VEINTISIETE
- - FLASHBACK - -
。˚⛓˚。⋆. NARRATION
"Hindi na kayo nakakapagbayad. Bibigyan ko kayo ng dalawang araw para makahanap ng bagong titirhan. Umalis na kayo rito."
Tumigil ang mundo ng magkapatid nang malagim itong sinabi ng kanilang landlord. Achilles really intended to pay their rent by the end of the year kaso hindi na sila inabutan. Alam niya na kahit makahingi siya ng palugit, hindi ito magiging sapat para mabayaran ang nirerentahan nilang apartment.
"Mrs. Santos, dalawang buwan po!" Pagmamakaawa ni Yves. "Pangako, babayaran namin ito!"
Sumisikip ang dibdib ni Achilles nang makitang lumuluhod na si Yves sa harapan nila. Kahit man lang dignidad... ayun nalang ang matira sa kanila. Pinilit itong patayuin ng nakatatanda kaso hindi gumagalaw ang babae nitong kapatid.
"Ayan din ang sabi niyo noong nakaraang mga buwan!" The landlord hissed. "Basta! Marami ang interesado sa apartment niyo. Baka sakali sila magbayad!"
Napayuko nalang si Achilles habang pinanood ni Yves maglakad palayo ang landlord nila. Yves looked worriedly at her brother and went closer to hug him. Ni minsan, hindi niya nakitang umiyak ang kuya niya. But it broke her heart when he saw him shedding tears now.
Hindi sapat ang dalawang araw para makahanap sila ng bagong titirhan. More so, wala silang pera para pambayad ng downpayment.
Kailangan nanaman nilang lunukin ang pride nila at humingi ng tulong. Both of them disliked receiving help dahil naniniwala silang kaya naman nila. Their partners insisted before. Hindi lang nila alam kung papayag pa sila ngayon.
"Kuya, anong gagawin natin?" Tanong ni Yves nang makabalik sila sa apartment nila.
Hindi makasagot si Achilles at saka umupo na lamang sa couch nila. Nakita ni Yves paano minasahe ng kapatid niya ang sentido niya.
They both know what they had to do. Their friends assured them that they would gladly help them basta kailangan nila. It was their pride stopping them from receiving such.
"P-pwedeng huwag tayong humingi kay Zeus?" Yves once again broke the long silence, making Achilles look at her. Alam ni Yves ang mga pangloloko at pang-uuto niya kay Zeus... this time, guilt swallowed her whole. Pinangako na niya sa sarili niya na hindi na niya 'yon gagawin ulit.
But at the same time, she would refuse his help.
"Sige." Achilles flashed her a small smile, oblivious to what Yves did to Zeus. "Susubukan kong humingi kay Prada."
As much as possible, ayaw niyang humingi kay Prada. Alam niya ang nararamdaman sa kanya ng babae at ayaw niyang pagsamantalahan ang kabaitan nito. However, he had to take desperate measures sometimes.
Kahit ngayon lang, this would be the only time he would seek her help. Wala na siyang natitirang dignidad sa sarili niya... might as well, break their agreement after this.
"Kay kuya Ares din kaya?" Yves asked. "Mukhang okay lang naman sa kanya."
Ares was too generous... sa sobrang bait niya, hindi na niya kayang humindi. Siya ang unang tao na nag-approach sa kanila noon para tulungan but they refused. Among their friends, si Ares ang pinaka-willing na magpahiram muna sa kanila ng pera. It seemed like he had no problems of his own.
"Ikaw nalang makipag-usap sa kanya?" Tanong ni Achilles while the girl just nodded, getting ready for school.
- -
Nang matapos ang klase ni Achilles, nagmadali siyang pumunta sa med building kung nasaan si Prada. Malayo ang building niya sa kanila, Accountancy kasi ang kinukuha ng binata.
Kinaugalian na nina Achilles at Prada ang kumain ng lunch na sabay. It was the best time for him to open up about his problem.
There was something odd about her these days, though.
Prada did not want to fuck anymore. More so, iniiwasan na rin siya ng babae. Noong una ay akala niya regla lang ni Prada 'yon, but it was taking too long. Mahigit tatlong linggo na nang huli nilang pag-uusap at pagdidilig. He was getting so worried for her... not as a fubu, but as a friend. They stopped eating lunch together.
Tinanong na rin ni Achilles kay Hades kung may problema ba pero wala itong sinasabi. Ni hindi nga siya pinansin ni Prada kahapon noong birthday niya. She and Hades seemed fine.
Magsisinungaling si Achilles kung sasabihin niyang hindi siya malungkot at hindi niya miss si Prada.
