Ikadalawampu't Isang Kabanata
Ikadalawampu't Isang Kabanata: Emir Argales
"Novales..." sabi ko nang sumapit ang gabi sa araw ding iyon.
I was already expecting him to call. Kaya hind pa nagdadalwang ring ang tawag niya, nasagot ko na ito. Nasa ibabaw na ako ng kama noon, ang kalahati ng katawan ay natatabunan na ng comforter dahil sa pagkakaupo. Nakayakap din sa ibabaw ko ang unan.
Earlier along the way, I've been rationalizing this through, and little by little, safeguarding myself from whatever might happen. Dala na namin ni Papa ang kuwintas na pinabili ko. Sa huli, napapayag ko rin siya. May dinagdag din akong karagdagang susuotin pero hindi iyon ganoon ka-importante sa akin maliban lang dito sa kuwintas.
I want this to symbolize myself. I am the hollow in this pendant, surrounded by the rays that's ringed around me, as if protecting me like how my father do. Hindi ko alam kung iyon din ba ang makikita ni Novales kung sakaling makita niya ito.
Maiintindihan ko kung hindi dahil talamak naman talaga na ang isang bagay ay puwede mong bigyan ng sarili mong buhay. We have our own persective of life. And to the things we see around us.
Novales took tiny seconds before I could finally hear his voice. Siguro dahil iyon sa signal dahil naging maulan ngayong araw na 'to. It's December already. That's why.
"Kamusta naging biyahe n'yo?"
"Ayos lang. Nakabili na ako ng mga bibilhin ko." I paused but immediately opened my mouth to continue. "I-ikaw? Kamusat naging araw mo? Hindi ako nakakapagreply kanina dahil kay Papa."
"Ayos lang, Vien. I understand. Nag-assignment lang ako," sabi niya.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. I feel like he knew why we're having this gaps between our talks. Hindi ko rin magawang magsalita dahil hindi ko alam papaano sisimulan ang lahat.
Narinig kong huminga siya ng malalim.
I reminded myself to be tough.
Umawang ang labi ko para magsalita.
"Noval... pupunta ako bukas sa plaza. I want to talk to you,"
"Vien," his tone fell. "May problema ba?"
Kinagat ko agad ang labi para itago ang sariling nararamdaman. I suddenly don't know whether I could continue this contrive way just to handle our outcome. Parang may sumakit sa puso ko lalo na nang marinig ko ang pag-iba ng kaniyang tono. Tila nararamdaman na nitong mayroon akong hindi magandang sasabihin.
Ilang sandali akong hindi nakapagsalita dahil sa pagkakatutop ko ng labi.
I can only hear his breathing and some forest insects in his background.
Itutuloy ko ba ito? Hindi ko alam. Malaki ang nakain ng ayaw sa pagitan ng gusto sa loob ng puso ko. My heart somehow is protecting herself from being hurt. But we must conceive of the reality.
"May sasabihin lang ako sa 'yo. At may... ibibigay din ako," I finally said it.
"Hindi ba puwedeng ngayon mo nalang sabihin 'yan?"
Nawalan muli ako ng salita. Because he's right. Puwede ko namang sabihin sa kaniya rito. Pero ayaw ko dahil para sa akin, mas mabuting sabihin sa kaniya ng personal ito. I wanna see how his reaction will be. Not that I'm hoping for him to breakdown or something. But I wanna be there if ever he needs comfort from me. Dahil iyon ang tanging magagawa ko.
Despite that, I also want him to see from me that this decision isn't fully embraced by my heart.
"Vien..." muli kong naibalik ang sarili sa taong kausap ko sa kabilang linya.
"Noval, magkita nalang tayo bukas..."
"May problema ba tayo?"
Napa-iling ako. "W-wala, Noval. Basta magkita nalang tayo sa plaza. Bukas. Kung puwede ka,"
"'Yan ba ang dahilan bakit ka lumamayo?"
Sa panibagong pagkakataon, muli ko na namang natutop ang mga labi. Parang natali na naman ang dila ko dahil sa sinabi niya. He'd probably notice it but for him to tell me directly feels like a palm slapped on my cheeks.
Muli na naman akong nawalan ng idudugtong sa kaniya.
Nararamdaman ko naman siya sa kabilang linya na pinapakinggan ang bawat kilos ko.
I can only hug my pillow tighter. Maybe he can hear the silk fabric crushing against each other.
