Chapter 20 - Unsaid words...

Chapter 20 – Unsaid words...

"Yanni, okay ka lang?" tanong sa akin ni Debbie. Isa sa mga ka-blockmate ko at kaibigan ko.

"Oo naman...bakit naman ako hindi magiging okay?" I faked a smile.

"Hindi ka kasi nakasagot kanina sa recitation ni Sir. Are you sure na okay ka lang? Parang ang lungkot mo kasi lately, eh,"

"Wala 'to. Stress lang sa thesis," sabi ko at saka isinabit ang bag ko sa braso ko.

"Sabagay. Pati nga ako na-i-stress sa thesis natin. Ikaw ba naman ang mag individual thesis. Baka nga sukuan na ako ng laptop ko, eh," natatawa niyang sabi.

Lumabas kaming lecture room. May isang subject pa ako sa Philosopy. Uuwi agad nga ako para makapag online ako. Hindi ko na kasi ma-tsambahan ang oras nang pag online ni Uno. Pero ano naman kaya ang ginagawa niya? Eh, August pa lang naman. September pa ang start ng klase niya.

Tatlong linggo na kaming ganito. Sabi naman sa akin ni Aya, busy raw kasi si Uno kasi bukod sa nag-aaral ito, nagta-trabaho rind aw ito kagaya ko. Ewan ko nga doon. Hindi naman niya kailangan magtrabaho. Siguro kagaya ko, gusto niya ring pumatay ng oras.

Day off ko kasi ngayon sa café. At ngayon na third year na ako, medyo nabawasan ang load ng subjects ko. Noong summer kasi ti-nake-up-an ko na ang mga minor subjects ko para kaunti na lang ngayon.

Bago ako umuwi ay nag drop by muna ako sa bookstore para bumili ng bagong manga book.

Hinahanap ko ang librong tinago ko sa likod ng book shelf nang may tumawag sa akin. Napalingon ako at nakita ko si Russel.

Agad akong napangiti. Bagay na bagay sa kanya ang uniform niya. Ang tikas niyang tingnan at mas lalong gum-wapo.

"Sabi na ikaw iyon, eh," sabi niya nang makalapit sa akin.

"Long time no see," sabi ko.

"Yeah. Since highschool?"

"Yup!"

"Mas lalo kang gumanda, Yanni. Crush na 'ata ulit kita," natatawa niyang sabi. Hanggang ngayon talaga ay maloko pa rin siya.

"Kumusta ang barko, captain?" nakangiti kong tanong.

Naka marine's uniform kasi si Russel. Ang alam ko ay Maritime Engineering ang kinuha niya.

"Okay naman. Hindi naman lumulubog," natawa lang ako sa kanya.

"Pasaway ka talaga,"

"Feeling ko destiny 'to," sabi niya.

"Bakit naman?"

"Kagaya noon ay pinagtagpo rin tayo sa library. Tapos ngayon sa bookstore. What a cute serendipity, don't you think?" sabi niya tapos kumindat.

"Hindi rin," pambabara ko.

"Grabe ka talaga. You always hurt my feelings." Madrama niyang sabi.

Tinawanan ko lang siya. Nakakamiss din si Russel. Iyong kapag nagpapapansin siya sa akin noon. Kapag ang kulit niya. At noong mga panahon na kailangan ko nang karamay.

"How about I treat you? Kain tayo. Tagal kitang hindi nakita, eh. Please?"

"Naku, kahit 'wag na—"

"Sige na. Wala pa naman si Uno, eh," sabi niya at kumindat na naman. Kung marinig siguro siya ni Uno panigurado maiinis na naman iyon. Ang cute niya pa naman mainis.

"Sige. Libre mo, ah?" sabi ko.

"Sure. Anything for my crush."

***

Please...mag-online ka. Please?

Nakatingin lang ako sa skype at hinihintay na mag green ang icon niya.

Umaga pa naman doon sa kanila, eh.

Napabuntong hininga na lang ako. Para akong maiiyak. Gusto kong magsend sa kanya ng mahabang private message tungkol sa hinanakit ko. Pero ayaw ko kasing mag-away kami, eh. Kapag puro kasi away, natatakot ako na baka magsawa siya.

Sa facebook na lang ako nag-online. May isang notification. Ti-nag pala ako ni Russel sa picture namin kanina no'ng kumain kami sa isang Korean restaurant.

