Chapter 19 -LDR
Chapter 19 -LDR
Good news: Kami na ni Uno. Bad news: Ilang araw na lang ay aalis na siya.
Dahil sa situation niya ay pinakuha siya nang advance exam para matapos niya ang highschool curriculum at magkaroon nang diploma. Iyon nga lang, hindi siya magpapaso.
Inaamin ko, sobra akong nalulungkot. Kasi kung kailan masaya na ako...bigla naman itong babawiin sa isang iglap.
After class ay lagi kaming magkasama si Uno. Kung saan-saan kami pumupunta at kumakain. Pakiramdam ko tuloy may taning din itong relasyon namin. Hindi ko kasi alam kung ano ang i-e-expect sa long distance relationship. First boyfriend ko siya, one week lang kaming magkakasama bilang couple, tapos biglang LDR na. Ni hindi pa nga namin napapatunayan sa isa't-isa ang pagmamahal namin.
Madalas ay pumupunta kaming Cathedral—nagdadasal para sa Mommy niya na gumaling na. Luluhod kami sa habang hawak niya ang kamay ko.
Minsan gusto ko na lang siyang yakapin. Hindi naman niya kasi kailangan nang comforting words, eh. Uno needs to be feel loved and someone who will always be there for him. Kapag nasa America na siya, family na niya ang makakasama niya...at wala ako para palakasin ang loob niya. Paano kapag hindi na niya kaya? Paano kapag gusto niyang umiyak?
"May skype ka ba, Yanni?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa Ateneo Avenue kasi nagke-crave kami parehas ng kinalas.
"Wala, eh."
"Gawan kita para kahit once a week ay puwede nating makita ang isa't-isa."
Napangiti ako at tumango sa kanya.
Tatlong araw bago umalis si Uno ay may ginawa akong kasalanan sa parents ko.
Nagsinungaling ako na may activity kami sa school kaya kailangan kong matulog kina Tine. Pero ang totoo ay magro-road trip kami ni Uno from Naga to Iriga and Iriga to Legazpi.
Tine covered up for me. Una naming pinuntahan ay ang hometown ni Uno. Doon ko nalaman na halos sakop nang family nila business sa hometown niya. Kapag Chinese nga naman.
Dinala niya ako sa isang grotto na Emerald Grotto kung tawagin. Ang ganda nito kapag gabi dahil sa ilaw. Mayroon itong more than one hundres steps at bato ang hagdan.
"This grotto has urban legend," sabi niya nang makaakyat kami sa tutok. Mayroong open chapel dito at altar. Mayroon ding image ni Mama Mary.
"Anong legend?" tanong ko naman.
"Sabi ng mga matatanda, kung sino raw ang taong espesyal sa puso mo ang dinala mo rito ay siya ang makakatuluyan mo."
"Talaga?" nakangiti kong sabi.
"Yes. Kaya dinala kita rito. Para kahit ano ang mangyari ay tayo pa rin ang magkakatuluyan."
Pinigilan kong huwag kiligin. Kinagat ko na ang pang-ibabang labi ko para hindi ako mapangiti nang malawak pero tinatraydor 'ata ako nang sarili ko kasi bigla na lang akong tumawa nang mahina habang nakatingin sa kanya.
"Hindi ka na natotorpe na sabihin 'yan?" nagbibiro kong sabi.
"Medyo lumalakas na kasi ang loob ko kapag ikaw ang kaharap ko. At saka, I felt very comfortable when I am with you. I am me whenever I am with you."
Hindi ko mapigilang hindi hawakan ang pisngi niya. Magkahinang lang ang mga mata namin. Tanging tunog ng punong sumasayaw at huni ng ibon ang naririnig ko...kasabay nang malakas na tibok ng puso ko.
"Mami-miss kita nang sobra," sabi kong bumuntong-hininga.
Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Siguro hindi ko dapat iyon sinabi. Tuloy ang lungkot na naman nang mukha niya.
