Ikaanim na Kabanata

Ikaanim na Kabanata: Defensive


The conclusions from what Adon has told me kept coming to me. Noon pa man ay hindi ko talaga alam kung ano ang tunay na nangyari sa mama ko. What I knew was that mama died when she gave birth to me. Si papa ang lubos na nasaktan ayon kay Aling Julia. That's why his protection for me got tightened. At dahil siya ang aming ama, maging ang dalawa kong Kuya ay napasunod niya.

Hindi ako agad nakapagsalita matapos sabihin iyon sa akin ni Adon.

The night was serene and only the orange tiny lamps from the gates were illuminating. Bakanteng lote rin kasi ang tapat ng bahay namin pero alam kong may isang bahay roon na malayo pa sa kalsada.

"Vien?" si Adon muli, dahil siguro sa pagiging mahaba ng katahimikan.

My throat tightened a little. Kinailangan ko pang lumunok ng dalawang beses para bumuti ang daloy ng paghinga.

"Hindi ko alam na may sinisisi pala sina papa sa pagkawala ni mama..."

At iyon siguro ang dahilan bakit nasabi sa akin noon ni Novales na sa kanila ang ari-arian noong unang beses kaming nagkita habang ako ay sumisilip sa bangin noon.

Nasa liblib ang bahay nila. Posible kayang malapit lang sa kinaroroonan ko ang tirahan ng mga Argales? Based from the way he was dressed that day, he seems on his comfortable way of dressing. Nagtatago ba siya noon? Lumabas lang siya sa pinagtataguan niya dahil naroon ako?

Katahimikan muli ang sumapi sa pagitan naming dalawa ng pinsan.

"Adon..."

"Vien?"

Bumalik sa isip ko ang pinag-usapan nila kanina ni Novales.

"Puwede mo ba akong samahan sa bahay ng mga Argales?"

The harsh inhale through the phone was clearly because of his shock.

"Anong gagawin mo roon? Pagagalitan ako ni Tito Veril kung malaman niya ito. T-teka lang... naka-landline ka ba? This isn't a cellular number..."

"Basta... magpapasama ako sa 'yo."

Iyon ang huli kong sinabi sa pinsan bago tuluyang umakyat sa gabing iyon.

Before sleeping that night, my thoughts were towards to how I will be able to talk with Novales. Ni hindi niya ako kinakausap at maging ako ay kabado kahit na nasa malapit lang siya. Alam kong may pagka-agresibo ang kaniyang itsura. Pero pinipilit ko paring walain ang isipan tungkol doon. And as my thoughts to him spread like wildfire, a question suddenly popped inside my head. Does he know about the past of our parents?

Pero natawa ako sa sarili kong tanong. Ilang taon ang tanda niya sa akin at siguradong alam niya ang tungkol doon. Ang pinsan ko nga ay alam iyon, siya pa kaya?

Kaya pagbukang liwayway kinabukasan, agad akong bumangon para maghanda. Martes at mas maaga akong nag-abang kaysa kahapon na unang araw sa paaralan. I made up myself before falling to sleep last night that I have to do what I had to do myself. Pero hindi yata umaayon ang pinsan ko dahil noong natapos na akong kumain ng almusal at lahat lahat na mga kailangan kong gawin para sa paaralan, siya naman itong hindi agad dumating.

I also messaged him last night that we must not be late for today.

Binasa ko pa ang minsahe ko sa kaniya habang naghihintay sa malaking couch ng mansyon.

Ako:

Nasave ko na itong number mo. Huwag tayong malate bukas. Hihintayin kita sa mansyon ng mas maaga pa.

He also gave me his number before our call ended last night. Good thing I remembered that. Agad ko kasing pinroblema kung papaano ko siya masasabihan.

Noong narinig ko ang pagbukas at pagpasok ni Adon sa gate, agad akong tumayo sa couch ng living. Hindi na ako sumilip dahil nagtext siyang nasa labas na sila ng driver nila. Handa na ang bag ko sa tabi ko. Sinukbit ko agad ito bago tumayo para na kami umalis.

