Chapter 9 - The Province

Chapter 9 – The Province

Pumasok ako ngayon para mag-file ng leave of absence for para bukas dahil aalis kami ni Duncan papunta sa probinsya namin para sabihin sa family ko ang totoo.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Doble pa kesa nang ipakilala ako ni Duncan sa family niya. Natatakot akong malaman ni Mama na nagsisinungaling ako. Anak niya ako kaya alam kong makakaamoy siya ng hindi maganda.

Ang isa pang kinakatakot ko ay kung ano ang magiging reaction ni Papa. May sakit na siya at natatakot akong baka ako pa ang maging dahilan para mas lalong lumala ang sakit niya. And much worst, baka atakehin pa siya.

"Bess, gusto mo bang sumama ako? Nahihiya rin ako sa parents mo dahil no'ng lumabas tayong probinsya ay nangako akong aalagaan kita. Tapos ngayon ay uuwi kang buntis. Hindi ko mapigilang isipin na baka sisihin ako ni tita," nagbaba ng tingin si Lian at alam kong nagi-guilty talaga siya.

"Lian, bestfriend kita pero ang ganitong bagay ay hindi mo na hawak. Ilang beses mo akong binalaan noon tungkol kay Ace pero hindi ako nakinig sa'yo. Kasalanan ko ang lahat. At huwag kang mag-alala at ipagtatanggol kita kay Mama kung sakali man na maisip niya ang bagay na iyon," I smiled warmly at her.

"Sana talaga huwag nang bumalik si Walis. Masuwerte ang gagong iyon dahil may sumalo sa responsibilidad niya!" ramdam ko ang galit sa boses ni Lian at hindi ko mapigilang hindi mapaisip.

Ang huling sinabi sa akin ni Ace ay nangako siyang babalik siya. At natatakot ako kapag nalaman niyang ikinasal ako sa iba. Natatakot akong baka kunin niya sa akin ang baby ko.

No! Hindi niya makukuha sa akin ang mga anak ko. Wala na siyang papel sa buhay ko o sa magiging anak ko. Duncan took his place. At hindi ako mangingime na magsinungaling din sa kanyang si Duncan ang tunay na ama ng mga bata. I could tell him na nalaglag ang batang dinadala ko dahil sa sobrang sama ng loob.

And what if he asks for DNA? The other side of me asked.

Well, Duncan is rich. We could fake it.

But Wallace is a doctor. Pagdadahilan pa ng traydor kong utak.

And Duncan is a powerful person. Marami siyang impluwensya. At gagamitin niya iyon para hindi makuha ang mga anak namin!

***

Maaga ang flight namin pauwi ng Bicol kaya kahit antok na antok pa ang katawan ko ay pinilit kong gumayak. Handa na ang gamit ko at narinig ko na ang busina ng kotse ni Duncan. Gising na rin si Lian at siya ang nagluto ng agahan para sa akin. Pinagbuksan niya ng gate si Duncan habang ako ay kumakain sa dining table.

"—paborito iyon ng mga kapatid ni Moira. Tapos pasalubungan mo rin ng yema cake si Tita. Si Tito Manuel naman, well, mabait siya pero kahit nakatungkod na iyon kaya ka pa rin no'ng sipain palabas ng bahay nila kapag nagalit sila."

Natigilan ako sa pagsubo nang marinig ko ang mga pinagsasabi ni Lian kay Duncan. Simula nang maging parte siya ng buhay namin ni Lian ay naging close na rin sila. Akala mo nga ay hindi niya boss ang kausap niya, eh.

"I'll keep that in mind," nakangiting sabi ni Duncan. At palangiti na rin ang boss namin. At mas bagay sa kanya ang gano'n.

Tumayo na ako at nag toothbrush. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin bago ko hinarap si Duncan. He was wearing a blue jeans and a navy blue v-neck shirt. Napalunok lang ako dahil may tendency na naman na parang gusto ko siyang yakapin. Nakakahiya na sa kanya. Baka isipin niya ay pinagsasamantahan ko siya.

"Bess, gayak ka na. Baka ma-late kayo sa flight niyo," untag sa akin ni Lian at gusto ko siyang pasalamatan dahil pansalamantalang nawala ang urge ko na yakapin siya.

