Chapter 5: SS Class

Thellicos Messorem Thanatos

Tahimik akong umupo sa hinigit na upuan ni Shannan bago ito tumabi saakin. Umupo naman si Aria sa kaliwa ko at katabi nya si Freya. Sa tabi naman ni Freya ay si Light, sumunod kay Light ay si Dark, si Ice at si Drex. Nasa isa kaming round table kaya naman magkatabi si Drex at Shannan.

"Yieee! Si Hell omg! Pinagayos sya ng chair!" Komento pa ni Aria na tila ba ay kinikilig-kilig.

"Bakit Baby Arie? Inggit ka? Pwede ka naman sa lap ko." Inirapan ni Aria si Drex.

"Pakyu dong! Mamatay ka na." Muntik na akong mapabunghalit ng tawa. I never expected her to be so straightforward.

"Wag naman babe! Mamahalin pa kita." Liningon ni Ice si Shannan. "Name?" Tanong ni Ice kay Shannan.

"Shadow Giovann Lumina. Kayo?" Isa-isang nagpakilala ang mga nasa lamesa namin.

Nagsimula kay Aria.

"Aria Silver Grey." Tiningnan ko sya ng may pagkagulat. That Aria Silver Grey?

Sumunod naman ay si Freya. "Freya Allison Lavarn."

"Light Airess Celesta."

Lahat ay napatingin kay Dark. Huminga naman ito ng malalim. "Lucifero Dark Dragnello."

"Ice, Ice Baby! For long, Ice Allen Frozche."

"Drexxar Pogi or Drexxar Bronze /bron-ze/ Llandaro." Binato naman ni Aria si Drex ng tissue.

"Ang yabang!!!"

"Pangit ka lang!" Angilan naman ng dalawa.

"Okay ka lang Hell?" Sabi sakit ni Freya ng mapansing natigilan ako.

Hindi lang matanggap ng utak ko na kasabay ko ngayong kakain ang mga tao na aking magiging mortal na kaaway balang araw.

Mula kay Aria... Hanggang kay Drex.

Lahat sila ay ang tinuturing na mga prinsesa at prinsipe ng kani-kanilang mga elemento at lugar. Sila ang mga sinasabing makakaharap namin sa pagdating ng nalalapit na gyera. Sila ang mga inaasahang lalaban para sa Onse.

Mas mabuting layuan ko sila at mabuhay muli ng normal, pero...

Kung makakalapit siguro ako sa kanila ay baka mas maraming impormasyon pa ang makalap ko.

"Ahh... Wala. Order na tayo?" Paninula kong sabi. Nagsipagtanguan naman sila.

"Tamang-tama! Gutom na ang abs ko!" Sabi ni Drex at pinalandas ang kamay sa t-shirt.

"Tangna mo Drex! Wala kang abs! KaABnormalanS lang!" Sigaw naman sakanya ni Ice na nilalaksan ang pagbigkas sa mga katagang AB at S.

Nagpatuloy ang pagkukulitan nila ng may lumapit saaming isang babae. "Ano po ang sainyo?" Magalang nitong saad.

"Yung SS package tapos dalawang pizzaaaaaa!!! Wahhh! Ate pakibilis ha? Tom jones na Tom jones na talaga ako!!!" Hyper na sabi ni Aria sa waitress habang nakanguso.

"Para kang pusit Ariaa! Ang panget!" Pangaasar dito ni Drex.

"At least di katulad mo na mukhang aso." Bawi naman nya.

"Ano yung SS? Sinabi rin kasi yun noong babae kanina." Pasimpleng tanong ni Shannan. Napangisi ako. Mabuti narin pala at nandito sya. Hindi ko kailangan magaksaya ng laway.

"SS..." Nagdadalawang isip na banggit ni Light. "W-wag k-kayong lalayo samin okay?" Sabi naman nito muli. Nagkatinginan kami ni Shannan bago sabay tumango.

"Kami ang SS. Ang mga special students na nasasabing pinaka-malalakas sa bawat uri ng elemento. Kami rin ang mga lalaban sa front lines ng mga nalalapit na gyera." Iwas tinging paninula ni Light.

"Ba't parang ayaw nyong malaman na SS kayo?" Muling tanong naman ni Shannan

"Ganto kasi Bro. Dahil sa lintik na SS na yan, kami yung mga taong nilalayuan ng iba dahil sa kapangyarihan na yan at nilalapitan lang kami pagmay kailangan." Sambit ni Ice na tila ba nainis sa naaalala nya.