Dahil din sa insidente kahapon, napalitan ko na rin ang lunch box ko. Pinili ko talaga iyong mas lumang nakalagay sa mga cupboard ng kitchen na lunch box para hindi na usisain ni Novales ang gamit ko. Ang mga mata niya kung paano niya tingnan nag lunch box ko kahapon ang nasa isip ko habang nagpapatulong ako kay Aling Julia sa paghahanap.

"Senyorito, naroon po sa loob," narinig ko ang isang kasambahay sa labas na tinuturo kay Adon na marahil ay naghahanap sa akin.

Agad ko naman siyang nakita noong lumayo na ako sa couch.

He's in his white polo uniform, navy blue slacks, and black shoes. Ang ID nitong mas matingkad ang pagiging kulay blue ng lace pirmi sa harap niya. Mabilis naman ang pagkaway ng imahe ni Novales nang maisip kong ganoon din ang itsura niya ngayon. Pero iniling ko nalang ito para mawala sa isipan.

Walang dalang bag si Adon habang umaakyat siya sa terasa. His bag is probably inside the car, like yesterday.

"Si Tito?" tanong nito nang nakapasok na sa pintuan.

Wala sa sarili kong tinuro ang engrandeng hagdan.

"Nasa itaas pa. Lumabas na tayo," sabi ko agad sa kaniya.

Lumagpas ako pero tumigil lang dahil nanatili siya sa kinatatayuan niya. Tumigil ako sa paglakad para lingunan at tingnan kung ano pa ang gagawin niya. Agad naman siyang lumingon sa akin, nakaangat ang dalawang kilay, pagkatapos say bumuntong hininga.

Umangat ang kamay ko para ituro ang gate. My other hand's grip to my backpack lace even tightened just to prove a point that we have to go now. Hindi ko sinabi sa kaniya ang plano ko. I only planned to wait for Novales on the gate of our school. Alam kong medyo walang kuwenta iyon pero para naman iyon sa sarili ko dahil malalaman ko kung anong oras siya pumapasok.

"Malilate na tayo," malambing ang boses na lumabas sa bibig ko nang ipaalala ko sa kaniya ang oras.

His smile showed. Parang nalaman ko agad kung ano ang nasa isip niya kaya nag-iwas ako ng tingin at binalingan nalang ang gate.

"Hindi baba si Papa dahil may ginagawa siya ngayon," I added, trying to make excuses.

Alam ko kasing may sasabihin na naman sa kaniya si Papa at ayaw kong mangyari iyon dahil gusto kong makaalis na kami para magawa ko ang plano ko. Mabuti nalang at wala na siyang sinabi pa. Nauna na akong pumasok sa sasakyan. Sumunod siya.

Mabilis din naman naming narating ang paaralan. Sa gate, pagpasok namin, biglang umurongang tapang ko. Palingon-lingon ako sa paligid. Hanggang sa nasa may tapat na kami ng room nila Adon. My eyes were busy. Mabilis na nakalabas si Adon. Sa akin agad ang tingin iya.

"Si Novales?"

Halos lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

Natawa siya nang nakita niya ang reaksyon ko.

"Hindi siya pumapasok tuwing Martes at Huwebes." Dagdag nito.

"Bakit daw?" biglang sumapi sa akin ang kuryusidad.

Tuluyan nang nakalapit sa akin si Adon. Hindi naman na ako magpapahatid na sa kaniya sa classroom kaya gumalaw agad ang ulo ko para umiling sa kaniya at pigilan siya.

"Kaya ko na,"

"Nagtatrabaho siya sa Fort ng mga Maderal." Sagot niya sa tanong ko.

Kumunot ang noo ko. "Fort? Maderal?"

"Sa Bonifacio. Doon nagtatrabaho ang Mama ni Noval."

Mas lalong dumiin ang pagkunot ng noo ko. Na siyang ikinalapad naman ng ngiti ng pinsan ko.

Maraming mga estudyante ang dumadaam sa likod at tabi namin. Sa likod ko ay ang maliit na pinaka-open field. Dahil nakababa na si Adon para sana ihatid ako sa classroom ko, ang likod niya ay ang corridor ng silid nila.