"Mas mami-miss kita, Yanni." He said with sincerity. "I'll miss your endearing smile, your innocent eyes, your sweet voice...everything about you, Yanni. Aalis ako pero maiiwan dito ang puso ko. Alagaan mo, ah?"
Agad naman akong tumango sa kanya. I could just imagine ang hirap niya. Pupunta siya roon para sa Mommy niya. Pero paano naman siya? Who will console him? Who will tell him that everything is going to be alright if we're continents apart.
"Huwag kang maghahanap ng Americana doon, ha? Bahala ka. Kasalanan mo kapag naging matandang dalaga ako!" sabi ko at saka ngumoso. Narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Hindi, Yanni. At bakit ako maghahanap nang Americana when I have my Española here?" makahulugan niyang sabi. "But don't worry, hindi ka tatandang dalaga. Babalikan kita kahit na ano'ng mangyari..."
Tumango muli ako sa kanya.
"At huwag kang masyadong makikipag-lapit kay Russel, ha?"
"Hala! Friends lang kami!" depensa ko.
"Friends din naman tayo noon, ah?" angal niya. Ang cute niya talaga.
"Oo, pero iba ka..."
"Ah, basta. Kung kakausapin mo siya, dapat laging kasama si Tine o Aya."
"Bakit ba pakiramdam ko kahit wala ka ay ipinagkatiwala mo ako sa apat?" sabi ko.
"Syempre, 'no! Paano kung magabihan ka? Kapag college ka na, paano kung may pumorma sa'yo? You don't have any idea how beautiful you are and many men will try to get your attention."
"Pero kasi..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Ikaw lang naman kasi ang gusto ko. M-malabo 'ata na magkagusto ako sa iba..." mahina kong sabi.
Ngumiti siya sa akin at muling ginulo ang buhok ko.
"Can I hug you, Yanni?" tanong niya. tumango naman ako.
Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.
Lord, okay lang po kahit matagalan siya roon. Basta kami ang magkatuluyan...opo, Lord? Please?
***
Mabigat ang mga matang minulat ko ang mga mata ko. Mamaya na pala ang alis niya.
Napag-usapan na namin na hindi ko siya ihahatid sa local airport papuntang Manila. Si Aya ang makakasama niya at ihahatid siya hanggang Manila.
Kahapon ay maayos siyang nagpaalam sa akin. Pinuntahan ko siya sa bahay nila at tinulungan siyang ayusin ang mga gamit na dadalhin niya.
May pasok pa kami kaya kahit ang bigat sa loob na pumasok dahil wala siya ay hindi puwedeng um-absent. Hindi gugustuhin ni Uno na pabayaan ko ang pag-aaral ko dahil lang sa umalis siya.
Nang makarating akong school ay ramdam ko ang gloom ng lugar. Pati sa loob ng classroom ay tila ba ang lungkot din ng mga tao. Lahat sila ay napatingin din sa akin. Siguro gusto nilang malaman kung ano ang nararamdaman ko. Halata ba masyadong malungkot ako?
Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Uno. Wala rin sina Calvin at Harold. Mabuti pa sila. Hindi ko kasi kayang ihatid siya, eh. Baka bigla na lang akong umiyak.
Nakita kong dumating si Tine. Gusto man niyang ihatid si Uno ay mas pinili niyang samahan ako. Baka raw kasi tumalon ako sa rooftop. Ang exagge lang.
"Okay ka lang, beh?" tanong niya.
"Mmm..." sagot ko.
Hindi na niya ako kinulit pa. Nagsimula ang klase nang maka-receive ako ng text galing kay Aya. On the way na raw sila sa Naga-Pili airport. Napabuntong hininga lang ako. Gusto ko pa siyang makita.
