Chapter 18 - Prom

Chapter 18 - Prom

Nagpasko kami sa bahay nila Lola Selya. Umuwi uli si Ate kaya kumpleto na naman kami. Pero hindi siya masaya sa nangyari sa akin. Galit na galit siya kay Henessy at gusto niya nga itong sugurin.

After nang pasko ay nag-attend kami ng reunion sa side ng family ni Mama.

Mabuti na lang at binigyan ako ni Ate ng pera at marami akong nasingil sa mga ninong at ninang ko. Haha. Naisip ko kasing regaluhan ang lima.

Hindi mahirap regaluhan si Tine dahil alam ko naman ang gusto niya. Pero sa Aya...ano nga ba ang puwede mong ibigay sa isang babae na nasa kanya na ang lahat?

Kina Calvin at Harold naman ay nag-iisip pa ako kung baseball cap o t-shirt.

"Sis, ano kaya kung regaluhan mo sila nang personalized t-shirt? Para naman maiba. Iyong pare-parehas kayo. Kung may couple shirt, may friendship shirt naman." Sabi ni Ate. Nagtanong kasi ako sa kanya kanina, eh.

"Wala akong design, eh," sabi ko.

"Sa papagawan mo, magpagawa ka ng design,"

Sinunod ko ang advise ni Ate. Sinamahan niya ako sa isang printing shop. Isang white and pink three fourths para sa babae at white and black three fourths para sa lalaki.

Doodle names ang ipinagawa ko. Nasa harap ang print. Silk screen ang pina-print ko para mas matagal at mas medyo affordable.

Balak ko sana itong ibigay sa birthday ni Uno. May get together kasi kami sa 31 sa bahay nila. Nakakatuwa nga ang birthday naming dalawa, eh.

Siya before New Year, ako naman ay after New Year. Ang saya lang.

***

Russel: Balita ko nagkakamabutihan na kayo ni Uno?

Napatitig ako sa message ni Russel sa akin sa facebook. Paano niya kaya nalaman?

Yanni: Saan mo naman iyan narinig? Haha

Russel: Chismoso ako eh! Hahaha

Yanni: Sorry, Russel, ah?

Russel: Bakit ka nag-so-sorry?

Yanni: Alam mo na iyon.

Russel: Yanni, hindi naman kita mapipilit na magustuhan ako eh. Ang responsibilidad ko lang ay ipaalam sayo ang nararamdaman ko. Pero hindi ka obligado na ibalik ito sa akin.

Yanni: Salamat!

Russel: Pero waiting pa rin ako. Kapag niloko ka niya o sinaktan, naghihintay lang ako. Hahaha

Yanni: Loko!

Russel: But seriously, Yanni. Nandito lang ako sa tabi ko kung kailangan mo ako. I'm a friend.

Yanni: Alam ko. Ang suwerte ko nga kasi ang dami kong mabubuting kaibigan.

Russel: Madami ka na palang kaibigan, bakit ginawa mo pa akong kaibigan? </3

Yanni: The more the merrier.

Russel: Aray ko po!</////3

Yanni: Halaaaa!

Russel: Merry Christmas and Happy New Year, Yanni!

Yanni: Same to you, Russel. :)

***

From Aya:

Saan ka na, Yanni?

Kanina pa ako tinetext ni Aya kasi nga ngayon ang birthday ni Uno na gaganapin sa bahay nila. Kami-kami lang naman daw since ayaw ni Uno nang maraming tao.

"Ang tagal mo," sabi ni Aya nang makapasok ako sa kanila.

"Pasensya na. Traffic kasi sa Magsaysay Avenue, eh," sabi ko na lang.

"Tara na. Nasa taas silang lahat."

Hinila ako ni Aya paakyat. Akala ko kung saang taas. Iyon pala ay ang rooftop nila na may swimming pool.

Rooftop siya pero may bubong ang kalahati nang rooftop kung saan ang upuan, billiard, at dart area.

Sa dulo ay isang swimming pool. May mga beachball, floating single sofa, at salbabida.

Simple lang naman ang handaan. Spaghetti, pizza, friend chicken, at softdrinks. Ni wala ngang cake.

"Maliligo kayo?" tanong ko kina Aya at Tine habang nakatingin sa pool.

"Yup!" nakangiting sabi ng dalawa.

"Hindi niyo na ako mapipilit na magsuot nang swim wear," nakalabi kong sabi.

"Don't worry, hindi na namin iyon gagawin. Baka awayin pa 'ko ni Uno, 'no!" natatawang sabi ni Aya.

