Ikadalawampu't Siyam na Kabanata

Ikadalawampu't Siyam na Kabanata: Observing


Hindi ko napansin ang sariling nagtagal pala ang pagtitig sa screen ng phone. At sa pagtagal ng pagbasa ko roon, aaminin kong gumigimbal sa dibdib ko ang hindi maitagong kaba.

Kanina sa hapag, walang sinuman ang may nakakaalam sa taong nakaharap ko kanina. Totoong bumagabag sa isip ko iyon pero nagawa ko rin naman kahit papaano ang manahimik sa kanila.

And for years of not being in contact with Novales, seems like, I missed a portion of what we had before. Lalo na dahil siya ang taong unang pumasok sa isip ko nang mabasa ang mensaheng nasa screen. Saka lang siguro nawala ang kabang bumuhay sa kalamnan ko nang maalala si Nelsa at ang isang bachelor na kaniyang pinakilala.

Kumalma ako roon kahit papaano.

Saglit akong nag-angat ng tingin sa lamesa nina Kuya bago nagdesisyon ng ititipa para sa taong nasa likod ng numerong ito.

I am not the type to reply to strangers. But I had to do this for my peace of mind. Nagtanong lang ako sa text kung ano ang pangalan ng nagtext sa akin.

And after I sent that, naisip ko si Novales. Sabagay. He won't be messaging after what they've done to my family. Ano siya, hello? They planned on killing my father! They executed an ambush on him! Kung tutuosin, dapat hindi na siya magpapakita kahit sino sa pamilya namin. Kahit sa akin.

They should be guilty.

But I remembered him and what he has become now. Attorney na pala siya. Maybe the reason behind his career is this. Huh. For sure, it is.

Tumuloy na ako sa lamesa nina Kuya nang hindi na muling binabalikan ng tingin ang cellphone. Tinago ko na ito sa bulsa. At habang naroon ako, kahit papaano, naging abala ako sa usapan. Though I didn't talk that much, the topic about business revived my thoughts.

"Huwag ka munang magpatayo ng opisina mo. That's gonna be a waste of money. You can rent somewhere for the mean time. Temporarily." sabi sa akin ni Kuya Lhanz, dalawang linggo ang lumipas matapos ng graduation ko.

Desidido ako sa pagpapatayo ng sariling negosyo. I had to initiate something immediately. At least to improve something from what father has started. Dahil sa ngayon, pinatigil pansamanta ang negosyong ito dahil nga sa akin. Hindi naman bahala sa mga empleyado dahil pansamantala rin silang nasa kabilang field ng construction naman.

Though I tried relaxing a bit for a few days, ngunit napagtanto kong sinasayang ko ang oras ko.

Nasa hapag kami ngayon ni Kuya. Hindi naman talaga kailangang ipa konsulta ang mga ideyang naisip ko sa kaniya. Ginawa ko lang para ppagsasamantalahan ang araw niya habang patapos na ang Daguitan na proyekto nila. And toreally just prove to him I am eager about this.

Kaya habang pinapanood ko siyang muling binababa ang atensyon sa screen ng laptop, may mga panibago rin akong gustong gawin na nabubuo ko sa aking isip.

"You can have an office once your building is finally established. Kung gagawa ka ng temporary, you can rent a space for that. Bukod sa magiging sagabal ganito, mas mahihirapan ka pa." putol niya sa pagtitig sa screen para balingan ako.

Tumatango agad ako.

Habang sinusulat ko kasi ang parteng iyon, alam ko nang magiging sagabal nga kapag ipapatayo na ang building. "'Yan din talaga ang nakita kong problema. At... gusto ko rin kasi na maibalik muli ang mga dating trabahante. Para hindi na sila mahirapan sa pagbiyahe 'pag natayo na ito."

"You can rent a space in a mall. That's for a mean time." Bumaling sa akin si Kuya. "May kakilala ako-"

"Huwag na, Kuya." Putol ko agad sa sasabihin niya. "I wanna be the one to do everything for this. Kailangan kong matutunon lahat-lahat na gagawin ko. I'll just call you once I couldn't find something else."