Break time at sa canteen lang kami kumain ni Tine. Hindi naman ako nagugutom. Wala nga akong gana kumain, eh. Pero kung tingnan kasi ako ni Tine, para bang nag-aalala siya sa akin. Iniisip 'ata nito na baka gutumin ko ang sarili ko.
"Hi, Yanni." Napatingin ako sa likod ko habang nakapila sa counter.
"Uy, Russel." Pinilit kong ngumiti kasi ang rude naman kung sisimangutan ko siya.
"Share tayo ng table," sabi niya.
"Ah, okay lang." sabi ko.
Nagbayad lang ako at pumunta nang table namin. Nakita ko naman na tinaasan siya ng kilay ni Tine.
"Ano ginagawa mo rito?" pagsusuplada ng kaibigan ko.
"Tine, mkiki-share raw ng table," sabi ko at naupo.
"Ang daming bakante, oh!" umiirap niyang sabi.
"Tine..." pagsasaway ko.
"Hindi porke't wala si Uno ay makakada-moves ka sa kaibigan ko, ha?" napailing lang ako kay Tine. Grabe siya. Ang harsh niya kay Russel.
"Alam ko naman iyon," sabi ni Russel tapos kumindat sa akin.
After naming kumain ay umakyat na kami ni Tine. Nagtaka pa ako kasi iyong mga classmate ko ay parang ang saya-saya. Mabuti pa sila.
"Nandito na pala, eh!" rinig kong sabi ni Gios. Lahat sila napatingin sa akin.
"Ayeeeee!" hiyawan nila.
Okay. Ano'ng nangyayari?
Nakita ko si Calvin at Harold—naka civilian. Agad kong iginala ang tingin ko at nagulat ako kasi nakita ko si Uno nakaupo sa silya ko.
"U-Uno..." halos pabulong ko lang na sabi.
Tumayo siya at nilapitan ako.
"Hindi ko kayang umalis nang hindi ka nakikita," sabi niya.
Pakiramdam ko nagtutubig ang mga mata ko. kasi naman, eh. Okay na ako kanina. Oo malungkot pero kasi...
"At hindi ko kayang umalis nang hindi ito nasasabi sa'yo..."
Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay sa sasabihin niya.
"I love you, Yanni."
Lumakas ang hiyawan sa loob ng room. Sobrang init nang pisngi ko.
'Mahal din kita.' gusto ko sanang sabihin pero para bang may pumipigil sa akin. Hindi ko pa siya kayang sabihin.
"Hindi kita minamadali, Yanni." Sabi niya agad. Ngumiti at tumango naman ako sa kanya.
"Uno, five minutes na lang. Mata-traffic tayo nito," rinig kong sabi ni Aya.
"I gotta go, Yanni." He gave me a quick hug at pasimpleng hinalikan ang noo ko.
Lumabas siyang room nang hindi ako lumilingon. Hindi ko kaya...anytime maiiyak ako.
Sana hindi na lang niya ako pinuntahan. Mas mahirap kasi...mas masakit.
Nakayukong bumalik ako sa upuan ko at tahimik na naupo. Yumuko ako sa armchair at in-ub-ub ang sarili.
Biglang lumabas ang masaganang luha sa mga mata ko.
Mahal kita, Uno! Mahal kita! Sigaw ng isipan ko.
***
Months have passed. Nakakapag-usap lang kami ni Uno kapag pumupunta ako sa bahay ni Aya. Pinapagamit niya kasi ako ng skype.
Nag prom kami at Partner ko si Harold. Iyon kasi ang gusto ni Aya para raw mapanatag ang loob ni Uno.
Nang mag march ay ang daming activity namin. Sobrang busy din dahil sa graduating kami. Hindi ko naman laging naiisip si Uno pero kapag mag-isa ako, doon ko nararamdaman ang pagka-miss sa kanya.
Kay Aya ko nalaman na mas lalong lumala ang kalagayan ng Mommy ni Uno. So para mapagaan ko ang loob niya ay nagsend ako sa kanya ng video message.
