Ikaapat na Kabanata
Ikaapat na Kabanata: Tingin
Hindi ko nabawi ang panlalaki ng mga mata dahil sa pagturo ni Adonnis sa direksyon ni Novales. Hindi man kami narinig nito, pero sa paraan ng ngiti ng pinsan ko, at pagturo nito sa lalaking madilim naman ang tingin sa akin, halos hilahin ko na pabalik ang sarili ko.
"Ilalagay ko lang ang bag ko sa room," sabi ni Adonnis nang siguro'y naramdaman niya ang biglaang pagbigat ng sarili ko sa paghila niya.
My eyes jumped back to where Novales is standing, leaning on the jamb of their classroom's doorway. Hindi ko alam bakit mas nag-iba ang itsura nito ngayong malinis ang suot nito. The uniform must not suit him; it should not look that way on him. Dapat marumi siyang tingnan. Marumi dapat ang damit niya. Dahil iyon ang nakasanayan ko.
Inisip ko bigla na may kaya ang lalaking ito kagaya ng pamilya ko. Na totoo nga ang sinasabi niyang may parte ng ari-arian nila ang nakuha ng pamilya ko. Na na-trespassing ko. But I immediately got it out after seeing everyone almost the same.
The school uniform suited perfectly on him. That's it. I'll leave that impression on him.
"A-ayos lang ako. Dito nalang ako maghihintay sa labas." Nakawala na ng tuluyan ang kamay ko sa hawak ni Adonnis.
Bigla itong napalingon, natatawa.
"Why?" lumingon agad ito sa direksyon ni Novales.
Napalingon din ako. Agad ko ring pinagsisihan dahil nakita kong nakatingin pa rin ito sa amin. And three guys are now beside him. Pero siya ay permi lang. Hindi kagaya ng bagong kakasilip lang na mukhang mapanukso pa ang guhit sa labi. I even saw one teasing him through poking his biceps.
Umiling ako kay Adonnis.
"Sige, teka lang. Sandali lang ako," anito at tuluyang nang lumapit sa mga lalaking nasa pintuan.
Sumunod ang tingin ko sa likod niya. Hanggang sa umangat nang nasa tapat na niya sina Novales, na mukhang kaibigan niya base na rin sa paraan ng pagbati nito sa kaniya. My eyes widened more. Lalo pa nang nahuli ni Novales na diretso pa rin pala ang tingin sa akin. Nag-uunahan agad sa pagtayo ang mga balahibo ko.
"Ang ganda ng dala mo ngayon, ah. Pabago-bago ka ng babae mo, ha," narinig kong tukso ng isa sa mga lalaking sumalubong kay Adon.
They were slapping his back in a jokingly way.
Pero hindi ko mapunta ng tuluyan ang atensyon ko sa kanila dahil diretso sa akin ang tingin ni Novales. Tila mala-agilang nakahanap ng dadagitin ang mga mata niya. They were sharp and pure of directness.
Nagtatalo rin ang isipan ko kung kakaway ba ako sa kaniya o mananatili nalang sa kinatatayuan at hintayin ang pinsan.
And he's not only him who's looking my way. May mga estudyanteng nakiki-usyuso pa rin.
Nakasuot naman na ako ng uniporme. I can blend in to them immediately. Pero marahil pamilyar na siguro ang mga estudyante sa isa't isa kaya sa akin ay naninibago pa sila, especially the higher years, which I believe where Adon belongs.
Kalaunan ay nawala sa hamba si Novales nang sumama ito sa mga kaibigan. Para rin siguro daluhan si Adon.
I took that chance to familiarize the small campus.
Nadadaanan namin ang paaralan tuwing papasok sa proper ng Hulatan, papuntang Bonifacio, sa rancho. Pamilyar na sa akin ang labas ng campus, lalo na ang gate na gawa sa metal bars na unang mapapansin. It was white until my eyes saw the bars with good distance. Maayos tingnan ang gate sa malayo. Pero noong nakita ko kanina ng mas malapitan ito, halata na ang bakas ng pagkaluma dito.
The campus has no elevated rooms. Simple at payak lang pero sakto para sa bayan. Everything's made of strong concrete, and from the gate, the way the Mabuhay welcomed my eyes at the far side, made me thought that the campus is mapped in a rectangular manner. Dikit-dikit din ang mga classrooms na pumapalibot sa maliit na open field.
Bumaling muli ako sa direksyon ng classroom ng pinsan. Naghiyawan sa loob. Iyon din ang dahilan bakit ako napalingon. Another loud tease came out; someone's being made fun of. Agad ding lumabas ang pinsan na malapad ang ngiti.
"Ihahatid na kita sa classroom mo," aniya agad pagkalapit sa akin.