I saw one of his friends waiting behind him, looking at us, as if Adon will come back to them. Hindi ako sigurado kung kasama ba sa barkada niya ang lalaki dahil hindi ko ito nakita noong sumabay ako sa kanila kahapon. His friend just stayed there from where he's standing. Hindi siguro alam ni Adon na naroon siya. Iyon ang napagtanto ko kaya agad akong nagpaalam bago niya pa man madagdagan ang aming usapan.

Iisipin noong kaibigan niya na may kung ano akong... no. Maybe his friend will think that I have an important matter to say for Noval.

"Tara na?" si Jaya na nag-aaya na ng lunch matapos ang pang-apat naming subject sa umaga.

I have become comfortable with the setup already. Masakit lang sa kamay dahil sa paghahabol sa pagsusulat ng notes. Ibang-iba ang pala ang pag-aaral sa eskuwelahan. Hindi kagaya noong home-schooled ako, ang mga aaralin ko ay nasa isang papel na. My teachers had prepared it ready. But I know I'll get used to this.

Kinuha ko na ang lunch ko at sumabay sa paglabas nila.

Hindi ko na dinala ang bag. Nasa pouch naman ang lunch box ko.

"Saan tayo kakain?" tanong ko kay Jaya.

Daphne was talking to her about a lesson she probably weren't able to catch up during the discussion. Huminto sandali ang pag-usap para lingunin ako ni Jaya.

"Sa may gym sa bleachers kami kumakain... ayos lang ba iyon sa 'yo? Puwede namang—"

"Vien,"

Sabay kaming tatlong nag-angat ng tingin.

My cousin was on our way. Sa akin ang tingin niya.

"May mga kaibigan kana pala. Sa kanila ka sasabay?" the smile that's creeping on him was telling me something.

Hindi ko alam kung para saan iyon. Tumango ako at sinubukang ipakilala ang mga bago kong kaibigan sa kaniya.

"Hi," sabay na sabi ng dalawang kasama.

"Nice to meet you," si Adon. His eyes don't seem interested with what I just did. Sana hindi iyon napansin ng dalawang bagong kaibigan.

At dahil pareho ang dinadaanan namin, tahimik sina Jaya at Daphne sa tabi ko. Nasa harapan namin ang likod ng pinsan. I initiated a conversation to my friends while we were walking our way to the gymnasium, but I guess the presence of Adon made them hesitant to answer. Puro tango at turo lang ang sagot nila. Pero noong huminto na ang pinsan nang narating namin ang labas ng canteen at noong tuluyan na kaming nakawala, bumalik naman sa dati ang dalawa.

They continued talking about the lesson earlier. My ears were listening to them but my focus was actually on the people around us. Panay ang galaw ng mata ko habang sumasabay sa kanila sa paglalakad patungong gate para makapunta sa tabing gym.

"Si Adonnis talaga ang gusto ko sa kanilang barkada." Jaya said as we settled down on the stair-typed bleachers of the gymnasium

Naikot ko ng tingin ang paligid pagpasok namin ng gym. Sa magkabilang gilid ay may ganitong beachers. May mga parteng nirerenovate. Kahit na maingay, balewala lang sa mga estudyanteng iyon. Marami rin kami rito.

Daphne laughed.

Bumaling ako sa dalawa at tipid lang na ngumiti.

Pareho na pala silang nakatingin sa akin.

Umawang ang bibig ko. Parang may pinag-uusapan sila na kailangan kong makuha. Muling natawa si Daphne sa naging reaksyon ko.

"Bakit?"

"Crush ni Jaya si Adon!" Singhal ni Daphne, natatawa.

Biglang tinabig ni Jaya ang braso ng kaibigan. Natawa ako roon.

"Talaga?"

"Huwag maingay!" Si Jaya, sa aming dalawa.

Umiling naman ako, hindi na mapigilan ang mapagbirong ngiti. I don't know if Adon would like her, though. But I kept the thought exclusive for myself. Ayaw kong tuldukan ang lobong mayroon sa amin ngayon.

We ate our lunch inside the gym. Our legs were pressed together, supporting our meals as we go along with the funny talk. Mahirap ang ganoon pero masaya kahit papaano. At habang tuloy-tuloy ang usapan, ang mata ko ay nasa mga tao.