Kinuha ko lang ang travelling bag ko sa kuwarto saka ako lumabas na. Kinuha naman sa akin ni Duncan ang bag ko at inilagay sa compartment. Sumakay kami sa backseat dahil may driver pala siya ngayon.

Kumaway lang ako kay Lian sa may bintana habang papaalis na ang kotse. First time in three years kaming mapaghihiwalay ng bestfriend ko ng isang linggo. At sa pagbalik namin ay isasama na namin ang family ko dahil next, next week ay kasal na namin.

Nagulat ako nang hawakan ni Duncan ang kamay ko. And as if on cue, ay isinandal ko naman ang ulo ko sa braso niya.

***

Namulat ako nang maramdaman kong marahang tinapik ako ni Duncan sa balikat. Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang mapagtanto ko kung na saan na kami. How the hell did I get in here? Bakit nasa eroplano na kami?!

"Binuhat kita kanina dahil ang himbing na nang tulog mo. Put your seatbelts on, the plane will land in minutes," sabi niya nang mapansin niya 'atang disoriented pa ako.

"Ah..." walang lumalabas na boses sa bibig ko.Bukod sa nanunuyo ang lalamunan ko ay pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko. Nakakahiya dahil binuhat niya pa ako.

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba ang pagkakatulog ko habang nasa himpapawid dahil ngayon na pababa na ang eroplano ay pakiramdam ko ay nagkanda-buhol-buhol na ang tiyan ko. Hindi ako sanay na sumakay sa eroplano dahil sanay akong bus lang ang sasakyan kapag umuuwi. Sa katunayan ay ito ang unang beses na sumakay akong eroplano.

"Are you okay?" bulong sa akin ni Duncan at tumango lang ako. Kaya ko pa naman. Medyo nahihilo lang ako.

Pagbaba namin sa airport ay agad akong pumunta sa comfort room. Ah! I think I'm gonna throw up! Pumasok ako sa isang cubicle at do'n ko inilabas ang lahat. Mabuti na lang ay walang tao sa loob ng CR. Nakakahiya pa. Lumabas akong cubicle at naghilamos. Putlang-putla ang mukha mukha ko pati ang labi ko. Hindi ko rin alam kung bakit parang naging nest itong buhok ko.

"Ano ba 'yan, Moira. Nakakahiya kang buntis ka," pagalit ko sa sarili ko habang sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko.

Kinuha ko ang lipbalm ko at ipinahid sa lips ko. Naglagay din ako ng polbos sa mukha at itinali ko ng mataas ang buhok ko. Ayaw ko namang humarap kila Mama na ganito ang hitsura. Hindi porket buntis ay papabayaan na ang panlabas na anyo.

Bumili lang ako ng mineral water at saka ko pinuntahan si Duncan na naghihitay sa arriving area. I gave him an apologetic smile at tumango lang siya sa akin. Grabeng abala na ang ginagawa ko sa kanya.

"Pansensya na," sabi ko.

"Come on. May naghihintay nang taxi sa atin," he said. I just nodded and followed him.

Lumabas kaming Naga-Pili airport at may naghihintay nang taxi sa amin at isinakay ni Duncan ang mga bag namin sa likod.

"Saen kita, boss?" tanong ng taxi driver habang nakatingin kay Duncan. Nangunot noo naman ang noo niya at alam kong hindi niya naintindihan ang sinabi ni manong.

"Sa Naga po, manong. Sa Carolina," sabat ko at agad na tumango ang driver.

"Nakalimutan kong nasa Bicol na pala tayo," bulong sa akin ni Duncan at natawa lang ako.

"Iba ang salita dito sa amin. Pero huwag kang mag-alala, tagalog ang second language dito. At ako ang magiging interpreter mo," nakangiti ko pang sabi at tumango naman siya.

It took us twenty minutes bago nakarating sa downtown ng Naga. Nagpahinto si Duncan sa isang bakeshop at pagbalik niya ay may dala na siyang polvoron at yema cake.

Medyo mahaba ang drive papunta sa Carolina. Some of us calls it 'little Baguio' dahil laging malamig ang klima doon. Paakyat siya ng bundok pero maganda ang daan. Malapit lang kasi iyon sa Mt. Isarog at marami ring Spring resort sa amin.