Tipid akong ngumiti at sa likod niya na dumiretso ang tingin.
The small open field is being surrounded by classrooms. That's what I had pointed out before we stopped in front of my door. Bigla pang nag-ingay sa loob nang napansin kaming dalawa. Or maybe because of my cousin's presence. Nasa likod pa ng Mabuhay na nakita ko kanina ang classroom namin, malayo sa classroom nila.
"Pupunta nalang ako rito mamaya kung recess time na. Did you bring your phone?"
Tumango agad ako pagkatapos ay umiling para naman sa una niyang sinabi.
"Okay lang na huwag ka nang pumunta. Malapit lang naman ang canteen sa classroom namin." Dagdag ko na tinutukoy ang canteen na nakita kanina habang papunta kami rito.
Tinuro ko rin ang pintuan kung saan nakita ko si Ma'am Jonah, and dating home-school teacher ko, na naghihintay na pala sa loob. Sa huli, tinulungan na ako ni Ma'am. My cousin even tried to look for my sit which made the students inside crumble. Nagulat pa ako roon. Pero agad din namang humula lalo na nang magsimula ang klase.
I had no idea that I was already late.
Dahil late enrollee ako, nahirapan agad akong sumabay sa discussions. But our teacher would ask me whether I was catching everything up. Nahihiya ako sa nagagawad kong atensyon. Kaya imbes na aminin, tumatango ako para hindi na tumagal sa akin ang atensyon.
Ilang minuto ang lumipas, biglang may pumalit sa harapan para magturo. Hindi ko alam na ganoon pala.
"Second subject natin," bulong sa akin ng katabi ko.
Bigla akong napalingon sa kaniya. Halata siguro sa itsura ko ang pagtataka kaya ganoon ang ginawa niya. I don't know her name yet. But before she could take her eyes away from mine, I initiated a kind smile. Nag-thank you rin ako.
Halatang-halata ang pagiging bago ko sa ganoong paraan ng pagtuturo. My mind was always on focused to the teacher and everyone in my surrounding. Wala rin akong schedule na hawak kaya bumabase ako sa sinasabi ng katabi ko. I even tried following her every time she jots her notes on her notebook that's separate from one subject to another. Laking pasasalamat ko narin na dinala ko lahat ng notebook sa loob ng bag.
"Ayos ka lang ba?" sabi ulit ng katabi ko.
It was noon already. My head mentally counted the subjects we've had for the morning. Apat na natatapos namin. Yumuko ako para itago ang panghuling notebook na sinulatan. Pagkatapos ay nilingon siya para tipid na ngitian.
"Thank you... kanina," sabi ko at tuluyan nang sinarado ang bag.
Bumitaw na ako ng tingin para kunin na ang bag.
"May kasabay ka sa lunch? Sabay ka nalang sa amin nina Daphne."
"Ayos lang. Kasabay ko pinsan ko ngayon. Gusto n'yong sumabay nalang sa 'min?" I made my backpack sat on my lap to zip it properly. Agad ko ring binalik ang tingin sa kaniya.
"Pinsan mo pala si Adonnis?! Ang gu-gwapo nilang magbabarkada! Kaso nakakahiya kung sasama kami sa inyo. Palagi kasi silang... magkakasamang kumain."
My eyes were observing her long straight hair when she said those. Biglang napatalon ang tingin ko sa kaniyang mukha nang mapagtanto ang sinabi niya.
The guys earlier were his group of friends! And from the way how my classmate described them... nagdalawang-isip ako kung sasabay ba ako noong nasa labas na ng pintuan ang pinsan ko. Kaunti nalang ang tao sa loob ng classroom dahil nagsilabasan na ang halos lahat. Wala na rin ang katabi ko kanina. That I had to blame myself.
Huli ko nang napagtanto kung ano talaga ang mangyayari.
"Tara na," si Adonnis.
Wala na akong nagawa nang kinuha niya ang bag ko. We headed immediately to the small canteen, and from our distance, I saw immediately three men, his friends, waiting on a table. Isa ang nakatalikod sa amin at ang dalawa naman ang nakaharap nakatingin sa amin. And a piercing set of eyes was already towards me. Nagulat ako nang bumaba ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan na magkakatinginan kami.
Nakaramdam ako ng pagkabahala. Tinago ko ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagbaba ng tingin sa sementadong corridor.
"Dito ka," binaba ng pinsan ko ang backpack nang tuluyan na kaming nakarating.
Everyone was seated properly on the long mantled table. Inaamin kong hindi ako sanay sa ganito. Pero nakakasabay ako kahit papaano. Sa tabing upuan ng lalaking nakatalikod sa amin kanina ay dalawang bakanteng upuan na marahil ay inihanda nila para sa amin ni Adon. Nasa pinakahuling upuan ako.
