Chapter 8 - The Sevilla Clan

Chapter 8 – The Sevilla Clan

The first week of my second trimester was so... how would I put it into words? So maarte? Oo, ang arte-arte ko. Moody, madaling mairita, at madaling magutom. Halata na rin ang baby bump ko kaya nagsi-civilian na ako sa work. Nasanay na rin ang mga tao na lagi kong kasama si Duncan. Hindi ko nga alam kung nagagampanan ko pa ng maayos ang trabaho ko kasi madalas ay nasa office ako ni Aina dahil gusto niyang kausap ako lagi.

Napag-usapan naman namin ni Duncan na within this month gawin ang kasal. Ang sabi ko nga kahit simple lang kasi nakakahiya na kung maglalakad ako sa altar na malaki na ang tiyan. Balak na rin naming bisitahin ang family ko at ipaalam sa kanila ang kalagayan ko. Nako-konsensya na nga ako kasi hindi ko sa kanila sinasabi ang totoo.

"Na sabi na ba sa'yo ni Kuya?" excited na bungad sa akin ni Aina habang nilalagay ko sa menu rack ang menu books.

"Na ano?"

"Gusto niyang mag half day ka lang kasi sasamahan kitang bumili ng susuotin mo para mamaya," she said then giggled.

"May damit naman ako, eh," nakakunot noo kong sabi.

"Nah uh. Alam mo bang hindi lahat ng Sevilla family ay mababait? Pangunahan na kita, future sister-in-law, may mga spoiled bitch akong mga pinsan na pinalaki ng mga matapobre kong uncles and aunties. So believe me when I say na kailangan mo ng magandang damit. Don't worry, ako na ang bahala sa'yo," nakangiti niya pang sabi.

And yes. I will be meeting the entire Sevilla Clan mamayang gabi. Ia-announce na rin kasi ni Duncan ang pagpapakasal namin. Gaganapin ang party sa Sevilla mansion kung saan lumaki si Duncan at Aina. Kinakabahan na nga ako, eh. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Though wala naman akong pakialam do'n kasi boto naman sa akin ang parents ni Duncan at Aina.

Natatakot din ako kasi alam kong itong kasinungalingan na binuo namin ni Duncan ay maaring mabulgar anytime. Kaya kailangan talaga naming mag-ingat. Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong sa close family lang ni Duncan ang makakaalam. Sevilla family is one of the powerful family in the city at hindi na ako magtataka kung malalaman nang lahat na ikakasal na ang magmamana ng Sevilla empire.

At ang kinatatakot ko ng sobra? Kapag nakaabot ang balita kay Wallace. Alam kong wala na siya sa Pilipinas pero may pakpak ang balita.

True to his words ay pinag-half day nga ako ni Duncan kasama si Aina. We went to a boutique and bought a maternal dress. It was a simple off shoulder white dress below the knee. Hindi gaanong halata ang tiyan ko dahil sa layered ruffles sa front ng damit.

Sa mansion ng parent nila ako nagbihis at nag-ayos. On the way pa lang si Duncan at paparating pa lang ang mga bisita. I simply tied my hair at my nape and put a light lipstick on my lip. Pinilit kong ngumiti sa harapan ng salamin. I can do this.

No you can't. Ka-buntis mong tao magsisinungaling kayo sa harap ng pamilya ng boss mo? Panenermun ng kabila kong utak.

Technically ay hindi naman talaga iyon pagsisinungaling. Parang kagaya lang iyon sa mga nababasa kong story sa libro. Papanagutan ng lalaki ang babae kahit hindi siya ang ama kasi mahal niya ang babae.

Eh, hindi ka naman niya mahal, 'di ba? Pareho kayong magbe-benefit dahil hindi mapupunta sa illigimate niyang kapatid ang mana at ikaw naman ay hindi na mamo-mroblema kung paano palalakihin ang mga magiging anak mo dahil may sasalo sa tinakasang responsibilidad ng magaling mong ex-boyfriend!

"Ugh! Stop over-thinking things, Moira. This is for the best," I said talking to myself.

Nakita ko sa salamin na nagbukas ang pinto kaya napatuwid ako sa pagkakaupo. Iniluwa nito si Duncan na nakasuot ng black long sleeves that was folded on his arms and a white trousers. Napansin kong bagong gupit siya at sobrang aliwalas ng mukha nito. Para bang ang sarap niyang yakapin. Nanggigil ako sa kanya. At parang sasama ang loob ko kapag hindi ko siya nayakap.

"Are you ready?" he asked while walking towards me. Tumayo ako para harapin siya.

"Siguro?" I said unsure but he just flashed his million dollor smile.

