Chapter 5 - Crush

Chapter 5 - Crush

Isang linggo 'atang hindi pumasok si Uno dahil sa allergy niya. Maging si Aya ay hindi na rin pumasok sa ika-tatlong araw kasi kawawa talaga ang kalagayan ni Uno. Hindi naman daw kasi niya alam na may allergy ang pinsan niya sa itlog.

"Crush!" rinig kong may sumigaw kaya hindi ako lumingon habang naglalakad sa corridor.

"Crush!"

Lihim kong inikot ang mata ko para makita kung may ibang tinatawag pero sa akin nakatingin ang mga studyante.

"Uy, crush. Ay, snob si crush!" rinig ko pang sabi ng lalaki.

"Yanni, tawag ka, oh?" sabi nang dati kong ka-klase no'ng third year ako.

"Huh?"

"Uy, crush!" naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko.

Tumambad sa akin ang nakangiting lalaki. Maputi, high cut ang buhok, tisoy, at may pilyong mga ngiti.

Russel Contreras.

Napakunot noo ako. Bakit naman ako pinapansin ng lalaking ito?

"Hi, crush!" nakangiti niyang sabi at kumaway pa.

"Hindi crush ang pangalan ko," nahihiya kong sabi. Napapatingin kasi sa amin ang mga studyanteng dumadaan tapos may ibang tumatawa.

"Alam ko. Pero simula ngayon crush na ang tawag ko sa'yo," nakangiti niya pa ring sabi. "See you later, crush!"

Tumakbo na siya palayo sa akin at muling lumingon para kawayan ulit ako.

Wala na siya sa paningin ko pero nakatulala pa rin ako sa dating puwesto niya.

Wala sa sariling pumasok ako sa classroom at pabagsak akong umupo sa armed chair. Wala pa si Tine. At hindi ko rin alam kung papasok na si Aya at Uno ngayon.

"Crush ka pala ni Russel, Yanni?" tanong sa akin ni Anne na nasa unahan ng upuan ko.

"H-hindi, ah!" sabi ko naman.

"Nakita ko kayo, eh. Okay naman si Russel. Masayahin pero maloko nga lang." sabi niya tapos tumawa.

Nakita kong sabay na pumasok si Harold at Calvin at pareho rin silang nakatingin sa akin sabay iling na para bang disappointed sila sa akin.

Late nang pumasok si Tine at hindi pa rin pala papasok si Aya at Uno. Nag-aalala na tuloy ako. Masyado 'atang grabe ang allergy niya kaya isang linggo na siyang wala. Bukas may report na naman sa CAT, hindi pa rin kaya siya papasok?

It was break time at papunta na kami ni Tine sa canteen. Nagpa-plano sana siya na puntahan namin sina Aya at Uno sa bahay nila kaso hindi naman namin alam kung saan. Unattended din kasi ang phone ni Aya at hindi ko naman matawagan ang number ni Uno kasi nahihiya ako.

"Nakakasawa na ang pagkain dito," bulong sa akin ni Tine habang pumipila kami para magbayad.

"Dapat kasi sa labas na lang tayo, mas mura pa." sabi ko at napatingin naman sa akin si Tine.

"Tara, ibalik na natin 'to. Umay na umay na talaga ako sa cheese sandwich at pouch juice," sabi niya at umalis sa pila.

Ibinalik namin ang order namin at saka lumabas ng campus.

Sa gilid ng campus ay may isang compound na puro karinderya, turo-turo, at food stalls na abot kaya lang para sa mga studyante.

Bumili lang kami ng siomai at softdrinks ni Tine at saka naupo sa isang mono block tables and chairs na may beach umbrella.

"Gusto ko ng kanin," nakangusong sabi ni Tine.

"Bumili ka," sabi ko.

"Mawawalan na ako niyan ng gana mamayang lunch, eh."

"Sabagay. Kaunti lang nga iyong kanin na pinabaon sa akin ni Mama kasi nagagalit siya kapag laging may tira sa baunan ko."

"Ako kasi hindi ko pinapakita kay Mama ang baunan ko kapag may tira. Alam mo naman iyon—"

"Hi, crush!"

Pareho kaming natigilan ni Tine sa pagkain at napaangat ng tingin.

Naupo si Russel sa harap namin at nakangiting tumingin sa akin.

"Dito ka pala kumakain, crush? Puwede maki-share ng table?" sabi niya. Tiningnan ko kung may available pang table pero puno na ito ng studyante.