Isang malalim na paghinga, "Vien, nararamaman kong lumalayo ka na. Bakit? May problema ba tayo? Ako? May pinagseselosan ka ba? Sabihin mo. Please, I wanna know..."
"Noval, bukas na lang tayo mag-usap," I could almost hear my voice crack but thankfully I didn't.
Narinig ko paghugot niya ng panibagong malalim na paghinga. Pati ang pag-igsi ng kaniyang labi ay parang narinig ko rin.
"Sige. Pupunta ako. I can come to your mansion if you'd want me but I know you won't allow me."
"Sa plaza na lang, Noval..." gumalaw ang mata ko para mag-isip kung anong oras. Ngayon ko lang din mas nadama ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Ten in the morning," sabi ko, diretso patay ng cellphone.
Masyado kong inisip ang mga sasabihin sa gabing iyon na halos hindi ako dalawin ng antok kakabuo ng mga salita. I mentally jotted down the pointers for tomorrow. From our family's past, down to the inconsistent 'becauses' na alam kong umiikot lang din pabalik sa nakaraan ng aming pamilya.
Pero walang silbi ang mga iyon paggising ko kinabukasan dahil iilan lang ang mga naaalala ko. Mabigat din ang katawan ko kaya alas nuebe na akong bumangon.
I also received text messages from Novales but I didn't dare open them because I know that sooner or later, I'll back everything down. And his messages will feltirize that growing agony more.
Nine-thirty na ako tuluyang nakababa, bagong ligo, at handa nang kumain ng almusal. Weekend ngayon at kagaya rin kahapon, maulan pa rin sa labas.
Nakapagpaalam na ako kahapon kay Papa na aalis ako ngayon. I've been anticipating this to happen and I was so sure that I asked him even without Novales and I talking about it yesterday.
"Magandang umaga po, Senyorita. Pinapatanong po pala ng iyong Papa kung tuloy ka raw po ngayon?"
Isang kasamabahay ang lumapit sa akin, nakaupo na ako sa lamesa, at kumukuha na ng pagkain para sa sarili. She immediately ran towards me after she noticed. Nag-angat ako sa kaniya ng tingin. Pagkatapos ay napatingin din sa malaking bintana para makuta ang malalakas na patak ng ulan sa labas.
"Oo. Maghihintay kasi ang kaklase ko," sagot ko at muling binaba ang atensyon sa pagkain.
Hindi alam ni Papa ang totoo kong sadya. And I presumed him alining my whereabouts to acads.
"Ah sige po, Senryorita. Akala raw kasi niya na hindi ka matutuloy. Maulan kasi. May bagyo rin yatang parating."
Tumango ako at hinayaan siyang umalis. She came back again to spare me glass of water. Pinababa ko nalang din ang hawak niyang pitsel para 'di na mahirapang magpabalik-balik. Kakailanganin ko rin kasi ng maraming tubig para mas pagaanin ang loob sa mangyayari mamaya.
I've been expecting yesterday for today to at least have good weather but it only turned out worse. And as much as I don't like the weather to blend in with the scene, destiny, I guess, has its own to play.
Umakyat ako sa kuwarto matapos kong kumain. Kinuha ko lang ang kuwintas at agad na bumaba. Sa engrandeng hagdan pa lang, naririnig ko na ang sasakyan na humahalo sa buhos ng ulan sa labas. Mukhang lalakas pa yata ito mamaya.
And I was inside our car when I realized Novales has nothing to protect him against the heavy rain. At ngayon ko lang din tiningnang ang message niya, tuluyan na akong nakababa sa tapat ng RHU ng bayan.
Ang huli niyang text ay ilang minuto lang ang nakalipas.
Novales:
Sa gym kita hihintayin. Nandito ako. Sobrang lakas ng ulan.
Nag-angat ako ng tingin para makita ang labas ng gym. Hindi iyon ganoon kalayo para hindi ko makita ang nag-iisang motor niyang nakahilig sa maliit na tanggapan para makasilong. Wala roon si Noval. Marahil nasa loob.
Binuksan ko na ang payong para lumakad. Sumasabay rin sa bugso ng ulan ang tibok ng aking puso sa kaba. What if Novales pleads? Will he get mad if I still reject him? Pinag-isipan ko na ito kahapon pa pero parang hindi pa rin yata sapat para tuluyan akong maging handa.
I stopped walking after passing three large mahogany trees, where he usually park his old motor, and glanced to know if he's inside the gymnasium. Hindi pa ako tuluyang nakakatawid ng kalsada. Nasa likod ko rin ang gate ng isang Independent Church ng bayan.