'With my old crush.' Ang caption ng photo. Magkatabi kami at isa sa mga crew ng restaurant ang kumuha noon.

Ni-like ko ang picture at pinagpatuloy ang pag-scroll down. Nasa outing pala ngayon si Aya kasama ang mga classmate niya. Kaya pala hindi nagre-reply.

May nag pop-up naman na message sa facebook ko. Si Tine.

Tine Mendrez: Magkasama kayo kanina ni Russel?O_O

Yanni Madrid: Yup. Ang tagal ko na nga siyang hindi nakita eh. Kaya nilibre niya ako. Haha

Tine Medrez: Dapat tinext mo ako para nagpalibre din ako. Hahaha

Yanni Madrid: Sorry, nakalimutan ko. Busy ka rin kasi lately, eh.

Tine Mendrez: Kita na lang tayo sa Saturday. Itetext ko rin si Aya.

Yanni Madrid: Sina Harold at Calvin pa.

Tine Mandrez: Okay, okay! :)

Minsan naiiisip ko na sana pala parehas na lang ng course ni Tine ang kinuha ko. Sana lagi kaming magkasama ngayon.

Mukhang hindi mag-o-online ngayon si Uno. Ano kaya problema no'n? Sana naman okay lang siya.

Kahit nga nakakasama nang loob na parang mas lalong napapalayo kami sa isa't-isa ay iniintindi ko pa rin siya.

***

Saturday. May pasok ako sa café kaya sina Tine at Aya ay sa café kung saan ako nagta-trabaho tumambay. Sayang nga kasi sila lang. Busy daw kasi iyong dalawa. Mabait naman kasi ang may-ari nang café kaya okay lang na minsan ay nakikipag-usap ako kina Aya.

"Baka raw sa next summer ay magbakasyon dito si Uno. Pinayagan 'ata siya ni Tito na umuwi," biglang sabi ni Aya kaya napaangat ako nang tingin.

"Talaga?" nakangiti kong sabi.

"Mmm. Iyon ang sabi niya sa akin." Kibit balikat niyang sabi.

"Nakakausap mo ba siya lately?" tanong ko.

"Kagabi, oo."

Tumango lang ako. Bumalik ako sa counter kasi may customer.

Galit ba sa akin si Uno? Ayaw na niya kaya sa akin? Nag-sawa na siya?

After nang shift ko, instead of going to mall kasama ang dalawa ay nagpumilit akong umuwi.

Masama kasi ang loob ko. Hindi ko naman masabi sa kanila kasi pinsan ni Aya si Uno. Alam ko naman na maiintindihan nila ang nararamdaman ko pero mas gusto ko munang sarilinin itong nararamdaman ko. Ayaw kong mag overreact.

Nang makauwi ako ay agad akong nag log-in sa facebook at binuksan ko ang conversation namin. Offline siya. Pero kailangan kong mag-send sa kanya nang sama nang loob ko.

To Uno Miguel Ong: Hindi ko alam kung bakit hindi mo na ako kino-contact. Galit ka ba? Dahil ba sa hindi ko sinasagot ang 'I love you' mo? Mahal naman kita, eh. Akala ko kasi alam mo iyon. Sorry, nakalimutan ko kasing kailangan mo ng assurance. Pero huwag naman sanang ganito, Uno. Nahihirapan kasi ako kapag hindi ka nagpaparamdam. Pakiramdam ko tuloy nagsasawa ka na sa relasyon natin. Mahirap kasi talaga ang LDR. Pero sana huwag ka namang sumuko. Huwag mo akong sukuan, Uno. Kasi ako, naghihintay pa rin ako. Naniniwala pa rin ako sa pangako mong babalikan mo ako.

Hindi ko namamalayan na umiiyak na ako habang nagta-type ng message sa kanya. Nanlalamig din ang mga kamay ko. Ang sakit-sakit kasi, eh.

"Yanni, bakit ka umiiyak?"

Halos mapatalon ako sa kama ko nang biglang pumasok si Mama sa kuwarto. Dala-dala niya ang nilabhan niyang uniform ko.

Agad akong nagpunas nang luha at isinara ko ang laptop.

"Napuwing lang po," sagot ko saka ko kinuha ang mga uniform sa kanya.

"Nakasarado ang bintana mo, Yanni. Umamin ka nga, brokenhearted ka ba anak?"

Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi ni Mama. Nakakahiya kasing mag open up kay Mama. Natatakot ako sa advice na ibibigay niya.