"Prada!" Lumiwanag ang mukha ni Achilles nang makita ang babaeng hinahanap niya. Kasama nanaman niya si Hades, papunta sila ngayon sa building ni Chanel. Ever since they stopped talking, sina Hades at Chanel na ang kasama niya. At least, panatag ang loob niya na mayroong kasama si Prada na kumakain.
Hades' angry face did not escape Achilles' eyes. He looked like he was ready to punch Achilles any time now. However, he had to talk to her. Hindi lang dahil doon sa pakikiusapan niya... but also to ask her what was wrong. Achilles missed Prada more than anyone could ever imagine.
"Yes?" Tanong ni Prada habang kumuyom ang kamao ni Hades.
"Uy, Hades! Lunch tayong tatlo?" Achilles smiled at her at tinapik ang balikat ni Hades. Natakot nang kaunti si Achilles nang kumunot ang noo ni Hades.
Mas lalo tuloy nagtaka si Achilles kung ano ang ginawa niyang mali kay Prada. Ilang beses naman niyang nakausap siya pero sinabi lang ni Prada na wala naman siyang kasalanan.
"Hades and I are papunta somewhere," malamig na sagot ni Prada. "Sorry, next time nalang."
Achilles sighed he watched Prada walk away with Hades.
Kung ano mang kasalanan ni Achilles, he would immediately apologize to Prada. Pero hindi talaga siya kinakausap ng babae. Mapait siyang napangiti sa sarili niya at sinundan ng tingin sina Prada. Ayun nalang ang pwede niyang gawin ngayon.
Napatalon si Achilles sa pwesto niya nang may umakbay sa kanya. It was Apollo. Kasama nito si Ares na mukhang kagagaling lang sa law class nila.
"Brokenhearted ka, boy?" Pang-aasar ni Apollo kaya inirapan ito ni Achilles. "Nafa-fall na ba ang gago?"
Binatukan tuloy si Apollo.
"Pasmado bibig mo, tukmol," Ares said and laughed at Apollo who was caressing his head. After, he looked at Achilles worriedly. "Sama ka nalang sa amin maglunch."
"Gesi." Tumango si Achilles. "Nasaan ang mga babae?"
Hindi lang siya kay Yves tumayo bilang kuya, rather, to the other girls as well. Dumaan sina Hades, Ares, at Zeus sa kanya noong una palang silang nanliligaw kina Chanel, Tiffany at Yves. Siya rin ang sumusundo kina Dior at Tiffany kapag kagagaling lang sa walwal, kung hindi available si Ares. Other than that, siya rin ang nag-aadvice kay Gucci about her one-sided love.
In terms of pagka-kuya, nangunguna sila ni Ares.
"Tiffany's on the way," sagot ni Ares. "Si Dior naman ay nawawala. Nakita kong magkasama sina Hermés, Gucci, at Zeus kanina."
"Love!" Lumingon ang mga lalaki nang makita si Tiffany na tumatakbo papalapit sa kanila. Napangiwi sina Achilles at Apollo nang sinalubong ng yakap ni Ares ang jowa niya.
"Putangina naman," mura ni Achilles habang tinakpan ni Apollo ang mata niya. "Apollo, tayo rin nga!"
"Ano ako?" Tanong ni Apollo. "Proxy kay Prada?"
"Hindi pa kayo okay?" Tiffany asked after Achilles smacked Apollo's head.
"Ayaw pa rin ako kausapin, e." Nanlumo si Achilles at nagpamulsa nalang.
All of their friends noticed about the changes ni Achilles' and Prada's relationship, kaya nga napagpasyahan nila na si Achilles ang susundo kay Prada noong birthday niya para makapag-usap sila. Not only that, napansin din ng mga schoolmates nila dahil alam nila na madalas silang magkasama. Their squad was famous after all.
"Tara, kain tayo ng lunch?" Aya ni Ares.
- -
"Babe!"
Sinalubong ni Zeus ang yakap ni Yves before planting a soft kiss on her lips. Katatapos lang ng klase nila and they decided to eat sa carinderia.
Kanina ay magkakasama sina Zeus, Hermés, and Gucci kaso umalis na ang dalawa dahil may pinasuyo si Gucci kay Hermés. Plus, ayaw nilang mag-thirdwheel sa magjowa.
"Na-late ata magdismiss prof mo?" Tanong ni Zeus before they started eating. Yves awkwardly laughed, ayaw niya talaga sabihin ang sitwasyon nila ni Achilles because she wanted to change her ways. Nagui-guilty siya sa ginawa niya kay Zeus noon.
"Oo, babe!" Masiglang sagot ni Yves, trying to hide the fact that her mind was clouded. "Kamusta class mo?"
"Medyo okay naman," Zeus answered. "Kumpara last sem, mas may natututunan ako sa prof ngayon."
