DOS

˚˚. DIOR

I woke up to the noise surrounding me. Ano ba ang nangyari kanina? All I remember was there was smoke coming from the vent at katapos noon ay nandilim na ang paningin ko.


Ang sakit ng ulo ko. Putangina.


Napahawak ako sa ulo ko nang mapagtantong... My hands are free! Pero may mabigat sa leeg ko... What the fuck? I immediately landed my hands on my neck. May metal collar kami sa leeg!


My eyes were a little droopy pero agad din akong nagising nang may umalog sa balikat ko.


"Dior!" Hermés looked worried. "Are you alright?"


Sasagutin ko sana siya nang marinig ang malakas na sigaw ni Hades. All of it happened so fast... I did not know where to look. Ang tanging naramdaman ko lang ay panic at nerbyos.


"Tangina! Sinong gumawa nito?!" Napatayo ako sa sigaw niya at nakitang umiiyak sina Prada, Chanel, at Tiffany. Kumunot ang noo ko. Why were they crying?


"W-what the fuck happened?" Nautal ako... Even my hands were shaking. Tila bang may humuhugot sa baga ko; I could not breathe properly. Pinapatahan ni Zeus si Prada, si Gucci kay Chanel, at si Ares kay Tiffany.


Agad akong lumapit kay Tiffany. Nanginginig ang kamay ko nang hinahawakan ko ang mukha niya. Ares was caressing her hand. Hindi ako magkandaugaga. She's my best friend, for Pete's sake!


"Bes..." Despite of it all, pinilit ko maging kalmado. "Tell me, anong nangyari?"


Hindi ko alam ano ang nangyayari pero naluluha ako nang makitang umiiyak ang best friend ko. Hérmes was trying to console me but everything was to no use. Tangina, bakit kasi hindi sabihin sa akin ano ang nangyari?!


"Magsalita ka naman!" Sigaw ko, tumutulo na ang luha sa mga mata ko. "Bes, sabihin mo. Tutulungan kita... Just tell me."


"Dior..." Tawag sa akin ni Ares na umiiyak din.


"What is happening to my friends?" Madiin kong tinanong habang pinapalibot ang mga mata ko kina Chanel at Prada.


Naramdaman kong may pilit na nagpapatayo sa akin. Lumingon ako nang makita si Apollo. Pinupunasan ko ang luha ko habang naghihintay ng sagot.


"Their mouths are sealed shut. Inalis ang dila nila," bulong nito sa akin. Para bang may umuntog sa akin at bigla nalang akong napaluhod. My knees failed me... my heart hurt. Ano ba ang nangyayari sa amin?


Putangina! What have they done to my friends?


Lumapit ako kay Tiffany at hinawakan ang isang kamay niya. Desperado akong sagipin siya... Sila. They're my friends. I closed my eyes... trying so hard to force out the last brain cell inside of me.


We need to get out of here. Alive.


Tumingin ako sa kapaligiran ko at natigil nang may makitang pinto. Kadisenyo nito ang mga maala-palasyong kagamitan. Tumayo ako at naglakad papunta roon but stopped nang ma-realize na it was locked.


Of course. Bakit naman kami palalabasin nitong gagong 'to?


"Anong gagawin mo?" Tanong ni Zeus nang makitang umatras ako sa pinto.


"Fucking get out of here," sagot ko at saka bumwelo para sipain ang pinto. Despite their complaints, I pushed through.


"Dior, don't!" Sigaw ni Hermés pero huli na ang lahat.


Nasipa ko na ang pinto pero imbes na bumukas ito, at imbes din na paa ko ang sumakit, may mahapdi akong naramdaman sa leeg ko. So... That was the use of this fucking metal collar.


I was being electrified!


Napahiga ako sa sahig habang nanginginig at umiiyak sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Para bang sasabog na ang utak ko and I was close to blacking out any minute. Fuck this! Fuck Crow! Fuck my friends! Fuck myself!


"Dior!" Sigaw ni Hades at akmang lalapit sa akin.


Nakita ko rin si Tiffany na tatakbo sana pero pinigilan ito ni Ares. One of my friends also looked at me worriedly habang natatarantang pumunta sa akin.


Ang sakit... Gusto ko nang umalis dito.


"D-dior..." Niyakap ako ni Hermés at pati siya ay nakuryente na rin. Kahit nanghihina ako, I was trying so hard to shove him away.


"L-let go... You'll get... hurt," nanghihina kong sabi sa kanya pero hindi siya umalis.


Matapos ang ilang segundo ay natapos na rin ang peligro. Nasa isang tabi lang ako na naghahabol ng hininga habang inaalalayan ako ni Hermés. I had to force out a smile at him. Kahit nakuryente rin siya, he was still tending to me.


