Ikadalawampu't Pitong Kabanata

Ikadalawampu't Pitong Kabanata: Changed


Sa pagkaka-alala ko, noon pa man, plano ko na talagang ipagpatuloy ang negosyong unang sinimulan para sa akin ni Papa. I'd give the reason that I had no one with me for my decision, and taking up a degree is a light for my future. At bukod doon, siguro, 'di ko na binago ang sariling desisyon. The reason why I then decided to enroll in a private institution.

College is harder than I expected. Especially during my starting days and transition.

Mas mahirap ang kolehiyo sa akin lalo na dahil wala akong kakilala. Pero nang magtagal, Nelsa became my companion rather than being a classmate in the other end.

"Late ako last Monday. Solo ka sa groupings, 'di ba?"

Lumingon ako sa katabi nang maramdaman ang marahas na pagkalabit niya. Second week ng pagiging freshmen student ko sa kolehiyo kaya 'di ko inaasahan na may gagawa agad ng ganoon sa akin. I had noone close with me.

It was our second subject for that day. Everyone was seated quietly while our teacher discussed the topic.

Nagtaka pa ako noong una pero nang makabawi, tumango agad ako.

"Sige, ha? Groupmates tayo?" Agad siyang kumuha ng papel.

Ilang sandali, nakayuko na siya at mukhang may sinusulat. Napagtanto ko rin agad kung para saan kaya hinayaan ko nalang. And it only took her a while before turning to me, one-eighth yellow paper being held out, and her name already written on it.

"Pasensay na. 'Di ko alam buong pangalan mo. Isulat mo nalang. Ako na magpa-pass nito kay Ma'am,"

I assume her name is Nelsa B. Alcala, based from what she has written on the upper left corner of the paper.

Yumuko na ako matapos basahin ang pangalan niya para isulat naman ang akin. And I guess it all started there, our friendship. Because eventually, without realizing it, we're getting along each other. A kind and 'knows how to manage you' personality later came out from her. And when I say 'knows how to manage you', she knows how to manage men. With a wink.

"Vien! Totoo?! Natagalan ka raw kahapon sa pag-uwi?"

Kadarating ko lang ng school. Gaya ng kadalasan, sa lounge ako dumidiretso para abangan si Nelsa sa unang subject namin ng araw. Mag-aalas nuebe palang naman at alas diyes pa ang unang subject namin ngayon.

Pero nasa hallway palang ako papuntang lounge, nakita ko na agad ang ulo ng kaibigan, ang direksyon ng ulo patungo sa akin.

Kumunot ang noo ko.

Her hair is damped and a little scattered. Ibang-iba sa kadalasan kong nakikita na ayos niya.

"Huy! Totoo nga?" aniya, nasa bar na ako noon, tuluyan nang nakapasok ng lounge.

She isn't even bothered by how my brows were compressed together.

"Maaga ka ngayon? May problema ba?" Binaba ko ang bag. Narating ko na ang lamesa niya.

"Sagutin mo muna ako!"

This isn't her usual self. And I know there's something up with her. Pero hindi ko muna pinansin iyon dahil abala pa ako sa pag-aayos ng gamit.

"Vien! Kayo na?"

"Huh?" Bigla akong bumaling.

Nahuli ko ang pagbilog ng kaniyang mga mata bago lumuwag ang kaniyang labi para sa isang ngisi. "Oh, wait, so kayo na ni Orly?"

Mas lalo akong nalito. Mas lalo ring dumiin ang pagkunot ng aking noo.

I on my attempt to ask her about it when I snapped after realizing something. Ako naman ngayon ang nanlalaki ang mga mata. Pero imbes na sa gulat, parang pinagsasabihan siya.

"I know you did something..." banta ko.

"So confirmed?" Natatawa pa siya.

Umiling ako at tuluyang na siyang pinagsabihan. I had to burst that bubble she made about us and Orly. Dahil kung tama ang hinala ko, mali ang gawin niyang ganoon kami.

