Chapter 13 - Sorry and Forgiven
Chapter 13 – Sorry and Forgiven
All saints day and all souls day. Abala kaming lahat sa pag-aayos ng bulaklak na dadalhin sa sementeryo. Kahapon pa lang ay namili na sina Mama at Ate ng mga kandila.
Ang Carolina ay isa sa mga angkatan ng bulaklak sa loob at labas ng Naga. Tinutulungan ko lang si Ate mag-arrange ng bulaklak sa flower foam. Magaling siya sa mga ganito kasi HRM graduate siya. Pati na rin sa baking, table skirting, cooking, at kung ano-anu pang napag-aaralan sa TLE. Kaya sigurado ako na ang suwerte nang mapapangasawa ni Ate.
Family tradition na namin na nag-o-overnight sa sementeryo. Ang tatay ni Papa ang binabanyatan namin. Sa side kasi ni Mama ay maraming nagbabantay doon kay Lolo at Lola kaya dumadalaw lang kami at nagtitirik ng bulaklak at kandila.
Maliit lang ang mausoleum na kinatitirikan ni Lolo. Magkatabig nitso at sa gilid nito ay may upuan. Sabi noon ni Mama at Papa kapag nakaluwag-luwag kami ay papagawan nila ng second floor ang mausoleum para kumportable ang matutulugan namin. May mga pinsan din kasi kaming dumadalaw dito. Si Lola Selya kasi ay masyado nang matanda kaya hindi na siya nakakapunta.
Si Eli ay kausap ang ilan sa mga pinsan namin at si Ate naman ay busy sa phone niya. Pangiti-ngiti pa siya habang nagte-text. Sino kaya ang boyfriend niya? Sina Mama at Papa naman ay sandaling umalis kasi dadaan daw muna sa puntod nina Nanay at Tatay.
Dahil sa boredom ay kinuha ko rin ang phone ko. Kapag ganitong panahon talaga laging delayed ang mga text. Ngayon ko pa lang kasi nare-receive ang mga text nina Tine at Aya.
Si Tine ay umuwi sa Albay. Doon kasi ang mga ninuno niya. Si Aya at Uno naman ay nasa Iriga City. Doon din sila nagbabantay.
Speaking of Uno, hindi ko talaga maintindihan ang ikinikilos niya. Nagte-text naman siya sa akin pero kapag nagre-reply ako hindi na siya nagre-reply ulit.
"Yanni, sama ka sa amin," yaya sa akin ni Anika. Pinsan ko na halos matanda lang sa akin ng isang taon.
"Saan?" tanong ko.
"Bibili ng barbeque. Puro kasi chichirya ang pagkain dito, eh," sabi niya.
"Sige na, Yanni. Kami na lang muna dito ni Eli at Yssa," sabi naman ni Ate.
Kasama ko si Anika at Neigel na naghanap nang nagtitinda ng barbeque.
"Ilan bibilhin niyo?" tanong ko nang makahanap kami ng barbeque stand.
"Kahit ilan. Ay may kwek-kwek din sila. Kuha ka ng benteng piraso, Yanni. Iyong tigpiso lang, ah?" sabi niya at tumango naman ako.
Naalala ko bigla si Uno. Allergy siya sa ganito, eh. Siguro kung ako malulungkot ako na bawal sa akin ang ganitong pagkain. Ang sarap kaya ng kwek-kwek.
"Ate, tatlong C2 nga po iyong malaki," rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses sa tabi ko kaya napaangat ako nang tingin.
"Russel!" tawag ko nang makilala ko siya. Nagbaba naman siya nang tingin at nanlaki ang mga mata niya.
"Crush! Nandiyan ka pala! Hindi man lang kita nakita," sabi niya. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang magtago sa likod nina Anika.
Una, kasi tinawag niya akong crush. Napatingin sa akin mga kasama niya pati itong dalawa kong pinsan. Pangalawa, hindi niya ako napansin, ibig sabihin ang liit ko talaga.
"Nakita ko iyong in-upload ni Aya na pictures niyo sa beach. Nag-outing pala kayo," nakangiti niyang sabi.
"Ah, oo. Last week lang," nahihiya kong sabi. Hindi man lang nagsabi si Aya na in-upload na niya ang pictures namin.
"It seems that you enjoyed there." sabi niya.
"Syempre naman," sagot ko.
"Naisip ko nang napag-iiwanan na ako, eh. I saw the pictures at ang sweet niyo. Don't worry, I still like you, Yanni. Hindi magbabago iyon," he patted my head at saka ngumiti nang masaya. "Bye, Yanni!"
Nakalayo na si Russel pero nakatayo pa rin ako sa puwesto ko. Hindi ko gaanong na-gets iyong sinabi niya. Sweet kami nino?
Nang makabalik ako sa mausoleum ay agad kong nilapitan si Ate. Mayroong urge sa akin na gusto nang umuwi kasi gusto kong mag-open ng facebook para makita ko ang mga pictures.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang umilaw ang phone ko.