"O-okay lang," sabi ko. Kawawa naman kasi, eh.

"Ang bait talaga ng crush ko!" sabi niya at saka sinubo ang banana cue.

Naramdaman ko ang pasimpleng pagsiko sa akin ni Tine pero hindi ko siya pinansin.

"Magre-report ka ba bukas, crush?" tanong niya.

"O-oo..." sagot ko.

"Officer ako. Huwag kang masyadong magpapagod, ah? Balita ko personnel ka raw?" sabi niya pa.

"A-ah... oo,"

Ngumiti siya. Sobrang lawak. Masayahin ba siyang tao o talagang ganito lang siya? Ang weird lang kasi parang napaka positive ng vibes niya.

"Ikaw ang bestfriend ng crush ko, 'di ba?" nakangiti niya pa ring baling kay Tine at parang nakatulalang tumango si Tine.

"A-ako nga. Teka, crush mo si Yanni?" tanong ni Tine.

"Hmm. Ang cute niya kasi, eh!" masayang sabi niya. Pakiramdam ko ang pulang-pula na nang pisngi ko. Napaka-honest naman niya!

"Bakit hindi mo ligawan?" sabi pa ng bestfriend ko kaya napatingin ako sa kanya at pinandilatan siya.

"Crush ko pa naman kasi, eh. Kapag mahal ko na siya saka ko siya liligawan," sagot pa nitong nakatingin sa akin.

Grabe. Nakakahiya naman. Napaka out spoken niya. Hindi ba siya nahihiya na sinasabi niya 'yan sa harap ko?

"B-busog na ako." sabi ko sabay tayo.

"H-ha? Hindi mo pa nga ubos ang pagkain, eh," sabi ni Tine.

Kinuha ko ang paper plate at nagmamadaling umalis.

Ang bilis kong naglalakad papasok sa campus. Alam kong nasa likod ko lang si Tine pero ayaw kong lumingon. Nahihiya talaga ako.

"Beh! Uy, beh!" sunod sa akin ni Tine habang paakyat kami sa fourth floor.

"Sunod ka lang," sabi ko at hindi tumitigil sa paglalakad.

Hanggang sa nakarating kami sa classroom. Hingal na hingal ako dahil hindi pa ako naglakad ng gano'n kabilis. Inilapag ko ang paperplate na may lamang siomai at saka ko ito kinain. Grabe, nakakagutom.

"Beh, ano ba 'yon? Bakit mo naman nilayasan?" tanong ni Tine nang makaupo. 'Tulad ko ay hingal na hingal din siya.

"Nakakahiya kasi..."

"Crush ka lang naman daw niya, eh," katwiran niya pa.

"Eh, basta. Nakakahiya," sabi ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Siguro kaya ako nagkakaganito kasi hindi ako sanay na may nagkaka-crush sa akin. Simple lang naman kasi ako at hindi ako umaasa na may magkakagusto sa akin.

"Naku pareng Uno, pumasok ka na! Isang linggo ka lang nawala, eh, mukhang may karibal ka na! Oo! Bukas mag report ka, ah? Sige, pagaling ka na!" malakas na sabi ni Calvin.

Hindi ba siya puwedeng magsalita nang mahina? Pero teka, kausap niya si Uno? Magaling na kaya siya?

"Kumusta na si Uno? Okay na ba allergy niya?" tanong ko kay Calvin. Concern lang naman ako kasi isa ako sa mga dahilan kung bakit siya na-allergy.

"Pare, h'wag mong kausapin, taksil 'yan sa kaibigan natin," rinig kong bulong ni Harold. Bulong na malakas. Ano ba'ng pinagsasasabi niya?

"Tsk. Tsk." Sabi naman ni Calvin.

Nagtatakang tiningnan ko lang sila. Ang weird naman.

***

Sabado at maaga akong pumuntang school. Nakasuot na naman ako ng CAT t-shirt, jeans, at chucks. Nasa loob ng bag ko ang jacket at cap ko para mamaya. May mga studyante na sa harap ng grandstand kaya inilagay ko muna sa bleachers ang bag ko katabi ng bag ng ibang studyante.

Humanay ako sa mga kasamahan kong personnel.

Kasama ko si Sally na classmate ko at si Cecil na dati kong classmate no'ng second year. Sabi nila bago raw ng training ay magkakaroon muna ng exercise. Sana kayanin ko. Hindi kasi ako ganoon ka-athletic. Mabilis akong hingalin kahit jumping jack.

