Ikaapatnapu't Apat na Kabanata

Ikaapatnapu't Apat na Kabanata: Dulo


Ginamit namin ang sasakyan ni Novales. At sa totoo lang, papunta pa lang kami, 'di ko na maitago ang kaba ko.

Lahat ng pangamba sa puso ko ay naipon dahil sa nangyari kanina. Para bang yumayakap ito ngayon dahil alam nitong pupunta kami sa mga magulang ni Novales. At hindi ko alam kung ano ang gagawing reaksyon 'pag makaharap ko sila.

I remember what my brother said. Hindi ko makakalimutan iyon lalo na dahil nagpapagulo sa isip ko iyon. Idagdag pa ang sinabi ni Novales tungkol sa mga magulang namin.

Maybe I'll find answers from them and understand why they are against us.

Pero kung tinuturing na kasalanan iyon ng mga Argales laban sa pamilya ko, dapat hindi sila pumapayag na makipagkita si Novales sa akin. They should reprimand him repeatedly.

Napalingon ako sa katabi, kasalukuyan pa rin kaming nasa loob ng sasakyan, papunta sa bahay ng kaniyang mga magulang.

Kaarawan ng Mama niya pero wala man lang akong dalang regalo.

"You look nervous. Don't worry," si Novales nang nalagpasan namin ang isang pulang ilaw. Inabot niya rin ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng hita.

"Marami lang akong iniisip." Galing sa nakapatong niyang kamay, umakyat ang tingin ko sa kaniyang mga mata. "I still don't have the confidence to meet your... parents. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang reaksyong gagawin."

Silence came. And I thought he's not going to add something but the silence immediately died.

"Uh-huh. Pero matagal na akong kinukulit ni Mama na bisitahin ka. Gusto niyang... sumama sa akin 'pag pumupunta ako sa condo mo. Aksidente ko kasing nasabi sa kanila ang tungkol sa atin,"

I don't know but the hesitation in his voice told me he's guilty. Hindi na ako nagulat doon dahil halata naman sa paraan ng pakikipag-usap niya kanina. At hindi ko na rin pinansin nang ibigay sa akin ni Novales ang phone para kausapin naman ako ng kaniyang Mama.

Ako naman ang hindi nagsalita.

Bumalik na sa harap ang mata ko at naramdaman ko pa ang paglingon niya sa akin.

"Sorry,"

"It's fine. Mabuti nga sila walang problema," binalik ko ulit ang mata sa kaniya. "I hope father and Kuya realized what I said."

"Don't worry. Kakausapin ko ang Papa–si Tito Veril, bukas."

"S-sigurado ka ba talaga?" Because I don't know if they'll want to see you!

Tumango siya. "Bukas."

Half of me wants to stop him. But I also need to prove my words to them. Na hindi na nila ako, kami, mapipigilan. Maybe through the years that we've been through, and the time we took from being away from each other, built this foundation that can't never be wrecked by strong winds.

Ilang sandali ay humina ang takbo ng sasakyan. Nakita ko rin sa harap ang isang eskinita at sa ibabaw nito ay ang pangalan ng subdivision.

Medyo malayo na kami sa downtown pero alam kong Tacloban area pa rin ito. Nang tuluyan nang inikot ni Novales ang manibela, ang mga mata ko ay nasa magagarang bahay na malalaki ang agwat sa isa't isa. Despite the gates, the height allowed me to see its beauty.

At habang nakatingin ako sa mga magagandang bahay, hindi napigilan ng isip na magtanong. Did he buy his parent's house? Hindi naman sa nagdududa ako sa perang natatanggap niya bilang isang empleyado ng firm nina Nelsa, pero hindi pa siya nag-iisang taon.

Naalala ko pa ang wallet na kapareho nina Kuya.

Binalik ko ang tingin sa kaniya.

The Ford was running at a slow pace he's able to look back at me.

"Malapit na tayo," aniya.

