Ikadalawampu't Limang Kabanata

Ikadalawampu't Limang Kabanata: Ambush


Nanatili ang mga narinig ko kanina sa isip. Naging apektado ako dahil hindi ko inaasahan na may ganoong pinaplano ang kapatid ko. At hindi ko na kailangan pang mag-isip kung sino ang tinutukoy niya dahil alam kong ang mga Argales iyon at wala nang iba.

They have no enemy except for them! And I know they treat them as an enemy! Because of the past! Because they still couldn't accept that past!

Oo, alam kong ang buhay ay isang bagay na kailanman ay hindi mapapatawan ng kahit ano. Pero dapat ay matuto pa rin tayong magpatawad! Tumanggap! If they can't accept it, then they have to! That should be a must!

"We'll be meeting with the Mayor later," ramdam kong lumihis papunta sa akin ang tingin ni papa. "Hindi pa kami sigurado kung makakauwi kami kaagad."

We're still on the table for breakfast. Pero habang nasa hapag, hindi ako makatingin kay Kuya.

Nauna ako sa hapag sa kaniya. He's now seated on the other side of Papa. And while we're together, my eyes couldn't look at where he's at.

"I can handle myself well here, Papa," sabi ko at pinipilit na hindi nila mahalata ang narinig ko kanina.

I just couldn't accept that my brother can do such things. Pero may kaunting katiting pa rin sa damdamin kong umaasa na sana ay mali ang mga iniisip ko.

Hindi ko nakayanang hindi umangat ang tingin sa kaniya. I noticed both their attention were on me. Napalingon din ako kay Kuya pero hindi lang nagtagal.

I smiled.

"Magsi-siyesta lang ako buong maghapon dito." dagdag ko.

"Good to hear that. Hindi naman kami magtatagal. But we don't want to compromise our meeting. I know you'd be able to handle yourself alone." Tumingin si Papa kay Kuya para siguro abisuhan siya.

Tumango si Kuya at tinuloy ang atensyon sa kaniyang pagkain.

Silence came next.

Binalik ko na rin ang sarili sa pagkain.

I know why Kuya decided to come here. Dahil iyon sa pinaplanong negosyo. Hindi ko lang alam kung magtatagal siya. Pero kung sakali, kailangan wala siyang mapansin sa aking kakaiba.

I would mostly go with Aling Julia's whereabouts around the mansion. Minsan ay nasa kuwarto lang ako nag-aaral ngunit dahil iba na ngayon, siguro ay gagawin ko nalang ang nauna.

Hindi pa sumasapit ang tanghalian, papasok ako mula sa likod ng mansyon ng marinig ko ang pag-alis ng sasakyan.

"Paalis na sina Papa?" salubong ko sa isang kasambahay na papasok mula terasa. Tumulong marahil sa paghahanda nila.

Napatingin siya sa akin bago muling napalingon sa malaking pintuan.

"Oo, Senyorita. 'Di na raw sila magtatanghalian. Ang sabi'y may aasikasuhin muna sila."

My eyes widened to an enormous amount.

"Ah! Sige po, Ate!"

It must have been Kuya's plan! Ba't hindi ko napagtanto 'to?!

Mabilis akong tumakbo patungong engrandeng hagdan. Hindi ko na inisip nang makita ko ang gulat sa mukha ng kasambahay sa ginawa ko. What I care now is to do something! In a must!

"Please..." bulong ko sa sarili nang muli ay hindi sumagot si Novales.

Nasa kuwarto na ako at inuna ko agad na abutin ang phone sa ibabaw ng vanity. Mabilis ko ring idi-nial ang numero niya nang mabuksan ito. Pero ikalawang subok ko na ay ganoon pa rin!

Binaba ko muli ang phone para tingnan ang screen nito.

I almost gritted my teeth after seeing that his phone isn't really attended at the moment!

Hindi nakapaghintay ng ilang sandali ay muli kong tinawagan ang numero niya. But it still ended up the same!

"Come on, Novales..."

He's probably spending his time with his job at the moment. Away from his phone!

