Ikalabing Limang Kabanata

Ikalabing Limang Kabanata: Girlfriend


Tuwing naiisip ko na sasama ako kay Adonnis kung aalis siya para pumunta kina Novales, lumalakbay ang paglitaw ng tanaw ng utak ko.

I've been curious about him since then and now that we have finally found ourselves exchanging words within each other, something fills my empty bottle. The closeness we have was beyond the wildest dream I have. I thought of him as someone... too far to reach. He thought of me as an enemy before. But I guess it was for him to protect his family from the past of our parents.

At kahit na nagtataka pa rin ako sa nakaraan, nababalewala iyon tuwing bumabalik kaming dalawa ni Novales sa sarili naming mundo. As what I call it.

Sabik na sabik ako tuwing sumasapit ang hapon. Tanda na matatapos na ang araw at magkakaroon muli kami ng pagkakataon ni Novales. At kahit na hindi siya sumasabay kay Adon, tuwing hinihintay ko ang pinsan, palagi ko parin siya nakikita.

Minsan, natatanaw niya rin ako. Pero hindi lang nagtatagal dahil sa mga taong nakapaligid.

"Tapos kana ba?" his voice has deepened more through call.

Siguro rinarahan niya lang ang pagsasalita para walang ibang maka-rinig sa kung ano mang mapag-uusapan namin sa tawag.

"Oo, kakatapos ko lang. Ano na ginagawa mo?"

Bukod sa pagbabasa, kakatapos ko lang ding maghugas ng katawan. Before going to agpaalam siyang hihintayin niya akong matapos sa text.

Umupo ako sa kama ay para iwasiwas sandali ang dulo ng buhok na nabasa ng tubig kanina.

"Nasa labas lang ng bahay."

Now that he mentioned that, I remembered Tita Olivia's birthday. Ilaw araw na lang iyon. I am not sure if the Maderal will be coming, too, since Ragnar will be home. And I believe they are also an associate.

"Hindi ba malapit kayo ni Adon?" My voice lowered at the end of my sentence to suggest a little reservation. Humina rin ang paghinga ko para marinig ang kung ano mang nasa likod ng kaniyang linya.

Katahimikan lang ang bumati sa akin bukod sa boses niyang tumabon din agad doon.

"Uh, oo naman." His voice lightened a little. "May sinabi ba siya sa 'yo?"

"Wala lang. Naaalala ko lang 'yong kaarawan ng Mama niya. Hindi ba kayo dadalo? Uhm, ng pamilya mo?"

I heard his inhale. Nananatili pa rin sa buhok ang isang kamay ko dahil sa tubig na inaalis. I was also looking at my towel. Siguro mamaya ko nalang iyon gagawin.

What Adonnis told me was the same with Novales's answer. Hindi ko lang pinahalata ang pagkabigo habang nagsasalita siya. Hindi ko na rin sinabi sa kaniya ang plano kong sumama sa pinsan kaya nang lumalim na ang gabi, nakatulog ako nang hindi binabanggit iyon.

The days went on as how it is supposed to. Mansyon at paaralan lang ang tungo ko kagaya ng kadalasan. Ang paghatid sundo sa akin ni Adon ay wala pa ring pinagbago. At kahit nasa loob ako ng sasakyan niya, I would always find way to look at where Novales's would park his old motor.

Hindi siya tumitingin kapag nasa sasakyan na ako pero tuwing nakakarating na siya sa kanilang bahay ay nagpapaalam siya agad.

I was so determined about my plan for Tita Olivia's birthday that my purpose when Papa asked me to go with him to check the right dress for the gathering isn't wildly for the birthday anymore. Nakaka-guilty man ang ganoon pero dahil hindi karaniwan itong taon na ito sa akin, sa isip ko ay iba ang aking pinaghahandaan.

"Itong purple na lang po," turo ko sa casual dress sa isang brochure na binigay sa akin ng designer noong pumunta kami ni Papa sa syudad.

