DIECISIETE

˚˚. APOLLO

Madilim.


Nandidilim ang mata ko sa tanginang pagmumukha ni Hermés, katapat ko kasi. Kanina pa ako iritang-irita sa kanya at sa mga pinagsasabi niya. Napamasahe ako sa sentido ko habang hinihintay magising ang iba naming kaibigan. Nakapabilog ang pwesto naming pito.


Kami palang ni Hermés ang gising. Tangina naman.


Ang tagal ko rin pinoprotektahan ng sikreto niya, ha? Pero, ang bilis niya naman akong ilaglag. Akala ko pa naman matalino siya, bumobobo rin pala minsan.


Parehas kaming masama ang tingin sa isa't isa. Kung hindi lang kami nakatali sa armrest ng upuan ngayon, kanina pa kami nagpatayan. Kung may problema siya, sabihin niya sa akin diretso. Hindi 'yung ganito.


Wala naman siyang alam, e.


"Traitor." Kumuyom ang kamao ko nang magsalita ito. Alam ko namang may mali ako... dapat sinabi ko na sa kanya. Pero, hindi ko rin alam ang gagawin ko noon. Hindi rin naman ako ang nagdesisyon sa amin ni Dior na itago ang relasyon namin.


Natatakot si Dior na baka masira ang pagkakaibigan namin.


"Tigilan mo ako, Hermés," sumbat ko sa kanya. "Wala kang alam."


"Hindi pa ba sapat 'yung mga nakita ko sa kwarto mo?" Tanong nito kaya napairap ako. I scoffed at napagpasyahan nalang na panoorin si Dior matulog. Ayaw kong gisingin ang mga kasama ko dahil deserve nila ang makapagpahinga.


Lahat kami nadurog sa pagkamatay ni Tiffany.


Si Ares... planado na ang buhay niya kasama si Tiffany. Para na rin siyang tinanggalan ng pangarap. Hindi ko nga sinabi sa kanila ang iba kong nalaman tungkol kay Tiffany para protektahan ito tapos iboboto lang din pala nila.


"I'm sorry," sambit ko kay Hermés kaya napatingin ito sa akin. Oo, dapat noon ko pa ito nasabi. Kaso natakot ako na masira kami. Natakot akong sayangin ang ilang taong pagkakaibigan namin. "I'm sorry, Hermés."


Nakatingin lang ito sa akin nang matalim. Alam ko namang naghihiganti siya sa akin... halatang halata siya kahapon. Pero, sa ngayon, hindi ko alam kung sino ang mali sa aming dalawa.


"The damage has been done." Tumikhim ang bibig ko sa sagot nito. Galit kami sa isa't isa ngayon at hindi ako sigurado kung magiging maayos pa kami pagkalabas dito. Sana lang alam niya kung ilang beses akong nagmakaawa kay Dior na sabihin sa kanya ang tungkol sa amin.


Pero alam ko rin saan nanggagaling si Dior. Mas nauna kaming nagkakilala ni Hermés kaya mas pinahahalagahan ni Dior ang pagkakaibigan namin. Sana rin alam ni Hermés kung ilang beses akong ni-reject ni Dior dahil lang takot siya na maapektuhan kami.


Kahit naman ano ang dahilan ko, aaminin ko na trinaydor ko siya. Valid ang nararamdaman niya. Maling-mali ang ginawa ko lalo na siya ang pinakamatalik kong kaibigan... Pero hindi justifiable ang ginagawa niya ngayon.


Sarap suntukin ng gago!


"You had everything." Biglang nagsalita si Hermés. "Magandang buhay, mapagmahal na pamilya, matalino ka, at marami kang kaibigan. Wala kang problema. Pero, pati ba naman si Dior?"


Bakit parang kasalanan ko na nagmahal ako?


Hindi ako nagsalita kasi gusto ko siyang hayaan na ilabas ang nararamdaman niya. Ako na ang naging diary niya... lahat, narinig ko na sa kanya. Narinig ko paano siya kiligin sa babaeng minamahal ko, paano siya umiyak sa pamilya niya, at paano siya halos mamatay sa pag-aaral.


Pero, tangina, maling-mali siya. Ang dami kong problema na hindi ko lang sinasabi sa kanya kasi alam kong stressed na siya sa buhay niya. Ako rin naman ang may kasalanan pero... para kasing masyado namang harsh sa akin.


"Let's not be friends anymore." Napangiti ako sa kanya nang sabihin niya ito. Ayaw ko rin namang magkaroon ng kaibigan na katulad niya. Ayaw ko bumaba sa level niya pero gusto ko na rin i-expose kung anong klaseng tao siya.


Kaya mas lalong ayaw kong mapunta si Dior sa kanya.


- -


FLASHBACK


"Baby..." Mahina ko siyang niyugyog.


"Manahimik ka..." Dior groaned at humarap sa kabilang side ng kama. Tulog-mantika talaga itong girlfriend ko na ito.


Natawa ako at lumipat sa side na hinaharapan niya para gisingin ito. Napakakulit kasi! Nagpuyat kami kagabi dahil nagdiligan kami kaya ayan... baka ma-late kami! Bakit ko nga ba nagustuhan ito?