"Noval, where do you get your money? I mean, I know you're paid well, pero..." binawi ko ang tingin dahil nakaramdam agad ng pagdadalawang-isip. "Napansin ko kasi na sobra pa ang halaga ng mga gamit mo roon,"

"What do you mean?"

Hindi ko inaasahan ang paglabas ng munting halakhak sa kaniya kaya muli rin ang pagbalik ng atensyon ko.

"Sa tingin mo ba magwawaldas ako ng pera? I've experience the worst!"

"Alam mo naman na naiintindihan ko na gusto mong ma-achieve ang 'yong mga gusto–itong mga narating mo ngayon. Pero if you're doing this to impress me," umiling ako. "Or even for my family, Novales, hindi mo kailangan ng ganito. Dahil gusto na kita kung anong mayroon ka noon pa."

"Then you need to like me now for being well off, Vien."

I watched him looked at me with something in his eyes. Nitong mga nakaraang araw na palagi kaming nagsasama ni Novales, nababasa ko ngayon sa kaniyang mata ang pagyayabang.

Nag-iwas ako ng tingin sa pamamagitan ng pag-irap.

Saka ko lang din napansin na nakahinto na pala ang sasakyan. Kaya muli rin akong tumingin sa kaniya para itanong sana kung narito na ba kami pero naroon pa rin sa kaniyang mukha ang itsura.

"Novales."

Inangat niya ang kamay ko para iabot sa kaniyang labi.

"Baby, I never dreamed of having everything I have. The only thing I know is I needed to get you back. I needed us to be back. No matter what."

Hindi ko naitago ang emosyong agad yumakap sa puso ko nang maramdaman ko ang lambot ng labi niya sa likod ng palad. He didn't let me go immediately. His eyes climbed to see my reaction and all I could do is to bite my lips as if whatever's in my eyes will be covered.

"Lahat ng hirap na pinagdaanan ko para lang makita ka ay sulit pala." he whispered. "Damn. Good thing Nelsa tied that fucker."

Nang sinabi niya iyon, lumaki ang mga mata ko.

"Wait? Totoo pala na ikaw ang nakita ko noon sa school? Sa Saint Paul?"

Kaniyang mga mata naman ang nanlaki. Hindi dahil sa gulat, kun 'di dahil sa galak.

Binawi ko ang kamay at hirap siya ng maayos.

"So, totoo nga?"

My head immediately assumed he took his law degree in my school. Marami agad akong mga pinagsisihang hindi ko man lang inisip na marahil nga ganoon. Pero naiintindihan ko naman dahil sa isip ko noon ay imposible.

Wala siyang pera noon kaya malayong magkaroon ako ng ganong kungklusyon.

Nabaling ang atensyon namin pareho nang marinig ang katok sa bintana ni Novales.

Madilim pero may street light sa malayong harapan. Kita ko ang anino ng isang lalaki na mukhang ang kapatid niya siguro.

"Tsk." I heard Novales before opening the door.

Binuksan ko na rin ang akin ngunit narinig ko pang nagtanong ang siguro'y kapatid niya. Medyo hindi ko pa sigurado dahil sosbrang tagal na ng huli naming pagkikita ng kapatid niya. And this man is the height with Novales now. Kalkula ko noong nakita ko siyang kumakatok kanina.

"Naghihintay na sila sa loob. Kanina ka pa narinig na nagpark."

Nakababa na ako.

Bago mapunta ang atensyon sa dalawa, nahuli pa ng mata ang magandang bahay na sunod sa modernong mga estilo ngayon. Nakabukas ang may kalakhang gate na hindi ko napansin kanina at agad ding timindig ang hiya ko dahil hindi ko man lang napansin na bukas pala ang gate na ito.

Though the house is incomparable from our mansion, pero maganda rin ito at nagsusumigaw ng karangyaan.

Saka na nahulog ang mata ko nang kumaway sa akin ang lalaki. Na agad ko ring nakilala na si Emir, ang nakababata niyang kapatid.

"Hi! Kanina pa kayo hinihintay sa loob. " si Emir sa akin, naglalakad na ako palapit.