The designer waited for me on the couch while I busied myself from turning the pages to see the dress I can imagine wearing. Iyong ready to wear lang ang bibilhin namin dahil ilang araw na lang naman. Hindi rin naman engrande ang okasyon. Puwede nga na mas simple lang ang suot kaysa rito pero mas gusto ni Papa na presentable akong tingnan kaya dumayo kami.

Papa's outside looking for something. Nagpaalam siya na babalik din agad kaya naiwan ako.

Dumiretso agad ang atensyon ng designer sa tinuro ng daliri ko.

I pointed the least casual one instead of the foremost. I do understand my father for giving me an image but this is only for a simple celebration. Family occasion, perhaps. There's no need to show the extravagance.

Nahuli ko kung paano umangat ang dalawang kilay ng lalaki bago ito nag-angat ng tingin sa akin. Kagat niya na rin ang kaniyang ibabang labi nang tingnan ako.

"Sigurado po ba kayo sa disenyong 'to, Ma'am? We have, uhm..." mabilis na gumalaw ang kaniyang mata sa may pintuan. Bumalik din agad sa akin. "We have other designs than this. More elegant,"

Umiling-iling agad ako nang nakuha ang gusto niyang sabihin. "Ayos na po ito,"

"Are you sure po?"

"Oo," bumaba ulit ang tingin ko sa brochure na nasa kamay niya na. Tiningnan ko ang napili at muling tumango nang tingnan siya. "Ayos na iyan. I'll tell Papa about it. Don't worry,"

"A-ah, sige po,"

Pagbalik ni Papa, I explained to him why I chose the design. Nakabalot na iyon at sinusubukan din na dipensahan ng designer ang napili ko. Sa huli, hindi na tumutol ang Papa. Pero halata sa mukha niya ang pagkadismaya na hindi ko nalang pinansin.

The dress was lowkey elegant despite the style. Marahil dahil iyon sa ginamit na materyales. At mabuti na lang iyon ang pinilo ko dahil pagsapit ng araw ng kaarawan ni Tita Olivia, hindi agaw pansin ang ayos ko. Even my two cousins were casually dressed with their maong pants and polos. Hindi gaanong agaw pansin noong salubungin nila kami pag-akyat namin sa bukana ng mansyon.

Coincidence that Tita's birthday was on Saturday. There were few visitors outside the mansion. Pero pansin ko na halos lahat lang yata ay kapamilya ng tauhan nila.

Kinuha ni Ragnar Costiniano, kapatid ni Adon ang paper bag na dala ko na sabay kong binili noong naghanap ng masusuot. I remember us close from my younger years but now that we haven't gotten any chance to talk, it only felt awkward especially that he's physically matured.

Hindi ganoon karami ang tao. The sun was straight above us yet the people under the shade of the tents enjoyed their meal as we went on inside the almost empty mansion.

Tumigil ako nang nakita si Adonnis nang sundan ko ng tingin si Ragnar. Adon saw me but his eyes tore immediately.

"Oh, Gaverillo," Tito Aurelius came towards us.

Tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Iniwan ko sina Papa at mabilis na tinungo ang pinsan. He was behind their gallery straight for the dining. Nakuha ko agad ang ginagawa niya pagkakita ko mga styro na hinahanda ng dalawang kasambahay nila.

"Para ba 'yan kina Novales?" hindi ko napigilan ang sarili na mas lumapit.

Una siyang napatingin sa direksyon nina Papa bago bumagsak sa akin.

"Hinahanda na ang lunch sa dining table," balewala nito sa tanong ko.

I don't know if the clock has pointed twelve now. Malayo pa roon ang oras nang umalis kami sa mansyon pero hindi naman aabot agad ang minuto ng ganoon kabilis.

Wala akong narinig nang sumunod ako sa kasambahay nang balutin niya ng plastic ang mga styrong hinanda.

"Vien, what are you doing?" Si Adon na sumunod din.

"Sasama ako sa 'yo," paalam ko nang hindi nag-aangat ng tingin.