From Aya:
Beh, text mo nga si Uno.
Napakunot noo naman ako sa text niya. Hindi ba magkasama sila? Bakit ko siya ite-text?
From Aya:
Please, beh? Tinotopak na naman kasi ang pinsan ko.
To Aya:
Bakit ako?
From Aya:
Sige na naman, oh. Kahit simpleng hello lang.
Napabuntong hininga ako sa text ni Aya. Kaya kahit ayaw kong itext si Uno ay ginawa ko na. Nakikiusap sa akin si Aya, eh.
To Uno:
Hello, good evening. :)
"Yanni, kuha ka," ibinigay sa akin ni Anika ang paper plate na may nakalagay na kwek-kwek.
"Salamat,"
From Uno:
Good evening din. Kumusta?
To Uno:
Okay lang. Ikaw?
From Uno:
I'm fine now.
From Aya:
Thank you, Yanni!
From Uno:
Yanni...
To Uno:
Bakit?
From Uno:
I'm sorry for the way I've acted last week. Sa totoo lang ay nahihiya ako sa'yo. Can you forgive me?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. I am expecting his apology pero hindi ko alam kung bakit ba para akong baliw na nakangiti dito.
To Uno:
Okay lang. Pero mas maiintindihan ko sana kung sasabihin mo sa akin ang tungkol doon.
From Uno:
I don't know if I have the courage to tell you about it because everytime I tried to, it seems that the univers is making a way to complicate it.
To Uno:
Tungkol ba saan?
From Uno:
Someday, Yanni. I don't want to rush things. :)
To Uno:
Rush sa ano?
From Uno:
Take care, Yanni.
Nakatingin lang ako sa phone ko at hindi ko alam kung ano ang ire-reply sa kanya.
May kakaibang epekto sa akin si Uno at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sigurado ba ito.
***
Umaga na kami nakauwi sa bahay. Nakatulog naman ako sa sementeryo kagabi pero si Ate at Eli 'ata ang hindi.
Sina Mama at Papa ay nasa bahay nina Lola Selya. Hiniram ko naman ang laptop ni Ate at saka ako nag log-in sa facebook.
Ang daming notifications sa account ko na bihira namang mangyari. Three hundred twelve lang naman kasi ang friends ko sa facebook. Sabi kasi sa akin ni Ate huwag akong mag-a-add nang kung sino-sino lalo na kung walang mutual friends.
Agad kong tiningnan ang friends request at may isang nag-add sa akin recently.
"Wallace Buenaventura?" bulong ko. Tiningnan ko ang mutual friends at friend niya si Ate Moira at Ate Lian.
Ki-non-firm ko siya bago ko tiningnan ang notifications.
Grabe, basta talaga mga post ni Aya ang dami-daming likes at comments. Minsan nga naiisip ko, mag-status kaya siya ng isang smiley lang ay marami agad magla-likes.
Isa-isa kong tiningnan ang pictures namin. Iyong una ay iyong sleepover ni Tine, Calvin, at Harold sa bahay nila. Silang tatlo lang at halatang si Uno ang kumukuha. Sunod ay iyong sa van. Ang dami kong stolen shot. Pati iyong tulog kami ni Uno. Pero ang cute lang. May talent si Aya kumuha ng magagandang angle.
May mga group pictures din kami. Ang gaganda ng kuha. Nakakatuwa ang mga posing nila Harold at Calvin. Pati talaga sa pictures ay maloko sila.
Ni-like ko lang ang picture saka ako nag-scroll sa profile ni Aya. May in-upload din siyang video with more than one thousand views.
Literal na napangiwi ako nang makita kong ito iyong video nang kumanta ako at mag-gitara si Tine. Ano ba 'yan nakakahiya. Magalaw iyong video kasi palipat-lipat sa amin ni Tine ang focus.
Dahan-dahan ay sa akin ini-focus ni Aya ang camera pero naabot nito si Uno. Nakatingin siya sa akin. No, more like he was gaping. Titig na titig siya. Yumuko tapos ngumiti.
Biglang naramdaman ko ang pag kabog ng dibdib ko. Bakit ang saya ko na nakangiti si Uno habang nakatingin sa akin?
Sa baba ay may nakita akong mga comments. Karamihan mga classmate namin.
Russel Contreras: Galing ng crush ko! *O*
Pearl Salcedo: Buti pa ang crush mo may talent, ikaw wala! -___-
Tine Mendrez: Huli ka balbon! Pasulyap-sulyap pa kunwari...
Calvin Ortega: Galing nang gitara!
Tine Mendrez: -___-
Harold Henares: Torpe!
Aya Ceslao: Sinong torpe, Harold?
Harold Henares: Si Juan!
Tine Mendrez: Juan, two three. Uno, dos, tres!
Haaay. Pati sa comment section ang gulo-gulo nila. Pati hindi ko ma-gets ang ibang pinag-uusapan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top