Sa huli, padabog akong naupo sa gilid ng kama. Inalis ko rin ang tingin sa phone para mag-isip ng ibang gagawin.

Jaivien, you must calm down! You're just overthinking things!

Pero nakaka-ilang kurap na ako sa loob ng kuwarto ay ganoon pa rin ang laman ng isip ko!

Who would go early when they should be leaving in a latter time? Siguradong iyon ang gagawin nila! Of course Kuya called men for that! Ano pa nga ba ang aasikasuhin nila?

Out of frustration, I almost jumped out of bed when my phone rang. Tiningnan ko agad iyon para makita ang pangalan ng tumatawag. Agad ko ring sinagot nang makita kung sino.

"Novales, w-where are you?" hesitation suddenly crept my voice.

"Huh?! May ginagawa ako ngayon!"

"T-they're planning something against you!"

"Ano?!"

"They're planning something against your family! Noval! Sina Papa! Basta may narinig ako kay Kuya kanina... He called men to... assassinate, or something! I don't know! Basta they'll do something against your family!"

"Vien, hindi kita naiintindahan!"

Naikagat ko ang labi. Medyo nanginginig na pala ang kamay ko sa kaba.

"B-basta... I wanted you to protect your family, Novales. They'll be coming for you..." sabi ko saka agad kong pinatay ang linya.

Doon lang din ako humugot ng malalim na paghinga. Thankful that I have said those words to him already.

Pero ilang segundo ang lumipas, naramdaman kong parang may kung ano pa rin ang bumabagabag sa loob ko. A hollow space is lurking inside my stomach. Nag-isip muli ako pero natunton lang ako sa dulo na wala akong ibang alam na puwedeng gawin.

I only told myself that I did the right thing.

Hindi rin naman umabot ng tatlumpung minuto ay may katok akong natanggap mula sa isan kasambahay. Lunch is ready. Nagpaalam lang ako na bababa na. Pero bago tuluyan iyong ginawa ay nagtext muna ako kay Novales.

Ako:

Please take care of yourselves. I'll tell you everything they're up to here.

Mabilis kong sinend iyon. Pagkatapos ay bumaba na rin ako para pumunta ng dining area.

Afternoon went on just how I told Papa and Kuya. Mabuti na lang dinalaw ako ng antok. Akala ko rin hindi ako papatulugin ng mga iniisip but I woke up with my room covered in darkness. I guess this will be my whole routine while Kuya is here. Buong maghapon walang ginagawa. Hindi rin nakakagala.

I somehow managed to talk with my friends when the next days came. Iyon lang marahil ang nagiging libangan ko dahil maging ang pagbabasa ay nawalan ako ng gana.

My attention would always hustle to Kuya's phone calls. Lahat ng mga sinasabi niya ay minamanman ko.

"Vien, pupunta ako ng rancho. Gusto mong sumama?"

Nasa hardin ako ilang araw na ang lumipas simula noong kausapin ko si Novales. It was my last conversation with him. Naghihintay pa rin ako ng panibagong tiyempo.

Aling Julia, who's with me that afternoon, leaned to look at my brother who called me.

Inayos ko muna ang tanim na binigay niya sa akin para hindi masira sa kinuha kong paso. Nang makuntento, saka ko lang tuluyang binigay ang atensyon sa kapatid.

He's dressed like how Papa would wear whenever we had to go to Bonifacio.

Umangat ang kaniyang kilay. "Papa cannot come with me. Napansin kong hindi ka nalilibang rito. Tara?"

Napatingin ako kay Aling Julia.

She instantly nodded without asking anything. Kaya tumayo ako at pumayag sa gusto ni Kuya.

We don't really hangout that much anymore. Bilang na rin kasi ang mga pagkakataong nagkakausap kami sa cellphone kaya ngayon, hindi ko maitago ang ilang sa kaniya. Idagdag pa ang huling nalaman ko. Pero humakbang pa rin ako palapit.

"Mauna muna ako sa inyo, Aling Julia," paalam ko nang sumunod na sa kapatid.

