VEINTITRES

˚˚. GUCCI


Red and black.


That were the best description of what we were feeling now.


At, ito rin ang nakikita ko ngayon sa paligid ko. My brows furrowed when I scanned the place I was at. Mag-isa lang ako and I was holding a knife paggising ko. Why the fuck was I holding this? Pero ang mas mahalaga, ano ang gagawin ko?


The place was decorated like a carnival but there were traces of blood everywhere. Nasa loob kami ng tent where, according to movies, ay nangyayari ang mga iba't ibang acts.


Where were the others? Kailangan ko na silang hanapin! I needed to tell kuya Hades something... I knew that kuya Ares wanted me to tell him. Kuya Apollo too.


When kuya Apollo died, he put up two fingers when he was about to say who the killer was. That did not escape my eyes at all.


I just hoped napansin ng mga kaibigan ko 'yun.


Two fingers up meant the letter 'H' in sign language.


"Good morning, little ones!" I flinched when I heard the voice of Crow. "You have been scattered everywhere in my carnival. The challenge is simple... and to the death! Kill anyone you see. The last one standing wins."


Fucker?


Crow is crazy!


That was the reason why I was holding a knife. I took a deep breath and calmed myself down before thinking of a game plan. If anything, I had to find kuya Hades first. Because, I know someone who would kill me at first sight.


I looked around and searched for another weapon I could use. Hindi ko alam kung pare-parehas ba kami ng weapon ngayon but I had to use something other than a knife. Baka mayroon sa kanila ang may hawak na baril.


I had to be safe until I am sure that my friends were safe too.


Napangisi ako nang makakita ng rope. It was not enough to defend me... but for sure, may mapaggagamitan naman ako nito? I carefully took my first steps and peeked through the curtains.


Outside was dark and only the lamp posts were giving light to the surroundings. Lima ang nakikita kong tents, marami ang stalls, and there were all sorts of rides. Fuck... saan ako pupunta?


I had to check the perimeter first kaya napagpasyahan kong sa ferris wheel muna pumunta. It would give me an advantage to see my friends and to plan for another move.


May isa lang akong problema.


The ferris wheel was the farthest from my location.


My rope and knife would not help me best to defend myself. Pero, wala rin naman akong ibang makita rito. I just had to be careful with my movements. I prayed as I started to walk out of the carnival.


I had to look around repeatedly. Hindi ako dapat pinangungunahan ng kaba ngayon pero napatalon ako nang makarinig ng tunog. I immediately searched for a hiding place.


Nagmamakaawa ako... sana hayop lang 'yon.


At hayop nga, nakita ko ang isang guard na mayroong mask ni Crow. Hindi naman siya kasama sa mga papatayin ko, 'di ba?


Pero, kasama ata ako sa mga papatayin niya when he came charging at me. Fuck! Bakit hindi ito sinabi ni Crow?!


I had to run quick, which in turn, I started to make a noise. Nang makarinig ako ng isa pang tumatakbo, I had to hide myself under the table inside a stall nearest to me. Ni-lock ko ang door of my location as I covered my mouth just so that my breathing was not heard.


Hinihingal ako, fuck.


I thanked whoever was out there when I saw a gun near me. I became confident to handle myself now. Kailangan ko lang maghintay nang ilang minuto for the premises to clear. I was sure with my plan... I had to make a move slowly but surely.


I squeezed myself in the corner nang makakita ng Crow Guard. Kaso nagmukha lang akong tanga kasi kita pala ang legs ko. I was tall.


"Hoy, Gucci!" Kumunot ang noo ko when I heard that voice. "Si kuya Hades mo 'to!"


My eyes sparkled as soon as he said that. Dali-dali kong in-unlock ang door as I pulled him inside. I also dragged him under the table para walang makakita sa amin. He took off his mask as I hugged him. Siya pala 'yung akmang lalapit sa akin kanina!


Finally...


"Why are you wearing that?!" I asked in a whisper-tone. Bawal kaming maging maingay ngayon. After all, we were playing to survive.


"Nakita ko lang ito pagkagising ko," sagot niya and also showed me a pistol. "Ito ang binigay sa akin. Ano iyo?"


"A knife." I raised my weapon and rope. "I just saw this rope. Maybe, maging handy siya."


"Kailangan nating hanapin sina Dior at Hermés," kuya Hades said as I remembered what kuya Ares told me. Kailangan nang malamin ni kuya ang totoo so I had to cut him off. "Hindi ko pa si-"


"Kuya, I already know the truth," sabi ko. I gulped when his eyes turned a shade darker. I knew he was thirsty for answers and this time... I would not hold back unlike what kuya Ares and kuya Apollo did. This bullshit needed to stop.