Kahit personnel ay isinama sa exercise. Hindi naman gano'n ka-hard pero iba ang exercise ng Alpha at Bravo.

Thirty minutes din 'ata ang tinagal ng exercise bago kami binigyan ng fifteen minutes break.

Sa left part ko kung saan may lilim na kahoy ay nakita kong nakaupo si Uno kasama si Harold at Calvin.

Mukhang okay na naman siya kasi nakikitawanan na siya sa dalawa.

"Hi, crush!" halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Russel. Nakasuot siya ng patig at may kasama siyang mga officer. Hindi ko alam kung ano ang posisyon niya pero kasama siya lagi ng Core commander.

"Siya pala si Yanni?" sabi nang babae na officer din.

"Oo. Huwag niyong papahirapan ang crush ko, ah? Mas mataas pa rin ako sa inyo," sabi niya at tumawa naman ang dalawa niyang kasama.

"Sabihin mo 'yan kay G2." Sabi ng isa.

"Bye, crush! Huwag magbibilad," sabi nito bago sila tuluyang umalis.

Hinatid ko sila ng tingin at naramdaman ko na lang ang pag akbay sa akin ni Sally at Cecil.

"Cute ni Russel, 'no? Ayaw mo ba sa kanya?" sabi ni Sally.

"H-hindi naman sa gano'n..." nahihiyang sagot ko.

"Classmate ko 'yan si Russel, eh. Every month 'ata may bago 'yang crush. Huwag kang magpapadala doon, Yanni." Paalala ni Cecil kaya tumango ako.

Buong araw ay nag drill ang Alpha company at Bravo company. Kami naman ay nakasunod lang sa Alpha team dahil sa tuwing naka tikas-pahinga sila ay pupunasan namin ang pawis nila at papainumin ng tubig.

"Tikas... pahinga! Paluwag!" sigaw ng battalion officer kaya tumakbo agad kami para punasan ang mga cadets.

Sa likod ako lagi kasi hindi na gaanong matangkad compare sa unahan na hindi ko abot ang mukha. Pinapainom ko rin sila ng tubig gamit ang iba't-ibang straw.

"Yanni, kulang ako ng tubig. Mayroon ka pa?" tanong ni Fred na nasa unahan.

"Mayroon pa naman." Sagot ko.

"Sige, ikaw muna magpa-inom sa kanila. Kukuha lang ako sa jug." Sabi niya kaya tumango ako.

Si Uno ang una kong pinuntahan kasi siya ang ka-klase ko. Nahihiya kasi ako sa iba na hindi ko naman ka-klase.

"Tubig?" tanong ko sa kanya. Yumuko naman siya para tingnan ako. Grabe nanliliit ako.

"Sige," sabi niya kaya agad akong kumuha ng straw sa duffel bag.

Inabot ko sa kanya ang bottle pero hindi abot ang straw sa bibig niya. Kapag tinaas ko naman ang straw ay hindi na ito aabot sa tubig.

"Uhm, puwede ka bang bumaba ng kaunti?" mahina kong sabi. May ngiting sumilay sa labi niya pati sa mga mata niya. Nakakaiyak. Tinatawanan niya ang pagiging maliit ko.

Ni-bend niya ng kaunti ang tuhod niya at saka inabot ng bibig niya ang straw. Inalalayan ko siya para uminom. Naubos niya ang natitirang tubig kaya kinuha ko ang malinis na face towel at maingat ko itong pinunas sa noo niya.

Pakiramdam ko nanginginig ang mga kamay ko. Nangangalay na 'ata ako.

"Salamat," tipid niyang sabi kaya tumango ako.

Napansin kong wala nang laman ang bote kaya umalis na ako para kumuha ulit sa water jug. Bago pa ako makabalik ay muli na silang nag drill.

Nakaupo na lang kaming mga personnel sa bleachers ng grand stand habang pinapanuod sila.

Si Uno agad ang nakikita ko kasi siya ang pinaka matangkad. Mas matangkad pa nga siya sa core commander namin, eh. Hinahanap ko naman si Tine pero hindi ko siya makita sa Delta company. Hindi ko kasi siya nakitang pumasok. 'Di ko tuloy alam kung pumasok siya or late lang kanina.

Hanggang sa mag lunch break ay hindi ko nakita si Tine. Baka hindi iyon pumasok. Wala tuloy akong kasama dahil si Sally ay malapit lang ang bahay kaya uuwi siya sa kanila.

