Chapter 15 - First Heartbreak
Chapter 15 – First Heartbreak
Mas madali palang magpanggap na may sakit ka kesa sa magpanggap na masaya ka. Pinahatid ko kay Eli ang excuse letter ko since iisa lang naman ang school namin.
Hindi ako pumasok aksi mugto ang mga mata ko at kulang ako sa tulog. Ang sabi ko kay Mama masama ang pakiramdam ko. Ayaw niya sana akong iwan kaso may klase pa siya at hindi siya nakapag-paalam para magliban. Kasama ko si Papa pero ayaw kong maging pabigat sa kanya.
Kaninang pag-gising ko lang binasa ang mga text sa phone ko at puro ito galing sa mga kaibigan ko. Hinahanap pala talaga nila ako kahapon.
Bago mag tanghalian ay pumunta akong kusina para magluto nang kakainin namin ni Papa pero nadatnan ko siyang nagsasaing.
"Pa, aklo na po," sabi ko. Hirap kasi siyang kumilos dahil sa tungkod niya.
"Pero may sakit ka, 'nak," sabi niya. Ngumiti lang ako.
"Medyo okay na po pakiramdam ko. Ako na lang po sa ulam," sabi ko at binuksan ko ang ref.
"May niluto na diyan ang Mama mo. Initin mo na lang," sabi niya. Binuksan ko ang kaserola at may nakita akong sinaing na bangkulis.
"Prituhin ko 'to, Pa," sabi ko.
"Ikaw bahala. Huwag magpapagod diyan. Pakibantayan na lang itong sinaing ko,"
"Opo."
Lumabas si Papa ng kusina ako naman ay isinalang ang kawali sa stove.
Narinig ko naman na tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko.
From Tine:
Beh, okay ka lang? Bigla ka na lang nawala kahapon tapos ngayon may sakit ka na. Ang boring tuloy na wala ka. Para tuloy walang energy itong sina Harold at Calvin. Hahaha.
To Tine:
Pasensya na kahapon. Bukas papasok na ako.
From Tine:
Mabuti naman ang mainit 'ata ang timplado ng mga tao ngayon. Magkaaway si Aya at Uno. Hindi ko naman matanong kasi baka personal ang away nila. Beh, totoo bang pinuntahan ka sa bahay niyo ni Uno kagabi?
To Tine:
Oo pumunta siya...kasama si Henessy.
Hindi na nag-reply si Tine after nang reply ko. Pasaway kasi iyon, katatapos lang nang breaktime tapos nagtetext na. Baka ma-confiscate pa phone niya.
Sabay kaming kumain ni Papa. Naghugas lang ako nang pinggan at saka bumalik sa kuwarto. Nahiga lang ako magdamag. Gusto ko mang matulog ay hindi ko magawa. Kapag pinipikit ko naman mga mata ko nakikita ko lagi si Uno at Nessy. Mas lalo lang sumasama ang loob ko.
***
Wala na akong dahilan para mag-absent kaya pumasok na ako. Iyon nga lang medyo nagpahuli ako pero umabot pa naman ako sa flag ceremony. Kaya no community work for me.
Paakyat kami sa fourth floor at parehong napapagitnaan ako ni Tine at Aya. Naka-angkla pa ang mga braso nila sa braso ko. Para namang tatakas ako, eh.
"Aya, nag-away daw kayo ni Uno?" tanong ko nang makaupo kami.
"Mmm," simpleng sagot niya.
"Bakit?" curious kong tanong.
"Ang gago kasi, eh!" nakasimangot niyang sagot. Napatango lang ako.
Hindi ako makatingin kay Uno at halatang iniiwasan niya rin ako. Ang layo niya kasi sa akin. Hindi rin siya gaanong nakikisali sa mga kalokohan ng dalawa niyang kaibigan. Pakiramdam ko tuloy may Cold war sa loob ng room.
Ang gloomy ng paligid. Idagdag mo pa na malamig ang panahon dahil ber months. Sana pala nagdala ako ng jacket.
No'ng breaktime namin ay nagulat ako kasi biglang pumasok si Russel. Dinalhan niya ako ng cheese burger at zesto.
"Pinuntahan kita kahapon dito kaso sabi nila may sakit ka raw. Nagkasakit ka ba dahil sa mga pinakain ko sa'yong street foods noong isang araw?"