Wala akong nakita kaya tumawid ako. But I was on the pebbled part of the entrance when I saw him inside, eyes glaring, directed towards me. Parehong nakasuporta ang kaniyang magkabilang siko sa magkahiwalay na tuhod, and pang-upo ay nakapahinga sa ibabaw ng pinakamababang parte ng hinagdanang bleachers. At kahit may distansya sa pagitan naming dalawa, napansin ko ang pagiging basa ng kaniyang buhok.
Tuluyan na akong pumasok.
"Noval..." panimula ko, hindi pa man tuluyang nakakalapit.
Hindi ako sigurado kung narinig niya ang tawag ko. Malakas din ang buhos ng ulan. Kaya kahit kaming dalawa lang ang nasa loob ng gymnasium, it's spacious enough to gather the heavy rain's loud noises as it scatter the moment they hit the gym's tinned roof.
His eyes didn't break its gaze from mine. Hanggang makalapit na ako ng tuluyan, sumusunod pa rin ito. Nang nasa tapat na, hindi siya gumalaw maliban lang ang kaniyang ulo na umangat para hindi maputol ang tingin nito.
At sa aming dalawa, mas matangkad ako ngayon.
I still waited for his reaction. Pero ilang sandaling bumalot ang ingay ng malakas na ulan, manatili parin siya sa pagiging tahimik, siguro hinahayaan akong sabihin sa kaniya ang anumang sadya ko.
"Noval... we should stop this," bulong ko, nawalan ng tapang.
Bumaling ako para iwasang makita ang mga mata niya. The guilt failed me to handle his predatory eyes. And maybe he has his hint about what's gonna happen between us, kaya wala siyang ibang reaksyong pinapakita.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. He's on his white printed shirt paired with a red jersey shorts. Pareho pala kaming dalawa na hindi masyadong nag-ayos. Nakasuot lang ako ng isang simpleng t-shirt at shorts na kadalasan kong sinusuot tuwing may group projects. At kagaya niya, nakasuot lang din ako ng tsinelas.
"Nabasa ka pala," Napatingin naman ako sa pulang telang napansin sa tabi ng pang-upo niya. How the fabric darkened told me that it's possibly been soaked by the rain. May tubig ding pumapalibot doon.
Muli, naghintay naman ako ng magiging reaksyon niya. Pero kagaya kanina, wala pa rin akong nakuha. It started to terrify me more.
"Sana ipinagpabukas nalang natin 'to. Or y-you should have texted me," humina ang ang boses ko.
Parang wala pa ring narinig si Novales. He continued his silence and I'm starting to think that he's mad.
Nanatili ang pagkakaangat ng kaniyang ulo pero hindi ko pa rin kayang tingnan siya. At kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya, he's making me feel uncomfortable from how he glare at me.
The perception of his eyes, weighing me or something, and I can't afford to retaliate because there's a probable chance my true emotion will spit the moment I directed my eyes at him. Kaya hindi ko rin maigalaw ang tingin ko.
"I thought we're gonna continue this..." sa wakas nagsalita siya. Nagulat pa ako pero hindi ko pinahalata. "Vien, you know how much I love you. How willing I am to sacrifice myself just to prove that to you. O mas higit pa nga!"
"Noval, I'm sorry," I can't contain his consistent eyes.
Hindi rin ako makatingin because I know I'd give in easily. May kaunting humahawak sa puso ko ngayon at hindi ko kayang balewalain iyon lalo pa kung titingin ako sa mga mata niya.
"Vien, hindi pa ba sapat ang ginagawa ko? Every night... I keep on calling you because I'd probably die without hearing you. Gustong gusto kong-"
"Noval, I know, and I'm sorry-"
"-nakakausap ka."
Halos sabay kaming natigilan pareho.
He heard me, the reason why his eyes felt sharper on me.
"Noval... mga bata pa tayo. Alam kong pareho tayong may pangarap para sa isa't isa. But we have to lie this low first." pagpapatuloy ko.
"Why?"
Hindi ako nakasagot agad. Ilang sandali siguro bago ako tuluyang nakapag-isip, umawang na ang mga pabi ko.
"Before we started this, both you and me knew the past of our families... I thought it was clear between us. But I had no idea that we would eventually have..."
"Alam ko." He added immediately. I had to look at him to see his reaction. "Kaya nga isa-sacrifice ko ang sarili ko para rito. Kaya, please, huwag mo akong bitawan, Vien,"
Tumagal ang titig ko sa kaniya.