"Hindi ka puwedeng sumama. Mapapagalitan tayo ni Tito Veril. Ikaw, hindi ka puwede,"

"Alam na ni Papa na sasama ako sa 'yo. I told him about this. Huwag kang mag-alala."

Hindi na siya muling nagsalita. But I felt his slight frustration.

I stayed until the househelps were done packing. Nang natapos, medyo lumuwag ang pakiramdam ko. Unti unti, nararamdaman ko ang pagpayag ni Adon sa kagustuhan. Hindi rin ako lumumbay nang tuluyang natapos ang kasambahay. And when everything was settled, the packed foods were put aside. They were neatly packed.

Nawala saglit si Adon pero alam kong babalik siya. Nakita ko rin naman agad siyang papalapit galing sa dining.

"Tara na?" anyaya ko.

"Kumain daw muna tayo sabi ni Papa. Mamaya na lang daw 'to."

"Ganoon ba? Hindi mo inutusan ang tauhan ninyo?"

"Huwag kang mag-alala dahil sasama ka mamaya."

True enough. Because right after our meal, nagdeklara agad si Adonnis na aalis kami. Everyone were still greeting each other. At dahil hindi naman ganoon karami ang bisita bukod sa iilang pamilya ng mga tauhan nila, naging madali lang para sa amin ang umalis. Ragnar beside Adonnis even nodded for our exit. Ganoon din si Tito Aurelius at ang may bahay.

Alam ni Papa na aalis ako kasama ni Adonnis. Wala nga lang akong sinabi kung saan ang tungo namin but I guess he'd trust Adon for me. Kaya noong lumabas na kami, muli akong nagpaalam kay Tita Olivia.

Nakabati na rin ako sa kaniya kanina. I even told her I gave my gift for her to Ragnar, na agad din niyang inangalan kanina.

"Oh, you really don't have to worry about it, hija. But thank you. That's so thoughtful of you." That's what she said before directing us to the dining.

Ako ang unang kumuha sa inihandang pagkaing ihahatid. Adonnis got stucked before finally getting over our parents. Kaya nasa labas na ako kung saan nakahanda ang sasakyan nila paglabas niya. Pero hinintay ko siyang pumasok sa loob bago ako sumunod.

"Sa mga Argales po tayo Kuya Orlan," narinig kong bungad ni Adon sa driver sa harapan.

Hindi pa man nabubuhay ang makina ng sasakyan, bumuo agad ang isipan ko ng sariling imahe kung ano ang itsura ng tirahan ng mga Argales. Bukod sa rancho at noong huli naming tagpo sa kalsada ng Bonifacio, wala halos akong alam kung ano ang tinitirahan nila. Maybe if I haven't gotten the chance to know Novales further, I'd probably think that they're just living under the woods... or maybe combating for the comfort of the shades.

Tuluyan nang tumulak ang sasakyan. After passing the arc, the car turned immediately to the right road heading to our ranch, with my silence as we went along the distance. Ako ang kumuha ng pagkain kaya nasa tabi ko ang mga ito.

This will be the first time I will be seeing Novales in their home. Tuwing nagkakausap kami, palagi kong naririnig ang tunog ng mga gangis sa likod ng kaniyang katahimikan. Kaya paghinto ng sasakyan, hindi na ako nagataka nang salubungin kami ng mga puno.

"Nandito na ba tayo?" Sa labas agad ang tingin ko.

"Hindi pa,"

Bumalinga ko kay Adonnis.

Naabutan ko siyang binubuksan ang kaniyang pintuan. Alerto naman agad ako. Hindi ko na hinintay na kunin niya ang aming dala.

Gripping the knot of the plastic, I opened the door then slid myself out from the car. Adonnis's eyes were already towards me.

"Ako na lang dito," sabi ko agad pero kinuha niya pa rin sa akin ang dala.

Then his gaze fell to see my shoes. Hindi ganoon kataas ang palda ng aking dress kaya lumilitaw ang pusyaw ng balat ko mula tuhod pababa. Sumundo ang tingin ko. I paired my dress with a beige ankled boots which made me look very casual and young. Nag-angat ako ng tingin kay Adon dahil wala naman akong nakitang mali sa suot ko.

