CHAPTER ELEVEN

PART II


Napatili ako sa sobrang saya habang winawagyway ko ang aking graduation hat dahil sa wakas ay natapos ko na rin ang aking senior high life at ang aking poproblemahin nalang ay kung paano ko matatagumpayan ang kolehiyo. Maraming tao ang napapalingon sa akin dahil napaka-ingay ko sa kalsada. Kasalukuyan kase akong nakasakay sa puting mustang ni Zandro at sa bawat ingay na gjnagawa ko ay sinasabayan niya naman ako.

Dalawang bagay ang nagpapasaya sa akin ngayon. Ang una ay ang pagtatapos ko at ang pangalawa naman ay ang hindi ko inaakalang hindi ko maabot na bituin ay ngayon ay kayang-kaya ko nang yakapin. Siya ang magandang bagay na nangyari sa aking buhay.

He tried to calm me down while his eyes were on the road. I automatically stopped from screaming due from my intense celebration when he hit the brake because he saw the red stop lights. We both laughed when I accidentally hit my head on his dashboard. He apologized but to accept his apology, I kissed him passionately. Every kiss we shared, I tasted the sweetest thing in the whole world. I hope that this feelings of mine will not end. I want to experience this every day.

When the traffic lights turned green, he started to run his white mustang while I turned on the radio on his car. We heard a beautiful song from a talented singer from Australia. I hummed the song while savoring every notes I'm currently hearing. Zandro took my left hand and in my surprise, he gently kiss the back of my hand while spitting the words: I love you.

The remaining sunlight from the sunset hit the windshield of the car and it hit Zandro's eyes. I felt something inside of me when I saw his stunning and beautiful eyes. My whole system malfunction after that. I can't explain that feeling, it felt like it was my peace and my romance. It felt like the only luxury I can afford. I can't help myself and I decided to kissed him in a second time around. He didn't protest and he kissed me back.

Matapos akong mahatid ni Zandro sa aking bahay ay agad akong pumasok sa loob at hinintay ko siyang pumasok sa kanilang bahay habang sinisilip ko siya mula sa aming bintana. Napasayaw ako ng bigla sa aking sobrang kaligayahan. Ano pa ba ang kulang sa aking buhay. Mukhang wala na.

Napatigil lang ako sa aking pagsasayaw sa gitna ng dining hall nang makita ko si mom na nakatayo sa gilid ng pinto. Biglang nagbago ang aking pakiramdam, mula sa sobrang kaligayahan ay napalitan ito ng lungkot. Napagtanto ko na hindi pala sumipot si mom sa aking graduation. Lukot ang mukha nito dahil nakikita niya ngayon ang nagpapasira ng kanyang araw.

"H-Hi, mom. Your daughter just graduated," masayang sambit ko pero parang mabingi lang siya.
"You're brother is here,"


***


Ito ang unang beses na magkasama kaming tatlo sa hapag-kainan simula nang mamatay si dad. Ito rin ang unang beses na nakita kong malapad ang ngiti ni mom. Mayroon pa pala akong hindi sinasabi kay Zandro tungkol sa ibang rason kung bakit hindi ako gusto ni mom. Ang school na nais ni dad na para sa akin nang magh-high school palang ako ay ang dahilan kung bakit naririndi si mom sa akin. Masyado kaseng mahal ang paaralang iyon kaya maraming utang na ginawa si dad para lang mabayaran lang ang mga bayarin sa school pero kasalanan ko naman ang nangyari.

Hindi ko tinuloy ang pag-aaral doon kaya labis ang galit sa akin ni mom dahil naubos ang inipon nila para lang matustusan ako. Dahil din doon ay hindi natupad ni kuya ang pinangarap niyang kurso dahil hindi na siya kayang matustusan ni dad sa mga panahong iyon. Iyon rin ang rason kung bakit kinamumuhian rin ako ni kuya. Kung hindi lang ako pinilit ni dad na mag-aral doon ay hindi sana nasayang ang kanilang pera.