Bigla naman akong pinamulahan.

Hindi lihim sa kanila na nililigawan na ako ni Uno. Sobra nga silang supportive, eh.

"Teka, na saan pala siya?" tanong ko.

Sina Calvin at Harold kasi ay nag-aayos ng table. Ang tahimik nga ng dalawa, eh. Nakakapagtaka lang kasi talaga kapag wala silang imik.

"May kinukuha lang sa baba," sabi ni Aya.

"'Ayan na pala, eh," sabi naman ni Tine kaya napatingin ako sa may entrance.

Nakangiting pumasok si Uno habang may hawak na cake. Pangalawang beses ko na siyang nakitang may dalang cake. Pero this time, medyo mas maliit tapos hugis circle.

"Happy birthday, p're!" bati ni Calvin.

"Naks! Seventeen na siya!" pang-aasar pa ni Harold.

Sa akin lumapit si Uno. May dalawang maliit na candle stick sa gitna. Nang binasa ko ang nakasulat sa cake ay nagulat ako kasi pangalan naming dalawa ang nakalagay.

"Happy birthday to us, Yanni. I know sa January 2 pa ang birthday mo pero gusto ko sanang sabay natin iyong i-celebrate," sabi niya. Nakakatuwa kasi namumula talaga ang tainga niya.

"Iyon oh!" pang-aasar nina Harold at Calvin.

"Hindi ko 'ata kaya 'to, beh!" tumitiling sabi ni Tine.

"Hindi rin ako sanay pa," sabi rin ni Aya.

Napayuko lang ako habang nakangiti. Hindi ko kasi alam kung paano ko ide-describe ang nararamdaman ko. Basta ang sarap sa feeling. Iyong bang parang hinehele ng langit ang puso mo?

"Blow the candle na 'yan!" sigaw nila.

Ramdam na ramdam ko ang pamumula nang pisngi ko. Kami-kami lang naman kasi rito pero nahihiya talaga ako sa kanya.

Sinindihan ni Harold ang dalawang candle stick. Lahat sila ay nasa harapan namin. Feeling 'ata nila nanunuod sila nang shooting. Abang na abang.

"Sabay tayo," nakangiti niyang sabi.

"Mmm," tumango ako.

"Advance happy birthday, Yanni,"

"Happy birthday, Uno,"

Sabay naming inihipan ang kandila.

Masaya ako. Sobrang saya. Inilapag ni Uno ang cake sa lamesa. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya.

Gustong-gusto ko talaga si Uno. Mahal ko na nga 'ata, eh. Alam kong masyado pang maaga kasi mga bata pa kami pero sana siya na. First time ko kasi itong maramdaman, eh. Alam kong noob ako 'pagdating sa relationship pero kasi...kapag nakikita ko si Uno, nakangiti, tumatawa, o seryoso, lahat nang aspeto na mayroon siya gusto kong maging bahagi ako. Hindi lang ngayon kundi sa mga susunod pang araw...habambuhay.

"Ang lalim 'ata nang iniisip mo?" tanong sa akin ni Uno habang kumakain kami ng pizza. Pareho kaming naka-injan seat sa sofa habang ang apat ay naglalaro ng taga-tagaan sa pool.

"Naku, hindi naman," sabi ko at muling kumagat nang pizza.

"May tanong pala ako. Ano'ng course ang kukunin mo 'pag college?"

"Baka education. Gusto ko kasing maging teacher kagaya ni Mama. Eh, ikaw?"

"Computer Science 'ata. Pero hindi pa naman ako sure."

"Okay iyon, magaling ka naman sa computer, eh." sabi ko.

"May mga prospect ka na bang school?"

"Sa ngayon wala pa. Siguro sa dating school ni Ate no'ng college. Hindi rin naman kasi papayag sina Mama at Papa na lumayo ako, eh,"

Hindi kumibo si Uno at bigla na lang siyang natahimik.

Saan kaya siya nagco-college? Okay lang naman kung hindi kami parehong school. Pero sana dito lang din sa Naga.

"After New Year nga pala ay pupunta kaming Manila ni Aya. Susunduin kasi namin si Mommy sa airport. Medyo bumuti na kasi ang lagay niya. Hopefully ay tuloy-tuloy na," biglang sabi niya.

Kahit kailan ay hindi ako nagtanong tungkol sa magulang niya. Pati nga parents ni Aya ay hindi ko man lang makita sa bahay nila. Kaya pakiramdam ko tuloy silang dalawa lang ang pamilya.

