Ikalabing Isang Kabanata

Ikalabing Isang Kabanata: Asking


I left our chat box without replying. Pagkabasa ko sa mensahe niya, inulit ko pang basahin ito. Baka namali lang ang basa ko. Pero iyon nga.

Novales: Mag-usap tayo bukas. Lunch break. Puwede pagkatapos ng klase. Sasabay ako kay Adon.

Kumunot ang noo ko habang nakayuko ang ulo habang binabasa ang mensahe niya. The light from the phone screen should hurt my eyes but it didn't. Kumurap ako. Seryoso ba siya?

Gusto ko sanang mag-reply ng hindi ako seryoso sa sinabi ko pero muling nadagdagan ang mensahe niya.

Novales: Don't send me long messages. I won't read them.

I wasn't typing anything. Nakalabas lang ang keyboard ko pero hindi ako nagtitipa. I exited the app and threw my phone on the bed. Naupo rin ako sa tabi nito hanggang sa nahiga at tuluyang nakuha ng antok. Kaya paggising ko kinabukasan ay ganoon ang posisyon ko.

Ramdam ko sa sarili ang ganda ng umaga. Sandali kong nakalimutan ang pinag-usapan namin kagabi. Matapos kong maligo, nagbihis agad ako at bumaba. The househelps were already preparing the table. Wala pa sa baba si papa. I was halfway done when I saw him coming down the grand staircase. My smile immediately showed.

"Nasa baba kana pala," bungad niya.

"Sir, kain na po kayo."

Papa headed for the table. Dahil nauna akong kumain sa kaniya, hindi ko na rin hinintay na matapos siya. He had his calls so it would only mean more time for me to wait for him.

Tumango naman si Papa nang tingnan ko para magpaalam na aakyat na. He's talking to someone on the phone.

Umakyat na ako para kunin ang gamit. Saka ko lang naalala ang mensahe ni Novales noong kinukuha ko na ang cellphone sa kama. Paggising ko kanina ay hindi ko na pinansin ito.

"Senyorita? Magpapasundo raw ba kayo kay Adon?"

Nasa kamay ko na ang cellphone. Nag-angat ako ng tingin diretso sa pinto dahil sa kumatok.

"Aalis daw ang papa mo ngayon." dagdag ng kasambahay na kumatok.

My eyes widened.

"Sasabay po ako sa kaniya! Pakisabi pong sandali lang ako!" I rapidly tucked my phone inside my skirt pocket. "At pakitawag na rin kina Adon na sasabay ako kay Papa!"

Mabilis kong kinuha ang bag sa tabi ng study table. Destiny is cooperating. I have no plans on showing Novales I am interested in talking with him. And I know I won't be comfortable talking with him. At mamaya, kung tututohanin niya man ang kaniyang sinabi, sasabihan ko si Papa na sasabay ako sa kaniya.

Mabilis ang mga lakad ng dalawang binti ko pababa sa engrandeng hagdan. Lumingon agad ako sa direksyon ng mahabang lamesa. Diretso kung saan palaging umuupo si Papa.

"Nasa labas na po, Senyorita,"

Lumingon agad ako sa labas. Hindi ko agad nakita roon si Papa pero dumiretso ang lakad ko patungo sa pintuan.

Wala akong alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Novales mamaya. Gusto ko sanang pigilan ang sarili sa pag-iisip noon pero nang ilang metro na lang ang layo ng sasakyan namin sa labas ng paaralan, ang pamilyar na SUV nina Adon ang una kong nakita.

Umaandar pa rin kami. Nakaparada na sa tapat ng gate at parehong bukas ang mga pintuan. At kahit nasa malayong distansya pa kami, kita ko kung sino ang lalaking kasabay niyang lumabas.

I was seated on the front seat. Si Papa ang nagmamaneho dahil pupunta raw siya ngayon sa rancho. Sinabi niya lang na may emergency. Hindi na ako nagtanong ng iba pa.

"Papa, dito na lang po ako baba," sabi ko agad, wala pa kami sa kanto ng paaralan.