"Sabihin mo na, Gucci, please," pagmamakaawa ni kuya Hades. "Ayaw ko nang maubos pa tayo."


I smiled bitterly at him and told him what kuya Ares told me. I watched as his face went from anticipation to anger. Nakita ko paano kumuyom ang kamao niya due to the roller coaster story I had to tell.


"Putangina..." Kuya Hades shed a tear. Hindi siya makapaniwala na kaya 'yon gawin ng kaibigan niya. "Pinagkatiwalaan ko siya."


"Kuya Ares wanted us to know the truth," sabi ko. "I'm sorry if we knew about it too late."


Umiling siya as he wiped his tears away. Natahimik siya for a few minutes, probably processing what I told him. For a friend... he was too shocked to move or even plan our next actions.


For me, I had a chance to breathe.


Sa wakas, tapos na ang mission ko. I already knew the truth... but deep down, gusto ko rin ng hustisya sa nangyari sa aming magkakaibigan.


Yves' and Achilles' mistake spiraled us down into a swirl of lies, and here we are, fighting for our lives. Kami ang nagbayad ng pagkakamali nila, I thought that before.


Turns out, we made grave mistakes of our own too.


"Ano ang plano natin?" I asked as kuya Hades stared at his pistol. Napalunok ako... he was so mad. Baka makapatay siya!


"Papatayin." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya! "Charot!"


Binatukan ko siya and rolled my eyes. That was a bad joke! Bakit kami gagaya sa killer nina Yves at Achilles? We made enough mistakes in our lives kaya huwag nang dagdagan!


"Wala akong maisip, e," sabi ni kuya Hades. "Ikaw ba?"


"Before I saw you, I planned to go to the ferris wheel," sagot ko. "I wanted to monitor the three of you."


"CCTV ang bebe ghorl?" Kuya Hades chuckled kaya napamasahe ako ng sentido ko. I might use this knife in no time! "Pero bet ko 'yan, hanapin natin siya."


Tumango ako as I watched him examine the surroundings outside of the stall. Sinenyasan niya ako that we were good to go. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanya. He was prepared to shoot with his pistol.


He looked at me for a brief moment before pulling his head away as we walked over to a nearby tree carefully. We were cautious with our movements. He was looking in front while I was monitoring behind.


We were still far from the ferris wheel, hence, we had to take extra precautions. Kailangan naming mahanap ang isa naming kaibigan before the one we're avoiding would catch us. The truth should be given to that person too.


The truth about Yves.


Napadiin ang kapit ko kay kuya Hades nang makarinig ng rustling from the trees. Agad na inilabas ni kuya ang pistol niya and pointed it in front. Just like him, I did it with my gun too. Mas magandang gamitin ang akin but I wanted to use it when highly needed.


"Diyan ka lang..." Sabi niya at tumango ako. We hid behind a stall as he examined the path for any disturbances. Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng gunshot!


Agad lumapit sa akin si kuya Hades as we started to run! Maingay na kung maingay... but it was impossible to stay silent in this situation anymore. No matter what, kailangan naming makapunta sa ferris wheel.


It was our best chance of surviving.


"Fuck!" I cursed when I fell and my foot got scratched by a tree branch. Lalapit sana si kuya Hades sa akin para tulungan ako but I managed to stand up. Paika-ika akong tumatakbo, slowing us down.


I repeatedly cursed myself at my mind as how noticeable the speed of our running became. Lumuhod si kuya Hades on one knee and patted his back, sinesenyasan ako na sumakay doon.


"I can do it!" I said but he shook his head.


"Gucci, dali!" He hissed. I had no choice but to ride in his back as he carried me piggyback style. Hindi rin naman ganoon kabilis ang takbo niya but it was enough to leave the place where we heard the gunshot.


Nag-aalala ako sa kaibigan ko. Ano na kaya ang state niya ngayon?


Was our friend surviving just like us? Or patay na rin siya?





˚˚. HADES



Putangina.


Pagod na pagod na ako at masakit ang likod ko habang dahan-dahan kong ibinaba si Gucci. Napagpasyahan namin na magpahinga saglit sa isang stall malapit sa Carousel dahil parehas na kaming hinihingal.


"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at patuloy na nanahimik. Pagod na rin siguro siya... hindi lang sa larong ito.


Pero, magmula noong nandito na kami sa Crowbones.


Tiningnan ko ang sugat niya at natigilan nang makitang ang daming dugo ang lumalabas sa kanya. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at nagpunit ng tela gamit ng suot kong kapa. Ang gara rin ng fashion style ni Crow e... parang superhero.


