niya agad iyon at kinuha ang takip at patihayang tinapat sa kaniya. I immediately realized why he's doing that.
"Huwag 'yan. Itong pinaglagyan ng pagkain nalang ang gamitin mo,"
Inabot ko ang disposable plate na may lamang manok. I emptied the plate and transferred the food to the cover, exchanging from his supposed plate that he's about to use.
Natawa siya sa ginawa ko.
Hindi ko na pinansin at tuluyan nang umupo sa tabi niya.
And his left arm was fast when resting it behind me, on the backrest of my chair. Nakatingin ako sa kaniya kaya napansin ko iyon. I was amazed from how he found himself available for this. Wala akong pinuna dahil naalala ko lang ang mga napag-usapan namin kagabi.
Dahil may laman na ang lunch box ko, siya na ang kumuha ng pagkain para sa kaniya. Tinabi ko rin ang ulam ko sa dalawang fried chicken para kumuha rin siya roon.
We labeled ourselves through our mutual understanding. Naiintindihan ko rin siya sa dahilan niya para sa aming dalawa. Pero ang katotohanang naapektuhan ang tingin ko sa sarili ko dahil doon ay hindi ko maipagkakaila.
I started demanding myself to at least grow promtly. So I could at least level the standard of legality. Pero nasasampal lang ako sa katotohanan.
Near the library before our grand staircase, there's a huge mirror where you could see your whole body. I believe it was designed for dress expositions. Hindi ko iyon pinapansin noon pero ngayong bumabagabag sa akin ang bagay na pumapagitan sa amin ni Novales, I can't help my insecurities. Even my perspective for my curly hair changed!
"Pupunta ako kina Adon bukas Papa," pumasok ako sa library ng mansyon para magpaalam, Biyernes ng gabi.
Seated behind the wide table was my father. His attention was on the large paper in front of him until I entered.
Pinadausdos niya ang kaniyang salamin pababa para matingnan niya ako.
"May gagawin kayo?"
"Doon lang muna ako para hindi ako makaistorbo sa mga bisita bukas. Narinig ko kaninang nag-uusap kayo ni Aling Julia tungkol doon. Kaya rin po ako nakapagdesisyon na kina Adonnis lang muna ako."
He settled back his posture, giving me his whole attention. Kinabahan din ako dahil alam kong magtataka siya kung bakit ako nakaisip ng ganoon. Pinaghandaan ko naman ito at alam ko ang isasagot pero kinabahan parin ako sa kaniyang tingin.
I once again swallowed to clear my throught.
"May ipapagawa rin kasi ako sa kaniya." dagdag ko.
My head prayed he'd think I was asking Adon for a project. I just made my sentence vague. Totoo namang may ipapagawa ako kay Adon. Iyon ay ang payagan niya muli akong sumama sa lakad nila ng mga kaibigan niya papunta sa Daguitan sa Bonifacio.
I got that from Novales though he isn't supposed to say it to me. Dahil nabanggit niya iyon, I told him I'd like to come. Hindi siya nakasagot kaya sa huli, sinabi niyang magpaalam ako kay Adonnis dahil alam niyang sa kaniya ako magkakaroon ng problema.
I heard about the Daguitan river but I haven't had the chance to really be there. Malayo rin kasi at hindi ko alam papaano ako makakapunta.
Nagtagal pa ang pagriin ng tingin ni Papa sa 'kin. Magdadahilan ulit sana ako pero nakapayag na siya sa dulo.
"Makakasama ako bukas," sabi ko agad nang sagutin ni Novales ang tawag ko. "Nakapagpaalam na ako kay Papa,"
"Hello? Sino 'to?"
I stopped when I heard a woman's voice.
Kakasarado ko lang din sa pintuan ng aking kuwarto.
Inalis ko sa tainga ang cellphone para makita ang pangalan na nakalagay sa screen. Making sure Novales's name was shown. And it's indeed there.
Muli kong nilapat ang cellphone sa tainga. "S-sino po 'to?"
"Ikaw? Sino ka? Bakit ka tumatawag kay Novales?"
"P-Po? A-ano kasi,"
"Ikaw ba ang bago niya?"
Hindi ako nakapagsalita. The woman's voice isn't familiar to me. Kinabahan din ako dahil sa pagalit nitong pagsasalita. Pero kumunot ang noo ko nang may napagtanto.
"Where is Novales? Why is his phone with you?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top