"Gising na..." Niyugyog ko ulit at napanguso ako noong tinanggal niya ang kamay ko. Bahagya akong natawa nang kumunot ang noo ito. Ang pikon naman! Palaasar siya pero kapag siya naman ang inasar, nagagalit!


"Five more minutes." Nag-tumbling ang buong mundo ko nang makita ko na ngumuso ito saglit. Naramdaman ko agad ang dugo ko na umakyat sa mukha ko. Namumula tuloy ako!


Napaka-cute! Dior Araceli Aurea, gibain mo na ang mundo ko. Iyong iyo na ang mga ari-arian ko. Luluhod na ako para pagsilbihan ka. Nandiyan na ba si father? Papakasalan ko na ito!


Pero kasi... mala-late na kami sa klase.


"Baby! Baby! Baby!" Tumalon ako sa kama habang sumisigaw ito. Tangina, nahulog ako noong nagising siya! Tumalon din kasi!


"Puta, lumilindol!" Sigaw nito at nagpanic. Pinanood ko paano niya kuhanin ang bag niya bago tumakbo palabas ng kwarto ko. Madalas kasi ay natutulog kami sa bahay ng isa't isa. Mabuti nalang ay nasa probinsya ang mga magulang ko. Tangina, nakakumot lang siya!


"Hoy, baby!" Natatawa akong hinahabol siya. Natakot ako nang tiningnan ako ng matalim ni Dior! Lord, I'm not your strongest shoulder. Mahina lang po ako.


Kay Dior. Enebe, pereng tenge.


"Gising na ako!" Nakakunot ang noo nito at lumapit sa akin. Napatili ako nang akma nito akong sasakalin! Napakabayolente naman ng baby na ito! Pero, alam ko naman paano siya suyuin.


"At heto ang iyong good morning kiss." Pinatakan ko siya ng halik sa labi. Pagbitaw ko, pulang pula ang mukha niya! For sure, hindi ito dahil sa galit. Confident ako na kinikilig siya sa akin.


Ikaw ba naman ang halikan ng isang Apollo Keisuke Andigre?


Pa-kiss nga, self.


"Pa-fall," bulong nito bago ako iniwan at pumunta sa kusina. Ganito ang linyahan niya tuwing kinikilig siya kaya mas naengganyo akong pakiligin siya lalo. Sinundan ko siya at pumunta sa likuran niya bago yakapin ito. Naghihiwa siya ngayon ng prutas.


"Baby..." Tawag nito sa akin kaya hinalikan ko ang pisngi nito para i-acknowledge siya. "Gawa kaya tayo ng baby?"


Ha?!


Puta, bakit siya ang nagpapakilig ngayon?!


"Hoy, bastos!" Saway ko sa girlfriend ko. Napabitaw tuloy ako sa yakap ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin nang tawanan niya ako. Ngumuso ako at pumunta nalang sa ref para itago ang namumula kong mukha.


"Ako na ang magluluto ng oatmeal," sabi ko at tumango siya. "Lalabas pala kami nina Hermés at Zeus mamaya. Pa-mall kami."


"Okay." Nginitian niya ako habang ginagawa ang almusal namin. "Ingat kayo. Diretso ako sa bahay ko mamaya."


"Okay, ingat ka, bibe ko. Nga pala..." Tumingin ito sa akin nang tawagin ko. Hindi ko matuloy-tuloy pero alam kong kailangan ko. Mali na rin ito, e.


"P-pwede ko na bang sabihin kay Hermés?"


Alam kong alam niya ang gusto kong sabihin. Matagal na namin itong pinagdedebatehan. Maliban sa gusto kong matapos na ang pag-aasa ni Hermés, syempre, nais ko rin na ipagsigawan siya sa mundo. Gusto ko nang sabihin dahil naaawa na ako sa kaibigan ko.


"Next time, baby." Ngumiti siya sa akin. "Huwag muna ngayon."


END

- -


Makaraan ang ilang mga minuto, nagising na ang mga kaibigan namin. Walang nagsasalita at wala ring gustong kumawala sa pagkakagapos namin. Lalo na si Ares, upos na upos na siya. Namumugto ang mga mata nito at nakatulala lang siya sa kawalan.


"Pre..." Tawag ni Hades kay Ares. "Nandito lang kami para sa'yo."


Binigyan ito ng maliit na ngiti ni Ares, halatang pagod na kaiiyak. Maga ang mukha niya ngayon at bakas sa mata niya ang pagkalungkot niya. Hindi ko rin alam kung nakakatulog pa ba siya nitong mga araw. Masyado siyang nawasak.


Napatingin naman ako kay Dior na nakatulala lang. Mahirap din ito para sa kanya dahil ang tagal na nilang magkaibigan. Kung tutuosin, si Tiffany ang tumayong ina ni Dior habang nasa kulungan ang mga magulang ng girlfriend ko.


Gusto kong lapitan si Gucci nang makitang umiiyak ito. Unti-unti nang nawawala sa kanya ang mga taong mahalaga sa kanya. Napayuko ako nang maalala ang pinag-usapan namin ni Ares. Bawal pa namin ipagsabi... May pinahahalagahan kami.