Hindi nilisan ng mata ko ang sasakyang naghatid sa pinsan habang unti-unti ang paghina ng aming takbo. Our car stopped without my father asking. Hindi naman ganoon kalayo. But if my father would suppose, I know he will be sending me directly at the front of the gate.

Walang ibang sinabi, tuluyan na akong bumaba. My eyes jumped to Novales who I saw entering the gate. Alam kong kilala ni Adon ang sasakyan namin kaya siya ang nakapansin sa akin. Tumatawid na ako sa kabilang kalsada.

Marami ang guni-guni ng isip ko habang naglalakad palapit sa kaniya. Dahil naghihintay si Adon sa akin, hindi imposibleng mapansin ako ni Novales. At ang sandaling iyon ang inaayawan ko. Lalo na dahil sa mga hamon ko kagabi.

I saw our car continue. Nakaalis na ang sasakyan nina Adon nang nakalapit ako ng tuluyan sa kaniya.

Lumingon agad kung nasaan ang gate ang ulo ko. Novales wasn't there anymore.

"Ano raw ang gagawin ni Tito sa rancho? Emergency lang ang sabi ni mama," si Adon kahit na hindi nasa kaniya ang atensyon ko.

Bumaling ako para sumagot pero muling binalik ang lingon sa tinitingnan pagkatapos. Nagsimula na rin akong maglakad.

"Si Novales?" tanong nito.

Doon naagaw ang atensyon ko. Tumabi na siya sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. His attention was at me.

"May... sinabi ba siya sa 'yo?"

Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. My attention got disrupted when I saw the bars behind him. Tanda iyon na nakapasok na kami ng gate. Sandali kong tiningnan ang dinadaanan nang sumagot siya. Nang hindi nakita ang hinaghanap, bumalika ng tingin ko.

"Wala. Bakit? May pinag-usapan ba kayo?"

"H-huh? W-wala, ah?! N-nagtatanong lang naman ako."

He snorted.

Suot pa niya ang bag. Diretso lang ang lakad ko. Alam kong papasok na siya sa kaniyang klase. So I parted my way from his after seeing their classroom.

May corridor sa katapat ng classroom nila at doon ako lumiko para diretso na ang lakad sa mga lower year. At dahil din yata sa pagmamaang-maangan ko kagabi, mabilis ang hakbang ng mga paa ko oara sa taong iniiwasan. Ramdam ko ang sariling walang lingon-lingon hanggang tuluyan nang narating ang classroom.

Everyone was early that day. I had to ask Jaya why, which I got her answer right away.

May flag ceremony pala tuwing Monday. Ikinabahala ko pa iyon noong una pero nang nasa pila na, napansin kong malayo naman kami sa mga higher years. Pero ramdam kong parang may nakatingin sa akin. Marami ang estudyante. Sa huli, pinagkibit balikat ko nalang iyon.

At doon siguro ang simula ng pagbabago ng magiging mga araw ko. Dahil noong dumaana ng bell para sa recess, hindi ako nagpapilit kina Jaya na sumama sa kanila. Isa lang ang dahilan kung bakit.

"Sige na, Vien, tara na," si Jaya na may mga pagbabanta pa.

Iniilingan ko lang ang mga sinasabi niyang manglilibre siya. They wouldn't understand why myself don't want to join them. Hindi ko rin sasabihin.

"Busog pa talaga ako," alibi ko nalang kahit na ang totoo ay gusto ko talagang sumama sa kanila.

Pero bumalik sina Jaya na may dalang pagkain para sa akin noong matapos ang recess. Gusto kong bayaran siya pero pinilit nilang libre na lang iyon. I just noted mentally that I had to give back to them for the kindness. Alam nabawasan tuloy ang baon nila para lang sa pag-iinarte ko.

"May tinataguan ka, 'no?"

Nagsusulat ako ng notes na sinusulat ng secretary sa blackboard nang narinig kong nagsalita si Jaya sa tabi ko. Wala ang guro namin sa ika-apat na asignatura. Pero may iniwan itong mahabang sulatin.

