Chapter 3: Class
Thellicos Messorem Thanatos
"By the way, ano nga po pala ang name mo ate?" Tanong saakin ni Light na nakangiti nang muli.
Pangalan.... Ano nga ba?
Umiling nalang ako at sinabi ang kinagisnan at kinasanayan ko nang pangalan. "Thellicos Messorem Thanatos." Maikli kong saad at pinahigpit ang hawak sa aking bag.
Hanggang sa ngayon ay ayaw ko sa pangalan ko. Tila ba isa itong sumpa na sadyang ikinabit na saakin... Kung bakit ba kasi ito ang ipinangalan saakin ni Maestro. Pero sa nagdaan na mga panahon ay nagustuhan ko narin, dahil naniniwala akong dapat ay buong puso kong tinatanggap ang mga bagay na naibigay ng Diyos.
"May pangalang ganun?" Nakangusong saad ni Drex. "Aw!" Sambit naman nito ng mabangga sa isang poste.
"Ang cool!!! And Thanatos means death right?! Waaaah!!! I wanna meet your parents!!" Isang pekeng ngiti ang ipinagkaloob ko kay Aria.
Magulang... Ang saya siguro ng pakiramdam ng may magulang.
"Yeah," maikli kong saad kahit na tinatamad akong makipagusap. At least I am civil, hindi tulad ng ibang pinapakisamahan ka at gagaguhin mo lang. Just talking gives the other party courage and confidence, at ayaw kong manira ng buhay tulad ng mga taga onse, I don't want to degrade other races just because some of them are half human and whatnot and most especially, I don't want them to stop pursuing others—Ayaw kong mapatulad sila saakin.
Someone who lost all hope.
"Ang ingay mo Ariaaaaaaaa!!!!" Sigaw ni Drex galing sa likod na nagpausok ng ilong ni Aria. "Tamo! Naiinis s'ya!"
"Shut up Drex! Mas maingay ka kaya!!!" Banas namang sagot nito. Napalingon naman si Aria saakin. "Totoo 'yun?" Nakanguso nitong saad saakin na ikinailing ko nalang, kahit na totoong ang tinis ng boses nito. Sumunod naman ay lumingon s'ya kay Dark na nakatingin na pala saamin. "May problema Dark?" Tanong nito.
Saglit lamang na iling ang ginawa nya bago magsalita. Naramdaman ko ang paglubog ng titig nito saaking katauhan. "Your name sounds familiar." Tila ba wala sa sarili nitong banggit dahil parang nagulat pa sya sa sinabi nya.
Umiwas ako ng tingin. Di kaya....?
Pero imposible namang may makakilala saakin. Walang nakakaalam na isa ako sa mga batang kinupkop ni Maestro Silvero!
Iwinaksi ko ang aking isip at medyo nagpahuli sa kanila ng lakad. Pamilyar lang ang sinabi nya Hell... Pamilyar. Hindi kilala.
"Anong nickname mo? Para namang ang haba pag-Thellicos o kaya Messorem." Nagiisip na tanong ni Freya habang nakahawak sa baba. Sumabay ito saaking lakad.
"Hell." Napakunot ang noo nya sa saad ko. Napalingon-lingon naman ito sa paligid.
"Hell? Anong hell?"
"Hell ang madalas tawag sakin." Napatigil sya ng lakad kaya naman napuno ng kaba ang dibdib ko. Kilala ba talaga nila ako?
"Astig!!!!" Malakas nitong sigaw at sumabay na muli ng lakad. "Ang ganda ng name mo! Ang cool!" Pang-ilang puri na ba nila ito? Tsk.
Napahinga nalang ako at nagpa-salamat. "Salamat."
"Ano ka ba Ate Hell!" Siniko ako ni Light. "Don't be too modest." Isang tango lang muli ang sinagot ko at muling nagpahuli ng lakad.
"Alam mo ba p're parang si Master din, katakot." Bulong ni Drex sa lalaking si Ice na lihim saaking nagpairap. Sino ba kasing nagsabing pakisamahan nila ako diba?
"Masaya nga 'yun! Malay mo katapat na pala ni Itim!" Balik namang bulong ni Ice na ikinailing ko. Bahala kayong magsipag-tsimisan d'yan. Kung sino pa talaga ang lalake., s'ya pang madaming daldal.
