CHAPTER SEVEN
"May I know your story?" katanungan ni Zandro habang nasa itaas kami ng bubong ng bahay ni Eric. Hindi lang kaming dalawa ni Zandro ang nasa itaas ng bubong ng bahay. Narito rin ang ibang mga magkasintahan na nag-aaksaya ng kanilang oras.
"I don't think that is a good idea," hindi ko mapigilang mailang sa kanyang tanong dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Wala naman kaseng maganda nangyari sa aking buhay. Bukod sa naging parte na siya aking pang-araw-araw.
"Why not?"
Agad akong uminom ng orange juice at tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Alangan namang ikukuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko. Tungkol sa aking relasyon kay mom at sa nakakatanda kong kapatid. Medyo hindi kase kami ayos dahil nga sa mga personal na dahilan.
"The night is still young. I'm willing to hear every piece of you," magalang nitong sambit habang tinutunaw ako ng kanyang napakagandang mga mata.
Hindi ito kumibo at dahil sa kanyang pananahimik ay mukhang napilitan akong magkuwento sa kanya. Napangiti naman ako sa nangyari sa akin dahil kahit hindi siya nagsalita ay hindi ko mapigilang ikuwento sa kanya ang aking sariling kuwento.
Sinabi ko sa kanya na hindi kami magkaayos ni mom dahil matapos mamatay ni dad ay nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit ganun siya sa loob ng aming pamamahay, hindi ko alam kung dahil ba sa kawalan ng presenya ni dad o sa aking kakaibang kilos ko. Kapag sinabi ko na hindi kami magkaayos ni mom ay ang ibig sabihin lang ay hindi kami halos nag-uusap.
Kapag tinatanong ko siya sa mga bagay-bagay ay hindi ito umiimik at laging nakasimangot kung magkaharap kaming dalawa. Ilang beses ko rin na tinangka na alamin kung ano ang dahilan kung bakit malayo ang damdamin nito sa akin pero sa tuwing itatanong ko siya ay siya mismo ag gumagawa ng paraan upang hindi ko mabanggit ang balak kong topiko sa kanya.
Sa parte naman sa koneksyon namin ni kuya ay masyado siyang malayo sa ibang kuya na kilala ko. Siya ang klase ng nakatatandang kapatid na parating walang ibang ginawa kundi ang pansinin ang lahat ng aking kamalian. Laging walang ibang sinabi kundi ang lahat ng negatibo kong mga kilos. Kahit mayroon akong ginawang maganda sa kanya ay agad niyang sinisingit sa usapan ang mga nagawa ko.
Hindi ko kase mapigilang magalit ng biglaan sa mga taong mga nakakusap niya o sa mga babaeng dinadala niya sa bahay. Pinipilit kong huwag sumabog sa galit pero hindi ko iyon makontrol. Unang nakikita ng mga babaeng dinadala niya sa bahay ay ang pagiging weird ng mga kilos ko. Dahil doon ay iniiwasan siya ng mga tinatangka niyang ligawan. Masyado siyang perfectionist. Hindi ko naramdaman sa kanya na naging proud siya sa mga na-achieve ko sa school. Gusto niyang mag-aral ako sa school kung saan siya nag-senior high school pero hindi ako nakapasa sa entrance examination. Dahil doon ay lagi niyang pinagmumukha sa akin na bobo ako.
Pinagmumukha rin niya sa akin ang aking pisikal na anyo. Kailangan ko naman daw mag-ayos kung minsan para naman maging maganda ang unang impresyon ng ibang tao sa akin. Ibang-iba raw ako kumpara sa mga babae. Iba kung gumalaw at kung mag-isip.
Magkakampi sila ni mom at wala na akong ibang ginawang tama sa kanilang mga paningin. Lagi ring binabanggit sa akin ni mom ang kolehiyong pinagtapusan ni kuya. Kailangan ko raw na makapasok doon upang mapangalagaan ang reputasyon ng pamilya sa pagiging matalino sa aming mga tita at tito sa ibang lugaw. Mas importante sa kanila ang kanilang reputasyon kaysa sa kalagayan ko.
Bukod sa hindi kaya ni mom na matustusan ako sa prestihiyosong unibersidad na papasukan ni Eric at Zandro ay hindi rin niya balak na ipasok ako doon dahil ang kanyang rason ay hindi ko naman daw naipasa ang prestihiyosong high school na pinasukan ni kuya kaya ano ps ang saysay kung ipipilit ko pa ang aking sarili na mag-aral sa magandang paaralan kung wala akong suportang natatanggal sa aking pamilya.