My brows lifted. "Ano?" Ginalaw-galaw ko ang palda para ipakita sa kaniya na wala namang problema.

"Sa sasakyan kana maghintay, Vien. Nandiyan lang ang bahay nina Noval."

"Ano ka ba, Adon? 'Tsaka hindi naman maputik ngayon."

"Makipot ang kalsada. Matalahib." His tone deepened.

Tinawanan ko iyon at nginuso ang mga labi para ituro ang mga damo sa harapan. They were only a foot tall, mas mababa sa mga talahib sa likod ng aming mansyon. At dahil sinabi niya namang may kalsada, bakit niya pa ako pipigilan?

With my eagerness, I had to initiated the walk when he did not move. Nilibot ko pa ang tingin sa mga damuhan para hanapin ang kalsadang sinasabi niya. Pero nahanap ko rin naman at tama siya dahil makipot nga iyon. It's as if someone stroked a line right through the mantle of the grasses towards the tall trees. Maliit lang ang lupang sumisilip sa gitna ng mga damo.

Bumalik ang atensyon ko kay Adon bago itinuloy ang paglalakad. He's looking at me. Hindi ako nagpatuloy. Pero nagpapakita na sa kaniyang mata ang pagkatalo.

I waited until he finally gave up.

"Sa likod ka lang," sabi niya sa wakas.

Agad din naman siyang lumapit para lagpasan ako.

Alam na rin siguro ang gagawin ng driver nila dahil hindi na ito pinansin ni Adon nang simulan niya nang tahakin ang papasok ng gubat. Sumunod na rin ako sa kaniyang sinabi. Madali lang naman ang daan. Medyo nakakapanibago lang dahil noong tuluyan na kaming nakain ng mga puno, hindi lang pala hanggang doon ang dulo. We still had to walk further.

Wala na akong reklamo. Sumunod lang ako. Napapabaling din sa paligid dahil sa laki ng mga puno.

"Malayo ba?" baling ko kay Adon.

He kept his silence.

Saka lang kumaway sa utak ang motor na ginagamit ni Novales pagkapansin ko sa mga bakas ng gulong sa makipot na daang tinatahak namin. At sakto dahil pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang isang barong barong na hindi ganoon kalaki.

Lumihis agad ang tingin ko sa likod ni Adon. Akala ko hihinto na kami. Pero noong nasa tapat na kami ay tumuloy lang siya sa paglalakad. Hindi ako umimik at patuloy ang pagsunod sa kaniyang likod.

Halos kapunuan pa rin ang sumasalubong sa amin. Pero ang daanan ay wala pa rin pinagbago. Matagal na siguro itong tinitirahan nila. Hulma na rin kasi ang makipot na kalsada.

I wonder if some of our men from the ranch live like this.

Nawala lang sa pagliliwaliw ang isip nang mahagip ng atensyon ang isang pamilyar na motor na nakahilig sa isang puno. I knew it's from Novales! Nasa loob iyon ng bakod na gawa sa mga pinagtagpi-tagping sanga ng mga kawayan. Pinapalibutan nito ang isang maliit na kubo na halos gawa lang sa iilang tablang pinaglumaan na.

Tumigil si Adon sa paglalakad.

Nasa tapat na kami mga kawayang nagsilbing gate sa maliit na bahay.

Lumingon siya sa akin. Alam kong nahuli niya akong nakatingin sa pamilyar na motor.

"Dito ka lang." Banta agad niya.

I don't know why my heart suddenly got pressed from what he just said. Parang may panganib ang paraan ng kaniyang pagsabi noon.

Hindi ako sumagot o gumalaw man lang.

Nanatili ako at pinanood ang pagbukas ni Adonnis sa kawayang pinto. Pumasok siya pero hindi siya tumuloy. Then he called Novales's name. Na agad ko ring nakita nang sumilip siya mula sa siwang ng pintuang bahagyang nakabukas. Nang makilala niya siguro kung sino ang nasa labas, agad siyang nagpakita.