Yves had to laugh at that. Last semester kasi, laging nagrereklamo si Zeus dahil sa prof niyang hindi nagtuturo pero mababa magbigay ng grade. Muntikan siyang hindi makapasok sa dean's list dahil doon.
"Date tayo mamaya?" Zeus cutely smiled. "Free ka, babe?"
Naalala ni Yves na dapat niyang kausapin si Ares after school. She had to be quick dahil maikli lang ang oras na ibinigay sa kanila. Kung wala pa silang makuhang tulong, they would be homeless in two days time.
She could not help but wonder kung nakakuha na si Achilles ng tulong kay Prada. More than anyone else, siya ang unang nakapansin paano dumistansya si Prada kay Achilles. Baka napagod na siya sa setup nila? Or nagmo-move on?
Whatever it was, sana maayos na nila.
"Babe? Okay ka lang?" Yves snapped out of her thoughts nang marinig ang sunod-sunod na tanong ng jowa niya.
"Yes, babe! Sorry!" She flashed him a soft smile. "Hindi ako makakapunta mamaya, e. Aalis kami ni kuya Achi."
Sa tinagal-tagal nilang magjowa, Zeus already knew almost everything about her. Alam niya ang mga ayaw ni Yves, ang mga gusto niya, at ang takbo ng buhay niya. That included how she lied and how she tried to hide something from him.
Pero ayaw niyang i-pressure si Yves.
"Babe." Hinawakan ni Zeus ang kamay ni Yves. "If may problem ka, you can just tell me, okay?"
Yves was frozen for a moment before nodding. Matapos nilang kumain, hinatid muna ni Zeus ang girlfriend niya sa building nila bago magliwaliw. Wala naman siyang klase sa hapon.
"Do your best, babe." Pinatakan ni Zeus ng halik sa noo ni Yves.
Zeus was bothered dahil nakikita niya na ganoon din si Yves. On their way pabalik sa university, hindi rin gaanong madaldal ang girlfriend niya... Which was new to him. Though, mahalaga rin sa kanya ang mental at emotional health ni Yves so he did not want to pressure her on telling him.
"Zeus!" Napalingon siya nang makita si Gucci na tumatakbo papunta sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at nginitian ang kaibigan. "Kamusta?"
"Okay lang," sagot ni Zeus at binuhat ang paper bag na dala ni Gucci. It was her project for her course kaya siya nagpasuyo kay Hermés. "Ikaw?"
"Umay ni kuya Hermés." Gucci chuckled. "Iniwan ako matapos akong magpalibre."
"Deserve." Binatukan siya ni Gucci. Zeus' bothered face was noticeable... kaya bigla rin nag-alala si Gucci. Baka nag-away ang magjowa.
"Sure kang ayos ka lang?" Paninigurado ng babae. Zeus let out a sigh and looked at her.
"May sinabi bang problema si Yves sa'yo?" Tanong ni Zeus kaya napakunot ang noo ni Gucci. Hindi rin naman sila madalas nag-uusap these days kasi hell week sa course nila.
"Wala naman," sambit ni Gucci. "Bakit?"
"Guch, pwedeng favor?" Zeus asked. Aside from him, it was Gucci who could have his girlfriend open up to. Kahit ayaw niyang i-pressure, he wanted to help her in any way he can.
"Anything!" Tumango si Gucci.
"Pwedeng kausapin mo siya?" Agad namang tumango ang babae sa favor ni Zeus. After all, she wanted to know too, lalo na mag-bestfriend sila. "O kahit tingnan mo lang ang kalagayan niya?"
"Zeus, kahit hindi mo sabihin, I would ask her." Gucci smiled. "Bestie ko siya!
- -
"Dior?"
Halos mapatalon sa pwesto si Dior nang marinig ang boses ni Achilles. After her classes, trabaho na ni Dior ang mag-manage ng funds ng school. It was the work assigned to her in turn of her scholarship plus may allowance siyang nakukuha rito.
"Putangina!" Napahawak si Dior sa dibdib niya. "Akala ko totoo na 'yung mga ghost story dito."
"Imagination mo ang limit." Natawa si Achilles at saka pinanood ang kaibigan na mag-ayos ng paperworks.
"Naparito ka?" Tanong ni Dior dahil nakikita niya sa mukha ng kaibigan na may kailangan ito. Kung sasabihin lang ni Achilles, Dior would gladly give help to him. May extra pa naman siyang pera for that.
"May itatanong lang ako," Achilles said habang pinagmamasdan ang office na kinaroroonan nito.
"Shoot." Tumigil muna si Dior sa ginagawa niya at tumingin sa kaibigan.
"May boyfriend ka ba?" Pagbibiro ni Achilles kaya binatuhan ito ng papel ni Dior. Alam naman talaga ni Achilles na mayroon ito kahit hindi pa nila inaamin. He was very observant. Pero pinangako niya sa sarili niya na iinterviewhin niya nalang si Apollo kapag handa na sila.
