Chapter 3 - Hiccup


Chapter 3 – Hiccup

"Ma, mano po. Papa, mano po,"

"Sino 'yong naghatid sa'yo?" tanong ni Mama.

"Bago ko pong kaibigan, si Aya. Nagkayayaan po kasi kami sa SM tapos nagpresinta siyang ihatid ako pauwi," esplika ko at napatango lang si Mama. Halatang kakauwi niya lang rin dahil suot niya pa ang uniform.

"Hindi ba nakakahiya sa kaibigan mo? Ang layo nitong bahay natin," sabi ni Papa habang nakaupo sa kanyang duyan na upuan.

"Mapilit po kasi, eh,"

"Magbihis ka na. Nagtext nga pala ang Ate Moira mo I-text mo raw siya kapag malapit na ang exam niyo para mapaghandaan niya," sabi ni Mama.

"Opo, Ma,"

"At mag-aral ka raw ng mabuti,"

"Opo," sagot ko bago pumasok sa kuwarto.

Nagbihis lang ako at saka ko kinuha ang phone ko sa loob ng bag. Ite-text ko sana si Ate para kumustahin pero may isang message kaya binuksan ko muna ito.

From: 0927xxxxxxxx

December 31, 1992

Huh? At sino naman ito?

To: 0927xxxxxxxx

Sino ka?

Matagal akong nakatitig sa screen ng cellphone ko at naghihintay ng reply.

From: 0927xxxxxxxx

Uno.

Birthday ko 'yan.

I was gaping at my phone. Tinext niya ako para sabihin ang birthday niya? At naniwala talaga siya kay Aya na ako ang nagtatanong?

I wanted to reply pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Kasi naman si Aya at Tine, eh. Makikita nila bukas.

Natauhan lang ako nang biglang tumawag si Ate. Agad ko itong sinagot kasi magtatampo na naman iyon kapag matagal na hindi sinasagot ang tawag niya.

"Sis!" bungad niya sa kabilang linya kaya agad akong napangiti. Miss na miss ko na si Ate. Last ko siyang nakasama no'ng Christmas at New Year.

"Ate, kumusta ka na diyan?" masigla kong tanong.

"Okay naman. Kakauwi ko lang. Nakaka-stress sa work. Napagalitan na naman kami ng boss namin!" pagsusumbong niya. Lagi siyang nagco-complain sa akin na napaka-istrikto raw ng may-ari ng restaurant na pinagtatrabauhan niya.

"Ayaw mo bang lumipat ng trabaho, Ate?" tanong ko.

"Okay na ako rito. Kaya ko naman 'yong pagtiyagaan kasi bihira naman siyang dumalaw dito. Kumusta pala ang study?"

"Okay naman po, Ate. Nag book loan po pala ako ng tatlong books. Iyon po 'yong kulang ko kasi hindi naman kumpleto 'yong librong pinahiram ni Ate Jessie,"

"Ah, okay lang. Sabihin mo sa akin kung magkano para mapag-ipunan ko,"

"Opo, Ate. Salamat,"

"Na saan pala si Eli? Hindi niya kasi sinasagot ang text ko. Tapos—Moira nasa labas si Walis!" narinig ko ang boses ni Ate Lian sa kabilang linya.

"Ate, magwawalis ka po ba? Gabi na, ah," narinig ko ang tawa ni Ate na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"Hahaha. Sige, Yanni, tatawag na lang ako mamaya kina Mama at Papa—Moira si Walis!"

"Sige, Ate, bye-bye na po. Mukhang gusto talaga kayo papagwalisin ni Ate Lian,"

"Ingat kayo diyan. Bye!" narinig ko muna ang malakas na tawa ni Ate bago ibinaba ang phone.

***

It was Monday at maaga akong bumiyahe papuntang school para hindi ma-late. Alas sais kasi ang first trip dito sa amin. Nagtext naman si Tine na katatapos niya lang raw maligo. Mabuti naman kasi siya at nasa centro lang ang bahay nila. Eh, ako, estiminated na 30 minutes ang biyahe ko kaya dapat laging maaga.

Pagbaba ko sa harap ng gate ay nagfo-form na para sa flag ceremony. Patakbo akong pumunta sa pila namin at hinanap si Tine. Mukhang wala pa siya.

"Find your height, guys!" sigaw ng isa sa mga kaklase namin.

"Yanni, sa unahan ka," sabi ni Heidy.