Agad naman siyang tinulak sa balikat ni Novales. Na ikinaluwang ng mata ko.

"Doon ka na nga!"

"Novales! O-oo! Thank you! Papasok na kami!"

Hinawakan ko agad ang braso niya.

At imbes na indahin ang ginawa, humalakhak lang si Emir at bumulong-bulong pero halatang pinaparinig kay Novales.

"Sus. Takot talaga." 'Tsaka naglakad papasok.

Diretso ang kamay ni Novales sa baiwang ko nang makalapit. Yuyuko pa sana siya para dampian ako ng halik pero inilag ko ang pisngi. Nakakahiya! Dito pa kung saan nasa bahay kami ng kaniyang magulang!

"Tara na." sambit ko.

Nang malagpasan namin ang maliit na hardin, pagpasok namin ay nakita ko agad ang malaking lamesa sa bandang unahan na pinapalibutan ng mga magulang ni Novales. Kakalapit lang naman ni Emir.

Maliwanag ang loob dahil sa malaking chandelier. Saka ko lang din napagtanto na magkarugtong ang living area at ang dining kaya mas malawak tingnan ang buong espasyo.

Unang nagkasalubong ang mga mata namin ng Mama ni Novales. Kinabahan agad ako dahil kakalapit palang namin. At ramdam ko naman ang init ni Novales sa likod ko pero parang nalayo siya sa akin nang makita ko ang mga mata ng Mama niya.

She smiled. "Hija, umupo ka na."

Parang tinik na nawala sa puso ko ang sinabi ng kaniyang Mama.

I tried to lift my face but I knew my emotions were already mirrored.

"Happy birthday po... Tita. Hindi ko po alam na... ngayon ang kaarawan mo, 'di po ako nakabili ng regalo para sa 'yo."

Ihinagis niya ang sinabi ko sa pamamagitan ng pagkaway. At sa paraan ng pagtawa niya ay naramdaman ko kahit papaano na ayos lang na wala akong nabiling regali.

"Naku! Ano ka ba, hija? Umupo ka na para makakain na tayo." halakhak niya.

Everyone settled at the table.

Tinulungan ako ni Novales na maupo sa upuan. Siya rin ang katabi ko at kaharan naman namin si Emir at ang kanilang Mama. Sa kabisera ay ang Tito Alexander na hindi ko pa kayang tingnan sa mga mata dahil naalala ko ang sinabi sa akin ni Novales noon na ginawa sa kaniya ng Papa.

I am nervous. I can't deny that.

Pero ramdam ko rin ang pagtanggap sa akin ni Tita Zenaidda sa mga ngiti niya at tanong-tanong.

"Marami ang pagkain sa hapag. May maliit na care sa gitna at iilang putahe na siguro ay lutong bahay lang din. And to mind that looking at them crumbles my stomach from hunger.

Tinulungan ako ni Novales na lagyan ng pagkain ang plato ko. Hiyang-hiya pa ako sa pagiging ganoon niya lalo na dahil nakikita ko sa mga mata ng kapatid niya ang pagbibiro.

"Ayos na ako nito." paalam ko dahil gusto niya sanang lagyan ng chicken meat ang plato ko.

"How about this?" Inangat niya ang isang deep fried pata.

Tiningnan ko pa ang mga mata ng lahat bago tuluyang sumagot.

"A little lang." bulong ko.

When we started our dinner, there were no maids so everything must be done by yourself. Hindi naman iyon bago sa akin pero si Novales ay nagmumukhang alila ko dahil siya ang palaging nagbibigay sa anumang gusto ko.

Bumibigat tuloy ang hiya ko. Alam kong hindi siya ganito sa harap ng magulang niya pero ginagawa niya ngayon.

"Hayaan mo na." si Tita Zenaidda nang tumayo si Novales para malagyan ng tubig ang baso ko.

Pinamulahan ako ng mukha. Hindi ko na kailangang kumpirmahin dahil ang hiya at kaba ay patunay na iyon ang resulta.

Kinagat ko ang labi ko. "Pasensya na po."