Dumeretso ako sa room kung saan naabutan ko ang ilan sa mga ka-klase ko. Kumakain na ang iba. Hindi pa naman ako nagbaon kasi usapan namin ni Tine ay kumain na lang sa labas.

"Yanni, sama ka na sa amin kumain," narinig kong sabi ni Harold kaya napatingin ako sa kanya. Kasama niya si Calvin at Uno.

"Ano kasi..."

"Absent si Tine. Nagpadala ng excuse letter sa akin, eh," sabi ni Calvin. Oo nga pala at mag kapit bahay lang si Calvin at Tine.

"Saan kayo kakain?" tanong ko.

"Sa bahay nila Uno!" sabi ni Harold tapos nagtawanan sila ni Calvin.

"Hala? Okay lang ba? Wala pa naman akong baon," sabi ko. Nakakahiya naman kasi makikain.

"It's okay," sagot ni Uno.

"Oh, 'di ba? Hindi ka kayang tanggihan nito. Na-allergy na't lahat-lahat—" hindi na natuloy ni Harold ang sasabihin dahil binatukan siya ni Calvin.

"Gutom na ako. Tara!" sabi ni Calvin at unang umalis. Sumunod naman sa kanya si Harold kaya naiwan kami ni Uno.

"'Lika na, Yanni," sabi niya kaya sabay na kaming naglakad.

Pumunta kami sa parking lot at nandoon ang kotse niya. Siya na naman 'ata ang magda-drive.

"Sa unahan ka, Yannie," sabi ni Calvin.

"Ah, hindi kahit sa likod na lang ako." sabi ko at tumingin kay Uno.

"Sa unahan ka na lang," sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Ilang beses na akong nakasakay sa kotse ni Uno pero hanggang ngayon nahihiya pa rin ako. Lalo na ngayon. Sinisisi niya kaya ako kung bakit siya na-allergy?

Less than five minutes lang ang drive papunta sa bahay niya. Itong dalawa sa likod ko ang ingay-ingay. Panay ang lokohan.

Namangha ako nang ipasok ni Uno ang sasakyan sa malaking gate. Ang laki pala ng bahay nila. Marami ring tanim tapos napansin kong may tatlong sasakyan na naka-park sa garahe na nakabukas. Mayaman talaga sila.

"Nandito ba si Aya?" tanong ko nang makapasok kami sa loob.

"Nasa loob 'ata. Wala silang report sa girls scout, eh," sagot niya sa akin kaya napatango ako.

Naupo kaming tatlo ni Calvin at Harold sa mahabang sofa at umakyat naman si Uno sa second floor.

"Balita ko may swimming pool daw sa rooftop," bulong ni Calvin.

"Oo nga raw, eh," sagot naman ni Harold.

Sa totoo lang, hindi mo iisipin na ganito kayaman sina Uno at Aya. Oo nga at halatang mamahalin ang mga gamit nila pero sa kilos at pananalita, hindi sila maarte at napaka down to earth. Nakakatuwa ang mga ganitong klaseng tao. Kaya naman mas lalo silang pinagpapala.

Bumaba naman si Uno at nakapagpalit na nang damit. Sa likod niya ay si Aya at biglang tumalon-talon nang makita ako.

"Beeeeh!" sinugod niya ako at biglang niyakap. "Na-miss kita!" ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin at pakiramdam ko ay mauubo ako.

"You're killing her, Aya," rinig kong sabi ni Uno kaya bahagyang lumayo sa akin si Aya.

"Inggit ka lang kasi hindi mo siya ma-hug kahit miss—"

"Let's eat." Putol sa kanya ni Uno at nakapamulsang nagtungo sa dining room nila.

"Mareng Aya, h'wag mo naman kasing binubuking si Pareng Uno," sabi ni Harold at umakbay pa kay Aya.

"Eww! Don't call me Mare! Tsk! Halika na nga, Yanni!" hinila ako patayo ni Aya at dumertso kaming dining room.

Nadatnan namin si Uno na nakaupo na sa long table. May serbedora na naglalagay ng mga ulam sa mesa. Napansin kong separate ang ulam ni Uno sa lahat kasi maliit na platito lang ang sa harap niya na may lamang gulay. Siguro maingat na siya sa pagkain ngayon.

Haay. Nakokonsensya talaga ako. kailangan ko 'ata mag-sorry sa kanya.

���/ߕ�� 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top