Ikaapatnapu't Tatlong Kabanata
Ikaapatnapu't Tatlong Kabanata: Want
Hindi na ako nagsalita matapos sabihin 'yon. Maging si Kuya ay nanahimik.
Naging abala ang mata ko sa kalsada. Kahit papaano, hindi ko maitago ang nararamdamang kaba. Even the calm green pasture surrounding our road failed to level my worry. Or at least they're on mediocre verges.
Pero binabalik ko sa isipan ko ang kailangan kong sabihin sa Papa.
Kung sakali ngang tama ang sinabi ni Novales tungkol sa Samuelle na 'yon, kailangan kong ipagdiinan sa kaniya na hindi ko itutuloy ang anumang kagusutuhan niyang iyon.
And with those thoughts, I remembered something that Novales' mother had told me before. Bigla nalang iyon lumabas sa utak ko na hindi ko na kailangang maghalughog. If I remember it right, sa sinabi ni Tita Zenaidda, tinuturo silang may sala sa pagkawala ni Mama. I forgot the whole story. But something about it rings a bell in me.
Isa rin kaya 'yon sa dahilan kung bakit gustong patayin ni Papa si Tito Alexander? Pero bakit sinabi ni Kuya na may kinuha noon ang mga Argales kay Papa? Or maybe it was Tito Alexander then? That he did something to him? Or to my mother?
Pinilig ko ang ulo nang napansin ang pagkakatulala ko.
Mabuti na lang malaya ang kalsada at wala akong may mababangga.
Binalingan ko pa si Kuya at mabuti nalang hindi niya napansin iyon.
When we reached the gates of our mansion, two guards opened them then guided me to the bermuda parking. Nagtagal pa ang tingin ko sa kanila dahil wala naman akong naalalang nag-hire sila ng guard.
Ilang sandali pa ay tinapakan ko na ang gas para ma-igiya ang sasakyan. Isang van din ang napansin ko pero alam kong amin iyon.
Binalingan ko si Kuya pagka-patay ko na ang makina.
"Kakausapin ko si Papa," sabi ko.
"I have to talk to him first-"
"Kakausapin ko si Papa, Kuya!"
"Vien, hindi mo mapipigilan ang Papa sa desisyon niya-"
"Kakausapin ko siya!" sabi ko at binuksan na ang pinto.
Diretso ako sa paghakbang papasok. Sunod kong narinig ang paglabas ni Kuya at inasahan ko agad na pipigilan niya ako. Pero nakapasok na ako sa baitang ng terasa ay hindi ko naramdaman ang pahila niya.
I looked back on my shoulder to see him. Nakatingin siya sa akin pero marahan lang ang lakad niya. I then proceeded to go on.
Pagpasok ko sa living ay isang kasambahay agad ang nakita ko.
"Si Papa?"
Nakaupo ang kasambahay at mukhang pinupunasan ang muwebles sa engrandeng hagdan. When I asked her that, nagulat ko pa yata dahil napatalon ang balikat niya.
"Ah! M-ma'am Vien!" naibalik niya agad ang sarili mula sa disposisyon. "Ma'am, Vien, kayo po pala! Ang inyong Papa po ba?"
Before my eyes decided to look at her, my head's attention was on the whole living. At nang walang may nakitang Papa, saka ko tinuon ang atensyon sa kaniya.
"Nasa taas ba sila?"
Umiling siya. "Naku, Ma'am! Wala po roong tao! Nasa Bonifacio po sila ngayon!"
"Aling Julia?"
"Kasama rin po siya,"
Binalingan ko si Kuya.
He's just observing me. At mukhang alam niya 'atang wala rito ang ama.
Kaya ko namang hintayin siya. Kaya puwede akong manatili lang muna rito pansamantala. When the househelp offered me some juice, I took that chance to follow her through the kitchen.
Sobrang bata pa ang oras para sa hapon. Kung mamaya pa ang dating nina Papa, magkukulong lang muna ako sa kuwarto ko sa taas. And I couldn't even welcome the small changes in our mansion! Kung wala lang siguro akong problema ngayon ay puwede pa. Lalo na ang bagong portrait sa gitna ng engrandeng hagdan.