Pa-simple kong tiningnan si Duncan na aliw na aliw sa nakikita niya. Summer na kaya maganda ang rice field. Ang Carolina ay isa sa mga pinag-aangkatan ng mga gulay, prutas, at bulaklak sa Naga. Maganda at malinis ang kapaligiran at hindi gaanong polluted.

"I've never been to Province like this before," sabi niya tapos tumingin sa akin.

"Talaga?" hindi ko mapigilang masabi.

"Lagi akong out of the country o kung pupunta naman kaming province ay mga Cities ang napupuntahan namin," sabi niya at napangiti lang ako.

"Actually, Metro na ang tawag sa Naga, kagaya sa Manila. May night life rin dito sa Magsaysay Ave. at sa Panganiban drive. Itong baranggay Carolina ay isa sa mga preserved baranggay sa Naga dahil nga nasa bukid na. Alam mo bang wala ka nang makikitang tao rito kapag alas otso na nang gabi?" sabi ko at nakita kong nagseryoso ang mukha niya.

"Why is that?"

"Kasi..." inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya. "May asawang dito," bulong ko.

"What?!" he incredulousy said. "Then why are we here? It's not safe for you here! Buntis ka pa naman!" nag-aalala niyang sabi. Nakagat ko lang ang pang-ibabang labi ko at pinipigilan ang tawa.

"Moira, we could check-in in the hotel. Bibisitahin natin ang parents mo tapos babalik tayo sa downtown!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagalpak na ako sa tawa. He was so gullible and innocently handsome.

"Joke lang," nakangiti kong sabi tapos nag peach sign pa.

"That's not funny!" he hissed that made me laugh harder.

"Nakakatuwa ang mukha mo,"

"You're making fun of me?" paghahamon niya kaya itinikom ko ang bibig ko.

"Nire-relax lang kita. Baka kasi takot kang makilala ang parents ko," biro ko pero inismiran niya lang ako.

"I'm not scared. And don't joke again. Hindi nakakatawa," he said with a huff.

"Manong sa km. 13 kami," I said when I saw the elementary school.

Nagpara ang taxi at bumaba na kami ni Duncan. Tanghali na at tirik na rin ang araw pero ramdam ko ang malamig na lamyos ng hangin.

Sabay kaming naglakad papasok sa maliit na kalye papasok sa bahay namin. Ang bakod namin ay gawa lang sa kawayan. Sa labas nito ay may mga dwarf santan at sa loob naman ay may mga bougainvillea. Ang bahay namin ay namana pa ni Papa sa kanyang mga ninuno kaya luma talaga siyang tingnan. The usual kastila house na bihira nang makita ngayon.

Naririnig ko ang boses ng mga kapatid ko sa likod ng bahay namin at alam kong naglalaro sila. Nakabukas ang main door sa taas at pumapailanlang ang paboritong musika ni Papa.

"Dapat pala nagsuot ako ng maluwang na damit. Nakakahiya na hindi pa nga tayo nakakapagpaliwanag ay mahuhulaan na agad nilang buntis ako," mahinang sabi ko kay Duncan. Tumigil siya sa paglalakad at may kinuha sa loob ng bag niya.

"Here," iniabot niya sa akin ang hooded jacket. "Wear this. Matatakpan niyan ang tiyan mo," sabi niya kaya tumango ako. Agad ko iyong sinuot at isinara ang zipper. Dahil malaking lalaki si Duncan kaya sobrang luwang sa akin ng jacket.

Hinapit niya ang bewang at narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. Ginaya ko siya at saka kami umakyat sa bahay.

"Mama! Papa!" tawag ko nang makaakyat kami sa balkoknahe ng bahay.

"Are they home?" bulong sa akin ni Duncan.

"Oo. Baka nasa bakuran lang sila," sabi ko at tipid na ngumiti. Inilapag namin ang bag namin sa salas at nakita kong iginala ni Duncan ang paningin niya.

"You're home is cozy," tipid niyang sabi.

"Dito ka lang. Pupuntahan ko sila as bakuran," bago pa siya umangal ay tumakbo na ako papunta sa kusina. May pintuan do'n at hagdan pababa. Natanaw ko sa hindi kalayuan sina Yanni na sumunod lang sa akin at si Eli na bunso namin at nag-iisang lalaki. May kambal sana si Eli kaso namatay siya matapos ipanganak. Kaya alam kong may lahi talaga kaming pamilya ng kambal. Iyon nga lang, triplet itong sa akin.