"For example, yung kagwapuhan ko." Nakaismid na sabi ni Drex. Halos mapasamid naman ang lahat ng dahil sa sinabi nya.

"Ha? Asan?" Asked Shannan na parang may hinahanap sa lamesa. He even looked underneath the table, pero agad din naman syang napadiretsyo ng upo. "Aw! Sino yung naninipa?" He shouted while massaging his nose na parang ngongo pa ang pagsasalita.

"Eh paano ba naman kasi! Like duh Kuya, nakaskirts kami. Even though you're a nerd lahat ata talaga ng lalaki manyak! Haiist, kaimbyerns naman!" Angil ni Light at sumubo ng pagkain.

"Wahahahahaha!" Tawa naman ng iba. "Yan kasi! Mangho-hokage nalang yung halata pa!" Sabi naman ni Ice at binatukan ito.

"Hindi kaya 'noh! Tss."

Napailing nalang ako. Guys are meant to be guys.

"Hindi nyo ba naisip na maaari kaming sumipsip sainyo?" Taka kong tanong.

Lahat ng nararanasan nila ay naranasan ko na dati. Naranasan ko nang layuan at lapitan lamang pagmay-nangangailangan kaya naman ako nalang ang lumalayo sa iba oras na may gustong lumapit saakin. Si Shannan lamang ata ang nanatili sa tabi ko na loyal simula pagkabata.

Kaya naman nakakapagtaka na kaya pa nilang magtiwala sa ibang tao. "Empress..." Rinig kong bulong naman ng sumeryosong si Shannan sa tabi ko.

"Tss. Bruha ka rin you knows? Tsaka kinaibigan mo kaya kami bago mo pa malaman kung sino o ano kami." Sabat naman ni Freya na tinutulungang maglapat ng pagkain sa lamesa ang isang waitress.

"Paano naman kayo nakasiguro?" Hamon ko pa.

"Because you looked lost when you've heard the word 'SS' from Ms. Melinda, because you looked shocked when we introduced ourselves and because, if that happened, I had you kicked out of this cafeteria the first time we met the both of you." Mahabang lintaya ni Dark na kinatigil ng lahat.

Bigla namang tumayo si Drex na ikinalingon namin lahat. Uminom sya ng tubig at malakas na binagsak ang baso sa mesa.

"Ghad! Tell me Shadow! End of the world na ba para makatatlong sentence si Fafa Dark?" Nagboboses bakla nitong sabi na akala mo'y nap-freak out.

"Ay nako Drexxar! Stop being gay!! Tsaka nandito na ang aking beloved babiessss!!! Kain na tayo!!!" Sambit ni Aria bago lumantak ng isang hita ng manok.

Inabutan ako ni Light ng plato saka utensils kaya lutang ko itong tinanggap.

Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Dark.

"Because you looked lost when you've heard the word SS from Ms. Melinda, because you looked shocked when we introduced ourselves and because, if that happens, I had you kicked out of this cafeteria the first time we met the both of you."

Lost? Shocked? How did he even know na ganoon ang naramdaman ko?? Hindi ba sapat ang training na ginawa ko upang maitago ang emosyon ko? Was it not enough?

I shook my head para mawaksi ang aking pagiisip. Hindi dapat ako magpaapekto sa mga sinabi nya.

"Nga pala Hell. Saan ka nakatira?" Tanong ni Drex. Ramdam ko ang pagtigil sa pagsubo ni Shannan sa aking tabi saka ako nilingon.

"Sa Dragon's Oasis." Sagot ko at sumubo ng pagkain. Tulad ng itsura ni Warren ng una kaming magkita ay nagulat din ito. Hindi lang pala sya... Silang lahat!

"Seriously?! Then..." Liningon ni Light si Dark. "Do you know her kuya Dark?" Tanong nito.

I forgot. Si Dark nga pala ang prinsipe ng mga tagaDO.

"No." Sagot ni Dark.

"Probably not." Sagot ko kasabay ng sagot nito. "Minsan lang naman kasi ako lumabas ng bahay." Dagdag ko pa.

"Same." Sambit naman ni Dark.

"Grabe kayo! Sync na sync!" Pumapalakpak na sabi nito.

"You're right Ice. Kanina ko paring napapansin na daig pa nilang dalawa ang kambal sa pagkakapareho!" Pumapaltak na sabi naman ni Ice. "Boss di kaya meant-to-be kayo?" Tanong nito kay Dark na sinaman lamang sya ng tingin.