Agad din kaming umalis. And inside the car, I was silent the whole time. Hindi ko kayang magsalita dahil sa mga bumalot sa isipan ko. Kaya para magkaroon ng pagkakaabalahan, ang tingin ko ay dumidikit sa kahit anong madaanan namin. Pero pinapakiramdaman ko rin ang katabi.

"Vien, Papa told me what happened to you the other time here in Bonifacio,"

Halos lumabas ang puso ko sa gulat nang biglang magsalita si Kuya. Nasa kalsada na kami papuntang Bonifacio. Lumingon agad ako para makita ang mga mata niya.

His attention is driven towards the road.

Saglit lang na gumalaw ang ulo niya para makita ako.

"A friend of mine had a fight." Alala ko sa idinahilan kina Aling Julia.

"Fight? And why would you go there anyway? At talagang sa liblib na lugar pa?" Saglit ulit na binigyan ako ng tingin.

Tumango ako. "Doon kasi papunta ang bahay nila... hindi ko alam na galit siya kaya pumunta ako. To apologize." I lied.

Bumaling ulit sa akin si Kuya. Both his hands were gripping the stearing wheel to help the car from the unsteady road.

"M-may kasalanan din ako sa kaniya. And I only tried to make an apology-"

"Vien, kahit na." His tone hardened. "Delikado ang makipagkaibigan sa mga taong hindi mo kilala. Give me the name."

"Kuya, you have nothing to worry about! W-we are already civil!"

Isang matagal na titig ang pinukol niya sa akin.

I then watched how his eyes deepened. Nakakatakot, oo, pero kailangan kong hindi mapatalo lalo na dahil alam ko na ang magiging kasunod nito.

Nakakatawa dahil sa dami na siguro ng mga pagsisinungaling ko, I know that hell is now behind ready to get me.

Hindi na muling nakipagtalo si Kuya pero halata pa rin sa kaniyang mukha na hindi niya gusto ang nangyari sa akin. And there's a least that I'm happy about because finally, I have an idea that he's aware about it.

Nang dumating kami sa rancho, hindi na ako masyadong sumali sa ginagawa ni Kuya. Narinig ko lang na may binibigay siyang utos tungkol sa mga kabayo. Hindi na ako nagtaka. Nalaman ko rin kasi noon kay Papa na i-t-transfer sa Nasugbo ang mga kabayo.

Sa likod lang ako ng barn house nagtungo.

Abot pa rin naman rito ang mga sinasabi ni Kuya. If ever they'll plan something that's gonna be suspicious, I'd hear it immediately. Sinadya ko ring hindi na lumagpas sa malaking hamba para roon. Nakuntento naman ang mga mata ko sa natatanaw na mga kabayong malayang tumatakbo sa malawak naming lupain.

Saglit akong bumaling sa direksyon nina Kuya.

All men are surrounding him. Matangkad si Kuya kaya kahit malayo, nakikita ko ang ulo niya.

"Dalawang truck ang pupunta rito." narinig ko pa ang sinabi niya.

Father hasn't really mentioned why Kuya got into this kind of hobby. Collecting beautiful horses and most of them are being bred. Noong hindi pa ako pinapayagan makalabas, kay Aling Julia ko lang talaga nalalaman ang mga nangyayari sa labas ng mansyon.

Kuya got busier about it. Wala akong interes na intindihin ang mga ginagawa niya pero panay ang baling ko para hanapan ng pagkakataong matanaw ko ang cellphone.

Nawala na yata sa bilang ko kung pang-ilang baling ko na noong papunta si Kuya sa isa pang establishemento. An older woman's leading him. Doon ko na kinuha sa bulsa ang phone.

I will only check Novales's messages. At bigo lang din ako dahil wala rin naman akong natanggap.

Tumingin ulit ako sa malayo, nag-isip kung magti-text ba ako.

Hindi naman siguro masama kung mangungumusta ako sa kaniya, 'di ba? I'm just concerned about him. 'Yon lang naman.

Binalik ko muli ang atensyon sa phone.

Ako:

Hi Noval! Nasa rancho ako ngayon. Kamusta kana?