Umiiling-iling si Nelsa habang kinukuwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon. Based from her eye, I feel like she's being grounded by a parent now that I'm explaining what I think is right about it.

"He asked me. Sinabi kong ayaw mo pero napilit niya ako."

Umangat ang gilid kanang labi ko.

I have to show her how disappointed I am.

"Sorry na. Hayaan mo, no boys allowed ka na."

"Tumigil ka na nga,"

"Oh, pero bibigay ka ba sa kaniya?"

Pinanlakhan ko siya ng mata.

Walang tyansang magkaroon ng kami ni Orly. Kung tutuosin, hindi naman humaba ang usapan namin kahapon dahil agad dumating ang SUV. And I turned down whatever he has for me. And with Nelsa, I've been aware about her thoughts for him. I know how she likes Orly for me. And even when I keep on telling her that I didn't like him, still, she wants to insist the the latter.

At totoong focused lang ako sa pag-aaral ko. No reason for me to go with boys. Dahil kahit sinong lalaki pa 'yan, malakas ang paninindigan ko.

I'm only here to learn, not to mingle.

Pero hindi ko maipagkakaila ang nararamdaman kong pagkabahala nang sumapit ang hapon ng araw na iyon. Pagbukas ko palang ng glassdoor, ang mga mata ko ay patungo agad sa mga taong napapadaan. Of course, I'm curious whether my eyes were accurate about who I saw yesterday. Ngayon, nagbabaka-sakali ulit akong itama ang taong nahagip ko kahapon.

After all, years had passed already. And my bullshit puppy love for him changed...vanished into thin air.

Siguro, sa tagal ng panahong kinalimutan ko siya, isang bagay parin ang nanatili sa aking puso. At iyon ay ang pagkamuhi dahil sa kaniyang ginawa. I trusted him so much I didn't know he's stabbing me from behind.

Kaya ngayon, kung sakaling magkataon na kami'y muling magkita, ipapadama ko sa kaniya na mali ang kaniyang ginawa.

But I guess whoever I saw that afternoon, probably has the same physical figures with Novales. Ilang araw na kasi akong tanaw ng tanaw, na halos sinasadya ko pa lang na magkaroon ng pagkakataong manatili sa waiting area, pero walang kahit isang Novales akong nakita.

"Basta sumabay ka nalang sa akin mamaya. Nagpadala ako ng driver. Magtatampo talaga ako sa 'yo,"

We just had our graduation ceremony done. Dahil kasama ako sa mga cum laude, nagdesisyon sina Kuya na magkaroon ng family dinner mamaya sa mansyon. Pero bago iyon, pupunta muna ako kina Nelsa ngayon para dumalo sa kaniyang birthday celebration na gaganapin yata sa The Oriental Leyte.

Tumango ako sa kaniya.

Naabutan niya pa akong naka-upo sa sariling puwesto.

Kasama kong nagmartsa kanina si Papa. Ngayon, nasa mga upuan siya kung saan ang mga guardians. The program ended exactly at almost eleven thirty. Kaya crowded pa masyado ang exit paglingon ko kanina.

"Sure na, ha? Basta magtatampo talaga ako."

Ngumiti ako sabay tango muli.

"Oo na. Pero magpapaalam pa ako mamaya."

"Basta sumama ka! Sa sasakyan kana sumakay."

I know her party is enough to be called grand just by its venue. Pero ayon sa kaniya, sabay raw kasi ang pagdating ng asawa ng kaniyang kapatid kaya gusto ng kaniyang kamag-anak na magkaroon ng ganitong okasyon. They'll introduce the new Alcala of their family.

Kaya matapos dito, pupunta muna kami sa subdivision nila para makapag-ayos ng mabuti. I brought with me inside our car a pale-brown formal dress, channeling the color to the motif for her event. Off shoulder na sweatheart style iyon. Hindi lang ako sigurado kung maganda ba ang kurba pero iyon na ang pinili ko. Which I'm gonna get later before leaving.

Kaunting retouch nalang naman ang kailangan dahil sa makeup na suot ngayon. The rest will be the dresses, na hindi na ganoon kakumplikado.