Tatlong sunod-sunod na araw ng linggong iyon ako nagpabalik-balik ng Tacloban para lang ayusin ang puwesto ng magiging pansamantalang working area ko. At bukod doon, binibisita ko rin ang mga natitirang stock noong dating pinapalakad pa ni Papa ang negosyong livestock feeds. Sa Abucay ng Tacloban lang naman ang warehouse. Pinapasadya kong daanin namin ni Kuya Delno ang puwesto kapag umuuwi na.

"Heto nalang ang nandito, Ma'am," sumunod kami ni Kuya Delno nang imuwestra sa amin ng mga nagpakilalang bagger ng Sullivan Trading, pangalan ng negosyong ito na binuhay para sa akin ni Papa.

The warehouse isn't huge enough as I examined it the first time I entered.

At habang nagpapaliwanag ang nagbabantay, napapagtanto ko ring sana pala, hindi ko na lang pinatigil pansamantala ang operasyon para walang masayang na pagkakataon. Well I guess that's how you start everything. Tao lang naman at nagkakamali.

Iniisip ko rin kung gaano lang kaliit itong area na 'to. Hindi ko natanong si Kuya Lhanz. Pero siguro, isa ito sa kailangan kong ipa-relocate na mas malaki pa rito. Ni wala ngang lugar sa labas para sa trucks na idadagdag ko sana para sa delivery. And while I was estimating the space of this warehouse, the area I guess is more or less than two-hundred squaremeters. And I'm thinking of franchising an international brand of livestock feeds kaya mas lalong kakailanganin ng mas malaki pa nito.

"Pero natapos na po ang ibang kailangang i-deliver kaya wala nang problema ngayon ang Sullivan Trading."

Tumatango ako sa nagpapaliwanag sa akin.

I took note everything that I think must be changed.

Nang dumating ang kasunod na linggo, nakahanap ako ng mas maayos na space. Sa downtown area siya, katabi lang ng isang bagong tayong mall. Hindi siya ganoon kalawak dahil sinuguro ko lang na may tao na tatanggap ng orders at maghahandle ng mga deliveries.

Alam ko rin kasi na established na ang dating puwesto ng Sullivan Trading kaya inaasahan kong hindi magiging ganoon ang demand ng manpower. I consulted Papa and Kuya Lhanz about this and I was thankful they agreed about it.

Naisipan ko ring magrent sa isang apartment para 'di na ako mapapagod sa pagbibiyahe tuwing matatapos ang working hours. At ma-traffic kasi lalo dahil rush hour at mahaban pa ang biyahe pauwi. Mas magiging mainam kung malapit lang ang aking matutulugan.

That's why I took that chance to look for a comfy apartment while we aren't operating yet.

Nelsa:

Nasaan kana?

Ako:

Nasa downtown pa. Sandali lang.

Two weeks since Sullivan Trading started its operation, nasa baba ako ng building ng bagong condominium. Naglalakad palang ako papasok, ramdam ko na ang sunod-sunod na pag-vibrate ng phone kaya 'di ko napigilan ang sariling silipin ang phone.

Nang mabasa ko ang mga mensahe niya, I typed that reply. Pero matapos mapindot ang send, agad nabuhay ang screen ko. Nakita ko ang pangalan ng kaibigan para sa isang tawag.

"Oh? Matagal ka pa ba?" 'di ko pa nalalapat sa tainga ay naririnig ko na ang boses niya. And the noises behind her voice became audible.

"Papasok pa lang ng condo. Sandali lang." sagot ko.

Dalawang linggo matapos ang successful operation ng Sullivan Trading, nahikayat ko rin si Nelsa na simulan na ring alagaan ang isang negosyo nila. That's why she invited me now to come with her, para raw 'di siya ganoon ma-bore.

"Hindi mo naman kailangang bantayan maigi ang 'yong negosyo, e. That's why you hired with you a manager. Tutulong ka lang naman kung sakaling kailangan na talaga," sabi ko pa sa kaniya nang imbitahin ko siya noon sa condo, bagong lipat palang ako.