"A-anong sakit nang Mommy mo?" mahina at maingat kong tanong.

"Cervical cancer. Stage 2 na nang malaman namin kaya agad siyang dinala ni Daddy sa America para ipagamot. The last time I saw her was seven months ago. Kapag nakabalik kami, I want you to meet her. Alam kong magkakasundo kayo," sabi niya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Singkit siya at kapag ngumingiti ay mas lalong tumutulis ang mga mata niya.

"I would love to meet her," sabi ko.

Ginulo niya ang buhok ko at tumawa nang mahina. Mukhang hobby na 'ata niya na guluhin ang buhok ko.

***

Favorite ko kapag New Year ay fireworks. But unfortunately, malakas ang ulan nang sumalubong ang taon. Kaya nga nasayang lang iyong binili ni Ate na fountain, eh.

"Bakit kaya umulan? Feeling ko tuloy bad luck iyon," rinig kong sabi ni Ate.

Huwag naman sana. Sa isip ko.

Sumapit ang birthday ko at aware akong nasa Manila na sina Uno at Aya. Hindi naman kami naghanda pero lahat kami ay nagsimba.

Hapon nang pumunta si Tine sa bahay. May dalang yema cake at polvoron. Alam niya talagang family favorite 'yan.

"Kailan mo ba sasagutin si Uno?" tanong niya habang nasa veranda kami. Nanlaki naman mga mata ko kasi ang lakas ng boses niya.

"Marinig ka nila Mama!" saway ko sa kanya. Humagikhik naman siya.

"Ay, sorry po! Pero kailan nga?"

"Hindi ko alam. Hindi naman siya nagtatanong, eh," sabi ko na lang.

"Sabagay. Pero huwag mong patagalin, ah?"

Tumawa naman ako.

"Seriously, Yanni, huwag mong pahirapan. Hindi mo alam kung anong hirap ang dinanas no'n mailakad lang namin siya sa'yo,"

"Ano?"

"At syempre hindi mo iyon alam," humalakhak siya.

"Alam mong may gusto siya sa akin?" tanong ko.

"Syempre, 'no! Kung alam mo lang kung gaano siya natorpe sa'yo. Nakakainis minsan!" nanggigil niyang sabi.

"Kaibigan kita. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" nakanguso kong sabi.

"Okay ka lang? Eh, 'di nawala na iyong thrill no'n. At saka, ni-test ko rin siya kung seryoso ba sa'yo. Ayaw ko naman na lokohin ka lang, 'di ba?"

"Paano mo nalaman na may gusto siya sa akin?"

"Lagi ko kasing nahuhuli na nakatingin sa'yo, eh. Kaya pinaamin ko," proud niya pang sabi.

"Paano mo siya nahuli?"

"Bakit ka curious?"

"Bawal?"

"Hindi naman. Kasi halata namang kinikilig ka, eh!"

Natatawang inirapan ko lang si Tine. Sa totoo lang ay marami akong gustong malaman. Kung kailan siya unang nagkagusto sa akin, kung bakit ako, at kung bakit niya ako gusto. Pero mas maganda sana kung kay Uno iyon manggagaling. Lalo na't puro pang-aasar lang ang inaabot ko kay Tine.

***

Classes starts for the year 2013. Sobra akong excited kasi makikita ko na sina Aya at Uno. Pero nagulat ako kasi may dumating na excuse letter galing sa kanila. Hindi raw makakapasok ang dalawa. Wala namang sinabing dahilan. Basta family affairs daw.

Nagtext naman ako kay Uno at nagreply siyang okay lang sila. May inaayos lang daw.

Sina Tine, Calvin, at Harold lang ang lagi kong kasama. Hindi pa naman bumabalik si Henessy pero ito kasing sina Calvin, binabantayan ako para raw hindi makalapit si Russel. Mga baliw lang.

Wednesday na nang makabalik sila. Ramdam ko ang gloom sa mukha nila at halatang pinipilit lang nilang ngumiti.

Alam kong may problema.

Saturday was our suppose to be reporting day for CAT pero itong si Tine ay pinakiusapan akong huwag mag report kasi may pupuntahan daw kami.

Nagtaka ako kasi pumunta kami sa isang boutique. Siya ang nagbayad nang damit na pinili niya talaga para sa akin.

"Ano bang okasyon?" nagtataka kong tanong.

"Basta! Importanteng mahalaga." Sabi niya at sumakay kaming jeep.

Nakasuot kasi akong white ruffled dress. B-in-raid niya rin buhok ko 'tulad nang dati.

