PROLOGUE



Prologue

"I have a proposition to make, Ms. Madrid," my boss told me coldly. I was silently fidgeting my fingers. Shit lang! Sisisantehin na niya ba ako dahil nalaman niyang kumupit ng cheddar cheese sa walk-in refrigerator?

Kasi naman Moira, eh! Alam mo naman na may CCTV sa kitchen ay pumuslit ka pa papunta sa pantry! Pero wala akong magagawa, eh. Naglilihi talaga ako sa cheese!

"Sir, 'wag niyo po akong sisisantehin, please? Siguro po ay nakarating na sa inyo ang balita na buntis ako. 'Di ba po, sa labor code ng human rights ay bawal sisantehin ang buntis lalo na kung tinakbuhan ng walang balls na boyfriend?!" I said exaggerating every word.

Alam kong hindi ako naging mabuting employee at panay ang absent ko dahil sa aking bakulaw na ex-boyfriend. Pero sana talaga maawa siya sa akin kahit ngayon lang. Hindi alam ng pamilya ko na buntis ako at ayaw ko namang tumigil sa pagpapadala sa kanila ng pera sa probinsya dahil may sinu-soportahan pa akong mga kapatid na nag-aaral.

"I'm not going to fire you. I am not that heartless, Ms. Madrid. And I'm kind of disappointed because you think that low to me," sabi pa nito kaya mas lalo akong napayuko.

"Sorry po," mahinang sabi ko.

"As what I'm saying I want to make you a deal. A deal that you can't decline, in my own opinion," sabi niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ano po ba 'yon?" hopeful ko pang sabi.

"I want to claim the responsibility of your pregnancy. I will give your baby my name, support, and nourishment for a lifetime. All you have to do is to marry me and tell everyone that I am the father of your child."

My eyes fluttered with what he said. Parang gusto kong tumawag ng interpreter dahil hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya. Nabibingi na nga 'ata ako. Tama. Sabi sa akin ni Winnie, katrabaho ko na may anak na, humihina raw ang pandinig ng mga buntis sa hindi ko alam na dahilan.

"Ah, sir. Puwede pong pakiulit? Medyo hindi ko po kasi naintindihan, eh," sabi ko tapos tumawa ng mahina. Tiningnan naman niya ako ng matalim. Ang ganda pala ng mga mata niya. Kulay gray at napaka mysterious tingnan. Sana paglihian ko ang mga mata niya.

"Mamaya, after your shift, I want you to come back here in my office at pupunta tayo sa mall para bumili ng damit mo,"

"Damit po?" naguguluhan kong tanong.

"You will meet my family, Moira. You will meet the whole Sevilla Clan."

Matapos ang pag-uusap namin ni Sir ay lumabas ako sa kanya office. Doon lang nag sink-in ang lahat nang sinabi niya sa akin.

Gusto niyang akuin ang pagbubuntis ko? Gusto niyang akuin ang responsibilidad na tinakasan ng ex-boyfriend kong walang balls?

Hala! Bakit?!

*************

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top