Chapter 12 - Sing
Chapter 12 – Sing
Madaling araw na kaming natapos mag-swimming. Naka-high tide ang dagat kaya hindi kami pumupunta sa dulo. Pero safe naman kasi may lifeguard naman.
Pag-ahon namin ay agad kong naramdaman ang lamig. Pakiramdam ko ay nangangatal na ang katawan ko. Iba pa rin talaga kapag nakababad ka sa tubig.
Agad kong kinuha ang cloak para itabing sa katawan ko pero halos wala rin namang silbi kasi manipis ito.
"Here...ikaw na muna gumamit," sabi sa akin ni Uno at inabot sa akin ang black towel niya.
"N-naku...'wag na—" hindi na niya ako pinatapos at ipinatong na niya ang tuwalya sa balikat ko.
Nakahawak siya sa braso ko at iginiya niya ako sa bonfire.
Panay naman ang kain nina Aya at Tine. Si Calvin at Harold ay himalang nakapa-tahimik habang nakatulala sa bonfire. Hindi kaya nadala na nang malakas na alon ang kapasawayan nila?
"Harold, hiram ka nga nang gitara sa kanila," itinuro ni Aya ang grupo ng magbabarkada. Iyong kaninang nakatama ng bola sa amin ni Uno.
"Nakakahiya!" agad nitong sabi. "At saka, hindi ako marunong mag-gitara!"
"Ang bano mo naman!" umiirap na sabi ni Aya.
"Si Tine marunong 'yan," sabi ko.
"Pero hindi ako magaling kumanta. Mamaya magka-tsunami pa rito," natatawa niyang sabi.
"Si Yanni na lang ang kakanta," sabi naman ni Calvin. 'Ayan na. Nag-iingay na ulit sila.
"Hindi naman maganda boses ko," sabi ko.
"Pero mas okay ang boses mo kaysa sa akin," paalala ni Tine.
"Sige na, guys. Ang tahimik kaya natin dito. Dalawa naman gitara nila, eh," sabi ni Aya.
"Ikaw na lang manghiram, Uno. Tutal may atraso sa'yo iyong babae kanina..." natatawang sabi ni Harold.
"Nag-sorry naman siya, eh," sabi ko at tinutukoy ko iyong nakabato ng bola.
"Badtrip kaya 'yan kanina, 'di ba, p're?" ginalaw-galaw pa ni Harold ang kilay.
"Tsk! Ewan ko sa inyo!" pagsusuplado ni Uno. Ngayon ko lang siya nakikitang ganyan. Iyong magpakita nang pagkainis. Lagi kasi siyang kalmado at kapag inaasar siya ng dalawa ay tinatawanan niya lang at panay ang iling. Pero ngayon...
Tumayo siya at dumeretso sa grupo ng magbabarkada. Napapakamot pa siya sa batok niya. Mukhang nahihiya.
Napaangat nang tingin ang mga nilapitan niya. Parang nakilala pa siya ng iba kanina. Tumingin siya sa amin at itinuro kami.
"Salamat. Ibabalik ko 'pagkatapos," nabasa kong sabi niya.
Bumalik siya at dala-dala na ang gitara.
"Ayos!" bulalas ni Calvin.
Kay Tine ibinigay ni Uno ang gitara. Napatingin ako kay Calvin at parang excited siya na makitang tumugtog si Tine. Hmm...
"Ano sa atin, beh?" tanong ni Tine habang ini-strum ang gitara.
"Isa lang naman iyong alam kong kanta na alam mo ring tugtugin, eh," natatawa kong sabi.
Madalas kasi kapag nasa bahay ako nila Tine, lagi kaming nagsa-soundtrip.
"Okay...okay. Alam ko na," nakangiti niyang sabi.
Napahawak naman ako sa towel. Kinakabahan ako. Mga kaibigan ko lang naman ang kakantahan ko.
Nagsignal si Tine at tumango naman ako. isa-isa ko silang tiningnan at lahat sila nakangiti sa akin.