Agad bumalik si Nelsa sa kaniyang puwesto. Maghihintay nalang daw siya sa labas kung sakaling mauna siya sa amin.

"Sige, pupunta nalang ako," paalam ko, saka lumingon kay Papa na may kausap na ngayong isang business elite na medyo pamilyar sa akin.

Nanatili muna ako ng ilang sandali. Nakita kong nagpaalam na si Nelsa sa pamamagitan ng pagturo sa labas. Tumango lang ako saka tumayo para puntahan na ang ama.

I was walking towards them when their attention drifted towards me.

Naglahad agad si Papa ng kamay niya. Tumugon naman ako sa pamamagitan ng paglapit.

"I didn't know you had a gorgeous daughter, Veril."

Hindi naman ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya.

"Naging intimate lang ang debut niya. We didn't get to introduce her properly, Francis,"

"Kailan? I should have let my son get along with her!"

Sa pagkakayuko, bahagyang napaangat ang ulo ko sa narinig.

"Kamusta na pala si Samuelle?"

"Samuelle is doing good. Ang batang 'yon, abala sa Construction ng Baltazar. And he's a good man for you, hija," sabay lingon sa akin ng kaibigan ni Papa.

May kutob agad ako kung saan hahantong ang usapang ito. I know families like ours does arranged marriages. And I've been hinting about this even while I was still in our mansion. Dahil minsan na rin akong tinatatanong tungkol dito ni Papa. Pero binabalewala ko lang dahil wala naman sa isip ko ang ganoon.

Kumuha agad ako ng lakas ng loob para magsalita.

"Uh, Papa," I said, interrupting the hinge of this conversation. "Hindi ako sasama mamaya sa pag-uwi ninyo. Para sa kaarawan ni Nelsa. Pababalikin ko nalang si Kuya Delno pagkatapos kang mahatid. Kailangan ko na ring umaling ngayon para daluhan siya."

Papa felt stopped. He's already acquainted with Nelsa. And luckily, he's inclined with the Alcalas. Kaya alam kong alam niya ang tungkol dito. But I don't know if he would like me that way. I just don't want them discussing for me. Especially if it entails my own future.

Bahagya akong umatras para maitakas ang sarili. Tumatango rin ako, fully dismissing myself from them. Kinuha ko lang ang gamit sa loob ng sasakyan saka dumiretso sa kabila kung saan nakita kong nakagarahe ang Trailblazer nina Nelsa.

"Akala ko magtatagal pa kayo. Nakita kong may kausap pa si Tito Veril."

"Nagpaalam lang ako." sabi ko sabay pasok ng gamit sa loob.

I then removed my toga and tucked it inside the paper bag designated for it.

"Ano raw ang pinag-usapan? Ama iyon ng pinsan ni Orly, 'di ba? Alcazar?"

Hindi ako sumagot at pumasok lang sa sasakyan niya.

"Tungkol siguro sa negosyo," sabi ko, pinahalata sa tono na hindi ako interesado.

Sunod na pumasok si Nelsa sa kabilang pinto na nakabukas na. I kept my things underneath me.

"Iyon naman talaga kapag may mga panibagong kasosyo. Hayaan mo, mag-eenjoy tayo mamaya. Maraming boys na bisita mula sa firm!"

Pinanatili ko nalang ang pagiging tahimik. Naging abala naman ang katabi ko sa kaniyang cellphone kaya hindi niya na rin ako inabala. Nakatingin na lang ako sa labas para panoorin ang kalsada ng syudad.

My friendship with Nelsa taught me so many things I know I can handle. Isa na roon ang alak. Not in a bad way, of course. May mga ganoon din naman sa mansyon at sa mga event na nadadaluhan ko kaya ang mga iyon ay hindi na bago.

Now that we're turning adult, it's like a magic word for us.

Agad kaming dinaluhan ng mga tauhan para matulungan sa pag-aayos, pagbaba palang namin sa garahe ng bahay nila. Their house is huge. Wala lang espasyo para sa isang hardin siguro dahil isang subdivision ito.