Natapos ang dinner. Nagkaroon saglit ng kaunting usapan tungkol sa mga gagawin. Natanong din ako ng ilang beses saka nagtuloy-tuloy ang lahat.

When the men decided to do a drink in the balcony, I was left alone with Tita Zenaidda. Inanyayahan pa ako ni Novales na sumama na lang sa kaniya pero naisipan kong tulungan muna ang kaniyang Mama dahil naabutan ko itong magliligpit.

"Ayos lang na ako na ang gumawa nito. Hindi mo na kailangang tumulong."

I was helping her cleaning the dishes that were left on the table. Dinala na nina Emir ang iba pero mayroon pang natira. Inunahan ko lang si Tita Zenaidda na makuha iyon.

Umangat ang mata ko sa kaniya.

Kasalukuyan kong iniipon ang platong nalinis.

Ngumiti ako. "Ayos lang po, Tita. Ginagawa ko rin naman ito minsan sa sarili kong condo."

"Kahit na. Alam kong hindi ka sanay sa trabaho."

"Ayos lang po."

Pinahintulutan niya akong tumulong sa kaniya.

The kitchen sink isn't that far from the dining. Lalo pa dahil mukhang naka-disenyo ang bahay upang maging accessible ang lahat. At noong natapos na kami sa mga liligpitin sa mesa, nagpasya akong samahan nalang ang ginang.

Siya na ang gumawa ng trabaho sa sink. Nanatili naman ako, pinapanood siya sa ginagawa. Noong una ay tahimik pa kami pareho. Dalawang beses din na bumalik si Novales para kamustahin kami pero bukod doon ay wala na.

"Tinatanong ko si Novales tungkol sa relasyon ninyo. Medyo sapilitan pa ang pagpapayag sa kaniya na kausapin kita pero mabuti at pumayag ka agad na pumunta rito."

"P-Po?" hindi ko inaasahan iyon.

Kasalukuyan nang binabanlawan ang mga plato. Pinatay niya ang gripo saka hinarap ako.

Hindi ako sigurado kung posible ba ito, pero nabasa ko sa kaniyang mga mata ang awa para sa aming dalawa. Which made me wrap my heart instantly.

"Alam ko na noon pa na may problema sa pagitan namin ng inyong Papa. Ako, kay Gaverillo."

Na-estatwa ako. Bigla kong naalala ang sinabi ni Novales nitong nakaraang araw. My thoughts rushed to find that core.

"Noong mga bata pa lang kayo, nang malaman ko ang tungkol sa pagkakagusto ni Novales sa 'yo ay hindi ko na maitago ang pangamba para sa kaniya. Napagalitan din siya ni Alexander dahil alam niyang may mangyayari kung sakaling ituloy niya ang nararamdaman para sa 'yo-"

"Nasabi po sa akin ni Novales ang ginawa ni Papa noon sa inyo."

Natigilan siya sa sinabi ko.

Nakita ko na hindi niya siguro inaasahan na malalaman ko ang tungkol doon. O marahil ay sasabihin ko na alam ko ang tungkol doon pero hindi niya alam na si Novales ang magsasabi sa akin.

"Wala po akong ideya sa nangyari pero I'm sorry for what father did. Lalo na po kay Tito Alexander."

Inalis niya ang tingin sa akin sa pamamagitan ng pagbaba ng mata sa may sink.

Tumahimik din ako para makiramdam sa kaniya.

Kahit na hindi na sa akin ang tingin nito, nakikita ko na nag-aalala ang mata niya. I tried to look at her features deeply as if connecting the dots I have been having inside me but I come up to only see her worry.

Parang liwanag naman na bumalik sa alaala ko ang kuwento niya sa akin noon. Na naging kasambahay sila ng mga Sullivan. Na sila ang sinasala ni Papa sa pagkawala ni Mama.

"Nagkausap po kami kanina sa mansyon..."

Binalik niya ang pagbaling ng ulo sa akin.

Nagpatuloy ako.