She was dying to see it kaya inanyayahan ko rin. Para na rin hindi ma-homesick.

We were in a small modern packed living area of my unit, TV turned on, while both of us were drinking soft wine in front of my mini-rectangular coffee table settled at the center. Nakahilig lang ako sa backrest ng couch habang yakap ang isang throw-pillow. At si Nelsa naman ay bahagyang nakahiga sa tabi ko lang.

"Wala namang masyadong ganap-"

"Mayroon." Putol ko. "You'll just come there to supervise your staffs. And besides, kung gusto mo umuwi agad, you can. Basta sisiguraduhin mo na maayos na ang daloy ng lahat.  May mag-g-guide din sa 'yo. And besides, you can do paperworks if you're bored. 'Tsaka, ilang taon na ba ang manager ng bar ninyo sa inyo?"

"Matagal na."

"See? She can guide-"

"Pero boring pa rin kasi ang pagnenegosyo ng ganoon." she said, straightening up her slumped back from the backrest of my couch. Sumunod ang tingin ko sa kaniyang kamay nang abutin nito ang bote ng wine.

"Boring," she mumbled, turning her head at me.

Nagtaas ako ng kilay at naghintay nang salinan niya ang sariling glass. And for that seconds we were quiet, the gushing of the wine enveloped the room before the up-beat music from the television came.

Though at first, with my bare experience, I would honestly say that I was dazed and pressured. Mabuti nalang naroon si Ate Cory, isa sa mga head at naging katiwala na rin ni Papa, para alalayan ako. At higit dalawa o tatlong araw yata akong lito ngunit naging kalaunan, nakuha ko rin ang daloy.

Mostly, when it comes to handling physical customers, they were the ones who deal and document its orders. Parang naroon lang ako para mag-observe. At iyon ang ipinunto ko kay Nelsa ngayon. 

Sa gabing iyon, paulit-ulit lang ang pagkukumbinsi ko sa kaniya. Until lightning I guess probably hit her. Dahil himalang susubukan niya ang bar nila pagkatapos ng usapan.

"Vien, puwede ka nang magdala ng boylet dito sa condominium mo."

Nasa kusina ako noon inaabot ang mga junkfood sa itaas na bahagi ng cupboard nang marinig ko ang sinabi niya.

Bumagsak agad sa tiled floor ang takong ng paa ko mula sa pagkakatingkayad nang makuha ko ang sinabi niya.

My condo is spacious. Bukod sa private bathroom ng masters bedroom, may common bath, dining, kitchen at living room sa labas nito. May isa pa ring kuwarto sa tabi ng ng akin and everything has it's own space. Pero sa kusina, kung saan nakatayo ako, ay isang open island counter top ang pumapagitan kaya kita ako ni Nelsa nang balingan ko siya.

Natawa agad ang babaita nang makita ang reaksyon ko.

Umangat ang kaniyang balikat. "Mag-isa ka rito. Sino naman makakasama mo? Siyempre, ang 'yong magiging Pappy."

"Nelly, stop it."

"Oy? Anong 'stop it' ka diyan! Ano ganap mo? Abstinence, ganoon? Celibate?"

Namula ako sa sinabi niya.

I honestly don't do whatever she's saying. But her dirty world made its way to my core, enabling the blush button I didn't know I had to fluster. And damn this woman! Kahit na kaming dalawa lang ang nandidito, nahihiya ako!

Humalakhak si Nelsa kaya napilitan akong batuhin siya ng chichiryang nakuha ko kanina. Inilagan niya iyon agad.

"Alam kong nagtitext pa sa 'yo si Johnrey, ha!" tukso pa niya.

This woman wants me to be curious about the feeling of attaining the treasure of life! Pero kahit na binibiro-biro niya lang ako, ayokong aminin sana medyo natitibag ang pundasyon ko.

But I won't tell her that. No.

Alam ko ang gagawin ng babaeng ito. Ilang ibon pa siguro ang lalangoy sa dagat pero hindi ko sasabihin sa kaniya iyon.