Kaming magkakapatid ang naroon. Si Papa at ang Mama naman ay nasa gitna. Though I knew that the portrait's imposible. But it seemed realistic dahil mukhang buhay na buhay si Mama sa pinta.
Naupo ako sa palaging puwesto sa mahabang lamesa.
"Narito pa ba ang mga bisita ni Papa?" tanong ko sa bagong kasambahay nang ilapag nito sa harapan ko ang baso.
"'Yong mag-ama po? Palagi po silang bumibisita rito, Senyorita Vien. Ngayon, kasama ng Senyor ang ama ng binata, ipapakita siguro ang dam sa Daguitan."
Biglang tumalim ang dalawang kilay ko.
"At mukhang kayo nga ho talaga ang sadya rito ng dalawa. Ayon din kasi sa narinig ko sa inyong Papa at kay Senyorito Lhanz." " Nahuli ko pa ang pagtalon ng mata niya sa may lagusan papuntang living. And she even leaned closer to let me hear her almost whisper.
Dumating ang hapon, nasa kama ko ako, kakagising lang.
My afternoon was dull. Ang anak ni Kuya ay wala rito at malaking pasalamat ko iyon dahil nakakahiya na marinig ni Ate Anna ang anumang mangyayari mamaya.
Umayos ako sa pagkakahiga nang marinig ang ingay sa labas ng bintana. At hindi ko alam papaano agad na rumehistro sa utak ang planong kausapin si Papa. Ni hindi ko na kinailanga pang buhayin ang sarili.
"Nasa kuwarto niya," naririnig ko si Kuya.
Their footsteps crushing on the pebbles reached my ears. Naisip ko agad na palapit na sila sa terasa.
Tuluyan na akong umahon para maabangan sila sa may hagdanan. At noong hinahakbang ko na ang mga baitang, ang mga tingin ko nasa may bukana agad kung saan naroon si Papa at ang dalawang lalaki. I immediately recognized the older one.
Kung tama ang hula ko, huli ko siyang nakita noong graduation ko. Naalala ko iyon kaya agaran din ang pagbulusok ng napag-usapan noon! Tungkol kay Samuelle! Na ngayon ay nasa likod na ni Papa, katabi ni Kuya!
"Jaivien! Hija! I've been worried about you!" si papa na umamba agad ang dalawang braso para yakapin ako kahit 'di pa tuluyang nakakababa ng hagdanan.
Instead of directing my eyes towards him, they flew to the guy next to my brother. Mabilis din ang utak sa pagkumpara ko sa kaniya kay Novales. This guy only has expensive skin but I know he's way farther from what my man has. May itsura rin naman ang lalaking ito pero sobrang layo nito sa tipo ko.
"Hija!" humalik si Papa nang makalapit. I let him. Agad niya rin akong binitawan. "This is your Tito Francis! I hope you remember him! At nandito na ngayon ang anak niya-"
"I remember him Papa." Lumihis ang mata ko kay Kuya, hindi iniisip ang mga bisita. "Papa, it's just that... I have to tell you something regarding this..."
Ang ngiti sa kaniyang mga mata ay biglang naglaho tila alam niya ang sasabihin ko. Siguro sa mga kabang naramdaman ko kanina, ngayon, tila namanhid na yata ang puso ko nang magtapang-tapangan ako.
"'Yong tayong dalawa lang po sana."
"Vien." I heard Kuya from Papa's behind.
Parang wala na akong narinig.
Ang mga mata ko ay hindi nawalay ang atensyon sa ama kaya kita ko ang pagbabago ng ekspresyon nito. Numipis ang kaniyang labi at maging ang paggalaw ng lalamunan niya ay napansin ko rin.
"I'll have to talk to my daughter first, Francis. We'll be back immediately."
Tumalikod agad ako para igiya si Papa sa taas.
Narinig ko naman ang pagsunod niya noong inaakyat ko na ang mga baitang. I felt confident at that time. Hanggang tuluyan na naming narating ang ikalawang palapag. At imbes na doon manatili, naisipan kong dumiretso sa study. Wala naman siyang naging reklamo dahil marahil iniisip din niyang huwag marinig ang anumang pag uusapan.
Ako ang nagbukas ng pinto. At nang makapasok, agad siyang nagsalita.