I stopped to think again if this should be right.

Tama naman 'to, 'di ba?

Oo. I'm just concerned.

Before pressing the send button, I edited the message.

Ako:

Hi Noval! Nasa rancho ako ngayon. Kamusta kana? I'm just concerned how are you going.

Then I pressed the send button successfully.

I hope he reads my message. Dumating kasi ang ilang minuto nang wala akong natanggap na reply mula sa kaniya. 'Di ko naman ikinabahala iyon dahil habang naroon ako sa rancho, nasiyahan ako sa panonood sa mga kabayong may kalayaan sa malayo.

They're not few in numbers. Kaya rin siguro ang iba ay nililipat ni Kuya para hindi masyado maging crowded ang mga iyon.

"Vien, kailangan mong pigilan ang pakikipag-ugnayan sa 'kin."

"S-sorry. Naistorbo ba kita?"

It's already late. Nasa kuwarto ako. Ilang araw muli ang dumaan, wala parin akong natatanggap na reply mula kay Novales. Palagi ring tumatakbo ang isip ko kaya ngayon, hindi ko na napigilan ang sariling ngayon tawagan ang numero niya.

His voice was a bit hoarse, tanda na handa na siyang matulog. I did not hear anything else but silence. Kaya rin nagtuloy-tuloy ang pagtatanog ko sa kaniya kungkamusta na siya.

"You just warned me." he said from the other line.

"A-alam ko. Hindi ka kasi nagrereply!"

"Hindi ko kailangang magreply sa 'yo. Sinabi ko sa pamilya ko ang sinabi mo. Kailangan naming protektahan ang sarili namin. Makapangyarihan kayo at hindi namin kayang lumaban sa mga Sullivan."

Biglang may humigop sa lalamunan ko para mawalan ako ng boses.

Nakuha ko ang sinasabi niya.

"Uhm..." I bit my lips.

"Papatayin ko na 'to."

"Sandali lang!"

Ramdam kong bigla siyang natigilan sa agaran kong pagpigil sa kaniya. Ako rin ay agad napagtanto ang nasabi.

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan namin bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na muling magsalita. At kahit na naduduwag ako, may kung ano sa akin ang nagtulak na sabihin ang matagal nang sumusundot sa damdamin ko.

"Novales... sandali lang..." my teeth never left my lower lips from biting in between my pauses. Pinakinggan ko sandali ang katahimikan sa likod ng linya. Alam kong nasa loob siya ng bahay nila. "Novales... I miss you..."

Sunod-sunod ang malalakas na pagtibok ng puso ko.

Then my lips instantly got sucked by my own mouth.

Hindi ko inalis sa tainga ang phone. Gusto kong isipin na nagulat siya sa sinabi ko dahil sa sunod-sunod niyang malalalalim na paghinga. I can hear his deep breaths through the phone.

"Sorry. Hindi ko dapat sinasabi iyon sa 'yo." dagdag ko muli.

I heard him take a long deep breath.

"Vien, matulog ka na." sabi niya niya bago nadugtungan ng sunod-sunod na beep hudyat ng pagkamatay ng linya.

I couldn't lift my phone away from my ear. May kung ano rin sa loob ng damdamin ko ang nawasak kaya hindi ako makagalaw. Iyon din ang dahilan bakit nakulangan ako ng paghinga ngayon.

I felt like I was rejected. Kahit ilang beses niya akong tinanggihan, now that I am hoping a chance... ganito pala ang mararamdaman mo kung may gusto ka palang hindi mo makuha.

Nadala ko yata ang ganoong damdamin ng ilang araw. 'Di ko gaanong napapansin ang sarili. Hanggang noong magpaalam si Papa na sasama sa paglilipat ng mga kabayo. Si Kuya ang nakapansin sa akin.

We were heading back to our terrace when Kuya called my name.

Agad akong lumingon sa kaniya.

Hindi pa nakakalagpas ng alas diyes ang oras na iyon.

