Chapter 1 - First Day of School

Chapter 1 – First Day of School

Year 2012

"Yanni, tabi tayo!" bulong sa akin ng bestfriend kong si Christine Mendrez o mas kilalang Tine.

Sa ikatlong column kami naupo. Mabuti nga at magka-klase kami. Paano ba naman kasi, 'yong ibang kaibigan namin ay nalipat sa mas mataas na section. Late enrollee kasi kami ni Tine kaya napunta kami sa third to the last section. Mayroong sampung section kada year at hindi naman basehan ang talino kung saang section ka mapupunta. Ang basehan ay kung kailan ka nag enroll. Well, except sa mga SSC, sila lang ang reserved na sa star section.

"Sino kayang adviser natin?" tanong ko habang nakapangalumbaba. Pinagmamasdan ko lang ang mga bago kong ka-klase na pumasok sa room. Naramdaman ko naman ang mahinang pagsiko sa akin ni Tine kaya napatingin ako sa kanya.

"Shet, beh! Ka-klase natin si Aya!" bulong niya kaya napatingin ako sa unahan namin.

Si Hyacinth o mas kilalang Aya ay masasabing sikat sa buong campus dahil sa kanyang beauty and brain. Mabait naman daw siya pero nakaka-intimidate kasi ang aura niya. She always look fierce and chic in every way.

"Bakit siya nandito?" rinig kong sabi ng classmate namin.

"Na-late raw kasi sa pag enroll," sabi pa ng isa.

"Eh, 'di ba mayaman siya?"

"Aba malay ko!"

Pareho kaming napailing ni Tine sa mga chismosa naming ka-klase. Kahit saan 'ata talagang section ako mapunta ay lagi na lang may mga chismosa.

Maarteng nakasaklay sa kamay ni Aya ang bag niyang sa tingin ko ay mamahalin. Isa-isa niyang tinitingnan ang bawat row at para bang pinipili niya kung saan niya gustong maupo.

"Hah!" sabi niya at sa amin siya nakatingin ni Tine.

"Beh, bakit sa atin siya nakatingin?" bulong sa akin ni Tine.

"Hindi ko alam," sagot ko rin.

"Hi, puwede bang makitabi?" nakangiti niyang sabi. Hindi nakasagot si Tine kaya ako ang tumango.

"Dito," itinuro ko ang sa left side ko na wala pang nakaupo.

"Thanks!" she said sweetly. Nagkatinginan lang kami ni Tine at parehong nagkibit balikat lang.

"Hey! Saan ka na ba?" rinig kong sabi ni Aya kaya pa-simple akong lumingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko kasi may kausap siya sa phone. Hindi niya ba alam na bawal ang cellphone sa classroom or kahit sa labas ng classroom? Kailangan mo itong iwan sa guard house. Isa kasi iyan sa policy ng school.

"Bilisan mo kasi male-late ka na. Ayaw mo naman sigurong na sa'yo ang lahat ng attensyon, 'di ba? Okay, ingat!" natapos ang call at binuklat niya ang isang makapal na libro at halos manlaki muli ang mga mata ko kasi sa gitna ng mga pahina ng libro ay may butas na kasing size ng cellphone niya. Inilagay niya roon ang phone niya saka ibinalik ang libro sa bag. What a wise girl!

Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya nginitian niya lang ako.

"That will be our little secret," then she winked. Naiilang na napatango ako sa kanya. Kakaiba pala ang babaeng ito. "By the way, my name is Aya. And you are?"

"Yanni,"

"Tine!" singit naman ng bestfriend ko at nakita kong tumawa ng mahina si Aya. Grabe ang ganda-ganda niya. Hindi ko alam kung nagpakulay siya ng buhok pero medyo brown kasi ito. Ang kinis din ng kutis niya tapos may nail art ang kuko niya.

Slim na matangkad si Aya. Hugis puso ang kanyang mukha na bagay sa kanyang manipis na labi at matangos na ilong. Parang almond ang shape ng mga mata niya at hindi ko rin mawari kung itim ba o brown ang kulay ng mga mata niya.

"Nice to meet you both. Nga pala, may mga locker na ba kayo? Nakalimutan ko kasing humingi ng susi last time I enrolled," nagkatinginan lang kami ni Tine dahil sa sinabi niya.

"Wala kaming locker," sagot ni Tine.

"Ha? Bakit?" nakakunot noo niyang sabi.

"We can't afford it," ako naman ang sumagot.

"Ah? Oh. I'm sorry," parang nahihiya niya pang sabi.

"Naku, okay lang," sabi naman ni Tine at tumango ako.

"Medyo may kamahalan nga kasi talaga ang locker dito," nakiki-simpatya niyang sabi.

Hindi kasi libre ang pag-gamit ng locker dito sa university. Two hundred fifty per month at nasasayang ako sa ibabayad ko. Pamasahe ko na iyon for one week. Hindi naman kasi kami mayaman. Isang teacher si Mama sa public school at si Papa ay retired Police. Two years ago lang kasi siya nagretiro kaya hindi pa niya makukuha ang pension niya. Iyong retirement fee naman na nakuha niya ay nawaldas sa maling paraan. Nag-invest kasi si Papa sa isang cooperative pero itinakas lang nang manager ang pera. Sa sobrang sama ng loob ni Papa ay inatake siya sa puso. Kaya nagkapatong-patong ang utang ni Mama sa paglo-loan. Mabuti nga at si Ate ang nagpapa-aral sa akin, eh. Kaunti na lang kasi ang sinu-suweldo ni Mama kasi ang daming kaltas sa sahod niya.