I can feel my heart shouting but my logic already enveloped my body.
Kahit walang opisyal na kami, alam kong alam namin pareho ang nararamdaman ng isa't isa. And I can't procure myself but to close my eyes. Because the moment I met his hawk eyes pleading, I felt my walls wrecking, making me fall harder for him. Which shouldn't be part of the bill of fare.
Alam ko na ang gagawin ko. Kaya hindi puwedeng ipagpaubaya ko ito para lang sa kagustuhan ng puso ko.
"Vien..." bulong niya.
Marahang sumakop ang malaki niyang kamay sa kamay ko, and straightaway, I opened my eyes to see it. At agad din akong napamura.
Bakit ba pinapahirapan mo ako Novales! I can't stand him looking this way! His damped hair, sorrowful eyes, and hopeful face... I have known him to be tough and brave!
And right now, I can't believe that the connection we've had suddenly is collapsing.
Because of me...
And I feel the pain he's feeling right now.
Pinakita ko sa kaniya kung papaano tumibay ang sikmura ko sa pamamagitan ng pag-iling sa kaniya. May namumuo ring butil ng tubig sa mata ko pero pilit ko pa rin itong tinatago.
Ang hirap.
I'm just containing myself from hugging you!
And I don't know how long my string is, but I can feel that I'm already within its peak!
Pinisil ni Novales ang kamay ko ng marahan habang umiiling ako. Hinayaan ko siyang gawin iyon. Pero ilang minuto ang natapos, mukhang wala yata sa balak niya na bitawan.
I had to slip hand from his hold. Kailangan kong pigilan siya dahil alam kong pareho lang naming mas masasaktan ang isa't isa. Only that I am acting a little tougher than him, but I know this pretension isn't rigid.
Mabilis na humawak ang dalawang kamay ko nang makalaya sa string ng suot kong maliit na bag at agad naalalang may dala ako sa kaniya.
He watched me as I turned my bag. I struggled to open but I was able to do it immediately. Natataranta lang ako pero nahawakan ko agad ang kuwintas sa loob.
I had its box removed since the thing looks expensive already. And I don't want to add another extravagance dahil may kutob akong hindi iyon tatanggapin ni Noval.
Nakatingin siya sa kung anong hawak ko sa loob ng bag nang lumipat ang atensyon ko sa kaniya. Nakakunot ang kaniyang noo pero nang mapansing nakatingin ako, lumipat agad sa 'kin ang atensyon niya.
"Ito pala ang ibibigay ko," I said with hesitance.
I showed him my palm and his eyes darkened before it could climb to see me with disbelief.
"I know we're below the poverty line. Pero hindi ako isang bayarang tao para lang gawin ito. Kaya mong bilhin ang lahat pero kung gusto mong bilhin ang nararamdaman ko, nagkakamali ka." pagalit ang kaniyang tono.
Natigilan ako.
"H-hindi kita binabayaran," pagbawi ko sa naramdaman niyang insulto.
Hindi siya kumibo.
Takot agad ang naghari sa akin dahil ganoon ang naramdaman niya.
"Kailanman hindi ko pinakita ang kung anong pagkakaiba natin. 'Di ko pinadama 'yon! I wanna give this to you because I want you to know that you're dear to me. So much, Noval! And I don't want you to forget me once you agree-"
"Then let's not have this kind of solution, Vien! Mahirap ba 'yon?!"
"Hindi tama kung ipagpatuloy natin 'to ngayon!"
"At ano naman ang tama?! 'Yang maghiwalay tayo, ganoon?!" Bumaba ang tingin niya sa kamay kong hawak ang kuwintas. Alam kong idudugtong sana siya pero hindi niya tinuloy.
"Novales, please, just understand our situation..."
"You should be the one to understand our situation, Vien!" His voice thundered and it shuddered my shoulders.
"Ginagawa ko ang lahat para sa 'ting dalawa! I'm doing my best to hide what I wanted so damn much for you- for us! Dahil alam kong hindi pa puwedeng malaman kung ano ang mayroon tayo! Pero Vien," he stopped to look at me intently. Then his tone changed to pleading when he continued. "Hindi ko inisip na hahantong pala 'to sa ganito! This is so fucking sudden!"
"I-I know... I'm sorry, please,"
"At para ano 'yan?" He threw another glance at my hand.