"You'd like to order something?"
Umiling agad ako, hindi makaangat ng tingin habang paupo sa upuan ko.
"May binigay namang lunch box si Aling Julia," mahinahon kong tugon at tuluyan nang umupo.
Nakatayo na ang lahat maliban lang kay Novales. Naagaw ang atensyon ng mata ko sa hawak niya. Nasa kaniyang isang kamay ay supot. Malinaw ang supot kaya nakita ko ang isang hindi ako masyadong pamilyar na pagkain. Sandali ko lang na tiningnan iyon. Nag-iwas agad ako ng tingin. Natakot din na baka mapansin niya ang direksyon ng mata ko.
"Sandali lang kami, Vien, ah," paalam ng pinsan.
Sunod-sundo agad ang pagtango ko. Umikot na rin para makuha ang pagkain sa backpack kong sinasandalan.
"Ikaw, Noval? Kamote ka lang muna?" narinig ko ang isang kaibigan nila.
"Ayos lang."
There were students who were eating on the next tables from ours. After them were three food stalls, where the boys are heading. Walang gaanong teachers ang canteen. Mayroon man, nakikita kong bumibili lang.
Diretso muli ang tingin ko sa lunch box nang maayos ko na itong nailabas. Nakatitig ako rito at unti-unti, nakaramdam ako ng pagsisisi. The shimmers on the metal plate of the silver box were screaming extravagance. Sana nalang pala nagpabili ako kay Adon para hindi ko na kailangang ilabas ito.
Nahagip ko pang gumalaw ng bahagya ang ulo ni Novales.
Dumiretso agad ang angat ng tingin ko sa kaniya.
His fingers were playing circles around his food. Nandoon din ang tingin niya. Bigla tuloy akong kinabahan.
I wanted to at least say hi to him. But I'm afraid he might not... welcome it.
Muli kong binaba ang tingin sa lunch box. Naramdam ko muli ang paggalaw ng ulo niya. Umangat ulit ang tingin ko sa kaniya. And this time, I caught him looking at me. His eyes were still the same from the first time I saw it, piercing and so gallant.
The sides of my lips immediately rose for him. Nag-iwas naman siya ng tingin kaya napawi rin agad ang ngiti ko.
"M-Magkaibigan pala kayo ni Adon..."
Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Hindi siya gumalaw. Hindi na rin gumagalaw ang kamay niyang nilalaro ang kaniyang pagkain. Muling bumulusok ang kaba sa dibdib ko. Sa huli, kinagat ko ang labi at hindi na muling binalik ang tingin sa kaniya. My eyes remained pasted on my lunch box until Adon and his friends were back.
Maingay silang kumakain. They talked about girls and other crazy stuff that even Novales's vibe changed when they got back. Para naman akong walang naririnig. Maging si Adon ay parang nakalimutan na naroon ako.
"Tumahimik na kayo. Nakakalimutan na nating may babae pala tayong kasama." May isang sumaway, ang lalaking katabi ni Noval.
Their attention magnetically diverted to me. Which made me shrunk more from my seat. Mas kumporable yata akong hindi nila pinapansin. Kabado rin ako dahil ramdam ko rin ang pagbaling ni Novales sa akin. There's something in his eyes that makes me nervous. Siguro dahil bumubulusok an gala-ala ng unang tagpo namin. And my... insults on him.
Nag-angat ako ng tingin kay Adon. Nakaangat ang dalawang kilay ko. I don't myself being out of place. Tutal, ako lang naman ang nakiki-grupo rito.
My cousin's brows shot up.
"Sige lang... a-ayos lang talaga," baling ko sa mga kaibigan niya.
"Ano nga pala ang pangalan ng pinsan mo Adon?" I heard the guy seated from the other side of my cousin questioned.
Ginawa ko iyong pagkakataon para mapasadahan ng tingin ang lahat. The guy next to Novales, the one with curly hair, laughed.
"Alam ko na talaga ang style nitong si Joshua." Dagdag pa nito.
Siniko naman ang Joshua na nagtanong ni Adon. His 'awe' and their laughter made my eyes widened. At hindi ko alam bakit biglang dumiretso ang tingin ko kay Novales. I saw his complete set of teeth got exposed from his smile.
"I'm Heracleo, by the way," mabilis na singit ng lalaking kulot ang buhok.
"Tumigil nga kayo! Pinsan ko 'to! Mga gago!"
I smiled timidly to the guy who introduced himself. Pero and tingin ko ay mabilis na naagaw ni Novales. Sa akin din pala siya nakatingin. At nagmukha tuloy na para sa kaniya ang ngiting iginawad ko.
"May isa rin dito," Heracleo's elbow reached Novales's arm.
Naputol ang tingin ni Novales sa akin dahil doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top