"Vien, your brother has told me everything. I know what you were doing with that boy Argales pero ayaw kong madismaya sa 'yo." His voice was calm but the emphasis were evident.
"I've been looking up to you Papa pero I'm sorry. Hindi ko gagawin ang gusto mo."
"Kailangan mong lubayan ang lalaking iyon!"
Umiling ako ng marahas. "No! Papa, noon pa man, sinabi ko na sa 'yo na hindi ko gagawin ang ganito! You don't own my heart! I conceive my own emotions! Lahat ng ito ay kaligayahan ko! Even if means marrying someone off your standard!"
Halos mabingi ako nang sampalin ako ni Papa. My head even followed to the direction of his slap.
"'Yan ba ang natutunan mo sa lalaking iyon, ha?! I never raised you to be so disrespectful! At hindi kita pinalaki na tumatanggi sa utos ko!"
"Papa! Kailanman ay hindi ko sinuway ang mga gusto ninyo! I was even cagde and I let you because that's what I think was right! Pero iba na ngayon dahil alam ko ang mga gusto ko!"
Tears suddenly pooled behind my eyes. Bumigat ang puso ko dahil kailanman ay hindi ko inisip na kayang gawin ito ng mga taong malapit sa aking puso. I didn't imagine them going this far. Lalo na si Papa.
Nanatili ang ulo ko sa direksyon ng sampal ni Papa. I couldn't look back because I know my tears will fall if I do that.
We never got our argument to go this far. Tama nga siya na hindi ako kailanman nagtataas ng boses. Pero sobra na ang ganito. Lalo na dahil may kutob akong may iba pang dahilan bakit ganito.
The door opened at sabay pa kaming bumaling ni Papa kay Kuya. Ako ang unang nasalubong ng kaniyang mata.
"I'm not going to marry that Samuelle Papa. You can't push me." sabi ko at naglakad palapit sa pinto para sana umalis na pero pinigilan ako ni Kuya. He blocked the doorway using his body.
Ayaw ko namang itulak siya kaya napahinto rin ako.
He eyed me intently.
"Kuya babalik na ako sa syudad." tugon ko sa kaniya.
"Vien, marrying Tito Francis's son will help you and your future. Kumpara sa Argales na iyon, may ibubuga ang anak ni Tito, Vien,"
"Wala akong pakealam."
I know soon that I'll regret disrespecting them. Nagagawa ko ito dahil sa galit sa puso ko sa kanila. And the respect I have for them got pushed away.
Pero sumanib ang takot sa katawan ko nang makita ko ang pagdiin ng panga ni Kuya. At parang kuryenteng gumising sa utak ko na mali ang nasabi ko. Hindi ako nakagalaw. At nang marahas niyang abutin ang braso ko, hinila niya ako para maibalik sa dating puwesto.
"Don't you understand?! We are doing this for your own fucking good! And where the hell did you fucking get that attitude?! From him?!"
"K-Kuya! N-No!" Hindi ko napigilan ang pag nginig ng boses. "It's just that... this, this makes no sense! Hindi ko maintindihan bakit kailangan pa ng ganito! At hindi ko alam ang gagawin dahil alam ko na sa dulo nito ay mapapasunod ninyo ako!"
Tuluyan nang nagsilandasan ang aking mga luha. Parang pinipiga ang puso ko na gusto na nitong malusaw sa sakit. Sa sakit dahil totoong sa dulo, kung mas pilitin pa nila ako, posibleng mapasunod ako. Dahil alam kong mahina ako. At hindi ko kayang panindigan ang galit na mabubuo sa pamilya ko.
"I can't understand you! I've been begging you na hindi ko kailangan ng isang mayaman! At wala akong pakealam kung mamuhay ako sa damuhan! Because no matter how damn wealthy that man is if there's no emotional attachment between us, lungkot lang ang isusukli nito! Sakit lang ang magiging bunga ng ganito!"
Malabo ang mga mata ko sa luha nang igiit ko iyon. I couldn't control the pouring of my heart. Punong puno ng luha ang mga mata ko na hindi na nito kayang magpapigil pa.
Ngunit kahit na ganoon, minabuti ko pa ring tutukan si Kuya. Hoping to see glinches of what I said. Na kahit papaano, maliwanagan siya sa nararamdaman ko.