"Tangina kasi! Umamin na kung sino ang pumatay para makaalis na tayo rito!" Apollo shouted.


"Walang pumatay rito, Apollo," mariing sambit ni Ares. He was so sure... Na pati ako ay nalinlang niya. I was convinced with their optimism. Alam ko rin naman na I could not fathom thinking my friends being murderers.


"Kung walang pumatay rito, puta, bakit narito pa tayo?!" Galit na sigaw ni Apollo sa kanya.


"Ayus-ayusin mo pananalita mo. Nakatatanda pa rin 'yan sa'yo," singit ni Hades. Napatingin ako kay Zeus na bumitaw sa yakap ni Gucci.


"Mamamatay na tayo, manners pa rin iniisip mo?" Zeus asked, evidently angry. "Kinuryente si Dior tapos hindi makapagsalita ang tatlo nating kaibigang babae, tapos ayan ang inaalala mo?!"


"Sumosobra ka na!" Sabi ni Hades at sinuntok si Zeus. Nag-panic lahat nang makitang naglaban ang dalawang palaaway sa amin. "Kaibigan ko rin sila!"


"Tumigil nga kayo!" Pang-aawat sa kanila ni Apollo. At ayun, natamaan din ng suntok si gago. Dasurv.


"We won't get anything with fighting," bilin ni Hermés at inilayo si Apollo sa kanila. Hérmes was always a man with little words but his actions prove that he cares about his best friend so much.


"Aayusin natin ito sa tamang paraan," paalala ni Ares na ikinatahimik ng lahat. "Magkakaibigan tayo, hindi magkaaway."


Really? Sana... After this shit with Crowbones, magkakaibigan pa rin tayong aalis dito. I had a bad feeling na magkakasiraan na kami rito.


"Hello, little ones! Just a reminder not to try to escape here without identifying who the killer is. That metal collar is designed to keep you from doing so," nagsalita ang tanginang Crow sa speaker. "Your first challenge will be announced in a couple of minutes."


"Fuck you! Tangina mo!" Sunod-sunod na mura ni Apollo na para bang may mangyayari.


Kahit malapit kami ni Apollo, it was my first time seeing him publicly stressed. Kadalasan kasi, mas pipiliin niyang magkwento sa akin kaysa ipakita sa iba na marami siyang dinadala.


Napagdesisyunan ko nalang na lumapit kina Chanel at Prada. If Crow wants us to find out who the killer is, then I will do it. I should not waste time.


"Are you feeling alright now? Does it hurt?" Tanong ko sa kanila. Dahil naman hindi sila makasagot, tumango sila sa akin.


They are the brains of the group kaya baka ito rin ang dahilan bakit their mouths were sealed shut. Mabuti nalang ay mahilig akong mag-escape room sa malls kasama nina Apollo at Hades. Noong buhay pa si Achilles... kasama rin namin siya.


Wait no— fuck him.


Pabuhat silang tatlo.


"May alam ba kayo about the killers?" Tanong ko... nagbabaka-sakaling ito ang dahilan bakit ito ginawa sa kanila.


Nagkatinginan sila at sabay na umiling sa akin. So... it is because they are the brains. Or not. Ewan ko! Pakiramdam ko may tinatago silang sikreto sa akin!


"The challenges... magpapatayan ba kami?" Malungkot kong tanong sa kanila. That was my biggest worry of all. Chanel sighed and nodded.


I was trying so hard to contain my tears inside.


I cannot kill my friends... especially him. Hindi ko kaya at mas lalong hindi ako papayag.


"Greetings, little ones! Your first challenge is a treasure hunt. This first challenge will give you clues about the killer," maligayang sabi ni Crow. "After that, we'll do a voting sa kung sino ang sa tingin niyo ang killer. The most voted will have a light penalty."


Tsk. This is so cruel. Magbobotohan kami... kaming magkakaibigan... just for a friend to suffer. Kahit hindi dapat ito ginagawang katuwaan, I dearly hoped na prank lang ito lahat.


Gusto ko lang na bumalik sa bahay namin... sa university... sa kanya... at sa dati.


"You need to find three things. One, a gown cloth. Two, a camera. And lastly, a photo album." Natawa si Crow. "Let the challenge begin!"


"Pumuputangina talaga 'tong si Crow." Hades rolled his eyes. "Nanggaggago 'to, e."


"Do we have to vote, Ares?" Tanong ni Gucci sa kanya, kitang-kita ko na kumakapit nalang siya sa kaunting pasensya niya bago tumulo ang mga luha niya. "Will we let one be hurt?"


Napansin ko na lahat ng mga mata namin ay dumapo kay Ares. It was the look of hope— something I feel we're about to lose these coming days.