Alam kong sinabi na kanina ni Adon na wala si Novales kanina. Pero may kung ano pa rin sa akin ang nababalisa kakaisip sa kaniya. My eyes were constant on looking around whenever I see a familiar figure. At kahit na imposible naman talaga na narito siya, kahit na pumasok siya, sa mga kasama niya siya pupunta. Hindi ko alam bakit panay pa rin ang baling ko.

Maybe everything's because of what I've learned from him and our family. Siguro, kukumprontahin ko siya. That I have to tell him there's nothing to worry about anymore. That our family has already moved on from that. Isa kong dahilan para mas kumbinsindo ang naisip kong iyon ay ang pagpayag ni Papa na makapag-aral ako sa publiko. And after that whole day of thinking about him, I have concluded to an idea the next morning. Kumumprontahin ko siya tungkol doon.

"Papa? Puwedeng hindi na natin kailangang papuntahin dito si Adon. Uh, para hindi na natin siya maabala pa..."

"What's the matter, Vien?"

Uminom ako ng tubig galing sa baso bago muling nagsalita.

We're having our breakfast now. Earlier while I was still having my shower, those thoughts rolled around my mind. Hindi kagaya kahapon, sa tamang oras ako nagising ngayon. Hindi na rin ako umabala kagabi kay Adon habang nag-aaral ako. I was determined to do these on my own now.

Uminom si Papa ng kaniyang tubig pagkalapag ko ng sariling baso.

Nakatingin na ako sa kaniya. Pinapanood ko ang pag-inom niya. "Mukhang mas nalilate kasi siya dahil pumupunta pa siya rito imbes na dumiretso na lang sa paaralan..."

"Hmm?" Agad binaba ni Papa ang baso.

Naikagat ko ang dalawang labi ko.

"We don't have enough people yet to have you a driver," dagdag niya.

"I can... go along with the other students, papa. Puwedeng umarkila nalang din ako sa mga tricycle na sinasakyan nila."

My father's forehead creased from how I reasoned out.

Muli kong natutop ang labi ko.

"Hindi ligtas ang ganoon, Vien."

"P-puwedeng mag—"

"I'll think of it for the mean time. Sumabay ka lang muna kay Adon sa ngayon."

Hindi na ako nagpumilit pa dahil naisip ko rin na dapat maging kuntento na lang ako sa gantiong pinapag-aral niya ako sa isang maayos na eskuwehan. Dapat ay lubos na ang pagpapasalamat ko sa ganoon.

Muling bumalik sa sentro ng isipan ko ang mga kagustuhan noong sinundo na ako ni Adon.

"Pumasok na ngayon si Novales," ang pinsan ko sa loob ng sasakyan.

I had to think twice if he's mocking his voice to tease me. Bumaling ako sa kaniya sa harapan.

"Sinabi mo kahapon na papasok siya,"

"Just reminding you," he laughed.

Hindi ako nagsalita. Hahayaan ko siya sa iniisip niya. Pero muli naman niyang dinagdagan ang sinabi niya.

"Sasabay ka na ba nito sa amin mamaya na mag-lunch?" My eyes moved to see the back of where he's seated. Kunot din ang noo ko. "Kasama na namin si Noval, e,"

My mouth dropped open.

His seat moved. Umikot siya. At nang tingnan ko, malapad na ang kaniyang ngisi.

"Tumigil ka nga, Adon! Kasama ko kahapon ang mga bagong kaibigan ko! A-at... hindi naman talaga ako sasama kahapon sa inyo! Hindi ko naman alam na hindi pumasok si Novales, ah?!" I said those without even breathing.

Sunod-sunod ang tawa niya. His fingers were pointed at me, and from the way his adams apple move, and if he's annoying me, it's effective. Dahil nakakaramdam ako ng inis. Pero nang nagtagal ang kaniyang pagigiing ganoon, hindi ko na napigilan ang kamay na hampasin ang likod ng kaniyang upuan. Pero mas lalo naman siyang natawa.

"Tumigil ka nga!"

"Defensive mo masyado, ah!" tawa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top