Pinalibot ko ito sa sugat sa paa ni Gucci at saka tinali. Sumandal ako sa pader at naalala ko ang mga sinabi sa akin ng nakababata kong kaibigan. Mapait akong napangiti sa sarili ko... dahil sa mga kasinungalingan niya, pinaglaban ko ang mali.


Ayan tuloy, ang daming nawala sa akin.


Hindi ko magawang manisi... dahil may kontribusyon din ako sa nangyari. Hirap na hirap ako. Sana pala hindi ako nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko. Tumingin ako kay Gucci... kahit hindi niya sabihin, kitang-kita ko sa mga mata niya na may tinatago pa siya.


Mayroon pa siyang gustong sabihin.


"May tinatago ka pa, 'no?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya at tumango. Pipilitin ko sana siya na sabihin ito pero pinangunahan na ako ng pagod. Wala na akong lakas para gumalaw pa. Pero kapag hindi naman ako gumalaw, mamamatay kami.


"Sasabihin ko mamaya kasama niya." Bahagya akong tumango sa sinabi ni Gucci. Mabuti naman at sa wakas... alam ko na rin ang totoo. Kahit sisihin ko sarili ko buong buhay ko, ang mahalaga hindi na ako mamumuhay sa isang kasinungalingan.


Pero, sinong nagsabi na hindi ko susundan sina Chanel at Prada?


"Kuya, are you okay?" Tanong ni Gucci matapos ang ilang minuto na tahimik kami. Hindi... pero kailangan kong ipakita na kaya ko pa. Nginitian ko siya.


"Oo naman!" Tumayo at tumingin sa paligid. "Tara na? Kaya mo na ba?"


"I think kaya ko na," sabi nito kaya inalalayan ko siyang tumayo. Nakapalibot ang isang braso niya sa akin para masuportahan ko siya. Medyo mahuhuli nga kami ng kung sinuman dahil maingay ang mga yabag namin.


Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umilaw 'yung Carousel! Tangina, sino 'yon?! Madali kong ibinaba si Gucci sa isang tabi.


"Gucci, check ko lang ha?" Umiling ito. Ano ba 'yan?!


"Kuya, sasamahan kita," mariin nitong sabi kaya napasabunot ako ng buhok ko. Nase-stress ako.


"Delik-" Pinangunahan niya ako.


"Kaya ko." Tumayo siya nang maayos at saka naunang maglakad. Pumunta ako sa harap niya at itinuro ang baril ko sa harap habang siya naman ang tumitingin sa likod. Bumibilis ang tibok ko sa bawat dinig ko ng musika ng Carousel.


Parang nanggagago.


"Nasaan kaya sina Hérmes at Dior?" Bulong ko sa sarili ko dahil hindi talaga namin sila mahanap. Nag-aalala na rin ako. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa control room dahil bukas ang pinto nito.


Hindi ko ipinapahalata kay Gucci na sobrang kabado ako ngayon. Baka hindi ko rin mapindot agad itong baril kung sakali man. Sinenyasan ko siya na magtago sa kabilang side ng control room para makadepensa siya agad.


Nang makita kong nakapwesto na siya, nakahinga ako nang malalim at binuksan ang pinto ng kwarto. Tangina! Nasaan 'yung tao rito?! Ginulo ko ang buhok ko nang makitang walang kahit anumang anino ang nasa control room.


"False alarm," pag-aassure ko at nakita paano nagpakawala ng buntong-hininga si Gucci. Saan kaya 'yon nagpunta?


Kahit nakita kong wala mang tao ang nasa paligid namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko dahil baka pinapanood lang nito ang bawat galaw namin. Inalalayan ko ulit si Gucci na maglakad, pero this time, malayo na kami sa sibilisasyon.


Baka biglang lumabas ang puso ko sa katawan ko, punyeta.


"Ang layo pa natin..." Ngumuso si Gucci na akay-akay ko ngayon. Bahagya akong natawa kasi totoo naman. Bakit ba ang lalayo ng mga lugar dito?! Saang carnival kaya ito? Ang laki ng lote niya ha... magkano kaya ang bayad sa lupa?


Nagulat ako nang biglang umalis sa hawak ko si Gucci at nagpunta sa isang tabi. Sinundan ko ito at napagtanto na food stall ang pinuntahan niya. Gutom na talaga itong bunso namin. Kaso, baka may lason?!


"Teka, teka," pang-aawat ko sa kanya kaya nagtataka siyang napatingin sa akin. "Ako muna ang titikim. Baka may something diyan."