Nakuwento ko rin kay Zandro ang tungkol sa kakaiba kong kilos at pag-uugali. Kahit ako man ay nalilito kung normal pa ba ako. Madali akong magalit sa bagay-bagay na hindi ko maman alam kung bakit ako nagagalit. Palagi rin akong nalulungkot tuwing gabi. Nag-iisip kung ano nga ba ang magiging buhay ko kuny hindi namatay si dad. Nag-iisip kung wala akong kakaibang mga pag-uugali ay maaaring maraming mga tao ang gusto akong kaibiganin.
Natatakot ako para sa aking sarili. Natatakot ako na hanggang sa aking kamatayan ako lang mag-isa. Walang taong tutulong o kaya'y wala akong kasama na ilaban ang kakaiba kong ugali at kilos. Nahihirapan din ako na komunekta sa ibang tao. Ayoko rin na makipaghalubilo sa maraming tao. Kung pagpipiliin ako kung manatili sa bahay o gumala, ang pipiliin ko ay ang manatili sa bahay at magsimulang mag-isip ng kung anu-ano na ikakasakit ng aking damdamin.
Marami akong gustong gawin bago umalis sa pagiging high school student pero lahat ng iyon ay hinahadlangan ng aking kondisyon. Gusto kong gawin ang ginagawa ng mga normal na kabataan.
Matapos kong makuwento iyon kay Zandro ay agad niya akong niyakap at nagsalita, " I want you to know that if you want someone to talk about you problem, I want you to know that I'm here."
Sa kanyang sinabi ay niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko na namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Agad naman akong pinatahan ni Zandro habang kumawala siya sa pagkakayakap sa akin. Agad kong pinunasan ang aking mga luha gamit ang aking mga palad at nabigla naman akong tinulungan ni Zandro na patuyuin ang mga luha ko sa aking mga mata gamit ang kanyang panyo.
"I hate you," nanginginig kong sambit sa kanya dahil sa sobrang pag-iyak.
"Why?"
"You made me emotional."
"Admit it, I made your heart release the heavy weight that you collected throughout to your life, am I right?"
Napangiti naman ako sa kanyang sinabi dahil totoo naman. Mabuti nalang ay aware na siya ngayon na kaya niyang baguhin ang emosyon ng tao gamit lamang ang kanyang mga salita. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao na kasama namin sa ibabaw ng bubong at agad namang nagpaliwanag si Zandro na hindi niya raw ako pinaiyak.
"You want me to fill up your glass?" tanong nito sa akin nang makiya niyang wala ng laman ang basong hawak ko.
"Y-Yeah sure," sagot ko naman sa kanya at agad niyang kinuha sa aking kamay ang baso at tumayo ito ng mabilis. Nagpakunwari pang mahuhulog at kahit medyo corny ng ginawa niya ay napagtagumpayan pa rin niyang patawanin ako.
"Alam mo, sasamahan nalang kita," suhestiyon ko at mabilis niya akong tinulungan na tumayo.
Mabilis kami g bumaba ng bubong at narinig namin sa ibaba ang magandang tugtog na nagbibigay sa aming dalawa ni Zandro ng enerhiya na sumayaw. Agad niyang nilagyan ng orange juice ang basong hawak ko at hinawakan ang isa kong kamay para alalayan ako sa pagsayaw.
Tumingin ito sa kanyang relos at nasa 7:50 na ng gabi. Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang pagdiriwang ni Eric pero hanggang marami pang tao sa kanyang mansyon ay malabong matatapos agad ang kanyang ginawang pagdiriwang.
Agad akong inikot ni Zandro habang dinadamdam namin ang tugtog na nagmumula sa dalawang speaker. Nagsayawan ang lahat sa dining hall ng mansyon at parang mga tanga ang iba kung makasayaw. Parang walang ibang taong nakatingin sa kanila habang naghahalkhakan sa sobrang tuwa.
Nabigla naman ako sa sumunod na ginawa ni Zandro. Parang baliw siya kung makasayaw sa harap ko.
Napatawa na naman ako sa kanyang ginawa kahit parang parehong kaliwa ang kanyang paa sa kakasayaw. This guy didn't disappoint me to make me feel better. He's a treasure. He's like my gold. He's my diamond. He's the definition of my expensive stuff. I need to reciprocate this emotion that I'm feeling right now to him. He deserve it.
He suddenly stopped dancing when one of his friend was trying to communicate with him. He just left me in a minute and he went to his friend. I saw him starting to make moves that it was funny to watch. I tried to hold my laugh but I cracked up. Even he was surrounded by bunch of people, I can only see his whole body, nothing else. I can see him shining like diamond in the middle of the crowded room.
Thank you for reading:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top