Bumukas ang elevator.

"Magpapasundo ka ba? O pupunta ka nalang sa bar?" tanong ni Nelsa sa phone.

Pumasok ako sa loob.

"Pupunta nalang ako Magbibihis lang ako."

"Bilisan mo, a?"

"Oo na! Sige na! Nasa loob na ako ng elevator."

"Oh, sige. Handa na ang lamesa natin."

"Oo sige." I said, wanting to end her call.

She continued with her guilt-tripping words before finally ending.

Nang marating ang palapag, lumabas agad ako at dire-diretso ang lakad patungong pinto ng unit. Nagmamadali lahat ng mga kilos ko. I opened the door with my doorkey. Binaba ko lang ang mga gamit pag-akyat ko ng kuwarto pagkatapos ay dumiretso na sa sariling banyo. Ilang sandali lang ako sa loob at agad nag-ayos. Nagtext din agad ako kay Nelsa nang nasa elevator na ako.

Taxi isn't really a thing here in Tacloban. May mga taxi naman pero mas mabilis makasakay sa mga common na mga namamasada kaya iyon ang pinili kong sakyan. Sa apat na taon ko sa college, nasanay na rin ako sa pagsakay ng mga multicab kaya hindi na ako ganoon ka-ilap sa pakikipagsiksikan pag-alis ko ng condo. 

Ilang minuto lang naman ang biyahe.

When I stepped out from the multicab, I immediately found my friend busy behind the glass wall of their bar.

Nasa first floor ng isang hotel ang bar nila at marami ring nakapalibot na establishemento sa building. Kaya kahit tanaw pa sa kalangitan ang sinag ng palubog na araw, litaw na litaw na ang kahel na ilaw ng mga streetlights.

Hindi niya ako napansin nang lumapit ako sa hotel. Nagtungo agad ako sa glassdoor at at doon ko lang napansin ang mga naka-business attire na naka-okupa sa dalawang lamesa.

They're noisy in their own at mukhang may party yata sila.

"Ma'am Sullivan?" naagaw ang atensyon ko nang may lumapit na siguro ay crew. "Ma'am, n-naroon po ang table ninyo. Sandali lang daw ho, sabi ni Miss Alcala,"

"It's okay," tumatango ako.

Sinundan ko ang lalaki nang alalayan niya ako patunog sa lamesa.

Nawala rin agad sa isip ko ang mga kalalakihan dahil nakuha ang atensyon ko ng kaibigan na nasa counter na ngayon mukhang may hinihintay. Hindi niya pa ako nakikita.

Umalis ang crew para magtawag ng waiter.

Kinuha ko agad ang phone para malibang sandali. I also messaged her I'm already here even when we're in the same building.

Ako:

Andami palang tao rito. Akala ko ba alas diyes pa ang mga customer ninyo.

Agad dumating ang waiter at may inabot itong menu. Bago bumaba ang tingin doon, hinanap muli ng tingin ko si Nelsa. Baka sakaling nabasa niya na ang mensahe ko sa kaniya. 

"I'd like to have this, please," turo ko sa isang grilled pork. 'Di na ako um-order ng iba. Hindi ko rin alam kung sasabayan ba ako ng kaibigan pero bahala na.

"Okay, Ma'am. Everything will be care of Ma'am Alcala po. Magpapadala po muna ako ng juice habang inaayos po ang 'yong order"

I nodded.

Pagkatapos ay inikot ko muli ang tingin sa paligid.

Their bar, like how the hotel is, is plush. The mixed lighting and the fixtures blended generously together. Kahit na may mga neon light na sumasayaw sa area, maayos parin sa mata.

My thoughts drifted to searching my friend when the cheers on the other table escalated. Lumakas ang hiyawan nila kaya napalingon ako.

"Happy Birthday, Attorney Pedrosa!" sabay-sabay na sigaw ng buong grupo.

Novales, in his dress was the first person I saw. Nakaharap ang katawan niya sa direksyon ko pero ang kaniyang ulo ay naka-anggulo patungo kung nasaan ang mga kasama niyang grupo.