Masyadong malakas ang boses ni Russel kaya napatingin sa kanya ang mga classmate kong naiwan sa room. Kasama na sina Aya, Tine, Harold, Calvin, at Uno.
"Magkasama kayo ni Yanni noong Monday?" tanong ni Tine.
"Oo. Sumakit kasi bigla iyong mga mata niya pati dibdib niya kaya sinamahan ko na siya at hinatid ko na rin," sabi niya at makahulugang tumingin sa akin.
"Ikaw pala ang may kasalanan kung bakit kami nag-alala!" pinalo ni Tine nang notebook si Russel sa braso.
"Ay, grabe naman. Nag magandang loob na nga ako kasi nasasaktan ang kaibigan niyo, eh. At saka, crush ko 'to. Hindi puwedeng matiis ko siya. 'Di ba, crush?" pinisil niya ang pisngi ko pero hindi naman gaanong mariin.
"Nasasaktan?" nagtatakang tanong din ni Aya.
"Masakit nga ang mata niya tapos ang dibdib niya." sabi pa ni Russel.
Hinawakan ni Russel ang kamay ko at nag-squat para maging magka-pantay kami.
"Nandito lang ako kung kailangan mong tumakas sa sakit, okay, crush?" mahina niyang sabi.
"Salamat, Russel," tipid na ngiting sabi ko.
"Anything for you, Yanni."
***
Lumipas ang mga araw at linggo. Madalas na dalawin ni Nessy si Uno sa room kapag free time. Para makaiwas sa inis at sakit ay pumupunta akong cafeteria para bumili nang kung anong pagkain. Minsan sinasamahan ako nina Aya at Tine pero madalas ay kay Russel ako nagpapasama. Siya lang kasi nakakaalam sa totoo kong nararamdaman.
"He's an asshole. Why do you even like him!" it was not a question. It was a judgment coming from the man who was always beside me whenever I needed him.
"Wala naman kasi siyang ideya sa nararamdaman ko kaya ganoon," pagtatanggol ko kay Uno.
"Kahit na. Puwede ko ba siyang mabatukan, Yanni? Para makabawi man lang sa mga ginagawa niya sa'yo—"
"Russel!"
Tumawa siya. Parang baliw talaga.
"Joke lang. Gusto mo bang ihatid kita mamaya?" tanong niya.
"Baka magalit na talaga sa akin si Pearl, eh," sabi ko.
"Sasabihin ko sa kanya na mag commute ulit siya. Basta, ah? Ihahatid kita mamaya,"
"Sige," nakangiti kong sabi.
***
After class ay pinilit ako nang dalawa na sumama ulit sa SM kasi may pustahan daw sina Calvin at Harold sa world of fun sa hoops.
"Naku, kailangan ko kasing umuwi agad, eh," sabi ko. Naalala ko kasing ihahatid pala ako ni Russel ngayon.
"Please? Para naman pagtawanan naman natin si Calvin kapag natalo." Pamimilit ni Tine. Lately, lagi nila akong pinapasaya. Na para bang ramdam na ramdam nila ang lungkot ko kahit wala naman akong sinasabi.
"Sinong kasama?" tanong ko.
"Eh, 'di syempre tayong anim," sabi ni Aya.
"Sige," sabi ko.
Bumaba kami papuntang parking lot. Nauna na doon ang mga boys. Siguro hinihintay na rin ako ni Russel. Sasabihin ko na lang siguro sa kanya na bukas na lang niya ako ihatid.
Sa parking lot ay nakita ko sina Calvin at Harold nagbabato-batopik. Nang makalapit ako ay doon ko napansin si Uno na nakaupo sa pavement kasama si Nessy.
Muling lumakas ang kabog ng dibdib ko. Naninikip ito. Hindi ako sanay na makita sila. Masakit kasi, eh.
Tumayo ang dalawa at nakita kong napasimangot si Aya.
"Ano 'to?" tanong niya kay Uno.
"Gustong sumama ni Henessy," simpleng sagot ni Uno.
"Pero kotse ang dala natin. Apat lang sa likod at siksikan pa!" nagtitimping sabi ni Aya.
"I will walk na lang siguro papuntang SM. Walking distant lang naman, eh," matinis na boses na sabi ni Nessy.