Nakilala ko rin ang Daddy niya thru skype. Her mother is too weak to even say hi kaya hindi na niya pinilit.
Araw-araw ay nagdadasal ako sana may miracle na mangyari para humaba pa ang buhay ng Mommy niya.
Alam kong nahihirapan si Uno. Kaya hindi ko 'ata kakayanin kung ako ang nasa kalagayan niya.
It was after our graduation nang sabihin ni Uno na may regalo raw siya sa akin. Nakalagay sa kuwarto niya. Kunahin ko raw do'n.
Si Aya ang sumama sa akin. Iniwan niya ako sa loob ng kuwarto ni Uno. Walang personal belongings sa loob. Pero sa gitna nang kama ay napansin ko agad ang isang maliit na box. Agad akong naupo sa gilid nang kama at binuksan ang regalo.
Napangiti ako nang buksan ko ito.
A scrapbook. May nakalagay na 'To my sweet Yanni.'
Isa-isa kong tiningnan ang pahina. Mga pictures ko ang una. Karamihan ang stolen. Tapos may caption na halatang hand written niya.
Nayakap ko ang scrapbook. Nahiga ako sa kama niya habang naiiyak. Nakakainis naman kasi, eh. Ang iyakin ko talaga.
Dumating ang summer. Nakatanggap ako ng acceptance letter sa public school na pinag-exam-an ko. Ito iyong dating school ni Ate. Mahirap kasi pumasok dito pero sobrang mura nang tuition fee. Gusto ko kasi talaga ay makatipid sa akin sina Ate at Mama.
Iisa lang ang school namin ni Tine. She took up Finance at ako ay secondary education major in English.
Si Aya naman ay sa Ateneo nag-aral at kumuna nang business management. Sina Harold at Calvin ay sa dating school lang namin. si Harold ay kumuha nang Civil engineering samantalang si Calvin ay Accountancy.
It was May nang umuwi si Ate kasama ang mapapangasawa niya...si Kuya Duncan. Ito pala ang boyfriend ni Ate. Mabait siya at sa tingin ko ay mahal na mahal niya ang kapatid ko. Buntis si Ate kaya ikakasal sila within the month.
Sa unang pagkakataon ay nakapunta akong Manila. Binigyan din ako ni Kuya Duncan nang tablet kaya simula noon, lagi ko nang nakakausap si Uno sa skype.
Mahirap pala ang LDR. Minsan may mga oras na parang gusto ko siyang awayin. Siguro dala nang pagkamiss ko sa kanya. Pero hinahabaan ko ang pasensya ko. Hindi na dapat ako dumadagdag sa stress niya.
Natuwa nga ako nang sabihin niyang effective daw ang bagong treatment ng Mommy niya. Unti-unti raw ay bumabalik na ang lakas nito.
Nagsimula ang first day of class ko bilang college student.
Iba pala kapag nasa kolehiyo. Parang mas seryoso ang mga tao. Haay. Nami-miss ko tuloy ang highschool.
Dahil magkaiba kami ng department ni Tine kaya bihira ko na siyang makasama. May mga bago rin naman akong kaibigan pero every Saturday ang nagkikita-kita kaming lima para mag-bonding.
Si Aya ay mag boyfriend na. Si Harold ay may nilalagawan na raw. Si Tine wala pa...sure ako no'n. Pero ewan ko lang kay Calvin. Ang loko kasi kaya akala tuloy ng iba ay hindi siya seryoso..
Patapos na ang first sem nang biglang hindi na ako tinatawagan ni Uno sa skype o kahit message sa facebook. Hindi ko na rin ma-contact si Aya.
Nag-aalala ako...natatakot na baka may nangyaring masama sa Mommy niya.
I kept on praying na sana maging okay na ang lahat. But Aya's text made me cried.