"Ayan, ang buraot mo talaga, kuya!" Singhal niya sa akin na para bang aagawan ko siya ng pagkain! Gusto ko lang naman tingnan kung delikado ba ito o hindi! I am so hurt, awit, bro.


"Baka may lason!" Kumunot ang noo ko sa kanya at pinanood paano ako irapan ng batang ito. Hay nako, Chanel, paano mo ba siya pinalaki? Hindi kasi siya papa's girl, e, edi sana lagi kaming magkasama sa gym!


Bumuntong-hininga ako bago tikman ang biscuit na kinuha niya. Pinagmasdan ako ni Gucci habang kinakain ko ito. Ang sarap... peke tuloy akong umubo. Nag-alala siyang tumingin sa akin.


"Hala, kuya!" Bulyaw nito. "Isuka mo! Hindi ko na kakainin!"


Hindi ko isusuka... kasi masarap.


Binatukan tuloy ako ni Gucci.


"Ang damot mo!" Nakita ko paano ako ismiran ni Gucci kaya natawa ako at binigay ang isa pang plastic ng biscuit sa kanya. Nagtatampo ang bebe ghorl?


"Sorry na," panunuyo ko sa kaibigan kong nakakrus ang braso. "Nagutom lang naman ako."


Tahimik niyang kinuha ang biscuit at kinain ito. Napagpasyahan namin na maglakad na papunta sa ferris wheel habang kumakain siya. Binabantayan ko naman ang paligid at nakahanda ang baril ko para mapanatag siyang lumamon.


Nag-ooverthink daw kasi siya.


Paglingon ko, may nakikita akong isang Crow Guard na tumatakbo papunta sa amin. Gago! May dalang kutsilyo!


"Putangina!" Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Gucci at saka tumakbo papalayo. "Gucci, dali!"


Nabitawan na ni Gucci ang pagkain niya at inilagay ang kamay niya sa bibig niya, pinipigilan siguro ang sarili na sumigaw. Hindi ko naman mailabas itong baril ko dahil abala ako sa pagtatakbo.


Para kaming hinahabol noong kontrabida sa Scream!


"Fuck!" Iyak ni Gucci dahil natanggal ang bandage niya sa paa. Tuloy-tuloy pa naman ang pagtulo ng dugo niya! Konting takbo nalang, Guch! Malapit na tayo!


Malapit na rin akong sumabog.


Mabuti naman ay nakarating kami sa ferris wheel. Sinenyasan ko si Gucci na sumakay na agad doon sa isang kwarto habang binuksan ko ang buong ride sa control room. Ginamit ko agad ang baril ko habang tumatakbo papalapit sa akin 'yung Crow Guard.


"Kuya, faster!" Sigaw sa akin ni Gucci nang makitang umaandar na ang ferris wheel. Napahinga ako nang malalim nang nakapasok ako sa kwarto na kinabibilangan niya.


Kaso, napamasahe ako sa sentido ko nang makitang nag-aabang sa baba ng ride itong Crow Guard. Kinuha ko ang baril ni Gucci at saka pinaputok ito roon sa humahabol sa amin. Nakikita ko na rin ang panic ng kaibigan ko dahil ako rin ay hindi na mapakali.


"Putangina!" Bulyaw ko nang hindi ito matamaan. Palayo na kami nang palayo sa baba. Nasa tuktok na kami kaya napagpasyahan ko nalang na barilin 'yung emergency button ng ferris wheel. Huminga ako nang malalim...


Isa...


Dalawa...


Tatlo...


Wagi akong napangiti nang tumigil ang ferris wheel. Stuck man kami sa tuktok nito, ang mahalaga ay hindi kami maabutan ni Crow Guard. Mabuti nalang ay walang ni isa sa amin ni Gucci ang takot sa heights. Sobrang taas pa naman nito, punyeta.


"Come down now," pagkakanta nung Crow Watcher at pumiyok pa nga.


"Ay..." Natawa si Gucci kaya nagpalabas din ako ng tawa! Ang LT naman nitong guard ni Crow! "Mas magaling ka pang kumanta, kuya Hades."


Aba?


"Hoy, Daliah!" Turo ko sa kanya. "Huwag na huwag mong makukumpara itong golden voice ko sa hayop na 'yon!"


Saglit kaming natahimik nang maalala ko ang pakay namin dito. Tumingin ako sa labas ng bintana at binantayan ang paligid, baka-sakaling makita namin ang mga kaibigan namin. At baka... makababa kami rito.


Uminit ang ulo ko nang marinig ko nanaman ang boses noong pumiyok.


"Enjoy yourself there. I hope the crows won't kiss your death."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top