"Teka, papunta 'tong Ecology Park, ah?" sabi ko nang makita ko kung saan kami bumaba.

"Bilis na. Late na tayo!"

Hinila ako ni Tine papasok. Tumambad agad sa akin ang mga topiaries na iba't-ibang shape ng hayop. May mga puno sa paligid at sa tabi ng isang office building ay may batis. Sa tabi rin ng batis ay may maze.

Dinala ako ni Tine sa may pavilion. Nandoon din sina Harold, Calvin, Aya, at Uno. Teka...bakit pati sila nandito?

"Tine, ano ba talagang nangyayari?" naguguluhan kong tanong.

"Date niyo ni Uno. Dali, lapitan mo na."

Dahan-dahan akong umakyat sa pavilion. Tinanguan lang ako ng tatlo at bumaba na rin sila. Lumapit sa akin si Uno nang nakangiti. Napaka-pormal ng kasuotan niya kagaya ko.

"U-Uno...ano ba 'to?" nahihiya kong tanong.

Kasi naman, Yanni. May ideya ka na naman kung ano 'to, nagtatanong ka pa. Pagalit kong sabi sa sarili ko.

"Will you be my prom date?"

"Ha? Uno, masyado pang maaga para sa prom." Natatawa kong sabi.

Nagsusumamo ang mga mata niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. Para namang hindi kami aabot sa prom, eh.

"Yes, I'll be your prom date, Uno." Sabi ko na lang. Bigla kasi akong nakosensya.

Giniya niya ako pagitna sa pavilion. Doon ko lang narealize na may tugtug pala. First time kong magsayaw nang ganito kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

"Gusto ko sanang i-celebrate ang araw na ito bilang Seniors prom natin at valentines date."

"U-Uno—"

He stopped me by hugging me. Sobrang higpit at nagulat na lang ako nang gumagalaw ang balikat niya. Marahas akong bumitaw sa kanya at laking gulat ko nang makita ko siyang umiiyak.

"U-Uno, bakit ka umiiyak? May problema ka ba?"

"I'm sorry, Yanni. I'm really, really sorry."

"A-ano bang pinag-so-sorry mo? Uno, hindi na kita maintindihan..."

"My Mom is dying, Yanni. I'm sorry if I lied to you about me going to Manila kasi uuwi si Mommy. The truth is, sinamahan ako ni Aya para ayusin ang papeles ko para sa US visa ko. I'm sorry I should have told you the—"

"Aalis ka?" malungkot kong tanong.

Tumango siya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Malamig ang kamay ko. nag-iinit din ang sulot ng mga mata ko.

"B-babalik ka ba?" pumipiyok kong sabi.

Madali niyang hinawakan ang kamay ko at inilapit iyon sa dibdib niya.

"Babalikan kita...mahihintay mo ba ako?"

May tumulong luha sa mata ko. dahan-dahang nag-angat ang kamay niya at pinalis iyon.

"Maghihintay ako...kaya kong maghintay," muli ay may tumulong luha hanggang sa nagmistulan na iting gripo na ayaw maisara.

"I made you cry. I'm sorry!" he cupped my face at pinagdikit niya ang noo namin.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. Ayaw kong isipin niya na pinipigilan ko siya.

"Hindi mo kasalanan. Nalulungkot lang ako sa nangyari sa Mommy mo. Sana gumaling pa siya,"

"Prayer and miracle, Yanni. That's what I am asking for Him."

"Kailan ang alis mo?" tanong ko.

"N-next week..."

Napayuko ako para itago ang lungkot.

Grabe naman po, Lord. Wala pa ngang isang buwan simula nang magtapat siya sa akin tapos aalis na siya. Sana po pagalingin niyo ang Mommy niya para po hindi na malungkot si Uno.

"May facebook naman, 'di ba?" sabi ko at pilit na pinapasigla ang boses. Tango lang ang isinagot niya.

"Maghihintay ako, Uno. Kahit ilang taon pa 'yan...k-kapag bumalik ka, sasagutin kita."

Ngumiti siya nang tipid. Dahan-dahang nagbaba ang mukha niya at hinalikan ako sa noo.

"Hindi mo ba ako puwedeng sagutin ngayon?"

"Gusto mo?" natatawa kong sagot.

"Gusto kitang maging girlfriend bago ako umalis."

Muling bumilis ang tibok nang puso ko na tanging si Uno ang dahilan.

"Oo." Matamis kong sagot dahilan para ngumiti siya.

]~x

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top