Dalawang babae agad ang umasikaso sa amin habang ang iba ay dumiretso sa loob ng sasakyan.

"Doon na tayo sa may living ninyo," narinig kong sabi ng isa.

Hindi ko nasundan kung sino dahil gulat parin ako na agad may sasalubong sa amin na ganito. Even my now elbow length hair is being done as we walk through to their terrace. Nagpapatianod lang ako.

At pagkaupo sa tapat ng malapad nilang salamin, doon na ako medyo naka-relax habang pinapanood ko ang anino nila sa harap. Ginagaw ako iyon kasabay ng pagtanggal sa butones ng blouse para mas madali mamaya ang pagsuot ko ng dress.

"Nagrequest ako na ipakilala tayo mamaya sa mga junior associates ng firm. Kasama ka."

Nakita ko ang repleksyon ni Nelsa sa harap na bumaling sa akin. Tinatali na ngayon ang kaniyang buhok.

"Don't worry. Hindi matatanda ang mga bagong attorneys ng firm."

"Nelsa, ba't naman ako magkaka-interes sa isang attorney?"

"May iilang guwapo doon! Matatalino! At yummy! 'Di ka kasi sumama noon sa 'kin kaya hindi mo alam mga sinasabi ko." her head again turned to face me. Mata ko lang ang ginagalaw para tingnan ang repleksyon niya. "Plus points na 'yon dahil may magdedefend sayo sa mga kaso mo! Kung sakali!"

Umirap ako.

Natawa naman siya.

"Si Orly, sinayang mo noon. Baka rito may chansa sila."

"Kailangan ko muna maayos ang livestock sa Hulatan. Magpapagawa rin ako ng sariling opisina para sa franchise na balak kong kunin."

"Ang arte mo talaga." she glared. "Twenty-three kana! Umuusad kalendaryo natin!"

Somehow, the whole thing didn't seem too long. Nauna akong natapos kay Nelsa dahil hindi ko na pinaayos masyado ang aking buhok. I only asked the designer to part them half-way, giving my curly-almond-hair its natural wave. Kurbang-kurba iyon, dahilan din para makita ang kaunting usli ng boobs ko dahil sa gown.

Nelsa, on the other hand, continued insinuating me their fresh batch of attorneys for this year. I am well informed that they own one of the largest law firm here in Leyte, a big time dealer. Iyon din siguro ang dahilan bakit kilala ang firm nila sa halos buong bansa.

Everything went smoothly. Maingay si Nelsa sa sasakyan habang ako, tahimik at tumatango lang sa mga tanong niya. Pagbaba namin ng The Oriental Leyte, binati agad kami ng mga bisita nila. I noticed how everyone are dressed formally for this. Kahit ang bamboo accents ng tanggapan ay hindi mo mapupuna dahil sa mga naroon.

"Ma'am, dito po tayo," isang lalaki ang sumalubong sa amin.

Inalalayan niya kami. He's kind enough to lead us to the activity area of the hotel were bunch of people were there to greet Nelsa in surprise way and congratulatory. Kasama siguro ako sa nagulat dahil hindi ko rin inaasahan na may ganito. But I got along behind her. And as we sang her happy birthday, I was then guided to a decent table, near their family, while Nelsa's being escorted to a mini-stage.

Hindi ko muna pinansin ang mga kasama ko sa mesa dahil lahat ng atensyon ay nasa kaniya.

The red-meshed-dress hugging her slenderness, bumabagay sa kaniyang pusyaw na balat.

"Happy birthday!" sigaw halos naming lahat.

Tuluyan nang naupo si Nelsa matapos ang ilang surpresa. Pagkatapos ay umakyat na ang master of ceremonies para ideklara nang puwede na kaming umupo.

Saka ko lang nilibot ang tingin sa paligid.

The activity area isn't spacious but just enough to accommodate everyone. Gold, brown, and red chairs were lined properly on every banquet tables. Mayroon ding master rectangular table, na katabi lang ng lamesang kinaroroonan ko, para sa pamilya ni Nelsa. And everything is decorated elegantly with deamed chandeliers, accented with tiny bits of bamboo and crystals.