"How many times that i'd pray you find me
How many wishes on the star
Gazing often to the dark
Dreaming i'd see your face
Saving home unafraid
Captured in your embrace"
Nasa gitara lang ako nakatingin at sa kamay ni Tine na nag-s-strum. Hindi kasi talaga ako sanay na lahat sa akin nakatingin.
"Sayang walang camera..." rinig kong bulong ni Harold.
"Ay, heto. Dali, i-video mo," bulong din ni Aya.
"So many times when my heart was broken
Visions of you would keep me strong
You were with me all along
Guiding my every step
You were all that i am
And i'll never forget"
Nagkatinginan kami ni Tine at parehong napangiti. Alam ko kasing paborito niya itong kanta. Inaral niya talaga ang cords nito noon, eh.
"It was you who first believed
In all that i was made to be
It was you looking in my eyes
You held my hand and showed me life
And i've never been the same since you first believed..."
Nag-thumbs up sa akin si Calvin at itinuro si Uno. 'Pagtingin ko sa kanya ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nagmamadali niyang iniwas ang tingin niya kaya napangiti ako.
"There were times when i'd thought i'd lost you
"Fearing forever was a dream
But it wasn't what it seemed
Placing your hand in mine
You could see in the dark
You were guiding my heart"
Humampas ang malakas na hangin sa amin kaya nagkalat ang buhok ko sa pisngi ko. Hinawi ko ito.
"How many times that i'd pray you find me
how many wishes on the star..."
Nang matapos akong kumanta ay pumalakpak ng malakas sina Calvin at Harold. Si Aya ay nakangiti lang sa akin. Napatingin ako kay Uno na nakayuko lang habang pinaglalaruan ang coke-in-can sa kamay niya.
"Ang lamig ng boses mo, Yanni. Nakaka-relax," sabi ni Aya. "At ang galing mo rin mag-plucking, Tine,"
"Nakaka-relax o nakakaantok?" natatawa kong sabi.
"Huwag mo ngang nilalapit ang talent portion natin, beh. Ang galing kaya natin!" Tine said giggling.
"Pareng Uno, ano? Magaling si Yanni, 'no?" sabi na naman ni Calvin.
Hinintay namin siyang magsalita pero tumayo lang siya. Haay. Nakaka-disappoint naman.
"Isasauli ko na ang gitara," sabi niya lang.
"Anyare do'n?" nagtatakang tanong ni Tine. Pareho kaming nagkibit balikat. Nakakapanibago talaga ang mga moods ni Uno.
Alas tres na 'ata kami bumalik sa kuwarto namin. Dahil hindi pa naman kami inaantok lahat ay nanuod muna kami ng movie. Horror ang palabas sa Star Movies kaya wala kaming choice dahil kaunti lang naman ang channel sa TV ng hotel room.
Nakaupo kami ni Aya sa kama ni Tine habang ang boys ay sa kama ni Aya.
A Nightmare on Elm street ang pinapanuod namin. Patay ang ilaw kaya tanging ang TV at cellphone ko lang ang nagbibigay ng ilaw sa loob. Nagreply kasi ako sa text ni Ate. Kanina ko pa kasi siya hindi nire-reply-an.
"Parang ayaw ko nang matulog!" rinig kong sabi ni Tine. Nasa unahan ko siya at nasa likod kami ni Aya. Siya ang taguan namin kapag nagpapakita si Freddy Krueger.
Umilaw ang phone ko at nakita kong may nagtext.
From Uno:
Maganda ang boses mo, Yanni.
Napakunot noo ako at biglang napatingin sa kanya. Ibinaba niya ang phone niya at muling tumingin sa TV. Bakit niya iyon tinext? Hindi niya ba puwedeng sabihin na lang kanina?
Ayaw ko sana mag-reply kaso nakikita kong pasulyap-sulyap siya sa phone niya.
To Uno:
Salamat. Manuod ka lang dyan.
From Uno:
Napanuod ko na kasi 'yan.
To Uno:
Talaga? Ano ang ending?
From Uno:
Movie credits.
To Uno:
Haha, alam ko!
From Uno:
Mamaya mapapanaginipan mo si Freddy.
To Uno:
-___-
From Uno:
Joke lang.
To Uno:
Bakit ba tine-text mo ako? Halos magkatabi lang tayo.