Kahit hindi na kailangang pahalagahan, pinipilit niya. Wala, martyr siya.


"Gucci... hinga..." Napatingin kami kay Dior nang pinapatahan nito si Gucci. Inaatake nanaman ang bunso namin ng asthma. Pinipigilan ko ang sarili ko na lumuha nang makitang ganito ang estado ng nakababata naming kaibigan. Nag-aalalang nakatingin si Prada sa kanya na namumugto rin ang mata.


"We'll get out of here, okay?" Sabi ni Ares at dahil doon, unti-unting kumalma si Gucci. Totoo ba 'yan, Ares? Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka kasama.


Samahan mo kaming bumalik sa mundo natin. Mababaliw kami roon. Hindi namin kaya na wala si Ares... Napakahirap at napakasakit.


"Good morning, little ones!" Umirap ako nang marinig ang tanginang boses ni Crow. "Are you excited for your next challenge?"


Hindi ba pwedeng suntukan naman? Ang corny ng mga challenge mo, e.


"We will be playing 'Would you rather'!" Paborito naming laro ito noon. Magaling umarte si Chanel dahil magaling siya magdesisyon... Kahit minsan ay imposible nang makapili. Pero ngayon, mukha namang marami sa amin ang gumaling sa pagdedesisyon kasi napipili na naming utoin ang isa't isa.


Nakakabwisit.


"A question will be flashed on screen," pagpapaliwanag nito. "You have to pick one. It may be a question or a dare. You have to answer it truthfully. We have a lie detector so you cannot get out of this nor try to trick me."


So, ano ang twist?


"If you lied or failed to do the dare," Napabuntong-hininga ako nang ituloy niya ang inaanunsyo niya. "You're automatically sent to the elimination round.."


"Let's start!" Nagulat ako nang naging pula ang itim na pader at may pumasok na taong nakasuot ng crow mask. Puta, sino 'to?! Ang gara naman ng mga pakulo at dekorasyon niya. "Your movements are caught on camera. If you try to cheat, the metal collar on your neck will kill you all. Anyways, I will now appoint the first person."


Naramdaman ko ang lamig na yumakap sa aming lahat. Panibagong challenge... panibagong mamamatay. Para nalang itong cycle sa buhay namin. Nakakapagod pero wala naman kaming choice. Kahit anong gawin naming makatakas dito, mamamatay pa rin kami.


"First off... Hades!"


Napabuntong-hininga si Hades nang tumingin kami lahat sa kanya. Pakiramdam ko ay kinakabahan siya habang hinihintay mag-flash sa screen ang tanong.


Pero, putangina, hindi ko in-expect na ganoon ang magiging tanong sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.


"Would you rather tell the truth about you sending Prada home the night Yves was killed or send Prada to the elimination round?"


"Gago..." Bulong ko habang nakatingin kay Hades, gulat na gulat. Masama ang tingin ni Hades sa Crow Watcher dahil hawak nito ang speaker kung saan nagsasalita si Crow.


Puta... nagpunta pa siya sa bar kasama namin noong gabing 'yon! Nilasing niya ang sarili niya! Kaya ba siya naglasing noon ay may kinalaman siya? Putangina! Anong ginawa niya kay Yves?!


Napatingin ako kay Prada na nakayuko lamang pero kitang-kita ko ang mga tumutulong luha sa mata niya. Alam kong gugustuhin niya na piliin ni Hades na dalhin siya sa elimination round.


Bakas din sa mukha ni Ares ang pagkagulat at pagkadismaya sa nalaman. Masyaong sensitive si Ares ngayon dahil galit talaga siya sa pumatay sa mga kaibigan namin. Kaibigan niya pala... Hindi ko tinuturing kaibigan ang ganoong klaseng tao.


Sa kabilang banda, si Hermés naman ay... nakangisi pa rin.


Hindi pa ba siya pagod kakangiti?


Hindi ko naihanda ang sarili ko sa magiging sagot ni Hades. Parang nahugutan kami lahat ng hininga at nagkakaroon ng panibagong tanong sa utak namin.


"Sasabihin ko na ang totoo kung nasaan ako noon," ani Hades. Napatingin din kami kay Hermés dahil siya ang kasama ni Prada noong gabing 'yon. Naguguluhan na kami sa kanila!


Dumapo kay Gucci ang mga mata ko, hindi ko alam bakit... Baka dahil pinakamalapit siya kay Yves at ine-expect ko na galit ang ekspresyon niya. Kaso wala... Para bang alam niya kung ano ang isasagot ni Hades.


"Hindi ko hinatid si Prada noong gabing pinatay si Yves," muli nitong sabi.


At biglang nagflash ang salitang 'TRUE' sa screen.


"Putangina..." Sambit ni Ares. Natakot ako nang bahagya dahil ngayon ko lang nakitang ganito si Ares. "I fucking swear, if you were the one who killed Yves... Papatayin din kita."


Hinihiling ko na sana... Iklaro ni Hades na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Yves. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nalaman kong siya nga ang pumatay. Ewan ko... Kaibigan ko, e.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top