And I noticed the upper part of his dress shirt was unbottoned, revealing skin on that portion. Mayroon ding nakasabit doon na mas lalong nagpapadagdag sa kaniyang pagkalalaki. And I am aware about that masculinity since then.

Umangat ang kaniyang isang kamay dahil sa toast. Which was followed by another cheers of laughters.

Nag-iwas ako ng tingin pero muling nabalik dahil sa sunod na sigaw.

"Buhay walang asawa!" which again, was followed by another course of laughter.

Marami pa siguro silang gagawin pero binawi ko na ang atensyon ko para hanapin si Nelsa na nahuli kong nakangiti habang ang mga mata ay nasa grupo Nasa counter pa rin siya.

Naputol din agad ang kaniyang tingin nang bumaling sa akin.

Agad ko siyang kinawayan para papuntahin dito.

Inangat niya ang dalawang palad.

"Sandali lang ako rito," she mouthed.

Tumango ako.

Oo nga pala. I rememberd Johnrey messaging me about celebrating their colleague's birthday party. Hindi ko lang pinansin dahil wala naman talaga akong interes sa mga gagawin niya.

Naging mas maingay pa ang grupo. Kahit noong ihatid na sa akin ang pagkaing i-n-order ko, 'di parin humuhupa ang tawanan nila. They really are enjoying this, huh.

Sabagay. Tomorrow is Saturday. They probably have no work to do.

Sinisimulan ko nang bawasan ang pagkain, si Nelsa, abala pa rin sa pag-aasikaso sa mga dumadating na guest sa kanilang bar. Nakikita ko rin kung gaano karami ang kumpol ng mga taong pumapasok kaya maiintindihan ko kung hindi siya makapunta sa akin.

Maybe I'll just go home after my meal. Magpapaalam na lang ako sa kaniya. Tutal, pagod din ako kaya kailangan kong magpahinga.

Kumakain ako sa lamesa ng mag-isa pero ang mata ko ay pabalik-balik sa grupo nina Novales. Their loud cheers lessened, probably because of their drinks.

My table is being shadowed from the lights. Novales hasn't noticed me yet. Kaya malaya akong nagpapabalik-balik ang tingin ko sa kanilang grupo. Nakita ko rin si Johnrey na nasa kabilang lamesa naman na katabi lang nila. At dahil hindi rin ganoon kalakas ang tunog ng beat ng bar sa puwesto, paminsan-minsan, umaabot sa pandinig ko ang pinag-uusapan ng grupo.

"I have to leave early. Mag gagawin pa ako mamaya."

Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita noon pero nahimigan kong boses iyon ni Novales.

"Dude, minsan na lang tayo sa mga gawaing ito. Let's enjoy the night! Come on! Huwag ka namang KJ."

"Uuwi raw agad si Novales." narinig kong may bumulong.

Obviously, I wasn't looking at their direction. Kunwari lang na abala ako sa kinakain ko pero ang totoo, nasa lamesa nila ang atensyon ko. Lalo pa ngayong narinig ko ang pangalan ni Noval.

"Bro, enjoy lang muna tayo. Sandaling inuman lang. 'Di naman tayo magpapalipas dito." narinig kong pangungumbinsi naman ng isa.

Doon na ako nag-angat ng tingin. Saglit lang pero nakita ko ang tatlong lalaki na nasa kay Novales ang atensyon. The three of them were seated on a u-shaped couch, same with mine, but their's were a lot bigger. Naka-side view mula sa direksyon ko si Novales. Pero nang tingnan ko ang direksyon nila, naka-tuon sa akin ang kaniyang mukha.

Kaya mabilis ang pagbalik ng ulo ko para ituon ang sarili sa kinakain.

"Let's enjoy first. Birthday rin ng Senior natin kaya manatili lang muna tayo."

Kasunod noon ay wala akong may narinig na.

My table is at the left side, mostly shadowed from the neon lights. May mga kagaya ko rin namang nakaupo lang kumakain. I just continued what I was doing. Hindi ko alam kung nakita ba talaga ako ni Novales pero hindi ko na maibalik ang tingin sa kaniya.