"Here, take this," may inilabas siya sa bulsa niya na isang pulang kahon. Nakatingin ang ako do'n at halos manlaki ang mga mata ko nang buksan niya 'to. "Ayaw kong magtanong sila kung bakit wala ka pang sing-sing," kinuha niya ang kamay ko at isinuot sa ring finger ko ang sing-sing. It was a silver band with single diamonds at the middle.

"Salamat," nakangiti kong sabi.

"Now, I want you to relax, okay? I have to warn you that some of my relatives are—"

"Sinabi na sa akin ni Aina, don't worry,"

"Good. Tara na at naghihintay na sila sa dining hall," hinigit niya ang kamay ko palabas ng kuwarto pero agad kong hinila ang kamay ko dahilan para matigilan siya.

"Bakit?" his handsome face was starting to form a crease kaya bago pa siya tuluyang mainis ay nilakasan ko na ang loob ko.

"Ano kasi... Ah, Duncan... M-may I... May I hug you?"

His eyes widened gaping at me. Hindi ko alam kung dala ito ng pagbubuntis ko pero gustong-gusto ko talaga ang amoy niya. Gusto ko siyang singot-singotin at pisil-pisilin. Maiiyak 'ata ako kapag hindi ko iyon nagawa.

Nang hindi siya magsalita at nakatingin lang sa akin ay doon ko naramdaman na nagtutubig na ang mga mata ko. Naiiyak ako. Shit naman, Moira. Why do you have to be so emotional?

"O-okay lang kung ayaw—" I didn't finish my sentence when suddenly he closed the gap between us. Ako naman ang nanlalaki ang mga mata dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap-yakap niya ako. Nakasubsob ang mukha ko leeg niya and I was able to smell his masculine scent.

"Next time, if you feel like hugging me, just do it, okay? If you feel like kissing me, then kiss me. I want you to be comfortable with me, Moira," he said while still hugging me.

Napangiti naman ako habang sinasamyo ng ilong ko ang bango niya. I tightened my hug and sniffed. I heard his soft chuckle. Ah! I can't help it!

"Pinaglilihian mo ba ako?" natatawa niyang sabi.

"Ang bango mo kasi," pag-aamin ko. Hindi man lang ako nakaramdam ng hiya. Kung siguro noon ay baka sa panaginip ay hindi ko iyon nasabi. Pero heto ako, nagiging dahilan para mas matawa itong lalaking magiging ama ng mga anak ko.

"I see,"

Bumitaw ako sa kanya at tiningnan ang mukha niya. Para bang aliw na aliw siya sa mga pinag-gagagawa ko. Nakakahiya na ba ako?

"Pasensya ka na,"

"Kung alam ko lang na ganito kumilos ang mga buntis, eh, 'di sana pala noon pa lang ay may binuntis na ako," napapailing niyang biro. Napanguso lang ako sa kanya.

Bumaba kaming kuwarto at dumeretso sa dining hall kung saan ay nandoon na ang relatives ni Duncan. Kagaya sa mayayaman na bahay ay mayroong long table sa dining hall kung saan nakaupo na ang mga bisita. May dalawang bakanteng upuan sa ginta katabi ni Aina. Ang maingay at masayang nagku-kuwentuhan ay biglang natahimik nang makita nila kami.

"Ah, you must be Moira?" anang ng isang babae na medyo may edad na. She was wearing a red satin dress with gold bangles and jewelries.

"She's my aunt Georgett," bulong sa akin ni Duncan.

"Ladies and gentlemen, let me introduce you to my soon-to-be wife, Moira Hylene Madrid,"

"So it's her," said the lady na sa tingin ko ay ka-edad lang ni Aina.

"She's very lovely, dear," ani naman ng babaeng tantiya ko ay nasa mid-fortys na.

"My son has an exquisite taste for a woman, isn't he?" masayang pahayag ng Mommy ni Duncan at hindi ko mapigilang pamulahan.

"Let's eat," ani ng baritonong boses at iyon ay ang boses ng Lolo ni Duncan. He was very old pero ang tikas pa rin ng katawan niya. Mr. Wiscon Sevilla was like an old version of Duncan. There was an air of authority that surrounds him kaya talagang mapapasunod ka sa lahat ng sasabihin niya.

Naupo kami ni Duncan sa tabi ni Aina. Hinawakan niya ang braso ko at pasimpleng pinisil iyon. Ang bigat-bigat ng tensyon na nakapaligid sa loob ng dining hall. Hindi ko rin alam kung makakakain ako ng maayos dahil pakiramdam ko ay bibilangin nila ang bawat subo ko.

"Tell me, Moira, child. Does your family know about you being pregnant?" agad na tanong ni Mr. Wiscon nang mai-serve ang pagkain.