Tinigil ko ang pagsusulat. Diretso ang pagkunot ng noo ko nang tingnan ang katabing nakatingin na sa akin. Lumabas ang kaniyang ngiti. Sa kurba nito ay mukhang alam niyang lilingon ako.

"Bakit mo nasabi?" I asked. My voice not showing any hint of panick. Pero totoong may nagimbal sa loob ko.

Tumawa si Jaya. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Hmp! Para kang obvious. Totoo? May tinataguan ka?"

"Huh?! W-wala, 'no. 'Tsaka sino naman ang tataguan ko?"

Pinagpatuloy ko ulit ang pagsusulat. Ang katabi ko naman ay nagpatuloy lang sa pagsasalita. May mga dinagdag pa siya na naging dahilan kung bakit ang plano kong huwag sumama sa lunch ay nabali. To stop her speculations, I had to go with them. Dahil sinasama niya pa si Daphne sa kung ano mang nasa isip niya. Hindi ko naman dinepensahan ang sarili. Alam kong wala lang iyon silbi.

"Canteen lang ako," biglang paalam ni Daphne.

Nalagpasan na namin ang canteen. Hindi halata sa mukha ko ang kaba habang palapit kami kanina.

"Dito lang kami maghihintay,"

Hindi halata ang kaba ko kanina. Pero dahil yata sa pagtitiyak ng isa kong kasama, halata ang pag-iba ng timpla ng aking mukha. Idagdag pa ang pagbaling at pagtawa ng tingnan ako ni Jaya. My eyes drew immediately at our surrounding.

"Oh! Ay sus! Wala daw, oh! Sino ba 'yang tinataguan mo?"

I did not see Adonnis's group. Kanina rin, noong tingnan ko ang loob ng canteen, wala pa sila roon.

Ang kampanteng nararamdaman ko kanin ay biglang nawala. Akala ko pa tuloy-tuloy na ang lakad namin. Umiling ako nang ibaling ang tingin sa kasama. Her playful smile remained, though.

"Magtatagal ba si Daphne?"

"Bibili lang 'yon ng ulam. Nasabi niya sa akin kanina na nakalimutan niyang magdala."

Tumango ako. Nag-isip din ako ng gagawing palusot. Pero sa huli, diniresto nalang ang tingin sa kabilang banda ng open field. It's where the higher year's classrooms were. Where we're standing isn't direcly towards Adonnis's room. Hindi ko alam kung may tao ba sa classroom nila ngunit may mga estudyante sa kalapit ng kanila.

Binalik ko ang tingin kay Jaya.

"Si Adonnis ba?"

Hindi ako sumagot. Nawala rin naman agad sa isip namin pareho ang tanong nang makita si Daphne na palapit. Nakaramdam ako ng kaginhawaan. Nawala na rin ng tuluyan noong nasa gym na kami ang usapan dahil naging abala ang dalawa tungkol sa paghahanda para sa intrams.

Daphne was initiating an idea to Jaya.

"Hindi ako ang nag-oorganisa. Walang silbi 'yang sinasabi mo."

"E, mamaya. Basta ipaalam mo sa klase."

I was silently focused on eating my meal. Pero sumasali rin ako sa usapan.

It's about the booth for us grade seven students. The advisers from the faculty informed their respected rooms to come up with something ideal for the school. Kanina lang nasabi sa amin ni Ma'am Jonah. At ang diskusyon namin habang kumakain ay iyon ideyang nakita ni Daphne. Wala pa namang pinal na desisyon tungkol doon. At kahit na bago palang ako, mukhang imposible ring mangyayari dahil hindi naman maluwag ang campus.

Ganoon ang naging takbo ng araw. Nakalimutan din siguro ni Jaya ang tanong dahil hindi niya na ito binalik noong nasa klase na kami pareho. And the thought about how I am going to escape Novales later bugged me during the three remaining subjects on that afternoon. Iyon ang dahilan bakit lutang ako sa mga diskusyon.

"Dito lang muna ako," sabi ko sa mga kaibigan ko noong nasa labas na kami ng gate.