"Isa kang malaking pakyu, Achi," mariin na sabi ni Dior kaya natawa ang lalaking kaibigan.
"May allowance ka ba rito sa trabaho mo?" Tanong ni Achilles. As much as possible, kailangan ni Achilles na magdagdag ng trabaho para magkaroon din siya ng extra allowance. Ayaw na rin niya na lagi silang gipit ni Yves.
"Oo!" Sagot ni Dior. "Balak mong mag-apply?"
Tumango si Achilles.
"Tanungin ko si ma'am Acosta kung tatanggap sila ng applications this sem." Achilles smiled at what Dior said. "Update kita agad, tukmol."
"Huy, seryoso ba?" Gulat na tanong ni Achilles. "Nakakahiya naman, ata!"
"Wala kang hiya, punyeta." Napahalakhak si Achilles sa sinabi ni Dior. Inaamin naman kasi niya na totoo 'yon.
"Kaya sa'yo ako, e! Maraming salamat, erp!" Maligayang sabi ni Achilles. "8pm pa uwi mo, 'di ba?"
"Oo, bakit?" Tanong ni Dior.
"Hatid na kita pauwi," sagot ni Achilles. May mga araw naman talaga na hinahatid niya ang kaibigan niya sa bahay niya pero kapag hindi siya pwede, sinisigurado niya na may isa sa tropa nila ang maghahatid kay Dior.
"Huwag na!" Dior exclaimed. "May kasabay ako."
"Sige. Ingat ka," paalam ni Achilles at saka lumabas.
Sakto ay nakasalubong niya sina Ares at Yves na naglalakad. Nasabi na siguro ng kapatid niya kay Ares ang sitwasyon nila.
"Kuya!" Takbo ni Yves kay Achilles. Ang lalaking kapatid naman ay malambing na ginulo ang buhok ng nakababata.
"Achi!" Nakipag-bro hug si Ares kay Achilles. "Yves told me na may gusto raw kayong sabihin."
"Oo, pre." Tumango si Achilles bago kinamot ang batok dahil sa hiya. "Pero, pwedeng sa private tayong lugar?"
They decided to eat in one of the cafes that Chanel's family owned. Nakakuha tuloy sila ng discount. Parang pinagplanuhan talaga. 'De, biro.
"I'll pay for it." Ngumiti si Ares sa kanila. Hindi naman manhid si Ares para hindi isipin ang dahilan bakit siya gustong kausapin. As much as possible, mas gusto niya na may tinutulungan siya.
"Huy, ako na!" Achilles retorted, fishing out some cash from his bag. Napatigil ito nang ibinigay ni Ares ang card niya sa cashier. "Next time, ako na magbabayad, tol."
"Don't worry about it." Ares chuckled at saka sinundan sila na umupo sa isang bakanteng pwesto sa cafe. Mabuti nalang at hindi crowded ang lugar ngayon.
"So, what were you about to tell me?" Panimula ni Ares dahil napapansin niya na bothered si Achilles ngayon. He knows that Achilles did not want to get help dahil naniniwala naman siyang kaya niya.
"Uhh..." Achilles said. "P-palalayasin na kasi kami sa inuupahan namin after two days. Wala na kaming pambayad ng renta."
"Kung ayos lang sana na pahiramin mo muna kami..." Dagdag niya. "Pangako, babayaran ko agad! Marami na akong kinukuhang sideline ngayon!"
"Magkano ba?" Ares asked. Nakita niya paano nalungkot ang mukha ng dalawa. It must have been that heavy.
"100k," saad ni Achilles.
Ares wanted to say no... dahil alam naman niyang wala na siya. Sobrang baon na sa utang ang pamilya niya, to the point that he and Tiffany had to take part-time jobs. But still, his generous personality prevailed.
"I can help you with your rent." Ares smiled, but his smile grew wider nang makita ang relieved faces ng mga kaibigan niya. That mattered to him most. "Kaso, it might take time."
Sa ngayon, it was impossible for Ares to get money that quickly. Hindi rin naman sapat ang allowance niya ngayon to cover their expenses.
"I suggest that you seek shelter sa iba muna," dagdag nito. "I will inform Hermés about this. Sa tingin ko ay matutulungan naman niya kayo."
"Super salamat, kuya!" Halos mangiyak-ngiyak si Yves sa sinabi ni Ares. They were lucky that they had friends like them. Na kahit naghihirap na rin sila, they would always look out for each other.
"Maraming salamat talaga, Ares." Ngumiti si Achilles. "Pangako, babawi ako."
At that moment, Yves and Achilles was starting to let the crows kiss their death.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top