"Hindi pa po. Pero sasabihin din naman po namin ni Duncan. We were planning this weekend po," magalang kong sabi.

"And where's your family?"

"From Bicol po,"

"Ah, so you're a Bicolana? Anong course naman ang—"

"With all due respect, Lolo. But my fiancée wishes to eat her dinner. Your interrogations can wait," biglang sabi ni Duncan at halos mahigit ko ang hininga ko dahil baka magalit ang matanda pero nagulat ako kasi tumawa siya.

"Same old, Duncan. Very well, enjoy the food, child." Tumango lang ako at nagsimulang kumain.

After that tension tingling dinner ay pumunta kami sa living room. Doon na ako binomba ng mga tanong ng aunties at pinsan ni Duncan at Aina. Halatang ingat na ingat sila sa bawat salitang binibitawan nila. Napag-alaman ko rin na si Duncan pala ang panganay sa lahat ng magpipinsan.

Hindi ko masasabing mababait ang mga pinsan nila. But they're just honest at syempre, knowing na galing sila sa mayaman na angkan kaya hindi na nakapagtataka kung spoiled brat ang iba sa kanila. Pinuna rin nila ang tiyan kong maliit daw despite sa pagkakaroon ng triplets. And one of them made a joke kung gaano raw kagaling ang dugong Sevilla dahil nagkaroon ng triplets. Kung alam lang nila.

Humiwalay sa akin si Duncan dahil kausap niya ang mga uncles niya. Nagulat na lang ako kasi nilapitan ako ni Mr. Wiscon at parang gusto ko na lang na tawagin pabalik si Duncan. Nakaka-intimidate talaga ang presense niya.

"Can I have a word you, child?" tanong niya at tumango naman ako. Like I have a choice, right?

Pumunta kami sa may veranda kung saan ay natanaw ko ang fountain na may old cherub sa gitna.

"I'll be honest with you, child. I really don't like you for my grandson. But since you're already pregnant, and I was raised by my parents to value life and family, I have no choice but to accept you as a new member of Sevilla Clan. But I have a favor to ask you," he trail off at tumingin sa likod ko. Sinundan ko naman ang tingin niya at nakita kong kay Duncan siya nakatingin. He was talking with his uncles. Nakapamulsa and I bet tungkol sa business ang pinag-uusapan nila.

"I want you to take good care of Duncan and your future family. Pinalaki ni Sergio ang anak niya kung paano ko rin siya pinalaki noon at alam kong bata pa lamang si Duncan ay ramdam na niya ang mabigat na responsibilidad niya sa kumpanya. Matigas ang puso ng anak ko at ginawa niya rin iyon kay Duncan. But please, huwag mong hayaan na gawin din ni Duncan sa magiging anak niyo ang pagpapalaking ginawa namin ng anak ko sa kanya. You ought to know that your children will be the next generation of Sevilla Empire. Raise my great-grandchildren with love. I know you are capable of that, child."

Hindi ako makakibo. I was being eaten by guilt. Hindi isang Sevilla ang batang dinadala ko. Ni katiting na dugo na galing sa kanila ay wala. At sa mga sinabi ni Mr. Wiscon ay parang gusto ko na lang na umiyak at aminin sa kanya ang lahat. Nako-konsensya na ako.

Umalis si Mr. Wiscon sa harap ko at naiwan akong nakatingin lang kay Duncan. Tumatawa siya paminsan-minsan tapos magiging seryoso. Bakit ba ako napasok sa ganitong klaseng problema? Alam kong mali pero bakit ako pumayag?

Napalingon sa akin si Duncan at nakita kong nagpaalam siya sa uncles niya at nilapitan ako.

"Why are you here? Mahamog na. Hindi ka dapat nagpapalamig," sabi niya at inalalayan akong pumasok sa living room.

"Duncan, pagod na ako. Puwede na ba akong umuwi?" I asked.

"Dito ka na lang matulog. Ayaw kong ihatid kang masyado nang late. You're not supposed to stay up late. Come on, I'll accompany you to your room,"

Dahil na rin siguro sa pagod kaya pumayag na lang ako. Sa dating silid na ginamit ko kanina ako hinatid ni Duncan. Ang laki-laki ng kuwarto at parang anytime ay mayroong magpapakita sa aking multo. Vintage kasi ang interior ng mansion.

"Ihihiram kita ng damit kay Aina. Mayroon pa naman 'ata siyang mga maluluwang na damit na puwedeng magkasya sa'yo," sabi niya.

Sandali siyang lumabas at pagbalik niya ay may dala na siyang mga damit. Inilapag niya iyon sa kama at tiningnan ko lang iyon.

"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka pa. Nasa tabi lang ang kuwarto ko," muli siyang lumabas ng silid at nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top