Pati ako ay nagpukol rin sakanya ng tinging nakakamatay. "*whistle**whistle* don't worry pareng Ice! Sagot ko na ang kape mo."

"Shut up Ice! Mahiya nga kayo! Nasa harap kayo ng manliligaw ni Hell o!" Saway naman ni Freya at ngumuso sa katabi kong si Shannan.

"Hayaan mo pre. Kung hindi ka man sagutin ni Hell baby, tayo nalang!" Nangaasar na sabi ni Drex at pinagsiklop ang kamay nila ni Shannan. Hindi naman ngayon alam ni Shannan ang dapat iakto. Para itong matatawang, naaawkwardan na natatae.

"Gago! Aha-ha-ha." Pilit na tawang sabi ni Shannan kaya naman nagsitawanan ang mga nasa lamesa namin.

Syempre bukod samin ni Dark. Hindi ko forte ang pagtawa at mukhang sya rin.

"Soooo.... Anong ability mo Hell?" Tanong naman ni Aria na tila ba ini-interview ako.

Napatigil uli sila sa pagtawa at nagsilingunan saakin. "I have healing magic." Maikli kong sagot.

"Woah! Kilala mo ba si... Sino nga yun? Silve---"

"Si Maestro Silvero." Napabitaw ako sa kutsara ko ng banggitin ni Freya ang pangalan ni Maestro.

"Tama! Si Maestro Silvero. Diba yun yung the best healer na naging butler n'yo Light?" Tumango-tango naman si Light. "Ang alam ko galing din sya sa D.O."

"Yah...." Pagsangayon dito ni Light. "Nakakalungkot nga lang na sumapi ito sa mga taga Sannen." Malungkot nyang saad at huminga ng malalim.

"Bakit?" Ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Kahit sabihing si Maestro ang naging ama ko sa mga lumipas na taon ay hindi ko parin alam kung bakit ba nararapat na may gyera. "Bakit sya sumapi sa Sannen?"

"Sorry Hell... Bawal kasi naming sabihin sa iba." Laglag ang balikat ko sa sagot ni Freya. Mahirap pala mangalap.

"Okay." Pagsangayon ko nalang. Baka kasi mahalata pa nila ang pakay ko. "Wait. Paano nyo pala nalaman kung bawal?" Taka kong tanong. Kung classified ito, bakit nila alam?

Tinaas nilang lahat ang braso nilang may bracelet kung saan may mga pendant itong 'SS'

Mmm... So pagsinabi talagang SS ay iba na talaga. "Ohh..." Patango-tango kong tanong.

"How did you even know of the name Silvero?" Muli kong naibagsak ang kutsara at tinidor ko sa tanong ni Dark.

Fvck.

"Library." Maikli kong sagot. "May libro doon about the past teachers and staffs of this school and one of them is that Silvero guy." Pilit kong pinapakalma ang kamay kong nanginginig. I hope he wont notice.

"Mmm..mm." Tango nya naman sa sagot ko. Pero hindi ako kumbinsidong doon lamang nagtatapos ang kanyang pagaalinlangan.

Maya-maya ay tumunog na ang sound system ng buong school kasabay ng pagkatapos namin ng pagkain.

"Lunch time is over. Please proceed to your classrooms."

"Waaaah!!! Bye na Ate Hell. Sabay kayo uli samin pagdinner na ha?" Tumango ako sa nakayakap na Light saakin.

"Geh mga bro. Una na kami." Paalam naman ni Drex.

"Laters asshole." Paalam ni Ice at nakipagfistbump kay Shannan na napapatawa nalang.

"Bye mga gago." Sambit nito.

"Bye byeee sainyong dalawa!" Sigaw naman ni Aria na nauuna na.

Natirinig kong napatawa nalang si Freya sa tabi ko. "Bye na sainyo. Tsaka goodluck okay?" Baling nito saamin. "See ya mamayang dinner." Paalam nya.

"Bye." Maikling sabi ni Dark at saka tumalikod. Inakbayan naman ito ng tatawa-tawang Drex na agad namang bumitaw.

Nakakatuwa lang malaman na marunong pala ang isang yon na magsalita.

"Shadow." Tawag ko kay Shannan na ikinalingon nya.

"Yes Lady?"

"Change of plans. Kailangan nating makapasok sa SS Class."

"Your wish is my command."

+++++

EDITED

THANKS FOR READING!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top