I know he's in deeply in love to Ate Anna right now. And he has gone through a more painful one relationship than me. Kaya dapat ay alam niya ang mararamdaman ko sa ganito.
The room then got silent.
Humugot ako ng hangin nang may nakawalang hikbi.
Hindi ko matingnan si Papa dahil nasa likod siya ni Kuya. But behind my thoughts, I prayed that from what I said, he understood every words that I crave. That somehow, bright rays of light felt his pitch black emotions.
"Babalik ako ngayon sa syudad para kausapin si Novales. We'll talk this through and eventually, hopefully, you'll allow us to finally be introduced."
Nalagpasan ko ang tagpong iyon nang hindi hinahabol nino man. Mabuti na rin pagbaba ko na walang mag-ama na naka-abang sa living. Because they'll wonder about what happened.
Dumiretso ako sa sasakyan. Pagbukas ng guwardya sa gate ay pinaharurot ko agad ito sa kalsada.
"N-Novales? C-can I come to you?"
Lumalandas pa rin ang mga luha sa pisngi ko. Palagi akong napapamura dahil iniisip ko naman ang maaring mangyari kung sakaling hindi lumambot ang puso nina Papa. And I know driving like this is dangerous.
"Huh? Are you crying? Nasaan ka? I texted you but you didn't reply. I just thought you were busy."
"Pabalik ako sa syudad."
"Nasa bahay ako nina Mama. You can come here if you want. Sasabihan ko sila."
Naikagat ko ang mga labi.
Hindi ko alam kung kaya ko pa bang dagdagan ang problemang nakaharap kanina. Would I calm if I'll let myself be with Novales's family?
"I-Im sorry. Uh, just take your time. I'll be in my condo. Sorry hindi ko napansin ang text mo."
I ended the call then focused to my driving. Luckily I got home safely. Pero nagulat ako nang paglabas ko sa pinto ay ang pagdating naman ng Ford ni Noval. Napasunod pa ang ulo ko sa kaniya hanggang makahanap ito ng puwesto.
My tears were already dried. Pero halata pa rin ang mga labi nito nang silipin ko ang sarili sa salamin.
Sa may hood ng sasakyan ako naghintay sa kaniya nang makita ang paglabas niya.
"Where were you?"
"Ba't mo iniwan ang mga magulang mo?"
"Babalik din ako. I got worried. You ended our call without even telling me what happened. Anong nangyari?"
Pumasok kami. I told him everything along the way.
"Nag-aalala lang ako dahil papaano kung ayaw nila? What will I do? At natatakot din ako na baka may gawin sila sa inyo."
Sinamahan ako ni Novales sa couch. Nasa tabi ko siya pinapakinggan ang mga sinasabi ko. He's just silent and probably thinking every details my lips would say.
Nag-aalala ang mga matang inangat ko ang tingin sa kaniya.
His eyes were serious. Tila tugma ang naisip na iniipon ang mga sinabi ko.
Gumalaw ang kaniyang mata para tingnan ako.
"I'll face them." sabi niya.
Lumaki ang mga mata ko.
"Papaano kung saktan ka nila?" hindi ko maitago ang takot.
"E 'di saktan nila ako. If that's the only way to prove them how willing I am to sacrifice myself for their acceptance, so be it."
Nanatili si Novales sa condo ng ilang oras. Nag-aagaw na pa lang ang dilim at liwanag noong narating ko kanina ang unit. Pero ngayon, alam kong wala na ang natural na liwanag sa labas.
May katawag siya sa tabi ko. At base sa naririnig ko sa pag-uusap nila, alam kong ang kaniyang mama ang kausap niya.
"I'll stay here for tonight... Oo–Babawi na lang ako sa susunod,"
Sa sinabi niya, nakuha nito ang atensyon ko.
My head turned see him.
Habang nakikinig sa kausap sa phone, gumalaw ang mata niya para tingnan ako.
I showed him my disapproving glare.
"Uh, hindi ako sigurado. Baka mahiya siya–okay, okay!"
Nilayo ni Novales ang phone.
"Nagtatanong si Mama. Gusto ka niyang sumama ngayon para sa kaarawan niya. She wants to see you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top