"They were initiating me to marry someone. Pero I declined. I told them I will never marry a man I don't love. At alam nila na si Novales ang lalaking gusto ko. Pero may sinabi si Kuya na hindi ko naintindihan."

I stopped to inhale.

Tumatango sa harap ko si Tita na para bang binabaon niya sa utak ang sinasabi ko.

At ngayon na naalala ko ang kuwento niya, I tried to connect them but decided to give the benefit of the doubt. Dahil alam kong imposible na gawin nila iyon at maging marupok si Papa para lang sa isang nanakawing pera o anuman sa mga Sullivan.

I told her my thoughts. I also decided to give her my doubts and seek answers from her point of view.

Walang matingong impormasyon ang lalabas sa taong may tinanom na galit sa iyo. Kaya ngayong nakikita kong malaya sa ganoong kalooban si TIta Zenaidda, alam kong sasabihin niya sa akin ang impormasyon. Lalo na dahil sinabi rin niyang gusto niyang kausapin si Papa para maliwanagan siya.

Dahil totoong naliwanagan ako noong kinuwento niya sa akin ang nangyari noon.

"Bago pa lang si Gaverillo sa Hulatan noon, sinabi niya na sa akin na gusto niya ako. Noong una, hindi ako naniwala dahil imposible ang ganoon. Lalo na dahil amo ko siya at mayaman siya."

Parang pandikit ang atensyon kong agad yumakap sa mga salita ni Tita Zenaidda.

"Pero kalaunan, hindi ko rin napigilan ang sariling magkagusto sa kaniya. Kahit ngayon, halata pa rin na guwapo ang iyong papa. Kaya malayong walang babaeng hindi magkakagusto sa kaniya. Kaya lang, sinabihan ko siya na dapat itago namin ang relasyon. Dahil alam ko..." She paused then the way she looked at me in the eyes felt something. They were telling something.

Ang tanging ginawa ko na lang siguro ay ang ikagat ang labi para pakinggan ang sasabihin niya pa.

The heaviness through her inhales were pinching me. "Alam ko na ang kaniyang Papa–ang 'yong Lolo, ay pinapatanggal ang empleyadong may hindi magandang ginagawa sa kanilang puder. At alam kong mali na magkaroon ng relasyon sa anak niya." She stopped then smiled.

Ramdam ko ang pag-apaw ng awa dahil kitang kita ko kung papaano sumasalungat sa kaniayng ngiti ang ekspresyon ng mga mata.

But instead of saying something, I remained silent to listen.

"Isang araw, habang abala kaming mga kasambahay, nalaman ko nalang sa isa sa mga kasamahan ko na itinali pala si Gaverillo sa isang magandang babae. Ang 'yong magulang."

"I'm sorry..." I sympathized, reaching her hand.

Nahulog ang tingin niya roon at kita ko rin ang pag-angat ng kaniyang labi. At luluwag sana ang pakiramdam ko but her eyes found it hard to feel that way.

"Ilang taong hindi na bumalik si Veril sa mansyon. At hindi na rin ako umasa pero may sinabi siya sa akin bago siya nagpakasal kay Violencia. Na babalikan niya ako pero hindi ko inisip na tototohanin niya. Dahil bumalik siya na kasama ko na si Alexander. Bumalik siya nang hindi ko alam."

"I-Iyon po ba ang dahilan bakit siya naging galit sa inyo? Kay Tito Alexander?"

She closed her eyes.

I thought she's going to answer. At akala ko rin doon na ang dulo ng lahat pero may dinagdag pa siya na mas lalong umilaw sa pananaw ko.

"Noong nalaman niyang nagmamahalan na kami ni Alexander, nagulat nalang kaming dinala niya si Violencie rito sa bayan. At alam ko ang dahilan niya sa ginawa niyang 'yon. Anak ko na si Novales pero hindi pa rin tanggap ni Veril ang nangyari. At ramdam kong mas nadagdagan ang galit niya nang malaman niyang nagkaroon ng ibang babae ang kaniyang Papa. That he had to leave Violencia alone in your mansion. Without their child... and without anyone to accompany her."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top