"Grabe naman kayo kay Yanni. Hindi naman siya ang pinakamaliit dito, ah," pagtatanggol ni Harold sa akin pero nakangisi pa rin ang loko.

"Uy, ayusin niyo na linya niyo," saway ni Aya sa likod. Siya kasi ang class president kaya siya ang nananaway sa mga pasaway.

"Calvin sa unahan ka! Maliit ka rin!" sabi ni Aya at nagtawanan kaming lahat.

"Guwapo naman!" he countered at umirap lang si Aya.

"Maliit pa rin!"

"Alin?!"

"Gago pare, do'n ka na nga sa unahan!" pinagtutulak siya ni Harold paunahan habang pakamot-kamot lang ng ulo si Calvin.

"Hala! 'Buti 'di pa ako late!" napalingon ako sa likod at nakita ko si Tine. Pawis na pawis kahit bagong ligo. Dahil matangkad sa akin ng two inches si Tine kaya nasa sa likod din siya.

Haay. Gusto ko ring tumangkad.

"Find your height, according to your nose!" sigaw ni Chester at nagtawanan na naman.

"Ay wala na! Cynthia sa unahan ka! According to your nose raw!" nang-aasar na sabi ni Gios.

"Feeling mo!" naiinis na sabi ni Cynthia.

"Ano ba, guys! Para kayong bata!" saway ni Aya. Pero hindi talaga tumitigil ang boys sa asaran. Nakakatuwa na nakakainis.

After ng flag ceremony ay pumunta na kami sa fourth floor kung saan ang classroom namin.

Tahimik lang akong naupo sa assign seat ko at tumabi naman sa akin sina Aya at Tine. Sa kabilang side namin ay ang ingay-ingay lalo na ang grupo nina Calvin. Kasama si Uno kahit moderate lang ang boses niya.

Magkakasundo ang lahat ng tao dito sa classroom pero nahahati pa rin talaga ang mga grupo-grupo. Tulad namin nina Aya at Tine. Madalas ay kaming tatlo lang ang magkausap. Nakikisali naman kami sa iba pero may mga bagay na mas gusto mong huwag ng ibahagi sa iba. Kung baga may wall barrier pa rin.

"Yannie!"

Agad akong napalingin sa akin at nagtawanan na naman ang grupo nina Calvin.

"Oh, sabi na lilingon, eh. Apat na pitik sa noo!" sabi ni Calvin tapos pinitik niya sa noo si Gios.

Napailing na lang ako sa kanila. Mga isip bata.

"Huwag mo nga silang papansinin. Ang daming trip sa buhay!" naiiritang sabi ni Tine.

"Teka, tinext ka ba ni Uno no'ng Friday?" tanong sa akin ni Aya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha? Bakit?"

"Kinuha niya kasi 'yong number mo, eh. Ite-text niya raw kung kailan birthday niya," sabi niya tapos tumawa siya.

"Aba, aba, aba! Text mate na kayo ni Uno?" nang-uuyam na sabi ni Tine kaya agad akong napailing.

"Hindi, ah!"

"Pero nagtext siya?" tanong ni Aya.

"Oo pero—"

"Hah! Text mate na kayo! Kuu! Diyan nagsisimula 'yan," tinusoktusok ni Tine ang tagiliran ko kaya natatawang napaigtad ako.

"Hindi nga sabi, eh,"

"Pero alam mo ba—"

"Guys! Nandiyan na si Ma'am!" anunsyo ni Ed kaya biglang tumahimik ang klase. Para bang storm before calm ang nangyari. 'Yong maiingay na boys ay tahimik na nakaupo sa kanilang seats na akala mo ay hindi nag-iingay kanina.

Puro lectures lang ang ginawa ng mga morning subjects. Sa Math naman ay nagpagawa lang ng exercises. Kagaya ng dati ay sabay-sabay kaming nag lunch nina Aya at Tine. Pero this time ay kasama na namin sa table si Uno at sina Calvin.

Kung gaano sila kaingay sa klase ay gano'n naman sila katahimik kapag kumakain. Matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa classroom. Nakaupo na ako sa may armed chair nang biglang magsalita si Aya.

"Hala! Nakalimutan ko 'yong Physics book ko sa locker!"

"Samahan na kita. Magsi-CR ako," sabi naman ni Tine at tumayo na.

"Sama ako," sabi ko.

"Diyan ka lang. Walang bantay ang bag," sabi ni Aya kaya tumango na lang ako. Baka nga naman mawalan ng gamit dito.