"No, you can't walk there." sabi naman ni Uno. Wow naman. Concern siya.
"Hindi na lang talaga ako sasama," sabi ko kay Aya at Tine.
"What?! Ikaw ang kaibigan namin not some—"
"May usapan na kasi kami ni Russel kanina na ihahatid niya ako,"
As if on cue ay biglang dumating si Russel with his motor. He is a life savior, really!
"Hop in, crush!" nakangiti niyang sabi.
"Next time na lang siguro," sabi ko kay Aya at Tine na puno nang pagpapaumanhin. Agad kong tumalikod kasi nararamdaman ko na talaga ang mga luha sa dulo ng mata ko. Ayaw kong maiyak sa harap nila.
Kinuha ko ang helmet kay Russel pero siya ang nagsuot nito sa akin hanggang sa ni-lock niya ang buckle. Sumampa ako sa motor nang patagilid. Humawak ako sa may braso niya at sa likod ng motor niya.
Lahat sila nakatingin sa akin, ramdam ko iyon. Na para bang hindi sila makapaniwala na sumama ako kay Russel. Pero kasi...masasaktan lang ako. Ako na ang iiwas.
"Ready?" rinig kong tanong niya.
Mahigpit akong napahawak sa braso niya at saka tumango.
"Okay na," bulong ko.
Pinaharurot niya ang motor pero ako ay nakatingin lang sa side mirror. Unti-unti ay lumiliit ang pigura ng mga kaibigan ko palayo.
Isinandal ko ang ulo ko sa likod ni Russel at doon nagsimulang pumatak ang mga luha sa mata ko.
'Magiging okay din ang lahat, Yanni. Hurting is part of loving.' Paalala ko sa sarili ko.
Dahil sa nakatago lang ang mukha ko sa likod ni Russel kaya hindi ko na napansin kung saan kami pumunta.
Dinala niya ako sa isang umahan. Naglakad kami sa isang maliit na daan papunta sa isang open kubo. Sabi ni Russel ay pag-aari ito ng family niya kaya hindi kami trespassing.
Naupo kami sa bamboo table. Malamig ang hangin. Amoy ricefield ang paligid kaya nakaka-relax sa pakiramdam.
"Bakit parang basa ang likod ko," sabi niya ata agad na nanlaki ang mga mata ko. Hala! Dahil 'ata iyon sa pag-iyak ko.
"Sorry!"
Tumawa siya.
"Joke lang. Alam kong umiyak ka kanina pero hindi naman basa ang likod ko. I was just teasing you," natatawa niyang sabi.
"Nakakainis naman 'to," umiirap kong sabi.
"May trivia akong sasabihin sa'yo," sabi niya at napatingin ako sa kanya.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Alam mo ba, na ikaw ang pinaka-matagal kong naging crush?" sabi niya at naramdaman kong pinamulahan ako.
"Bakit ba napaka-outspoken mo?" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa akin.
"Kasi may kapatid akong pipi. She was our angel. Hirap na hirap siyang i-express ang sarili niya since hindi rin siya makarinig. When she died because of heart failure, pinangako ko na magiging expressive ako. Sasabihin ko kung mahal ko ang tao. Sasabihin ko kung gusto ko ang isang bagay. Lahat nang nasa isipan ko ay sasabihin ko bago pa maging huli ang lahat."
Seryosong nakatingin siya sa akin. Hindi ko mapigilang hindi humanga dahil sa sinabi niya. Akala ko kaya siya ganyan ay dahil lang sa anak mayaman siya at happy-go-lucky. May pinanghuhugutan din pala siya.
"Masuwerte ang babaeng mamahalin mo, Russel." Sabi ko.
"Masuwerte ka," sabi niya pa.
"Hindi ako iyon, Russel," sabi ko at nag-iwas nang tingin.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya.
"Ilang beses mo na ba akong binasted? Hindi ko na mabilang, eh," natatawa niyang sabi.
"Russel..."
"Kaibigan, Yanni. Masaya na akong ganoon ang label natin," sabi niya.
"Salamat, Russel."
Ipinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Napahikab ako. At kasabay nito ay may narinig akong sasakyan na mabilis na humarurot palayo.
Tumingin ako sa gilid namin at isang itim na kotse ag nakita kong papalayo. Pamilyar...sobrang pamilyar.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top