Chapter 14 - Realizations

Chapter 14 – Realizations

Nasa computer laboratory kami ngayon. Lahat kami ay tahimik kasi sobrang istrikto ang computer teacher namin. May gusto ng asana akong itanong kay Tine tungkol dito sa multimedia kaso nasa likod ko siya. Hindi ko pa naman ma-gets.

Si Irene na katabi ko ay patapos na. God! Bakit ba ang hina ko sa ganito?

Nakita kong sandaling lumabas kaya agad akong lumingon kay Tine.

"Beh, tulungan mo nga ako. Hindi ko mapagalaw 'tong kotse!" halos pabulong ko lang na sabi.

"Hindi ko rin alam, eh. Si Calvin ang nag-gawa sa akin," sabi niya at itinuro ang katabi niya na seryosong nakatingin sa computer screen.

Nanlulumong humarap ako. Nasa unahan si Aya at alam kong magaling siya rito. Pero masyado siyang malayo sa akin.

Bumalik na si Sir kaya nawalan na ako nang pag-asa. Hala. Zero ako sa activity. Hindi na nga kataasan grades ko sa computer tapos—

Natigilan ako nang may naglapag nang flashdrive sa table ko. Nag-angat ako nang tingin at nakita ko si Uno na dumeretso papunta sa table ni Sir.

"May I go out, Sir?" rinig kong sabi niya at tumango naman agad si Sir.

Hindi na ako nagdalawang isip at agad kong sinalang ang flashdrive sa USB port. May isang folder na sa akin nakapangalan. Agad ko itong kin-lick at nakita kong ito ang activity namin ngayon.

Iginawa niya ako? Hala!

Kinapo-paste ko lahat nang code sa gawa niya at trinansfer ko sa akin. Napangiti ako nang gumalaw na ang kotse.

Natapos ang subject namin sa computer at bumalik na kami sa room para sa last subject ngayong hapon. Gustong-gusto kong lapitan si Uno para magpasalamat kaso nahihiya ako. Kasama pa naman niya ang dalawa, baka mamaya asarin na naman nila ako.

Nang dumating ang teacher namin sa TLE ay natahimik kami. Nagkaroon lang kami ng groupings para sa laboratory namin sa Friday. Sabi ni ma'am ay magbe-bake kami nang iba't-ibang luto nang cookies. Hindi ko ka-group sina Aya at Tine pero kasama ko si Harold.

Siguro magtatanong na lang ako kay Ate tungkol sa mga recipe niya. Dito siya magaling, eh.

Nang matapos ang klase ay nag-aayos na lang ang mga classmate ko. Nakita kong nanghihingi ng pulbos si Calvin kay Sally pero ayaw siya nitong bigyan. Si Heidy naman ay naki-spray sa pabango ni Anne. Si Aya at Tine naman ay naglalagay nang lipbalm sa labi. Napapangiti na lang talaga ako kapag ganito ang scenario sa uwian. Naghahalo ang amoy ng mga pabango at pulbos sa loob room.

"Sweepers! Maiwan!" sigaw ni Aya at narinig ko ang pag-kontra nang mga Monday sweepers. Wednesday sweepers kasi kami, sa third row, eh.

Muli akong napalingon kay Uno. Inaayos na niya ang gamit niya. napaka-aliwalas nang mukha niya ngayon. Dahil ba sa bago niyang gupit? Hindi, eh. Para kasing may something.

Saktong nag-angat siya nang tingin kaya nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Kung dati ay agad siyang nag-iiwas ng tingin sa akin, ngayon ay nginitian niya ako.

"Yanni, nag-lecture ka sa TLE, 'di ba?" sabi niya at agad akong tumango. "Puwede ko bang ipa-photocopy? Magle-lecture rin kasi ako mamaya," sabi niya.

"Oo naman! Bayad ko na lang sa pagpapa-copya mo ng code kanina sa computer," nakangiti kong sabi.

"Wala iyon. What are friends are for, 'di ba?" sabi niya.

Ibinaba ko ang bag ko at inilabas ko ang notebook ko.

"Ibalik mo ngayon, ah? Magbabasa kasi ako mamayang gabi,"

"Sige, mauna na tuloy ako sa baba. Doon kita hintayin," sabi niya at isinabit ang bag sa balikat niya.

"Okay," nakangiti ko pang sabi.

Ang gaan-gaan lang sa pakiramdam kapag nag-uusap kami ni Uno. Sa totoo lang ay nawala na iyong awkward feeling ko sa kanya. Hindi ko nga rin alam, eh.

"Tara na," sabi ni Aya nang makapag-ayos na siya.

"Saan si Uno?" tanong ni Calvin.

"Hindi ko alam," sabi naman ni Harold.

Nagulat pa ako nang lahat sila napatingin sa akin.

"Hiniram niya notebook ko sa TLE. Ipapa-photocopy niya raw iyong lectures ko kasi hindi siya nakapag-sulat," paliwanag ko. Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Aya.