Uno's mother died. Hindi na raw kinaya ng katawa nito. Kaya raw hindi siya ma-contact kasi pupunta siyang America kasama ang parents niya.
Iyak ako nang iyak. Alam kong nahihirapan si Uno. Kaya hindi ko matanggap na wala ako sa tabi niya para damayan siya.
Isang buwan ang nakalipas bago muli kami nagkaroon ng communication ni Uno.
"I am so sorry, Yanni. I shouldn't have shut you out. I just don't want you to see me at my lowest state." Sabi niya sa kabilang linya habang kausap ko siya sa skype.
"Naiintindihan kita...huwag mo akong isipin. Medyo nag-alala lang ako sa'yo."
"I am still mourning but I'll be fine. Kailangan kong maging malakas para kay Daddy. Siya ang sobrang naapektuhan. Hindi ko siya basta maiwan."
"Nagsisimula na ba ang school diyan? Mag-aaral ka ba diyan?" tanong ko. Expected ko na kasing mas matatagalan siya doon. Baka nga sa America na siya mag college.
"I started schooling last September. Kagaya ng plano ko, kumuha ako ng CS."
"Galingan mo," sabi ko na lang.
"I will...for you." Nakangiti niyang sabi.
I kept myself busy. Habang nag-aaral ay kumuha ako ng sideline job sa isang book café. Nakakapagod sa totoo lang pero gusto ko kasi makatulog agad kapag nahiga ako sa kama. Ayaw ko nang mga midnight thoughts kasi naiiyak lang ako.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, at taon. Second year college na ako at nasa second semester na. Medyo nasanay na ako sa sitwasyon namin ni Uno. Minsan nga may times nakakalimutan kong mag online dahil sa pagod kaya nagiging ugat iyon para mag-away kami.
Hindi ko rin alam kung paano sa kanya nakarating ang balitang may blockmate akong gustong manligaw sa akin. Imposible kasing si Tine, eh.
"Marami akong mata sa school mo, Yanni." Tanging sabi niya. Medyo nag mature na ang mukha ni Uno. Halata rin na lumaki ng kaunti ang katawan niya.
"Sinabihan ko na naman iyon na may boyfriend ako. Pero ang kulit talaga. Sabi niya pa drawing ka lang daw. Na wala talaga akong boyfriend." Sabi ko lang.
"Anong drawing?!" naiinis niyang sabi
"Gawa-gawa ko lang daw na may boyfriend ako para layuan niya ako."
"Tsk! Ikaw kasi ayaw mong naka in a relationship tayong dalawa sa facebook kaya ayan!"
"Baka kasi makita ni Ate," sabi ko.
"Eh, ano naman?"
"Alam no'n wala akong boyfriend. At saka baka mapagalitan ako magsumbong pa kay Mama."
"Ano bang pangalan nang lalaking umaaligid sa'yo?" nakakunot noo niyang tanong. Ayan, naningkit na naman ang mga mata niya.
"Hindi ko sasabihin,"
"At bakit?" naiirita na niyang sabi. Ang sarap niya talagag asarin.
"Baka i-search mo pa sa facebook tapos awayin mo."
"At bakit hindi?"
"Uno..."
"Fine! Tsk. Naiinis na ako, ah, Yanni." Sabi niya.
"Uwi ka na lang...tapos i-kiss kita para mawala ang inis mo." Biro ko.
Nakita kong napakurap siya at napatitig sa akin ng matagal.
"Halos dalawang taon na rin tayo, pero kahit kailan ay hindi mo pa sinasabi na mahal mo ako," sabi niya.
Bigla naman akong na-guilty. Mahal ko siya. Alam iyon ni Lord. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko talaga kayang sabihin. Nahihiya ako.
"That't it!" sabi niya.
"Ha?" nagtataka kong sabi.
"Gotta go, Yanni. I love you."
Bigla siyang nag-disconnect. Hala! Nagtatampo kaya siya?
s{}
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top