And there was nothing covering his top. Exposing his brown body for everyone who would dare to see.

Umangat agad ang tingin ko, ganoon pa rin ang nararamdaman.

"Oh? Adon?" si Novales, lumakad palapit.

Napansin kong hindi niya pa nakikita.

"Noval," sabi agad ng pinsan ko.

"Ano 'yan?" si Novales.

"Kaarawan ni Mama. Alam mo naman, palagi 'yong nagpapadala sa Mama mo."

I watched Adon handed the packed food to Novales which he then accepted in return.

"Medyo natagalan dahil..."

May kung anong binulong si Adonnis na hindi ko narinig. Pero dumiretso ang tingin ni Novales sa akin. At nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mata.

"Aalis din kami agad. Lalo na dahil dito sa kasama ko." mas lumakas na ang boses ni Adon.

Hindi naputol ang tingin nito sa akin. Kahit na tumalikod na si Adonnis para magpaalam sa kaniya.

"'Bal? Ano ba't hindi mo pinapapasok ang bisita mo? Hija, pumasok ka! Pagpasensyahan mo na ang anak ko." A voice from a woman neared.

Saka ko lang nakita kung sino nang bumaling ako.

A woman, based from her looks that's almost in her early forties, hugging a bucket, walking towards us. Pagalit ang paraan ng pagsasalita niya na para kay Novales. Nahihiya akong tumabi para magbigay ng daan. Pumasok naman siya nang nakalapit pero hindi agad tumuloy para itulak ang pinto sa pamamagitan ng kaniyang likod.

"Adon! Kayo lang pala!"

"Naghatid lang po ng pagkain, Tita Aidda,"

"'Di ba kaarawan pala ngayon ni Olivia? Naku, nakakahiya. Hindi ako makadalo dahil abala sa paghahanap ng pera."

"Ayos lang daw po." My cousin chuckled, what the woman just said.

"Teka," tumungo sa akin ang atensyon ng ginang. Kumunod ang kaniyang noo, tila iniisip kung sino ako. "Hindi kita namumukhaan," dagdag niya

Umawang agad ang labi ko para sana magpakilala pero naunahan ako ni Novales nang hawakan niya ang kaniyang ina. Dahilan para mabawi ang atensyon mula sa akin.

"Ma, aalis na sila."

"Kanina pa ba sila? Naku pasensya na kayo, hija." Novales's mother turned to see me again. Gumawad ako ng hilaw na ngiti. Hindi rin alam ano ang gagawing reaksyon. "Ganito lang talaga ang anak ko. Medyo... alam mo na, 'di ko kasi pinayagang umalis kasama ng kasintahan."

My eyes widened a fragment. It's only for about a split second because I had to not look affected.

Dumiretso ang angat ng tingin ko kay Novales. Hindi siya nakatingin sa akin dahil sa pagpipigil sa ina.

"A-ayos lang po. Hindi na rin kailangan dahil hinatid lang po namin ni Adon ang pagkaing hinanda sa kanila."

"Kasintahan ka ba ni Adonnis? Ang ganda mong bata."

Umiling agad ako at muling binalik ang tingin kay Novales.

Natawa naman sa likod ng ginang si Adon.

"Hindi po, Tita Aidda, pinsan ko po 'to,"

"Ganoon ba? Magaganda talaga lahi ng mga Costiniano. Kung wala lang girlfriend 'tong si Bal, payag akong ligawan nito. Kung sa ganoon, mapapanatili ang ganda ng dugo ng mga Argales. 'No, Bal?" She turned to see her son.

Tumatawa naman si Adon sa turan ng ina ni Novales.

Ako naman ay parang may kung anong nawasak dahil sa mga narinig ko. Even Novales when I looked at him couldn't look at me in the eyes. At ngayon lang muling sumagi sa isip ko ang babaeng kausap noon ni Noval sa may cottage. 'Yong siguro ang tinutukoy ng kaniyang Mama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top