"Yanni! Eli!" tawag ko sa kanila at pareho silang natigilan sa kanilang ginagawa.

"Ate!!" sabay silang tumakbo palapit sa akin at umakyat sa kusina. Niyakap nila ako pareho at mabuti na lang ay iniwas kong maipit nila ang tiyan ko.

"Si Mama at Papa?" tanong ko.

"Nasa kuwarto si Papa, si Mama nagluluto iyon, eh," napapakamot na sabi ni Eli.

"Ano ba'ng ginagawa niyo sa bakuran at tanghali tapat?"

"Inutusan kasi kami ni Mama na pakainin ang baboy, ganso, at mga pato," sagot naman ni Yanni.

"Kumain na ba kayo? May dala akong—"

"Para habon ika, bakong iyo?!"

"You've mistaken, Sir,"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Papa at ni Duncan.

"Hala!" agad akong tumakbo papunta sa salas at naabutan ko si Papa na nakaduro ang baston sa guwapong mukha ni Duncan. Napaka-kalmado naman ng mukha ng huli at alam kong hindi niya naintindihan ang sinabi ni Papa. Si Mama naman ay nasa likod ni Papa at pinipigilan ito sa gustong gawin ng asawa.

"Papa, kaibanan ko iyan!" sigaw ko.

"Moira?" unti-unting lumambot ang mukha ni Papa nang makita ako.

"Anak..." rinig kon sambit ni Mama.

Agad akong lumapit sa kanila at nagmano. Sinenyasan ko si Duncan na magmano rin kay Mama at Papa at malugod naman niyang ginawa.

"Si isay ini, Moira?" malumanay na tanong ni Mama.

"Ma, Pa, boss ko po, si Sir Duncan Magnus Sevilla. Duncan, sila ang parents ko. Tapos sila ang mga kapatid ko, si Yanni at Eli," I said trying to calm my voice. Kinakabahan akong mahalata nila ang tiyan ko.

"Ay, pasensya ka na, hijo. Akala ko ay magnanakaw ka. Boss ka pala ni Moi-moi?" sabi ni Papa.

"Ah, yes, sir," magalang na sabi ni Duncan.

"Kumain na ba kayo, hijo?" nakangiting sabi ni Mama. Napailing na lang ako sa ngiti ni Mama kasi alam kong naga-guwapuhan siya kay Duncan.

"Ay, hindi pa po, ma'am, But we have a pasalubong, here. Lian told me that you like yema cake and polvoron?"

"Polvoron!" masayang sigaw ni Yanni at Eli. Well, paborito nila 'yan. Kinuha ng dalawa ang kahon ng yema cake at polvoron. Lumapit naman ako kay Duncan at parehong nagtatakang tumingin sa akin si Mama at Papa.

"Ma, Pa. Si Duncan po, fiancé ko. At ikakasal na kami sa susunod na linggo," hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas na loob para sabihin iyon pero kapag katabi ko si Duncan ay lumalakas talaga ang loob ko.

"Ikakasal? Teka nga, akala ko ba boss mo siya?" seryosong tanong ni Mama. Si Papa ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Alam kong pinagmamasdan niya ako. Unti-unti ay may gumapang na kaba sa dibdib ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila.

"It's not the first time that a boss had fell in love with an employee," sagot ni Duncan tapos ay tumingin sa akin. "You have a very lovely daughter, Sir, Ma'am. And I intend to marry her with or without the baby,"

"Baby?" chorus na sabi ni Mama at Papa. Pero wala sa kanila ang attensyon ko dahil hindi ko kayang bumitaw sa mga titig ni Duncan.

His words. His stare. Para bang gusto kong maniwala sa lahat ng sinabi niya.

"Buntis ka, Moira?" I heard Mama said at ang kuryenteng namumuo sa pagitan namin ni Duncan ay biglang naputol at napunta kay Mama at Papa ang tingin naming dalawa.

Slowly, I unzipped the jacket and take it off. I heard them gasped with horror at hindi ko na napansin ang mga kapatid kong nakikinig lang sa usapan.

"Ma, Pa, sorry po," nakayuko kong sabi.

׽(

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top