"College ka na, Yanni. Sa tingin mo ba, pagbabawalan ka pa namin ng Papa mo makipag-relasyon? Kaya sige. Sabihin mo na kay Mama." Naupo siya sa gilid ng kama ko at ready nang makinig.

"Mama, hindi naman po." Sabi ko na lang.

"Nanay ako, Yanni. Alam ko kung may gumugulo sa inyong mga anak ko. Kaya sige na, sabihin mo na sa akin. Pero siguraduhin mo lang na hindi ka buntis dahil makokonyatan kita. Kung hindi ko noon napalo ang Ate mo nang umuwi siyang buntis, ay baka ikaw mapalo kita."

"Si Mama talaga! Hindi po ako buntis!" depensa ko.

"Oh, eh, bakit ka nga umiiyak? May bagsak ka ba? Hindi pa naman first grading, ah?"

Napabuntong hininga ako. Sasabihin ko ba kay Mama? Okay lang kaya?

"Si Uno po kasi, Mama..."

"Si Uno ang boyfriend mo? Aba at bakit hindi ko man lang nakikitang dumalaw dito ang batang iyon? Gustong-gusto ko pa naman siya dahil napaka-magalang na bata."

"Nasa America po si Uno, Ma. Bago pa po kami mag graduate ay pumunta na siya doon kasi may sakit ang Mama niya. Namatay po siya dahil sa cervical cancer. Long distance relationship po kami mga two years na."

"Kaya ka ba umiiyak kasi ipinagpalit ka niya sa Americana?"

"Mama! Hindi po. Nami-miss ko lang po siya. At saka sabi niya po hindi niya ako ipagpapalit sa Americana kasi mayroon naman siyang Española."

Napangiti ako nang maaalala ko ang sinabi sa akin ni Uno noon. Haay. Nami-miss ko na talaga siya.

"Mahirap talaga 'nak ang long distance relationship. Kailangan niyo ng buong tiwala at pagmamahal. Tatagan mo ang sarili mo at magdasal ka lagi. Sa tingin ko naman ay hindi ka ipagpapalit ni Uno. Una ko pa lang siyang nakita noon, nahalata ko nang may gusto siya sa'yo dahil kakaiba ang titig niya sa'yo."

"Paanong titig po, Ma?"

"Iyong titig na parang nakatingin siya sa babaeng magiging source of life niya. Nakatingin siya sa buhay niya."

***

To Uno Miguel Ong: Hindi na ako nagtatampo sa'yo. Mahal pa rin kita kahit hindi mo na ako tinatawagan. Nami-miss na kita, Uno. Paramdam ka naman.

To Uno Miguel Ong: Happy 32nd monthsary. I love you.

To Uno Miguel Ong: Simula na ba ng klase niyo? Nag-search ako sa internet. September 9 daw ang start ng klase niyo.

To Uno Miguel Ong: Happy 33th monthsary, Uno. Sana okay ka lang. Mahal na mahal kita.

To Uno Miguel Ong: Miss na miss na miss na kita, Uno.

To Uno Miguel Ong: Happy Halloween!

To Uno Miguel Ong: Happy 34th monthsary, Uno. Ako na lang ba ang nagbibilang? Please, kahit isang seen lang.

To Uno Miguel Ong: Uno, masakit na. Hindi ko na kaya.

To Uno Miguel Ong: Huwag naman sanang ganito. Ipaliwanag mo naman sa akin na hindi na tayo puwede. Hindi iyong babalewalain mo na lang ako.

To Uno Miguel Ong: Happy 35th monthsary. Tayo pa rin ba?

To Uno Miguel Ong: I miss you!

To Uno Miguel Ong: Merry Christmas.

To Uno Miguel Ong: Happy birthday, Uno.

To Uno Miguel Ong: Happy New Year.

To Uno Miguel Ong: Siguro nauumay ka na sa kame-message ko. Sorry. Hindi ko na kasi kaya. Mahal pa rin kita. Don't worry, kung ano man ang rason mo, maiintindihan ko.

To Uno Miguel Ong: Ito na 'ata ang pinakamalungkot na birthday ko.

To Uno Miguel Ong: Hindi ko na kaya.

To Uno Miguel Ong: Sorry, Uno.

To Uno Miguel Ong: I love you...

To Uno Miguel Ong: Pero suko na ako.

To Uno Miguel Ong: *muted*

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

From Uno Miguel Ong: Huwag...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top