Nasa loob pa ng kanilang classroom ang mga higher years at mukhang magtatagal pa ang pasok nila. Hindi ko rin nakita ang sasakyan nina Adon sa labas. Nagdadalawang isip ako kung magpapaalam o hihintayin siya.

"May perya na sa labas ng plaza. Pupunta muna kami ni Daphne bago umuwi. Talaga bang ayaw mong sumama?"

Bumaba ang tingin ko sa cellphone.

Wala namang mensahe galing kay papa.

"May meeting pa ang mga higher year. Mamaya pa yata sila uuwi."

"Sa susunod na lang ako. Baka kasi lumabas na si Adon."

At sakto nga na pagsabi ko noon, umingay ang paligid sa paglabas ng mga higher years. Unang napatingin ang mga nasa harap ko. Hinanda ko agad ang sarili para kay Novales. Huli akong tumalikod para maharap ang mga parating. And there on the far side were Adonnis's group. Wala rin akong kawala sa mga mata ni Novales.

"Nandiyan na pala sila, Vien. Una na kami. Magkita nalang tayo bukas."

Sumabay ang tango ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanila.

Novales eyes were fighting back. I knew what I must do. Nakalapit na sila ng binaling ko ang atensyon sa pinsan. I must say something before putting my attention back to Novales.

"Wala pa ang sasakyan ninyo," salubong ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin. Saglit na lumihis ang mata ko sa katabi niya. Nagkahulihan kami ng tingin. Bahagya akong natigilan. Mabuti hindi napansin ni Adon.

"Perya lang muna tayo?" Sabi niya, inangat ang cellphone na dinukot mula sa bulsa. "Hindi pa nagtext si Mama. Papunta pa lang yata si Kuya Orlando. Teka, hindi ka ba magpapasundo kay Tito Veril?"

Mabilis muli akong napatingin kay Novales dahil sa tanong ni Adon.

"Kanina lang siya umalis. Abala pa rin yata sila ngayon."

Hindi na ako nagsalita.

Nagpaalam naman ang iba niya nang mga kaibigan. Tumabi ako sa kanila. Ang mga mata ko ay hindi na muling umangat para tingnan ang isang lalaki na nanatili.

I followed when they started walking towards the plaza. Tahimik sila. At dahil nasa likod ako, patalon talong ang aking mata sa bag na nasa likod ni Noval. I was memorizing his fragments through stilling glances.

Luma na ang bag na suot ni Novales. Pero ang uniporme nito, base sa manggas na pinagsabitan ng kaniyang bag, ay walang bahid ng pagkaluma. It looks clean to a certain point of newly-ness. Malinis siya sa sarili niya.

Sabagay. Binisita ko sa isip ang mga sandaling nagkaroon kami ng tagpo. The Argales maybe financially unstable, but Novales's attention to his things, especially to his self, is censorious. Or maybe because he knows his appeal that he must compel the standard.

Hindi ganoon kalaki ang perya. Si Adon lang siguro ang tuwang-tuwa roon. Kami siguro ni Novales ay parehong naninimbang sa isa't isa. Dahil tuwing napapalingon ako sa kaniya, parang napapansin niya ang bawat baling ko kaya napapalingon din siya. Hindi na rin ako nabigla noong sumakay siya pagdating ng sasakyan. Ang tanging kinabahala ko lang siguro ay ang paglalapitnamin sa likod.

"Dadami pa 'yan, Vien. Mag-eenjoy ka."

Nasa labas ng bintana ang tingin ko nang magsalita si Adon.

Lumihis pa ang tingin ko sa katabi nang lumingon din siya dahil sa biglang pagbasag ni Adon ng katahimikan. May pagitan sa amin ni Novales. Yakap ko rin ang bag na pinambakod ko sa pagitan naming dalawa.

"Hindi ako maglalagi sa labas." sabi ko pero hindi inaalis ang tingin kay Novales.

His eyes were dark and in hostile. Bigla kong naalala ko ang huling mensahe niya. Medyo nakalimutan ko lang kung sino sa amin ang nag-udyok ng usapin pero ginaya ko ang kaniyang paghahamon. Ngunit imbes na ikunot ang nuo, pinalaki ko ang mata ko. And his restrained jerk shouted that he wasn't expecting me to do that. At mabuti nalang hindi napansin ni Adon.