"Nag-lecture naman ako, eh. Bakit hindi na lang siya sa akin nanghiram?" nagtataka niyang sabi.

"Ay isa pa ito," sabi ni Harold. Nagliwanag naman ang mukha ni Aya at ngumiti.

"Ah, oo nga pala," sabi niya tapos tumawa. "Improving ang manok niyo, ah!"

"Syempre naman! Nakailang batok kaya iyon sa amin ni Calvin," tawang-tawa na sabi ni Harold.

Hindi ko naman maiwasan na mahabag para doon sa manok. Bakit nila binatukan?

Lumabas na kaming classroom. Sina Aya, Tine, Harold, at Calvin ay dumeretso sa parking lot habang ako ay pumunta sa canteen kung saan malapit ang xerox center.

Nakita ko doon si Uno nagbabayad na. Lalapit na sana ako nang mapansin kong hindi siya mag-isa. He was with Nessy.

Napatingin ako sa kamay ni Nessy na humawak sa braso niya habang tumatawa. Bakit ba laging ang saya-saya nila kapag magkasama sila.

"Ang funny mo talaga!" rinig kong sabi ni Nessy.

Nakita kong haharap si Uno kaya agad akong nagtago sa isang pillar. Dinaanan nila ako habang rinig na rinig ko ang tawanan nila.

Wala sa sarili na napahawak ako sa dibdib ko.

Bakit gano'n? Bakit ayaw kong nakikita si Uno na kasama si Nessy? Dati naman sinabi kong bagay sila kasi pareho silang maganda at guwapo.

Napasandal ako sa pillar at pinikit ang mga mata ko. Deep inside me, parang alam ko naman ang sagot pero hindi ko lang matanggap.

Imbes na pumuntang parking lot para sumama kina Aya at Tine pumunta sa SM ay dumeretso ako sa covered walk at naglakad palabas nang campus. Bukas ko na lang 'ata sa kanya kukunin ang notebook.

"What's with the long face?" napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Russel na seryosong nakatingin sa akin. Kita ko ang concern sa mukha niya. Hindi ako sanay na ganyan siya.

"Uy, musta?" pinilit kong ngumiti pero napangiwi lang ako.

"I'm not okay because you are not okay. Is that because you saw them?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?" nakakunot noo kong sabi.

"You like Uno. I saw you. You are disappointed because he was with Henessy."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. I felt like I was hit by a truck. Lahat nang uncertainties ko ay nasabi lang ni Russel in three words.

You like Uno. Yes. I like Uno. Hindi ko alam kung kailan pa ako naging denial. But the fact na pinatunayan iyon ni Russel, wala na akong dahilan para itanggi ito sa sarili ko.

"Hindi niya ako gusto," tanging nasabi ko.

"I like you."

Tipid akong napangiti sa sinabi niya. Flattered ako kasi ang isang katulad ni Russel ay may gusto sa akin. Pero hindi kasi siya gusto, eh.

"Ihatid na lang kita sa inyo," suhestyon niya pero agad akong umiling.

"Malayo ang bahay namin," sabi ko.

"May motor ako. Sabay sana kami ni Pearl pero hayaan mo na iyon, kaya na naman niyang umuwing mag-isa," sabi niya pa at para bang inaasar niya pa ang kaibigan niya kahit wala ito.

"Hindi ba siya magagalit?" tanong ko.

"Sus. Sanay na iyon sa akin. Tara na." kinuha niya ang kamay ko at giniya ako sa parking lot. Nandoon pa iyong kotse nina Aya at Uno pero wala sila.

"Here, wear this." Ibinigay niya sa akin ang pink na helmet. "Kay Pearl 'yan," sabi niya pa.

Sumakay siyang motor at binuhay ang makina nito. Ako naman ay isinuot ko ang half helmet saka ko ni-lock ang buckle. Umupo ako patagilid sa motor niya kasi naka-skirt ako. Baka mamaya masilipan ako.

"Ready?" tanong niya.

"Oo,"

"Hold on!"

Mabilis niyang pinaharurot ang motor at pakiramdam ko ay nagkalat ang lahat nang buhok ko sa mukha ko. Narinig ko ang mahinang tawa niya. Loko talaga 'to.

"Gutom ka na?" tanong niya.

"Hindi naman. Bakit?" malakas kong sabi.

"Kain tayo,"

Hindi na ako nakaangal nang ipark niya ang motor sa harap nang heppa lane. Ni-lock niya ang helmet sa manibela at saka kami sabay na naglakad papunta sa food kiosk.

"Wala ka naman sigurong allergy sa ganito, 'no?" natatawa kong sabi.

"Wala, ah."

Tipid akong ngumiti. Si Uno kasi mayroon, eh. Curious tuloy ako kung may gamot ba ang may allergy.

Kung ano-anu ang kinain namin ni Russel. Kwek-kwek, chicken skin, pritong isaw, barbeque, betamax. Lahat libre niya. Busog na busog nga ako, eh. Feeling ko tuloy ay hindi na ako kakain nang hapunan.