Natutuwa ako kay Aya kasi ang dami niyang kuwento sa amin. Mali pala ang pagkakakilala ko sa kanya. Oo may pagka-mataray talaga siya pero sa mga hindi niya lang kilala. Kapag naging ka-vibes na niya ang isang tao, doon mo makikita ang totoo niyang ugali.

She's a chatter pero may sense ang mga pinagsasabi niya.

Natigil lang siya sa pagsasalita nang mapalingon siya sa may pintuan. Her eyes brightened at lumapad ang ngiti sa labi niya.

"Uno!" tawag niya rito at napalingon ang matangkad na lalaki.

Lumapit ito sa amin habang nakayuko. Namumula ang kanyang tenga habang nakahawak sa strap ng kanyang backpack. Dumaan siya sa amin at tumabi kay Aya.

"Mabuti at hindi ka na-late," rinig kong sabi ni Aya.

Transferee kaya siya? Bakit hindi ko siya nakikita noon? Kaano-ano ba siya ni Aya?

"Next time sabay na tayo," sabi pa ni Aya.

Dumating ang adviser namin na Aral Panlipunan pala ang subject. Nagpakilala lang siya and it was our turn to introduce ourselves.

Biglang nanlamig ang mga kamay ko. May rason kung bakit si Tine lang ang kinakausap ko. Iyon ay dahil mahiyain ako. At ito ang moment sa first day of school na ayaw na ayaw ko. Hindi ba puwedeng magpapasa na lang kami ng papel na may pangalan at tatawagin kami isa-isa tapos tatayo lang o itataas ang kamay? At ang nakakainis pa, paulit-ulit itong mangyayari hanggang sa last subject.

"Beh, ikaw na," bulong sa akin ni Tine kaya tumayo na ako para pumunta sa upuan. Puwede bang magpakilala na hindi umaalis sa upuan?

"My name is Yanni Madrid, 15 years old, from Carolina, Naga City," madali kong sabi at agad na bumalik sa kinauupuan ko. Sunod na tumayo si Aya at lahat nang mata ay sa kanya nakatingin lalo na iyong mga lalaki.

"Hyacinth Ceslao, 15, from Naga Sub," maikli niyang sabi at saka bumalik sa kinauupuan niya.

Nakayukong tumayo ang lalaki katabi ni Aya at saka pumunta sa unahan. Nang mag-angat siya ng tingin ay doon ko napagtanto na singkit siya.. Napaka elusive ng kanyang mata at lagi lang siyang umiiwas ng tingin sa lahat. Payat at matangkad pero napaka neat niyang tingnan. Baby face at medyo brown ang buhok kagaya ni Aya.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"My name is Uno Miguel C. Ong, 16, from Naga Sub,"

"You're the transferee, right?" tanong ng adviser namin at tumango naman siya.

"Opo,"

"Saang school ka galing?" tanong pa ni Ma'am.

"My school last attended was in La Consolation College," mahinang sagot niya.

"Ah, the catholic school," na sabi ni Ma'am at saka na bumalik si Uno sa tabi ni Aya.

Aya told us na pinsan niya sa father side si Uno. Kapatid ng Daddy niya ang Mommy ni Uno. Pansamantala raw itong nakatira sa kanila kasi may sakit ang mother nito at sumama ang father niya para ipagamot ito sa estates.

Hindi pa tapos ang first day of school nang magkaroon na nang mga barkada si Uno. Lumipat na rin siya ng upuan kasi agad niyang naka-close ang mga kaklase naming lalaki. Si Aya naman ay katabi pa rin namin. Well, except sa Physics and Filipino kasi mayroon sariling seat arrangement ang iba sa teacher namin.

Pareho kaming hindi umuuwi ni Tine kapag tanghali kaya nag lunch kami sa canteen. Lagi akong may baon na ulam kaya kanin lang ang binibili ko.

Pareho na kaming kumakain ni Tine nang makita ko si Aya na may dalang tray. She was being invited by her original circle of friends pero nakita kong umiling siya. Nagulat na lang ako kasi papalapit siya sa amin.

"Puwede makiupo?" nakangiti niyang tanong.

"Sure! Seatmate ka kaya namin," sabi ni Tine at tumawa lang si Aya.

"Bakit hindi ka sumabay sa kanila?" curious kong tanong sa kanya.

"Kayo na ang classmate ko kaya dapat lang na sa inyo ako suma-sama," kibit balikat niyang sabi.

"Iyong pinsan mo pala?" tanong ni Tine.

"Si Uno? Kasama ng mga new friends niya. Mabuti nga at nakahanap agad siya ng mababarkada. Akala ko nga mabu-bully ang lalaking iyon,"

"Mukhang okay naman kasi siya. Hindi naman siya weird. Natural lang sa isang new comer ang maging tahimik," sabi ni Tine at napatango naman ako.

"Sabagay... Uy, tulungan niyo akong ubusin 'tong ulam ko," turo niya sa kalabasa na may sitaw, adobong baboy, at mais con baboy.

"Diet ka?" natatawa kong sabi.

"Hindi. Mahilig akong lumamon, 'no. Hindi lang halata," pagmamalaki niya at pareho kaming natawa ni Tine.

_____________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top