Isa pa, may mas malaki pa kong problema. Kanina ko pa kasi napapansin ang ibang studyante na mapapatingin sa kanila, tapos saakin at magbubulungan.
"What the hell? Kanina pa yang babaeng yan ha!!! S'ya din yung nakaaligid kay Warren!"
"Gosh! Di ko keri itey. Sino sya para sumama sa the chosens? Sa SS?"
"Bro. New comer?"
"Social climber!"
"Ang babait talaga ng the chosens! Akalain mo, kinausap nila ang isang babae na kasama sa Class F!"
"Look at her name plate! Tsaka yung section oh! Year 1, Class F! Sigurado akong hindi yan tatagal dito."
"Pero maganda naman ah? Ayos lang 'yan. Bagong target."
"Hay nako!!! Mukhang may naligaw muling taong lupa dito sa skwelahan namin."
"Baby Hell!!!! Andito na tayo!!" Isang masamang tingin ang pinukaw ko kay Drex, lalo na't naaalala ko ang huling narinig ko kanina. Tama sina Maestro at ang hari, masyadong mapaghusga ang ibang tao dito. At maaaring hindi lamang ang babaeng iyon, ngunit pati nadin ang mga taong kaharap ko. "Ahehehe, sabi ni Ice yun daw ang itawag sayo eh. Diba Ice?" Sabi nya at lumingon sa nananahimik na Ice.
"O---Aba't gusto mo bang magbubugan tayo?! Di kita uurungang hayop ka!" Sigaw naman ni Ice at mahinang iniamba ang kamao kay Drex..
"Hehehe. Of course love, joke lang!" Tatawa-tawa nitong sambit habang nakaharang ang dalawang kamay sa mukha. "Mawawalan ng gwapo."
"Tangna mo dude. Kung may gwapo man dito. Ako lang yun at si Dark!" Sigaw ni Ice.
Humawak naman si Drex sa bibig nya na tila ba gulat na gulat. "Omg! Fafa Ice, you swing that way pala ha?" Sabi nito at inikot-ikot ang baywang patungo kay Ice na dahilan ng pagtawa at pagbatok sakanya ng lahat.
Napakunot nalang ako at maya-maya ay napangiti na din.
Hindi naman pala masama ang pagiging maingay.
Minsan.
"Tadaaaa!!!! Here is na we sa room mo." Masayang saad ni Aria at nagmu-mwestro sa pinto ng room.
"Salamat." Tinanguan nila ako.
"No probs Ate Hell! Galingan mo ha?" Sabi naman ni Light na ikinatango ko.
"Bye Miss!" Paalam ni Ice at kumaway-kaway. Sumunod naman si Drex.
"Bye Hell-bessy! Goodluck." Sabi nito.
Unknowingly, napalingon ako kay Dark na nakatingin lang sakin. Mukha namang napansin nya yun kaya tinanguan nya ako. Isang tango lang din ang ibinalik ko sakanya.
"Bye. Salamat." Mahinang boses kong sabi na para bang aayaw kong marinig nila. Bigla kasing umurong ang dila ko ng dahil sa mga titig nito.
Hinintay ko muna silang makaalis bago harapin ang pinto. Mukhang kanina pa rin nagsisimula ang klase.
Kumatok ako ng tatlong beses and as if on cue ay bumukas agad ang front door. Lumabas doon ang isang babaeng nakasquared glasses, mahaba at kulot ang kanyang buhok na kulay kahel at dilaw. Sinuri nito ang aking kabuuan bago ngumiti.
"Hmm... I presume you are Ms. Thanatos?" Tumango ako sa tanong n'ya. Conveying my answer which is 'Yes'. Tumango-tango ito saakin at pinasadahan ako muli tingin 'saka binalik ang tingin sa loob. "Okay everyone. We have another transfer student," Napabaling ang tingin ng lahat ng estudyante sa unahan. Liningon muli ako ng guro. "Introduce yourself Miss."
"Thellicos Messorem Thanatos. Hell." Maikli kong pakilala pagkapasok ng room.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga mukha nila. May mga mukhang galit, ang iba masaya dahil may transfer at ang iba naman ay walang pake.
Mas maganda ang turo saakin dati, nagiisa lamang akong estudyante at iisa lang din ang aking guro.