"Let's just find those stuffs first." Hindi rin ma-diretso ni Ares si Gucci. As always.





˚˚. APOLLO


"Pre, ano raw hahanapin?" Tanong ko kay Hermés kasi nalimot ko anong sabi ni Crue.


Crue ba 'yon? Bahala na.


"A gown cloth, a camera, and a photo album," sagot nito habang naghahanap sa mga aparador. Kahit naman tinatamad ako, bawal ako sapian ngayon dahil kailangan na naming makaalis dito.


Napagpasyahan ko na sa kanya muna ako sasama kasi 'di hamak na mas matalino siya kaysa sa akin. Pero tangina, may nararamdaman akong kakaiba?


Tumingin ako sa paligid ko... may hinahanap ako. Ang dahilan bakit ganito ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko kaunti nalang ay sasabog na.


"You okay?" Tanong ni Hermés sa akin. Kailan kaya ito magtatagalog? Minsan din nano-nosebleed na ako sa kanya, e.


Tangina, alam ko na.


"Pre..." Ngumuso ako na ikinakunot ng noo niya. "Natatae ako."


"Putangina mo." Napahalakhak ako sa mura ni Hermés! Ang lutong at tagalog na tagalog! Sinamaan naman ako ng tingin ni Gucci na kasama si Chanel ngayon.


Pero kasi, totoo naman talaga na natatae ako. Wala bang banyo rito?


Napako ang tingin ko kay Tiffany na para bang may inaabot sa shelf. Tutulungan ko ba? Syempre naman!


Lumapit ako at kinalabit siya.


"Kailangan mong tulong, Tiff?" Flinex ko rin ang biceps ko. "Kayang kaya ko 'yan!"


Tumaas ang kilay ko nang umiling siya. Hindi niya abot pero hindi rin siya tatanggap ng tulong? O baka galit sa akin?! Anong ginawa ko?!


"Sure ka?" Paninigurado ko at tumango siya.


Weird.


Napagdesisyunan ko nalang na lubayan sina Hermés at Tiffany at hanapin nalang ang mga bagay mag-isa. Pinalaki naman ako ni mama na maging independent kasi sino ba naman ako para samahan? Hahaha.


Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko?


Unang una, kailangan kong mag-isip. Ano ang kinalaman ng mga bagay na 'yon sa pagpapapatay kina Yves at Achi? At ang pinakamahalaga, sino ang pumatay?


Pero ang pinaka-pinakamahalaga, may banyo ba rito?


Ang camera doon siguro sa... tangina... may kinalaman 'yon doon?! 'Yung scandal video nina Yves at Achi... nakuhanan gamit ng camera na 'yon.


Ibig sabihin, pinatay sina Yves at Achi dahil sa video. Ayun ang motibo. Edi ibig sabihin, naghihiganti siya kina Yves at Achi?


Edi... malamang pa sa malamang, tumingin ako sa taong pinaghihinalaan ko na pumatay. Alam kong mali ang magturo pero maraming bagay ang pumupunto sa kanya ngayon.


"I found the camera!" Sigaw ni Ares sa amin at lumapit kami. Hawak-hawak ni Tiffany ang camera. "Kaso walang memory."


"Pinapagod lang tayo ng Crow na 'yan, e," saad ni Hades at pinakyuhan ni Dior ang speaker.


"Nahanap niyo na ba 'yung iba? Wala pa kaming nakita ni ate Chanel e." Tanong ni Gucci habang nakakapit kay Chanel.


"Nope," sagot ni Hermés. "I even checked the cabinets."


"Ano bang klase cloth 'yun? Satin ba?" Tanong ko pero ni isa sa amin ay walang mabitawang sagot.


"Let's continue to find it," utos ni Ares at saka nagkalat na kaming lahat. Hindi naman ganoong kalakihan itong kwarto kaya nagtataka ako bakit hindi pa rin namin mahanap ang iba.


Nagpunta ako sa sulok na mayroong kurtina, baka sakaling may nakakabit na tela roon. Muntik akong mapatalon sa pwesto ko nang makitang nasa tabi ko si Prada. Tiningnan ko siya nang maigi na para bang may mapapala ako.


Alam ko na. Siya naman ang iinterviewhin ko.


"Sa tingin mo, bakit hindi ka nakakasalita?" Tanong ko. Nagmukha lang akong tanga nang mapagtantong hindi nga siya makakasagot.


"Ay pasensya na." Natawa ako saglit. "Alam mo ba ang kinalaman ng cloth sa nangyari?"


Napaisip siya saglit at umiling. Tanong ko pa, "Kilala mo ba ang killer?"


