PROLOGUE

˚˚. CROWBONES


"Ang alam ko, ang pinag-usapan nating oras ay 10PM. So, nasaan sila?"


Napasabunot nalang ng buhok si Dior sa inis dahil sa mga kaibigan niyang napakatagal dumating. Ang napag-usapan ng tropa ay 10PM magkikita sa tindahan malapit sa tanyag na haunted house na nagngangalang Crowbones.


Mahilig sa challenge ang Tukmomols... At syempre, hindi nila palalampasin ang pagkakataon na subukan ang tinaguriang pinakanakakatakot na gusali sa Manila. 


Sa puntong ito, dapat na mas matakot ang tropa nila kay Dior na nag-aalburuto na sa inis.


"Hades got na-traffic," sagot ni Prada habang hawak-hawak ang kanyang phone. Kausap niya rin kasi si Hades sa linyang 'yon.


"Apollo told me that he's with Hades, Gucci, and Tiffany," Hérmes reassured his friends — mas lalo na kina Chanel at Dior na nakakunot ang noo.


"Where did you even find out about Crowbones?" Tanong ni Chanel habang nakahalukipkip. Kahit naman sanay na siya, she hated it when Hades was late. She had to get a bottle of water from the side bago siya tuluyang magalit.


"It trended noong isang araw," Prada answered. "Everyone who dared going there never came out daw."


"Ha?!" Nasamid si Chanel sa iniinom niya. Agad namang kumuha ng tissue si Ares para sa kaibigan. "You're telling me baka tayo rin hindi na makalabas doon?!"


"Chill..." Umalik-ik si Dior habang pinapatahan si Chanel. Though, it was quite ironic for her to say that lalo na siya rin ang unang nainis kanina. "It's a challenge for us, Chanel!"


"Hindi mo ba pinindot 'yung sinend na tweet ni Ares kagabi?" Saad ni Zeus bago uminom sa hawak niyang San Mig Light. "Nako nako, Chanel."


"I slept after Apollo bid goodnight," Chanel answered. Binalot na tuloy sila ng katahamikan. Tanging si Chanel lang ang nag-aalala sa gagawin nila. Wala naman kasi sa plano niya ang pumasok sa haunted house para i-celebrate ang pagkatapos ng school year.


Kaya lang naman sila magtitipon-tipon ngayon ay dahil tapos na ang second semester sa university nila.


"Nandito na kami!" Maligayang bati ni Apollo habang dala-dala ang mga... Cooler?!


"Why the heck do we have a cooler?!" Hindi na mapakali si Chanel dahil hindi niya mawari bakit may dalang cooler ang kaibigan. Mas lalong sumakit ang ulo ng dalaga nang makita ang nakangiting mukha ng mga tropa niya.


"Hindi ka ba nag-seen sa GC?" Tiffany asked after Ares greeted her with a peck on the cheek. "We promised na sa Crowbones tayo iinom ng beer!"


"Bakit, ate Chanel?" Tanong ni Gucci. "Are you scared?"


Agad namang napatingin si Hades kay Chanel, kung saan iniwasan ng babae ang mga mata nito. Hindi pa talaga sila handa na harapin ang isa't isa matapos ang lahat ng mga nangyari.


"Huwag na kaya tayo tumuloy?" It would take a fool to not notice gaano ang pag-aalala ni Hades kay Chanel. "Marami pa namang pwedeng puntahan diyan."


"No," hindi nag-dalawang-isip si Chanel. "Let's go."


Habang nagdiwang ang magkakaibigan, napa-buntong hininga na lamang si Hades. Naghanda nang umalis ang magbabarkada at pupunta na sila sa Crowbones.


"Alam niyo..." Panimula ni Apollo habang naglalakad sila. "Hindi ko na tiningnan 'yung GC matapos ko matulog kaya hindi ko rin alam anong gagawin natin ngayon. Pero sabi niyo baka matakot si Chanel!"


"Pupuntahan kasi natin ang bahay ng kambal mo," ani Dior. Just as what they expected, magsisimula nanaman ang bardagulan. "Nakakatakot kasi 'yung mukha."


"Kambal ko lang 'yung nakakatakot ang itsura!" Giit ni Apollo at saka napakunot ang noo ng karamihan sa kanya.


"You're so fucking stupid." Umirap si Hérmes at napamasahe ng kanyang sentido. Apollo still did not know why, though.


Walang bakas ng takot ang halata sa magkakaibigan dahil sa lakas ng loob nilang maglakad papunta sa lugar na walang ilaw. Ni wala rin ngang tao na pwede nilang mapagtanungan.


"Do we have flashlights?" Tumingin si Ares sa kanila. By instinct, siya ang nasa likuran ng grupo habang si Chanel ang nasa harap, tutal sila naman ang tumatayong magulang ng grupo.


"Don't tell me gagamitin natin phones natin!" Prada panicked. Nakalimutan niya kasing i-charge ang phone niya bago siya pumarito.