Nang maubos ang kinakain, saglit akong umayos sa pagkakaupo. My eyes were doing its best not to give a glimpse to where he is.

Pero nakatingin ako sa phone ko nang may biglang umupo sa tapat.

Akala ko pa noon si Nelsa pero nagulat ako nang si Johnrey pala.

"Hi? 'Di kita napansin dito. Mag-isa ka lang?" bati niya pero naguluhan agad ang utak ko.

Lumihis din ang mga mata ko sa kinauupuan ni Novales pero nahuli ko lang siyang umiinom ng kaniyang alak.

"J-Johnrey! Ikaw pala!" The smile I immediately showed probably looked constipated. "A-ano, hindi... kasi, uhm," hell.

Napangiti siya.

Balisang lumingon agad ako para hanapin ang kaibigan sa counter. Ngunit wala pa siya roon.

"Si Nelsa ang kasama ko," dagdag ko nang sa wakas ay naka-isip ng salita.

"Talaga? Maraming customers ngayon dahil Friday. I saw her just now giving orders to some of her crew."

Umayos ako sa pagkakaupo.

Johnrey at my front looked comfortable with both his elbows rested on the table. Nakadantay rin ang kaniyang mga braso sa isa't isa kaya naaasiwa ako dahil sa paraan ng pagtitig niya.

"I thought you came for me. Ngayon lang kita nakita kaya nagpaalam agad ako sa kanila."

"Ayos lang ako rito. Nakakahiya na iniwan mo pa ang grupo mo."

"Plano ko sanang imbatahin ka-"

"Oh, hello?" naputol si Johnrey sa pagsasalita nang may dumating.

Sa tinis pa lang ng boses, alam kong si Nelsa iyon.

"Kanina pa ba kayo? Vien, pasensya talaga. May mga customers pa." tugon agad sa akin ni Nelsa.

Nakaangat na ang ulo ko para tingnan siya.

Umiling din ako kalaunan.

"Ayos lang. Hindi na kita nahintay ng dinner. Actually-"

"Mabuti nandito si Attorney Hernandez. I'm really sorry. Babalik din ako agad pagkataos nitong last order."

Sunod-sunod ang pag-iling ko.

"It's alright." si Johnrey.

Pinanood ko ang likod ni Nelsa nang umalis siya. Naagaw lang nang tumikhin ang kaharap.

"I heard you opened your business here."

"Ano lang, temporary location lang," sagot ko agad.

Bigla muling lumihis ang tingin ko sa likod niya para makita si Novales na nasa akin na pala nakatingin. And I felt him doing that on purpose. Dahil hindi niya binawi nang magkatinginan kami. At parang may kuryente roon na dumadaloy dahilan para kilabutan ako. As if they're sending something... something as if warnings.

Ako ang hindi nakatiis kaya binalik ko ang atensyon sa kaharap.

Tumatango siya.

"Kaya pala tinigil pansamantala ang Sullivan Trading."

"But I guess I made a wrong move about that."

"Really? Why?"

"Nito ko lang napagtanto na puwedeng magkaroon ng confusion ang ginawa ko sa mga dating customer ng ST. Malilito tungkol sa pansamantalang pagsasarado."

"That's the point. Wait, don't your company have an in-house lawyer?"

Bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"We... have," sagot ko. "Pero nasa main company iyon na hawak na ngayon ng kapatid ko. I really want to start this from scratch. Kaya gusto ko muna himayin ang mga gagawing proseso."

"But if you want, I can help you." he straightened his back on his seat. "Marami rin kaming mga corporate lawyers na puwedeng maka tulong sa 'yo. Anything concerning your legal transactions."

Umiling agad ako.

Nahuli ko muli sa kaniyang likod si Novales na umiinom na naman sa kaniyang baso. I don't want to assume but is he observing me? Now that he saw Johnrey in front of me.

Nang binaba ni Novales ang baso niya, agad sa akin ang kaniyang mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top