"Tara na," pagyayaya ko.

Magdidilim na kasi. Ayaw ko naman na magpagabi kagaya noon. Baka pagalitan na naman ako nina Mama at Papa.

Hinatid ako ni Russel sa amin pero sa kanto lang ako nagpababa. Baka kasi makita kami ni Papa o ni Mama. Sabihin pa no'n nagpapaligaw ako.

"Salamat," sabi ko sa kanya at ibinigay ko ang helmet.

"Anything for my crush. Sana naging masaya ka,"

"Oo naman!" mabilis kong sagot.

"Sige, mauna na ako,"

"Ingat ka!" kumaway ako sa kanya at kinindatan naman niya ako.

Pumasok ako sa bahay at agad na dumeretso sa kuwarto. Nagbihis lang ako bago ako nagmano kina Mama at Papa. Sinabi ko rin na hindi na ako kakain kasi talagang busog na busog ako.

Nahiga ako sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko at imahe ni Uno at Nessy ang nakita ko. Sobrang saya nila.

"Ugh!" napabangon ako. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko.

Yanni, hindi pa naman 'ata malalim ang feelings mo sa kanya, 'di ba? Puwede ka pa naman mag-move on, eh.

Halos masabunutan ko ang sarili ko sa inis. Nagseselos ako nang wala sa lugar. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng mga madramang katulad ko.

Muli akong nahiga sa kama nang marinig ko ang malakas na katok sa pinto ko. Nakasimangot na binuksan ko ito at tumambad sa akin si Eli.

"Oh, bakit?" naiinis kong sabi.

"May besita ka sa labas!" sabi niya at umalis na.

Besita? Sino naman?

Lumabas akong kuwarto at nakita ko si Mama na naghahanda na nang hapunan. Si Papa ay nasa sala nanunuod ng balita.

Wala namang besita, ah?

"Sa labas ng gate, ate!" sabi pa ni Eli.

Lumabas akong bahay at natanaw kong may lalaking nakatayo sa labas ng gate. Agad akong bumaba. Bakit hindi na lang papasukin ni Eli?

"Sino po sila?" tanong ko.

Humarap ang lalaki at nagulat ako kasi si Uno ito. Ano ang ginagawa niya rito?!

"Bakit ka nandito?" kalmado kong sabi. Okay, Yanni, relax ka lang.

"Hinintay kita sa xerox center," sabi niya.

Gusto kong matawa nang pagak. Hinintay? Eh, kasama niya si Nessy, 'di ba? Iyon ba ang hinintay?

"Umuwi na ako," sabi ko lang. Nanlalamig ang buo kong katawan sa sobrang nerbyos.

Tiningnan niya lang ako. Napaka-seryoso niya. Kagaya noong pauwi kami galing Daet.

"Pinag-alala mo kami. Hinanap ka namin sa buong school pero wala ka na. Sana sinabi mo na uuwi ka na para hindi mo naman ako pinapakaba. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" may panunumbat niyang sabi. Hindi ko maiwasan na mainis.

"Walang nangyari sa akin, okay? At pumunta ka talaga dito para sumbatan ako? Bakit, dahil ba sa naistorbo ko ang bonding niyo ni Nessy sa paghahanap sa akin?!" pagtataas ko nang boses.

Napakunot noo siya. Ang paraan nang titig niya ay parang bumabaon sa sistema ko. Mas lalong dumoble ang kaba ko.

"You were there." halos pabulong niyang sabi.

"H-hindi," sabi ko at nag-iwas ako nang tingin.

"You saw us. Kaya ba umalis ka agad?"

"Huwag kang assuming!" umiirap kong sabi.

"Tell me the truth, Yanni!"

"Aksidente ko lang kayong nakita! Pauwi na talaga ako. Naisip ko na bukas mo na lang ibalik ang notebook ko kaya umuwi na ako. Walang ibang ibig sabihin iyon!" singhal ko sa kanya.

Nararamdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Kainis naman! Yanni, huwag ka ngang maging mahina.

"Yanni, why are you so n—"

"Yanni? Oh, good. You're safe and sound."

Nagulat ako nang makita ko si Nessy sa likod ni Uno. She was all smiles and for the moment ay parang gusto kong burahin ang mga ngiti niya sa mukha niya.

"Nessy, 'di ba, sabi ko sa kotse ka lang mag stay?" nakakunot noong sabi ni Uno.

"I got bored. At saka nagte-text na kasi si Mommy. Puwede mo ba akong ihatid? Okay naman pala si Yanni, eh," she said.

"Bumalik ka na muna sa—"

"Ihatid mo na siya, Uno. Nakakaabala pa pala ako sa inyo,"

Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako. Narinig ko ang pagtawag niya pero hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy na dumaloy ang luha sa pisngi ko.

So this is how it feels, huh? Heartbreak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top