Inangat ko iyon para ibigay sa kaniya ang nakalaylay na ngayong pendant sa kaniyang lace.
"I want to give this to you... I want you to remember me..."
He smiled without humor in it.
"Tingin mo tatanggapin ko 'yan?" He hissed. "The hell. Nabaliw nga yata talaga ako sa 'yo. We've been together for just a few months. Hindi ko pa nga natitikman mga labi mo, ganitong-ganito ako sa 'yo."
He stood up.
Bigla naman akong na-estatwa nang tumayo siya at nakain ako ng tangkad niya.
"Tama ka nga, masyado ka palang bata. Nabulag ako masyado. Pero tandaan mo," bumaba ang tingin niya sa akin. "Kailan man, hindi ako isang bayaran para sa mamahalin mong mga walang kuwentang bagay."
And without any word from me, he proceeded walking, leaving me alone. Hindi agad bumalik sa akin ang sariling huwisyo. Para akong sinabugan ng kung anong bomba't biglang nag-uunahan ang luha ko sa mga sinabi niya.
Hindi ko narinig ang pag-alis niya dahil sa lakas ng ulan. Nanatili rin ako sa kinatatayuan ko para hayaan ang mga luhang pahupain dahil sa sakit.
I did not realize that he'd get hurt by just this lace. Whatever he's thinking, it wasn't my intention. And if I'd known better, I should just give this to him on a more special occasion.
Mabuti na lang na malaki ang oras na inilaan ko para rito kaya nagkaroon ako ng mahabang pagkakataon para pahupain ang bigat na naramdaman. At kahit na ganoon ang mga sinabi niya, I still had the hope.
Umalis ako bandang alas dose.
The loneliness started hugging me.
At kahit na naging ganoon ang aming tagpo, kinuha ko ang naiwang t-shirt niya para magkaroon man lang ako panibagong idadahilan para makita siya.
"Kuya, punta muna tayo sa Central," sabi ko sa driver namin, sa wakas ay nagkaroon na, ilang araw na ang nakakalipas matapos manalasa ang malakas na bagyong iyon.
Pero pansamantala lang ito dahil nagkaroon ng problema ang sasakyan nina Adonnis. Siguro pagpatak ng January sa susunod na taon, babalik muli ako sa dati.
Papunta kami ngayon sa Hulatan Central School, ang elementary school ng bayan, dahil may hinahanap ako. Diretso lang ang kalsada pakaliwa mula sa campus namin kaya mabilis kaming nakarating.
Sandali lang naman kami rito.
"Dito lang ako maghihintay, Senyorita," narinig ko ang driver bago ko tuluyang nasarado ang likod ng pinto.
All of the elementary people's attention turned at me. Mga nasa labas sila ng campus kaya wala akong nilingon at tuluyan pumasok sa hindi guwardiyadong gate.
"Puwede po bang magtanong? Kilala niyo po ba si Emir Argales?"
"Argales ba?" Balik na tanong ng isang gurong nakasalubong ko.
Tumango ako.
Today was an early exit from an examination for us grade sevent students. Narinig ko sa mga kaklaseng para raw malaman ang performance ng bawat studyante bago ang panibagong quarter. May iba namang nagsabing para raw ma-check ang effectivity ng school teacher. Pero alin man doon, ginawa ko itong pagkakataon para sa pinlano ko nitong nakaraang araw.
I must give this necklace to Novales before we head for Manila during the Christmas Holidays. May sinulat din akong papel pero hahayaan ko na siyang mabasa ang nasa loob noon. Ang kailangan ko lang ngayon ay ang mahanap ang kapatid niya rito.
Tinuro ako ng teacher sa pinakaunang classroom sa kaliwa ko. Binilinan niya rin akong magtanong-tanong kaya iyon ang ginawa ko nang makarating.
The elementary campus is wider than compared to ours. Malawak ang lawn field nito at nakatayo sa gita ang isang matangkas na pole. The flag above it is dancing along the wind.
"Nasa may mabolo sila ngayon," turo sa akin ng isang siguro ay kaklase niyang napagtanungan ko.
Sinunod ko ang tinuturo ng kaniyang daliri.
Nakita ko agad si Emir na nasa ilalim ng isang matabang puno, nakatayo at may mga kasama siya. A blond guy is noticeable along with him, together with some few boys, probably his group of friends. And all of them were looking at me.
Nakita kong kumaway si Emir nang magkatinginan kami.
I smiled and decided to cross the lawn to go near him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top