From Uno:
Baka kasi maistorbo sila.
To Uno:
Sabagay...
"Hoy! Bakit ka nakangiti, ha, Yanni? Horror po itong pinapanuod natin," untag sa akin ni Tine nang mag commercial break.
"H-ha?!" gulat kong sabi. Tutok na tutok kasi ako sa phone
"Sino ka-text mo?" pag-uusisa niya.
"Si Ate!" agad kong sagot.
"Ganitong oras?" nagdududang tanong ni Aya.
Pa-simple ko namang dinelete ang conversation namin ni Uno sa phone ko.
"Patingin!" inagaw ni Tine ang phone ko.
"Akin na—"
"Ate Moira...Russel... Ka-text mo si Russel?" bulalas ni Tine.
"H-hindi 'yan noong—"
"Kanina pa itong text ni Ate Moira, eh. Si Russel naman nag greet lang good evening." Sabi pa ni Tine habang nag-s-scan ng phone.
"Akin na nga," kinuha ko ang phone ko at agad namang binigay ni Tine.
Muling tumahimik ang kuwarto nang matapos ang patalastas. Itutuon ko na sana ang attensyon ko sa movie nang muling umilaw ang phone ko.
From Uno:
You deleted my texts? Anong masama kung malaman nilang ka-text mo ako?
Instead of replying ay ni-lock ko ang phone ko.
Oo nga naman, Yanni. Wala namang masama, 'di ba?
From my peripheral view, nakita kong tumayo si Uno at umakyat sa bed niya.
"Matutulog ka na?" tanong sa kanya ni Calvin. Isang tango lang ang isinagot niya bago humiga.
***
After lunch kami bumyahe pauwi. Same sitting arrangement. Kaya kahit nararamdaman ko ang indifference sa akin ni Uno ay hinayaan ko na lang. Kaninang madaling araw lang ay tinetext niya ako tapos bigla na lang mag-iiba ang timpla niya.
Lahat ay inaantok at pagod kaya lahat kami ay nakatulog. Hindi ko na nga rin napansin na nadaanan namin iyong bituka nang manok. Iyon kasi ang pinakaayaw kong daan kasi nahihilo ako.
Nagising lang ako nang tinapik ako ni Aya. Nasa isang gasoline station kami at convenience store.
"Magsi-CR kami. Sama ka?" tanong niya. Wala si Uno sa tabi ko. Bumaba rin.
"Sige," sabi ko.
Tahimik kaming tatlo na nag-CR. May binili pa si Tine at Aya sa store kaya dumeretso na ako sa van.
Naabutan ko si Uno sa likod ng van sinisipa-sipa ang maliit na bato sa kinatatayuan niya.
Lalagpasan ko lang sana siya pero nagulat ako nang hilain niya ako papunta sa kabilang side ng van. Napaka-higpit ng hawak niya sa akin at hindi ko magawang bumitaw sa kanya.
"Uno—"
He cornered me using his arms. Nakayuko siya sa akin habang seryosong nakatingin. Hindi ko mabasa ang isipan niya. Para siyang hindi si Uno.
Ang lalim ng paghinga niya. bumababa taas ang lalamunan niya. Napapapikit din siya ng mariin. Ano bang nangyayari sa kanya?
"H-hindi ko na kaya..." bulong niya.
Napakunot-noo lang ako sa sinasabi niya.
"You're frustrating, Yanni. You frustrate the hell out of me!"
Pagkasabi niya noon ay umalis siya. Mabilis siyang naglakad papasok sa convenience store.
Naiwan akong nakatulala sa gilid ng van.
Nauna akong sumakay sa van. Hindi ko alam kung gugustuhin kong makatabi pa si Uno. Bakit bigla na lang siyang nag-iba?
Sa upuan ako ni Calvin naupo. Mabuti nga at napilit ko siyang sa tabi ni Uno maupo. Ang sinabi ko na lang ay nahihilo ako sa likod.
"Okay ka lang?" mahinang tanong sa akin ni Harold nang umandar ang sasakyan.
Isang simpleng tango lang ang isinagot ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang mararamdaman ko sa pinakita sa akin ni Uno.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top