"Ba't matamlay ka? Napapansin kita palagi. Ilang araw lang na aalis si Papa." The way he said the last sentence was to lighten my mood by mixing his chuckles while saying.

Saglit lang an umangat ang gilid ng labi ko. Naputol din agad ang tingin ko sa kaniya para tingnan ang terasa.

Doon ko rin napagtanto na ganoon nga ako noong mga nakaraang araw.

"Papa cared too much that you got attached to him, huh?" Inabot pa mga daliri niya ang tagiliran ko.

I had to fake a laugh to give back from what he did.

"Hayaan mo, tatawag tayo kay Papa mamaya." dagdag niya.

It was a bittersweet memory.

May lukob sa damdamin ko ang hindi pa pala napapawi kahit ngayong binabalikan ko ang masakit na alaalang iyon. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko parin lubos matanggap na ang taong hindi ko inaasahan na gagawa ng karumaldumal sa aking pamilya ay siya palang may puno't dulo ng lahat

It pained me from remembering what happened to Papa on that horrifying afternoon.

Isang tawag noon ang natanggap namin mula sa pulisya na nasa kritikal ang kalagayan ni Papa. Kuya was the one who received the news. First hand. Hindi ko pa lubos matanggap noong una dahil paghatid lang naman ang alam kong gagawin niya.

"Wala pa kaming alam sa buong nangyari. Gumagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya." saad ng isang unipormadong lalaki.

Si Kuya Lhanz ang kausap niya noon.

"The SUV was ambushed." narinig kong dagdag nito.

Naging tulala ako sa mga sumunod na araw. Wala pa akong ideya sa mga may sala. Everyone couldn't pinpoint someone.

At habang okupado noon si Kuya sa nangyari, I kept on updating Novales about everything. Maging si Kuya Lorencio ay umuwi ng probinya nang ibalita sa kaniya ang nangyari kay Papa.

Everyone in the mansion was devastated as well.

Mabuti na lang mabilis na naisgod si Papa at naging madali ang recovery niya. Pabalik-balik din kami noon sa hosital para bantayan siya. And it took the investigation weeks to finally see answers.

Lahat kami ng mga kapatid ko ay nasa living naka-upo sa malalaking couch nang dumating ang mga unipormadong tao.

"Your father was ambushed by some rebels. Matagal na pala siyang minamanmanan hanggang sa magkaroon ang mga rebelde ng tiyempo."

"Sinong mga rebelde?! Why would there be rebels against Papa?!" si Kuya Lorencio na agad inawat ni Kuya Lhanz.

Napatayo siya kaya kinailangang awatin ni Kuya.

"Walang sapat na ebidensya kung sino pero ayon sa mga nakakita, grupo ang umatake sa sasakyan ninyo. Senyor Veril was lucky enough to hide away from the car window kaya hindi gaanong napuruhan ng mga bala." Paliwanag ng lalaking naka-uniporme.

"This is bullshit."

Napatingin ako kay Kuya Lorencio.

"Ang Senyor lang ang target ng mga rebelde. Lahat ng mga nasa unahang convoy ay hindi sinaktan. Hindi rin nila agad napansin ang nangyari." napatingin muli sa dalang papel ang lalaki.

"How did they know that Papa was in there? It could have been me. Or someone. Ilang beses na rin kaming nagkasama but nothing happened to us." Giit ni Kuya Lhanz.

It took me more days to realize the culprit. Sobrang bata pa noon ng isipan ko na masyado akong bulag sa mga nangyayari. The beyond fueled my whole self.

"Wala na ang mga Argales sa Bonifacio!" Kuya Lorencio's nerves around his neck were showing.

It was dinner.

Lahat kami sa hapag ay nagulat sa biglang pagsabog ni Kuya na kadarating lang.

Nasa bahay na rin noon si Papa pero hindi pa rin ganoon kaganda ang kalagayan niya. That's why Kuya Lhanz hired nurses to cater him. Ayaw rin kasi ni Papa na manatili ha hospital. This was more convenient.

Pero sa narinig ko kay Kuya ay dahilan noon para manlamig ang buong katawan ko

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top