Umiling ulit siya at iniwan nalang ako para puntahan si Hades. Ang cold naman ni madam. Pakiramdam ko talaga pina-prank lang kami nito, e. Wala naman talagang killer! Ginogoyo kami!


Hinanap ko sa pwesto ko ang cloth pero wala talaga. Kapag nakita ko siguro 'yun, malalaman ko sinong pumatay.


Lalapit sana ako kina Zeus at Dior kasi mukhang malalim ang pinag-uusapan nila nang makarinig ako ng malakas na sigaw.


"Fuck!" Sigaw ni Gucci kaya napatakbo ako agad papalapit. Kinukuryente sila ni Chanel. Sinubukan din nilang tumakas?


"Anong ginawa niyo?" Nag-aalalang tanong ni Ares pero hindi makasagot ang dalawa. Aakmang yayakapin ko sana silang dalawa nang pigilan ako ni Tiffany.


Pero sumaway si Hades.


Niyakap nito ang dalawa kaya pati siya ay nakuryente. Hindi niya magawang sumigaw dahil hawak-hawak niya ang dalawang babaeng kaibigan namin. Alam kong ayaw niyang tuluyang matakot ang dalawa.


"We tried picking the lock of the door," sagot ni Gucci nang matapos. Napasapo ako sa noo. Ang kukulit talaga ng mga babae namin. "We're sorry..."


"Huwag natin subukang tumakas," habilin ni Zeus. "We'll find out who the killer is."


Doon ako napangisi.


"Baka nga ikaw 'yung killer, e," sabi ko. Lumapad ang ngiti ko nang nakitang kumuyom ang mga kamao niya. "Galit na galit ka kina Yves at Achilles kaya pinatay mo. Nakita ko ang galit mo noong napanood mo ang video, gago."


"Putangina mo, huwag kang magtuturo!" Susugod sana sa akin si Zeus nang yakapin ito ni Dior. Bakit? Nabisto ko ba ang sikreto niya? "Minahal ko si Yves kaya bakit ko siya papatayin?"


"Wala kang alam, hayop," mariin nitong sabi sa akin at saka tiningnan ako nang matalim.


"O baka naman si Prada? Fuck buddy mo si Achi 'di ba?" Hindi pa talaga ako tumigil. Imbes na si Prada ang sumugod sa akin, nakatanggap ako ng malakas na suntok mula kay Hades.


Hindi ako nagpatalo edi syempre sinuntok ko rin! Nagsisigawan ang mga kaibigan namin sa bawat suntok na binabato namin sa isa't isa. Pero lahat sila ay tahimik sa pandinig ko dahil ang tanging focus ko ay ang galit ko.


Inawat ako ni Hermés habang yumakap si Prada kay Hades. Matalim ang tingin namin sa isa't isa.


"Pasalamat ka kaibigan kita," sitsit ni Hades. "Baka masunod ka kina Achilles."


Napangisi ako at pinunasan ang dugo sa labi ko. Napansin kong tumingin siya sa akin, mukhang nag-aalala pero tumalikod nalang ako. Gusto ko munang mapag-isa.


Pumunta ako sa lugar kung saan mayroong flower vase para pakalmahin ang sarili ko. Bumabalik sa mga alaala ko ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang buwan. Ang bigat talaga ng lahat.


Sa paglabas ng video hanggang sa pag-aaway namin... At ayun, unti-unti na kaming nawasak. Kahit ang saya namin kahapon, alam ko na may butas na talaga sa samahan namin. Putangina talaga.


Kaya habang buhay kong kamumuhian sina Yves at Achilles.


Nakita ko si Dior na akmang lalapit sa akin pero umiling nalang ako. Isa siya sa mga pinakamalapit sa akin at sa kanya rin ako pumupunta tuwing may bumabagabag sa akin.


Pero huwag ngayon.


Lumibot ang tingin ko sa pwestong kinalalagyan ko nang napako ang tingin ko sa isang pamilyar na bagay.


The cloth. Fuck.


Kilalang kilala ko kung sino ang may-ari ng telang 'to. Alam ko ang petsa, ang lugar, at ang tao sa likod nito. Hindi ko ito maaaring kalimutan. Pero ang masaklap, hindi ko siya kayang ilaglag. Mahal ko, e.


Ikagagalit ba nila kung poprotektahan ko muna siya?


Tinago ko ang tela sa bulsa ko at nagpunit ng tela ng kurtina kapalit noon. Gagawan ko ito ng paraan pero sa paraan na hindi siya masasaktan.


Napapikit ako nang mariin nang maalala ang mga nangyari. Lalo na sa naging kontribusyon ko sa sinapit nina Yves at Achilles.


"30 minutes left before I let the crows kiss your death."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top