It's my fault after all. I deserved all their treatment here in our house after what I did. That school was just to expensive. They want that school for me but I'm failing their in every examination and quizzes. I can't take it so I left. Pinagsisihan ko naman ang aking ginawa pero hindi talaga mawala sa kanilang utak ang nangyari. Nang mamatay si dad ay naiwan ang mga utang na dapat bayaran kay mom. Si mom ang apektado dahil sa aking ginawa.

"Mom," ang pagbasag ko sa katahimakan sa pagitan naming tatlo. Napatigil naman silang lahat sa kanilang kinakain at hinintay akong ipagpatuloy ang aking sasabihin, "I want to say something,"

"If it's all about nonsense, just keep it to yourself," pang-iinsulto sa akin ni kuya habang seryoso niyang sinabi iyon.

Hindi ko siya pinansin at mas nilakasan ko ang aking loob na ipalabas ang aking nararamdaman sa kanilang dalawa.

"Gusto ko lamang sabihin na pinagsisihan ko ang aking ginawa," paunang sabi ko habang pinipigilan ko ang aking mga luha na huwag bumagsak, "Alam ko na dahil sa akin ay hindi mo nakuha ang kursong gusto mo nang nasa kolehiyo ka pa."

"Mabuti naman at alam mo," sagot ni kuya at kinagat niya ang karne ng manok na nasa kanyang plato, "I don't want you open up that because the scar is still here. Kung hindi ka lang sana nag-inarte ay malamang hindi na tayo ngayon nalulunod sa utang."

Huminga ako ng malalim habang pinipilit kong huwag umiyak. Dahil kapag mangyari iyon ay tiyak na hindi nila iyon magugustuhan.

"Mom, I'm really sorry. I promise na babawi ako sa iyo. Ngayong magkokolehiyo na ako ay mayroon na ako ng pagkakataon na makakabawi."

"And who told you that you're going go college?" sabi ni mom na ikinahinto ko. Biglang nawala ang gana ko sa pagkain at mukhang ang lahat ng pagkain na nasa aking harapan ay wala ng lasa.

"W-What do you mean?" pagtataka kong tanong sa kanya habang nakita kong nakangiti si kuya, "Mayroong college funds na iniwan si dad para sa akin bago siya namatay."

"Courtney, your brother is engage. Their wedding will be in next month. I need that money to finance your brother expenses."

Halos mabingi ako sa aking narinig dahil hindi ko lubos akalain na ginawa ni mom ang lahat ng iyon. Wala na bang natitirang pagmamahal si mom sa akin? Ang hindi pakikipag-usap niya sa akin ay kaya ko pang tanggapin pero ang sabihan niya akong hindi na ako magkokolehiyo ay hindi ko iyon matanggap.

"Why did you do this to me, mom? I am your daughter!" hindi ko napigilang mapasigaw sa kanya na lubos itong ikinagalit.

"Don't raise your voice to me. Huwag mong kalimutan na dahil sa iyo ay hindi tayo nakakakawala sa problema. Dahil sa'yo ay namatay ang dad mo sa sobrang pag-iisip kung paano masosolusyunan ang problemang ginawa mo. And then you have guts to apologize to us? Wala ka ngang ginawa para tulungan ako! Ang ginawa mo lang ay ang ipatawag ako lagi sa principal office. Wala ka nang ginagawang tama sa pamilyang ito!"

"B-But mom—"

"Hindi ka na pupunta sa kolehiyo. Kung gusto mong tapusin ang iyong pag-aaral ay maghanap ka ng pera para maranasan mo kung gaano kahirap ang buhay!"

Matapos niyang sambitin ang lahat ng iyon ay agad siyang umalis sa hapag-kainan at naiwan kaming dalawa ni kuya. Hindi ko na siya pinansin at mahinahon kong nilisan siya at pumunta sa aking sariling silid.

Thank you for reading:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top