Bigla kasing napalingon si Novales sa harapan. Agad ding binalik sa akin.

My face was already in poker. Ano? Tell me whatever you wanna tell me.

Sa biyahe yata ay ganoon kaming dalawa. Parang may tahimik na gyera sa aming dalawa.

No.

Hindi...

Dahil noong tingnan ko ang cellphone pagpasok ko sa kuwarto, may mga mensahe pala siya! Nagmamadali pa ako paakyat ng engrandeng hagdan para lang makapagpadala ng mensahe sa chat box namin.

Novales: Sa recess. Maghihintay ako sa gym.

Novales: Pupunta ka?

Novales: Nasaan ka na? Nandito na ako.

Novales: Sa lunch

Novales: Gusto kong malaman kung ano ang alam mo sa pagitan ng magulang ko sa nangyari kay Mrs. Sullivan.

The last message was sent on one forty-six in the afternoon. Umupo ako sa kuwarto, nakalimutan nang magbihis, tinititigan ang mga letra ng mensahe niya.

I was in a hurry to brag to him why he hasn't do the talking but it went the other way around.

Sandali akong nag-isip ng ititipa.

Should I apologize? But he saw me not seeing the message. His messages. I think it's understandable. Ilang minuto ang lumipas, hindi ko pa masimulan ng kahit isang letra dahil sa pagtatalo ng isip.

Isang katok sa pintuan ang natanggap ko galing sa isang kasambahay. Nakilala ko agad base sa hina ng katok nito.

"Po?" sigaw ko mula sa kama.

"Nandito na po Senyorita ang iyon papa,"

"Opo! Baba na lang po ako ako. Thank you."

In the end, my message for him was only;

Jaivien: I'm sorry. I did not turn my data on for messages. Nakalimutan ko rin ang usapan natin kagabi. Naghintay ka pala.

White lies could somehow save your self. Katanggap tanggap naman ang rason kong iyon. Posible nga na mangyari ang katulad noon sa isang tao. Lalo na dahil hindi pala dapat ako interesado sa pakikitungo sa kaniya. I almost forgot that.

May pinakiusapan lang sa akin si Papa pagbaba ko. Tungkol lang sa plano niyang magtayo ng isang agribusiness na may posibilidad na i-handle ko balang araw.

"Sina Kuya po?"

"Iyon din ang gusto nila para sa 'yo. Para na rin hindi ka na lumayo rito. They actually initiated this idea to me. Huwag ka lang munang mabahala dahil magtatapos ka pa ng pag-aaral mo."

We had our dinner after we talked about that. Sa may couch kami nag-usap. Doon ko si Papa natagpuan pagbaba ko kanina.

The talk about his initial plans continued while we were at the long dining table in the dining. I had no interruptions as he talked.

I know I am too young for his plans to matter to me. And just like what he just said, I have to pursue a degree before handling.

"Don't be distracted about this. Alam kong hindi mo pa ito maiintindihan. Handa ang mga Kuya mong ma-guide ka para rito balang araw." Si papa.

After dinner, I climbed up the grand staircase immediately. My hand got my cellphone I left on the bed. Mabilis ang mga daliri kong tinungo ang bagong reply ni Novales sa huli kong mensahe sa kaniya.

Novales: Seryoso ako na gusto kong makipag-usap sa iyo.

Nakatayo ako nang binaba ko iyon.

Jaivien: Pasensya na.

Dadagdagan ko pa sana pero hinayaan ko na.

He was online twenty nine minutes ago. I received his message by seven-twelve, and the time at the upper right of my screen told me that it's already eight-four.

Mukhang nalibang siya siguro.

But then again, as I rinsed my body in the shower, a girl he was with yesterday waved on my thoughts. Iyon siguro ang kausap niya. Pero laking gulat ko muli noong buhayin ko ang cellphone ko ay may bagong mensahe akong natanggap mula sa kaniya.

He was asking for my cellphone contact number!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top