"Umupo ka sa tabi ni Sir Shadow Lumina, sya yung lalaking nakasalamin sa dulo," sabi nya at tinuro ang lalaking malapit sa bintana. Mukha itong nerd at payatin pero ramdam kong hindi lang basta-basta ang aura nya.
Binigyan ko ng isang tango ang guro at nagpatuloy lang sa paglalakad. May isang babaeng tatalapid sana saakin ngunit agad ko yung iniwasan.
Tss. Tanga! Kung gagaguhin n'ya ako, p'wes mas gago ako! Kampante kong saad sa aking sarili bago maupo sa itinakda kong upuan.
"Empress Hell." Saglit akong napatigil nang marinig ang malamlam ngunit malamig nyang boses. Isang boses na kilalang-kilala ko.
"Shannan." Maikli ngunit sigurado kong sambit. Tiningnan ko sya sa mukha, binati ako ng malalaki nitong parisukat na salamin at pantay-pantay na ngipin. Napagtanto ko ang ngisi nito saakin kaya naman napataas ako ng kilay dahilan ng paglaho noon.
"Walang kupas, Empress." Nakapirming ngiting saad nalang nito na ikinatango ko.
Siya ay si Shannan... Isang butler sa kastilyo namin. Ngunit kaya hindi ko sya kanina nakilala ay dahil lagi itong nakamaskara doon sa amin. Isa pa, dahil siguro sa pangalan nyang Shadow Giovanni Lumina galing ang tawag sa kanyang Shannan.
Pinanood ko ang teacher namin na patuloy lang nagpaliwanag kung paano lumipad.
I see... So basic skills lang pala muna. Mas pinili ko nalang namang hindi makinig sa mga sinasabi nito at bumaling kay Shannan.
"Kailan ka pa nandito?" Tanong ko sakanya.
"Kani-kanina lang Lady Hell. Pinadala ako ni Maestro upang magpadala ng mensahe." Agad ko syang tinango.
Mukhang ang bilis talaga kumalap ng isang balita. Kani-kanina lang ay pinalipad ko paalis si Rikko tapos ngayon ay kaharap ko na ang isa sa mga alagad ni Maestro.
"Ano ang sabi nya?"
"Gusto lamang ni Maestro ipaabot na suportado ka nya sa iyong plano. At pinadala nya rin ako upang maging alagad mo." May inabot sakin itong isang itim na bato.
Isang bato na naglalaman ng espirito ni Rikko.
Ipinatong ko ito sa maputla kong kamay, maya-maya ay agad na natunaw ito sa aking palad hanggang naging isa itong black orb at pinasok muli saaking kwintas ang kanyang kaluluwa.
"Hmmm.... Mmm." Marahan akong tumango.
Hindi kita bibiguin Maestro Silvero.
Binalik ko ang aking tingin sa harap kung saan nandoon ang aming guro.
"Okay, para sa mga transferees. Let me explain kung paano ang system namin dito." Sabay kaming tumango ni Shannan. "Para tumaas ang ranggo nyo ay kailangan nyo ng Skill points. And para makapasok kayo sa Year 1, Class E ay kailangan nyo ng 20pts. Pataas nang pataas ng 10 points na dapat nyong mai-accumulate para ma-achieve ang next level."
"1 point ang makukuha sa bawat written works na maipapasa nyo. 2 points for each physical activities and 5 points if you top quizzes and exams. It is also possible na makakuha ng 10 points o mas mataas pa kung sobra talaga kayong mage-excel." Mahaba nitong paliwanag."may plus-two combos din tayo. If ever na magsunod-sunod ang pagkakaperfect nyo or ang pagkaka-Top nyo ay may plus two kayo ng plus two na points. Got it?" Kanya pang pagpapatuloy sa mechanics at criteria ng eskwelahan.
Sabay kaming tumango ni Shadow. Hindi naman namin kailangang makapoints ng malaki dahil pagmamanman lang naman ang dapat naming gawin.
"Well, if that's the case. Everyone, be ready for next month. Magkakameron tayo ng Flight Trial where in the top 3 may accumulate 2 points each." Nagbulong-bulongan ang lahat. "I will give you 3 weeks of practice," Ngiti ng guro. "And I hope na may hahabol pa sa points nina Miss Violet at Mr. Blue. So... Goodluck!" Kanyang paalala bago tumalikod at lumabas ng silid-aralan.
Flight event huh? We'll see about that.
++++++
EDITED.
THANK YOU FOR READING!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top