Kinuha ko lang ang Filipino book ko para mag advance reading sa first subject namin ngayong hapon nang biglang mapatuwid ako sa pagkakaupo. Napasinok ako at napalingon sa akin ang mga tao sa loob.

"Uy, si Yanni kumupit ng itlog!" biro ni Gios.

"Hindi—hiks!"

"Hahahaha!" tawa nilang lahat.

Ah! Dapat pala nagpabili ako ng mineral water sa dalawa.

Sinok ako nang sinok kahit pilit ko itong pinipigilan. Nakakahiya talaga!

Nagulat ako nang lumapit sa akin si Uno. Naupo siya sa upuan ni Tine at tumingin sa akin. Nasinok na naman ako pero this time ay medyo mahina na lang.

"May papel ka?" tanong niya. Bahagya akong napakunot pero tumango rin naman ako. "Pahingi," sabi niya kaya kinuha ko ang pad paper ko at pinunit iyon.

"Oh," abot ko. "Hiks!"

"Salamat," sabi niya. Akala ko ay tatayo na siya pero nakaupo pa rin siya doon. Pinunit niya ang corner part ng papel at ni-shape na square.

Nagulat ako nang ilagay niya sa dila niya ang papel at sunod niyang ginawa ay idinikit iyon sa noo ko.

"Para matanggal sinok mo," sabi niya pero nakatingin lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. "Wala naman akong sakit, don't worry," dagdag niya pa.

Hindi ko napansin na nahigit ko na ang hininga ko dahil sa ginawa niya. Oh my, God! Nilawayan niya ako! Para na rin niya akong hinalikan sa noo! Oh my, God!

"Pfft! Beh! Anong nangyari sa noo mo?" tanong ni Tine nang makabalik kasama si Aya. Tumayo naman si Uno at bumalik na sa upuan niya.

"Nasinok kasi ako," sabi ko.

"Ano ka, bata? Mas effective kapag hinalikan sa noo!" sabi niya at pakiramdam ko ay pinamulahan ako. Ang lakas kasi ng boses niya at pakiramdam ko ay narinig iyon ni Uno.

Pasimple kong tiningnan si Uno sa kabilang row at busy siya sa pakikinig sa mga kuwento ni Harold. Ngumingiti siya kapag may nakakatawa tapos magku-komento kung gusto niya.

Nakakawili siyang pagmasdan. Parang nawawala kasi ang mga mata niya kapag tumatawa siya. Nakakadala rin ang tawa niya. Iyong tipong kahit hindi naman talaga nakakatawa 'yong joke ay matatawa ka kasi sa paraan ng tawa niya. Mayroon din siyang maliit na dimple pero mababaw lang. Tapos halatang-halata ang tangos ng ilong niya kapag naka side view.

"Crush mo siya, 'no?" napalingon ako sa sa nagsalita at nagulat ako kasi parehong nakangisi sa akin sina Aya at Tine. Pakiramdam ko nahuli niya akong kanina pa nakatitig kay Uno.

"S-sino?" maang-maangan ko lang na sabi.

"Eh, 'di sino pa? Si Mr. Escort. Crush mo siya, 'no?" ginalaw-galaw pa ni Tine ang kilay niya para mas lalong mang-inis.

"Umamin ka na. Hindi ko naman sa kanya sasabihin, eh," nakangiting sabi ni Aya.

"Hindi ko siya crush!" pagtataray ko at tiningnan lang ako ng dalawa na para bang napakasinungaling kong tao.

"Nahuli ka kaya namin na nakatingin sa kanya!" Aya said with jested grin.

"Alam niyo kayong dalawa, lagi niyo akong pinagkakaisahan. Nakakatampo na kayo," nakanguso kong sabi.

"Huwag mong baguhin ang usapan," ani Tine.

"Amin-amin din. Hala ka. Baka hindi mo alam marami ring nagkakagusto diyan kay Uno lalo na sa upper section," sabi pa ni Aya.

"Oh, eh, ano naman?" nakataas kilay kong sabi.

"Sinasabi ko lang sa'yo. Baka mamaya niyan umiyak-iyak ka kasi huli na ang lahat. Nasa huli pa naman ang pagsisisi," sabi pa ni Aya habang nakatingin sa nail art niya.

"Ewan ko sa inyo. Hindi ako magsisisi kasi hindi ko naman siya crush."

dswzBq ܺ'�g�

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top