"May dala ang Team Doraemon," sagot ni Hades bago buksan ang kanyang bag na puno ng flashlights.


"Team Doraemon?" Nagtatakang sambit ni Gucci na nakakapit kay Zeus ngayon.


"Alam niyo, guys," singit ni Apollo. "Kaya kami na-late kanina ay dahil sinigurado namin na dala namin ang lahat ngayon. Maganda ang handa!"


"Batang may laban!" Panggagagong kanta nina Hades at Zeus na nagpasakit ng ulo nina Gucci at Prada.


"Sa totoo lang, hindi ko alam bakit ko sila kaibigan," bulong ni Dior kay Tiffany. Katabi lang nila si Ares kaya natawa ito.


"Pakiramdam ko tina-talkshit tayo ni Dior," pabirong pang-aakusa ni Hades. "Akala ko pa naman sa valo lang siya ganyan!"


"You're all shits." At syempre, kailangang depensahan ni Hérmes ang mga akusasyon laban kay Dior. He was head over heels for her.


Habang nagbabardagulan ang iilan sa kanila, tahimik na ipinamigay ni Ares ang mga flashlights na nasa supot ni Hades. It was better to be safe for them.


Makaraan ang ilang minuto, patuloy pa rin silang naglalakad. Ni hindi nga nila alam ang itsura ng nasabing haunted house. 


"Shuta, ang layo na ng nilalakad natin ah," reklamo ni Apollo at saka tumingin sa paligid. "Akala ko ba malapit 'yung tindahan sa haunted house?"


"Sino bang nag-decide na sa tindahan tayo magkikita-kita?" Nerbyos na tanong ni Gucci. Unti-unti nang umaatake ang asthma niya dahil sa takot.


"Si Prada!" "Si Zeus!" "Si Tiff!"


At, nagsisihan na nga ang lahat.


"Stop it!" Gumitna si Chanel sa kanila. "Wala tayong mapapala kung magfo-focus tayo sa tindahan na 'yan. Let's keep moving. May GPS ba kayo diyan?"


With that, tiningnan ng magkakaibigan ang phones nila.


"Tanungin mo muna kung may signal kami," ani Zeus.


Wala silang choice kundi maglakad hanggang sa makahanap ng kahit anong sign of life or structure. Because as of now, puro lupa at kalsada lang ang nadadaanan nila. Para bang mas nakakatakot ang daan na ito kaysa sa mismong haunted house.


"Ang dami nating nakitang uwak today ah," bulong ni Prada.


"Uwi nalang kaya tayo?" Aya ni Tiffany. Masama na ang kutob niya sa nangyayari. "Pwede naman na sa BGC nalang tayo. That'll suffice, 'di ba?"


Kahit anong gawin niyang paglalakas ay bakas pa rin sa kanyang boses ang takot. It felt weird for her... Tiffany Lamanie was always up for challenges.


"I agree," Ares sided with his girlfriend. "Balik nalang tayo some other time?"


"G!"


And with that, the group set trail pabalik sa tindahan. It was another hour of torture for them dahil ang layo na ng nilakad nila. Para maiwasan ang boredom, they opted to gossip.


"Balita ko pinopormahan nung sa applied mathematics si Prada," Dior said. "Lucas ata pangalan?"


"Kaibigan ko 'yun ah...." Hades butted in bago tumingin kay Prada. "Dumada-moves sa'yo?"


"Pati si Ynigo!" Bulyaw ni Gucci. "Kinukuha nga sa akin number niya, e."


"I'm not interesado, okay?" Nagpakawala ng mahinang tawa si Prada. "I'm not healed yet."


Tila bang parang may masamang hangin ang dumaan at nanahimik lahat. All of them know so well ang dahilan bakit wasak pa si Prada ngayon. It was a memory they want to bury to the depths of Earth.


"Gago," tumigil saglit si Apollo para habulin ang hininga niya. "Pagod na ako. Kanina pa tayo naglalakad."


At dahil doon, napagpasyahan ng grupo na tumigil muna at magpahinga saglit bago magpatuloy sa paglalakad. It felt like they were walking for days.


"Gusto mong tubig?" Alok ni Dior kay Hérmes. Ngumiti ang binata bago umiling. 


Hindi pinalampas ni Hérmes ang pagkakataon na ipalibot ang kanyang tingin. Pinagmasdan niya ang lugar na kinaroroonan nila. 


Napaawang ang labi niya nang may mapansin.


"There's something wrong..." Napatingin lahat nang magsalita si Hérmes. Tumaas ang balahibo nila nang ituro nito ang grupo ng crows sa malapit na puno.


"Kanina pa tayo dumadaan dito. They're the same crows we saw for the past two hours."


In just a snap, everything turned dark. Ang tanging narinig lamang ng magkakaibigan bago tuluyang mahimatay ay...


Let the crows kiss your death.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top