CHAPTER NINE

Naririnig ko ang mga huni ng mga ibon sa paligid at dahil napapalibutan ng malalaking puno ang aking kapaligiran ay hindi ko na gaanong naririnig ang mga ingay ng sasakyan sa paligid. Bawat sanga ng mga puno ay mayroong nakakabit na mga light bulbs at hindi na ako makapaghintay na makita ang ganda nito kapag dumating na ang gabi.

Sa gitna ng kagubatan ay mayroong isang cabin na kung tama ang hinala ko ay iyon ang cabin na pagmamay-ari ng pamilya ni Zandro. Nakaharap ang maliit na bahay sa napakagandang lawa. Ito ay malinis tignan at mayroon itong wooden platform na kung tawagin ay boat dock. Hindi ko alam kung bakit ako rito dinala ni Zandro pero sa inaamin ko man o sa hindi, wala akong reklamo kung saan man niya akong gustong dalhin.

Naglakad kami papunta sa lawa at biglang umihip ng napakalakas ang hangin at dinama ko iyon ng todong-todo. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Zandro pero hinayaan ko lang siya dahil ang mas mahalaga sa akin ay nararanasan ko ngayon ang napakagaan na pakiramdam.

“Looks like you love it here,” mahinang sambit niya habang tinititigan niya ang malawak at napakagandang lawa. Walang anu-ano’y  nabigla ako sa kanyang sunod na ginawa.

Bigla itong naghubad ng kanyang pang-itaas na damit at dahil hindi ako sanay na makita siyang ganun ay bigla akong nagtakip ng aking mga mata. Although I often see him walking around inside his house without a shirt or when he’s cutting out the woods, it still feels strange seeing him like that in front of me.

He just ran to the edge of the wooden dock and he jumped off to the lake. The water splashed over the wooden dock and it nearly drenched me. I laughed when I saw him enjoying the water around his body. He convinced me to join with him but I said I don’t want to. It’s  just an excuse. The truth is I want to swim with him but the problem is I have no pair of underwear. What a sad day.

“Bakit ayaw mo ba, wala namang mga pating dito,” sigaw nito sa akin at medyo malayo na ang distansya niya mula sa akin.

“You didn’t tell me that this was your plan!”

Lumangoy ito pabalik sa akin at lumapit naman ako sa kanya nang umahon ito mula sa tubig. Bigla namang kumabog ang dibdib ko ng mabilis dahil medyo nagbago ang kanyang mukha nang makita ko siyang basang-basa. Hindi ko mapigilang manginig sa kaba dahil sa aking nararamdaman. Sinasadya niya ba ito o talagang wala siyang intensyon na gawin sa akin ang mga bagay na ito.

“Sorry If I am the only one who did enjoy this outing,” He apologized.

“N-No, no worry—”

Medyo napansin niya siguro na naiilang akong tignan siya ay mabilis itong hinahanap ang kanyang damit at mabilis iyong sinuot.

“I-I am deeply sorry. That was rude of me.”

“N-No… I-I.” Still, I can’t  recover from my emotion earlier. His appearance really affected me.

Ngumiti ito bago kami tumungo sa loob ng kanyang cabin. Doon ay nilagay namin ang aming mga dala at ang kanyang mga biniling mga pagkain. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong gawin pero sagot ko lang ay siya na ang bahala. Sa totoo lang ay wala naman akong gustong gawin, ang makasama lang siya ngayon ay sapat na sa akin.

“Let me ask, Zandro…” 

Lumingon ito bago niya sinagot ang aking sinabi, “Ano iyon?”

Balak ko sanang tanungin kung bakit kaming dalawa lang dito. Kung tama ang inisip ko ay magkasintahan na ba kami? Pero hindi naman siya nanligaw at hindi naman siya nagsalita ukol dun. Ayoko namang magmukhang makapal ang mukha kaya hindi ko na tinuloy ang aking tanong.

Agad naman niyang binalik ang buo niyang atensyon sa kanyang pag-aayos ng pagkain matapos niyang sabihin iyon. Ako naman ay nag-aalangan na itanong sa kanya kung bakit ba niya ito ginagawa sa akin. Hindi ko pa rin kase lubos maisip ma bigla-bigla nalang siyang nakikipag-usap sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang rason kung bakit niyaya niya akong lumabas na kami lang dalawa.

“I’m not gonna harm you, okay. I just—” napatigil siya sa kanyang sinasabi nang mayroong bumabagabag sa kanyang isipan, “I just—”

“You just what?”

“I should take the axe for us to have woods,” pagdadahilan nito at kumuha nga ito ng wasay malapit sa likod mg pinto. Hindi ko na siya sinundan ng tingin dahil paniguradong huhubarin na naman niya ang kanyang damit at kung ano pa ang maramdaman ko kapag makikita ko siya ng ganun.

Matapos ang pagsisibak ng kahoy ay agad siya ng bonfire at niyaya niya ako sa labas upang saksihan ang magandang paglubog ng araw. Dahil mukhang bukas pa ako makakauwi ay agad kong tinawagan ni mom na maaari na bukas na ako makakauwi at wala lang siyang ginawa ay pumayag agad naman ito.

Bago pa ako sumama kay Zandro ay nagpaalam na ako kay mom na baka bukas pa ako makakauwi. Ang tanging sagot niya lang sa akin ay bahala na raw ako dahil malaki na ako. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako o hindi dahil hindi naman kami maayos ni mom at sa agarang pinayagan ako ay nagbibigay sa akin ng kahulugan na ayaw niya akong makasama sa bahay.

Agad kong sinampal ang aking sarili dahil sa aking inisiip dahil ang dahilan kung bakit ako nandito ay para magsaya. Dinagdagan ni Zandro ang apoy ng mga sinibak niyang mga kahoy para mas humaba pa ang buhay ng aming ginawang bonfire. Pumasok siya sa loob ng cabin at nang makalabas siya ay may dala na itong isang bag ng marshmallow.

Akmang bibigyan niya ako ng isang stick na mayroong limang marshmallow sa dulo nang marinig ko ang tunog ng dalawang kotse na papalapit sa aming kinaroroonan. Pangalawang tunog na narinig ko ay ang sigawan at tilian ng mga kaibigan ni Zandro. Sina Eric, Jacob, Pualine, at Sabrina. Lahat sila ay mayroong mga dalang mga picnic basket. Ang nakakapagtaka lang ay mukhang hindi sila nabigla na nandito ako ngayon sa cabin ni Zandro.

“Happy Birthday, dude,” bati ni Eric at agad niyang niyakap si Zandro.

Mukhang nabingi ako sa aking narinig nang masabi iyon ni Eric. Kaya pala early birthday present ang sabi no Zandro sa puting mustang niya. Hindi ko manlang siya nabati nang nasa aming bahay pa siya. Nalilito na ako sa aking iniisip. Nag-isip pa ako kanina na magkasintahan na kami pero ang totoo pala ay magdidiwang pala siya ng kanyang kaarawan dito.

Tinignan ko siya ng matalim at binigyan niya lang ako ng nagtatakang ekspresyon. Napahinga ako ng malalim at tinuloy ko nalang ang ginagawa kong pag-iihaw ng marshmallow. Ngintian ko naman sina Paulin at Sabrina na nasa tabi ko nakaupo. Binati naman nila ako at nagpatuloy sila sa kanilang ginagawang pag-uusap.

Thank you for reading:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top