Lahat ng guests ay nakatingin sa harap nang biglang nahulog ang atensyon ko sa isang lalaking naka-tuxedo, ang kamay ay pumapalakpak, nakikinig sa sinasabi ng emcee sa harap. And the way those lips form couldn't be mistaken.

Para biglang sumikip ang dibdib ko.

Novales, in a clean cut hair, with much defind jawline, is seated two tables away from me. And just by knowing his presence, it made my heart sunk for an unfathomable reason! Bumalik agad ang mata ko sa mga kasama ko sa mesa dahil hindi ko kinayanang tingnan siya.

What the hell is he doing here?

Confused, I tried to take a glimps of him again. The deam lights are just perfectly fine to allow me to recognize his face even after a very long time!

Hindi siya nakatingin sa direksyon ko, pero alam kong siya ang nakikita ko.

Fuck.

Saka ko lang naalala ang kinuwento ni Nelsa kanina. Is he one of their fresh attorneys in their firm? But I thought he's not here in Leyte? I thought... I thought they went away to save themselves from whatever they've done to us.

Nagpupuyos, hindi ko masyadong nagalaw ang pagkain ko matapos nitong ihatid sa amin ng mga serbidoras. Tulala lang ako sa lamesa ko.

"Hija? Ayos ka lang ba?" narinig kong tanong ng isang ginang na kasama ko sa lamesa.

Umangat ang ulo ko para balingan siya. Ginawaran ko agad siya ng ngiti saka tinusok ang isang klase ng ulam gamit ang kutsilyong hawak.

"Are you sick?"

Umiling ako sa kaniya.

"I'm fine po, thank you,"

Nag-aalalang tinitigan niya muna ako bago tumango, 'tsaka binalik ang atensyon sa sariling plato. We're five seated in this banquet. Dalawang ginang at dalawang lalaking kasing edad nila. Couples, probably.

Panay naman ang tingin sa akin ni Nelsa at paminsan-minsan, kumukumpas pa ang mga kamay para sabihing sasamahan ako sa lamesa mamaya.

Napapikit ako at pinuno ang dibdib ng hangin para pagaanin ang sarili.

"Tara na! May ipapakilala na ako sa 'yo!"

The ceremony was done. Halos lahat ay nagsisimula nang kumuha ng sariling drinks. Pero ako, nanatili lang sa lamesa, ginagawan ng paraan para hindi magawi ang tingin kung nasaan si Novales.

"Nelsa, huwag na, please," sabi ko, kumudlit muli ng tingin sa direksyon ni Novales.

He's still with men, almost his age, or I guess they are, in their table

I also noticed that their table is now filled with unopen bottles of alcohol, probably for this ending.

"Halika na!" Hinila ni Nelsa ang braso ko. "Makikipag-picture lang ako sa kanila. Samahan mo lang ako. O ikaw na lang kaya ang kumuha sa amin ng letrato."

Defeated, Nelsa was able to drag me towards were Novales's table is.

Pero palapit palang kami, nahuli ko na ang mga mata ni Novales na nasa akin. And I noticed the two buttons of his dress shirt being loosened. Lumayo agad ang tingin ko roon para ibalik sa kaniyang mata.

And I don't know if I percieved it right, but his eyes were masked with anger. As if a light illuminated inside them. But when Nelsa covered me to meet them, my attention was focused only to him that I caught his rage softened.

It's been so long since the last time I saw him this close.

He's changed. Really changed.

"Thank you pala sa pagdalo nitong kaarawan ko. I was a bit demanding to Papa pero mabuti napapayag ko siyang papuntahin dito ang buong staff. May ipapakilala ako sa inyo," hindi pa man tinatapos ni Nelsa ang kaniyang sinasabi, punong-puno na ako ng kaba.

Bumaling siya sa akin pero saglit lang para ipagpatuloy ang sasabihin.

"Pero mahiyain kaya magpapa-picture nalang ako sa inyo,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top